“HINDI PA RIN BA siya dumarating?” irita na tanong ni Frank kay Joemar, kanina pa siya paroo’t parito sa sala habang naghihintay kay Hazel. Ngunit gabi na ay hindi parin ito dumarating.Hindi ba talaga ito pupunta ngayong araw?SAMANTALA, hindi maintindihan ni Aling Fatima kung bakit bigla na lamang siyang pina-hatiran nila Joemar ng isang set ng Puzzle board. Ayon sa lalaki, bibigyan siya ng malaking halaga sa oras na mabuo niya ito.Hmmm… mukhang mabubuo ito sa loob ng isang linggo dahil maliliit na piraso lamang ito.Matanda na siya…. Ngunit hinahamon pa ni Joemar ang talas ng kanyang mata at memorya? Mapagbigyan nga ang binatang iyon. Isip-isip ng matanda na nagsisimula ng buohin ito.“ANO ANG IBIG MONG SABIHIN na hindi kayo magkasama ngayon?” “Mommy, I don’t know, okay? Sa tingin ko nawawala din si Hazel kagaya ko.” pinahid ni Aika ang pawis niya sa noon. Kanina pa siya narito sa palengke at paikot-ikot, hinanap na niya si Hazel ngunit hindi niya ito makita. Kahit ang mga tauhan
“BYE, Ate Rose! Ikamusta mo nalang ako kay Tita Freya. Hayaan mo, kapag may time ako ay bibisita ako sa kanya.” “Make sure you will do it, Hazel. Dahil kung hindi, sigurado ako na magtatampo sayo si mommy.” ani Rose bago sumakay ng kotse.Kumaway si Hazel dito hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Unexpected ang pagkikita nila pero inaamin niya na isa ito sa masayang ‘unexpected’ na nangyari sa kanya simula ng makabalik siya ng bansa. Kailan niya kaya makikita si Tita Freya?Napasinghap siya sa gulat ng tumama ang mukha niya sa dibdib ng isang lalaki ng pumihit siya paharap. Nabura ang ngiti niya ng makilala ito.Great. Ang magandang ‘unexpected’ na sinabi niya kanina ay napalitan agad ng isang ‘hindi nakakatuwang pagkikita.“Hazel—” Frank pursed his lips when Hazel immediately moved her hands away before he could reach it. Kanina lamang ay nakita niya na napakaganda ng ngiti nito, ngunit ng makita siya nito ay agad na nawala ang ngiti at kinang sa maganda nitong mukha ng makita
Bago tuluyang umalis ay tiningnan ni Hazel ng may pang uuyam si Yassie na lalong ikinagalit nito.Masama ang loob na tumingin siya sa nobyo. “Ano ‘yon, Frank? Hinayaan mo na pagsalitaan niya ako ng ganon?”“What are you doing here?” Tanong ni Frank imbes sagutin ang nobya. “I’m asking you, Yas! Sagutin mo ang tanong ko… ano ang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?”Hindi makapaniwala na tiningnan ni Yassie ang nobyo. “Bakit, Frank? Masama ba na puntahan ka—““You follow me without my permission! That’s a different thing!” Galit na sabi niya bago ito iniwan. “Saan ka pupunta? Wag mo sabihin sa akin na susundan mo na naman ang babaeng ‘yon?! Babe, naman! Bakit ba nagagalit ka sa akin ng ganyan? Hindi ba dapat sa babaeng ‘yon ka magalit dahil ang dami niyang arte? Humingi ka na nga ng tawad, umaayaw pa siya! Ang kapal talaga ang mukha ng babaeng ‘yon. Naging mayaman lang, akala niya kung sino na siya!“Nang mapansin ni Yassie na hindi siya pinapakinggan ni Frank ay humawak siya sa br
“MOMMY, hindi ko naman alam na sinadya niya pala akong iwan! Saka malay ko ba na kaya niyang gawin sa akin yon kahit magpinsan kami. Saka nakita mo naman di’ba? Ang bait bait niya kung titingnan, parang hindi kayang gumawa ng gano’ng bagay!” pagdadahilan niya sa mommy niya ng kastiguhin siya nito pag uwi. “Saka binalikan naman niya ako kaya safe ako.” “Ayoko ng mauulit ito, Aika? Naiintindihan mo ba?” Tumango siya. Nakarinig sila ng katok sa pinto. “Pasok!” ani Arcellie sa pag aakala na isa itong kasambahay. Ngumiti si Hazel sa mag ina. “Kakain na, Tita, Coz… kanina pa naghihintay si lolo.” “Kanina ka pa ri’yan?” tanong ni Arcellie sa dalaga, na ngumiti bago sumagot sa kanya. “Bakit? May dapat ba akong hindi marinig?” Natigilan si Arcellie. Bagaman nakangiti, iba ang dating ng ngiti ni Hazel para sa kanya. At hindi niya ito gusto. “Tara na, Aika– “Bakit hindi ka mag utos ng ibang tao para sundan ako?” “Excuse me?” hinarap niya ito sa naniningkit na mata. “Ang sabi ko… ba
TUMINGIN si Hazal sa name plate na nasa kanyang mesa. CEO; Hazel Montefalco. “Ma’am, nasa labas si Ma’am Aika–” hindi na hinintay ni Aika na matapos mag ulat ang secretary ni Hazel, pumasok na ito sa loob. “What the heck is wrong with her? Alam naman niya na pinsan mo ako, bakit hindi nalang niya agad ako patuluyin?” padaskol nitong nilapag ang ilang papes sa kanyang harapan. “Coz, i need your signature here to— “Next time, knock or inform anyone in this room before you enter. Wala tayo sa bahay, Aika.” “What? Kahit ako na pinsan mo?” Nag angat ng tingin si Hazel saglit, bago muling binalin ang mata sa pinipirmahan. “Katulad ng sinabi ko… wala tayo sa bahay.” Inis man, pinili ni Aika na iignora ang sinabi ni Hazel. Sa kanyang paglabas, napaawang ang kanyang labi, hindi lamang dahil nasalubong niya ang kanyang kaibigan na si Yassie, kundi dahil may kasama itong iba pa. Samantala, kinabakasan ng gulat ang mukha ni Hazel ng makita ang kanyang ama, kasama ang asawa nitong s
Pinamulahan ng mukha si Ian sa sobrang galit. “Ginamit ninyo ako para gawing baby maker ng anak ninyo… ginawa ninyo akong hay0p… anong klaseng magulang ka?” Si Aika na nakikinig, pinanlakihan ng mata at napasinghap pa. Si Frank na kadarating lamang ay nanigas sa kinatatayuan hawak ang bungkos ng bulaklak na kanyang dala para sa dalaga. Sa ikalawang pagkakataon, nakatikim ng sampal si Hazel, at mula na ito sa kanyang ama. Sa lakas ng sampal ay napaling ang kanyang mukha…namanhid ito at namula, nalasahan niya ang dugo sa loob ng kanyang pisngi. “F-Frank…” si Yassie ay nabigla ng makita ang nobyo na napakadilim ng mukha na nakatayo sa pintuan, nakatingin kay Hazel na ngayon ay nakabiling pa ang ulo at gumulo ng bahagya ang buhok sa lakas ng sampal na natamo. “Leave with your parents, Yassie… NOW.” Sanay siya sa malamig na tono ni Frank, ngunit sa pagkakataon na ito, nanginig si Yassie sa hindi malamang dahilan… batid niya na kapag hindi pa sila umalis ay may mangyayari na hindi mag
“What do you mean?” Ang takot na noo’y nakakulong sa kanyang dibdib ay muling nabuhay. No! Nabibingi lamang siya! Her fiance will never say those words to her! “Let’s end our relationship now. Hindi kita mahal, at alam kong ramdam at alam mo ito. Things between us is complicated, Yassie—“ “It’s complicated because you let it, Frank! Hindi magiging komplikado ang lahat kung hindi lamang ako ang nagsisikap na isalba ito!” Yumakap siya sa nobya ng mahigpit, “b-babe, what happened to you? Dahil ba ito sa inutos ko sayo noon? Hanggang ngayon ba ay galit ka parin sa akin dahil dito? I’m sorry, okay?” Hinawakan siya ni Frank sa balikat at bahagyang inilayo… at sinabi ang kataga na noon pa man ay kanya ng itinatanggi. “Hindi kita minahal… hindi kailanman.” Tumutulo ang luha ni Yassie kanina sa drama, ngunit ngayon ay tuluyan na itong tumutulo sa sakit ng kalooban niya. “H-hindi iyan totoo… m-mahal mo ako, Frank… mahal mo ako.” Yumakap siya sa bewang nito sa kabila ng kanyang p
“Hindi kami nagsisinungaling sa iyo, miss. Sa maniwala ka man o hindi, kaming mag asawa ay marangal na kumakayod para mabuhay, hindi namin magagawa ang bagay na binibintang mo… sa katunayan, kilala namin ang taong gumawa niyon sayo.” Nanlisik ang mata ni Aika. balak pa siyang paikutin ng mga ito. “Hindi ninyo mabibilog ang ulo ko! Anong palagay ninyo sa akin? Uto-uto?” lalong nag init ang ulo niya ng maalala ang sinabi ni Hazel sa kanya. “Hindi ninyo ako maloloko… mabuti pa ay sa presinto na kayo magpaliwanag!” Si Marga na narinig ang kumosyon ay lumabas ng clinic niya. Naabutan niya si Aika na sobra ang panlilisik ng mata. “Oh, Mr. Gozon? Anong kaguluhan ito? Aika?” Inis na tinuro sa kanya ni Aika ang mag asawa. “Naalala mo ang lalaking kinuwento ko sayo na nang-snatch ng cellphone ko? It’s him, Marga! That bastard took my phone! He’s a thief!” “Natawagan mo na ba si Spencer?” tanong ng babae sa kanyang asawa. “Yes, hon. Parating na siya.” “Aika, calm down, okay— “Look, Marg