LIKE 👍
NAKANGITING pinagmasdan ni Hazel ang sarili niya sa salamin. Masigla ang awra niya hindi katulad nong nakaraan. Siguro ay dahil okay na sila ni Frank. Tatlong araw na rin simula ng magkaayos sila. At sa loob ng tatlong araw na ‘yon ay napansin niya na naging extra sweet sa kanya ang binata. Siguro ay bumabawi ito sa kanya dahil sa nangyari netong mga nakaraang buwan. “Hazel, maganda ka na, okay. Ako ang nahihilo sa kakaikot mo eh.” Kumakamot sa ulo na sabi ni Gladys habang tinitirintas ang buhok niya. “Ayan, bagay na bagay sayo. Lalo kang gumanda.. yun nga lang ay lalo kang naging mukhang bata. Sabagay, bata ka pa nga pala. Hazel, umamin ka nga. May date ka ba ngayon?“ “W-wala ah.” Nagdududang tiningnan ni Gladys ang dalaga. “Wala? Eh halos baliktarin mo ang closet para lang makahanap ng susuotin. Saka nagpatali ka pa ng buhok at kilig na kilig. Di mo ako maloloko no. Alam kong may date ka.” Pinigilan ni Hazel ang pagsilay ng ngiti sa labi. Kaya naman lalong nagduda ang ting
Napasinghap si Hazel sa gulat ng biglang sinuntok ng kadarating lang na si Frank ang kuya niya. “Kuya! Frank, tama na!” niyakap niya si Frank sa bewang para pigilan ito pero masyado itong malakas kaya natabig siya at natumba sa sahig. Nagdilim ang paningin ni Yael. “Gago ka!” tumayo ito at gumanti ng suntok. Nagpambuno ang dalawa at nagpalitan ng suntok. At ilang sandali pa ay hindi na nakaganti ng suntok si Yael, nakalugmok na ito sa sahig at dumadaing sa sakit. “Bitiwan mo ako, Frank! Ano ba!” gustong lapitan ni Hazel ang kuya niya pero hinawakan siya ni Frank ng mahigpit sa braso at hinila palayo. “H-Hazel, w-wag kang maniniwala sa kanya…” rinig niyang sabi pa ng kuya niya habang namimilipit sa sakit ng sikmura. “K-kuya…” awang-awa siya sa kuya niya. Wala naman itong ginawang masama para saktan ng ganito ni Frank. Pagdating sa kwarto ay padaskol siyang binitiwan ng binata. “Bakit mo bunugbog si kuya, Frank? Sana hinintay mo muna ang paliwanag namin. Hindi naman siya nandito
“HINDI PARIN UMUUWI SI HAZEL, SIR.” Nag isang linya ang kilay ni Frank sa sagot ni Fatima ng tanungin niya ito tungkol sa dalaga. Halos madurog ang cellphone niya sa diin ng pagkakahawak niya ng hindi nito sagutin ang tawag niya. “Fvck!” Napalundag sa gulat si Joemar ng ibato ng binata ang cellphone nito dahilan para mabasag ito. Maging sila Fatima, Gladys at iba pang naroon ay nahintatakutan na napaatras sa gulat. Tatlong araw na simula ng manggaling si Yael dito. At tatlong araw na din na umiiwas sa kanya si Hazel. Hindi ito matanggap ni Frank dahil sanay siya na ang dalaga ang palaging lumalapit sa kanya. Hindi kaya kasama nito ang lalaking nakita niyang kasama nito noong nakaraan? Lalong uminit ang ulo ni Frank sa naisip. “Damn! Ano ba ang nangyayari sa akin?!” Isip-isip ng binata. Pagkasakay ng kotse niya ay pinasibad niya ito paalis. Baka kailangan lang niya mag unwind para mahimasmasan siya. Pagdating sa bar ay kasabay niyang dumating ang mga kaibigan na sina F
HINDI PWEDE na hindi sila magkausap ni Steve. Pagkakataon na ito ni Aika upang makausap na din ang binata. Hindi siya makapaniwala sa ginawang aksyon kanina ng binata. Hindi ganito ang pagkakakilala ni Aika kay Steve. Hindi ito ang klase ng tao na basta nagpapadala sa damdamin, kabaliktaran ng aksyon na ginawa nito kanina. “Steve!” nasaktan siya ng tabigin ni Steve ang kamay niya ng hawakan niya ito. “Ano bang nangyayari sayo? You're not supposed to do that, especially in public. Lasing ka ba- “Stop following me, Aika.” asik ni Steve sa dalaga. “Alam mong hindi ko magagawa ang gusto mo- “Of course! Hindi mo gagawin dahil wala ka naman ginawa kundi pestehin ang buhay ko!” galit na hinarap ni Steve si Aika. kahit ano ang gawin niyang takas ngayon ay alam ng binata na huli na. Dahil makatakas man siya ngayon sa dalaga, alam na nang mommy nito kung saan siya tumutuloy. Lumipat man siya, matutukoy parin kung nasaan siya dahil sa pagsubaybay niya kay Hazel. “Bakit kasi hindi mo pa ak
Parang dinudurog ang puso ngayon ni Hazel habang umiiyak siya dito sa park. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Nasiraan kasi sila ng sasakyan sa tapat ng isang bar. Sakto na pagkababa nila ay nakita niya si Frank kasama ang ate niya. Nakayakap pa ang ate niya mula sa likuran ni Frank. Akala niya dala lang ng pagod at pagkamiss kaya nakita niya ito. Ilang araw na kasi niyang iniiwasan si Frank. Gusto lang naman niyang magpahinga sa nakakapagod na relasyon nila dahil nasasaktan na siya. Pero nakita niya itong napatingin sa kanya at halata pang nagulat. Mukhang hindi nito inaasahan na mahuhuli at makikita niya. Akala niya si Steve ang dadating dahil ito ang tinawagan niya pero nagulat siya na si Frank ang nasa harapan niya ngayon. “It’s too dark here. Umuwi na tayo.” Hinila niya ang kamay mula rito. “Ayoko. Hindi ako sasama sayo kaya bitiwan mo ako.” Bumuntong-hininga ito. “Please, Hazel. Magpapaliwanag ako pag uwi—“ “At anong sasabihin mo? Na hindi mo sinasadya na nagki
“Salamat nga pala, kuya Steve ha. Pasensya ka na dahil ikaw ang tinawagan ko. Wala kasi akong choice, ayoko kasi na malaman ng mga kaibigan ko na umiiyak ako.” “Don’t mention it, Hazel. I’m glad you called me. Saka ano, basta para sayo, nakahanda akong dumating kahit anong oras.” Kung sana ganito din siya kahalaga kay Frank. Habang lulan ng kotse ni Steve ay walang ginawa si Hazel kundi ang umiyak. Mahal na mahal niya si Frank pero kinukuwestiyon niya ang sarili niya. Tama ba na magtiis pa siya gayong paulit-ulit na siya netong sinasaktan? Gusto lang naman niyang malaman kung mahal ba siya nito. Pero mukhang siya lang ang nag iisip nun. “Ano ang plano mo ngayon? Wala ka na ba talagang balak na balikan siya?” Sa isang coffe shop muna sila tumuloy ni Steve para magkape. Alas 4 na. Pero hindi siya dinadalaw ng antok. Mahapdi na ang mata niya dahil sa kakaiyak niya. “Hindi ko alam…” malungkot na tumingin siya sa labas ng glass wall. Naiiyak na naman siya. Hindi miya akalain
“Cheers! Para sa bagong bahay at bagong buhay ni Hazel!” Daig pa niya ang nakabili ng bahay sa sinabi ni Giselle. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiwi. Narito sila ngayon sa bago niyang inuupahan kasama sila Toni, Giselle at Tes. Celebration daw nila ito dahil nakalipat na siya. Gusto man mag inom ng mga ito ay hindi pwede dahil may event sila mamayang alas 8 ng gabi at hindi pwede pumasok ng lasing. Noong umuwi si Toni at sabihin niya dito na lilipat na siya ay pinigilan siya nito. Pwede naman daw siya mag extend na manatili sa bahay neto pero tumanggi siya rito. Nakakahiya kasi dito. Pagkahatid sa kanya nito at ni Steve ay nagpaalam din ang binata na aalis na. May kailangan daw itong asikasuhin. Panay ang sabi nila ng CHEERS kahit juice lang ang iniinom nila kaya naman panay din nila ang tawa. Dahil sa mga kaibigan niya kahit papano ay nakalimutan niya ang tungkol kay Frank. “So, ano ang plano niyo after niyong lumipat dito?” Tanong ni Tes. “Ang ibig kong sabihin. Mag
“Dad.” Nag angat ng tingin si Samsung ng marinig ang boses ng anak. Ipinatawag nito si Steve dahil may kailangan itong sabihin sa anak. Kumunot ang noo ni Steve ng makita ang files reports na binigay sa kanya ng daddy niya. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa ina ni Hazel. “Ano ang ibig sabihin nito, dad? Hanggang ngayon ay hindi ka parin tumitigil sa paghahanap ng ibang impormasyon tungkol sa mommy ni Hazel?” Ito ang madalas na ikatampo ng mommy niya rito. Matagal na panahon na ang lumipas, namatay na ang babae ngunit hindi ito tumitigil sa pag ungkat sa buhay ng babae na unang minahal nito. Napatiim ang bagang ni Steve ng makita ang baso sa mesa nito na may alak. Wala na talaga itong pag asa na tumigil sa pag inom. Workaholic at alcoholic parin ito hanggang ngayon. Narinig ng binata noon sa ina na nagsimula ito noong tumanggi ang mommy ni Hazel na magpakasal sa kanyang ama sa kabila ng kasunduan ng kani-kanilang pamilya. “Alam natin pareho na may pamilya ang ama ni H