LIKE 👍 COMMENT
“Salamat nga pala, kuya Steve ha. Pasensya ka na dahil ikaw ang tinawagan ko. Wala kasi akong choice, ayoko kasi na malaman ng mga kaibigan ko na umiiyak ako.” “Don’t mention it, Hazel. I’m glad you called me. Saka ano, basta para sayo, nakahanda akong dumating kahit anong oras.” Kung sana ganito din siya kahalaga kay Frank. Habang lulan ng kotse ni Steve ay walang ginawa si Hazel kundi ang umiyak. Mahal na mahal niya si Frank pero kinukuwestiyon niya ang sarili niya. Tama ba na magtiis pa siya gayong paulit-ulit na siya netong sinasaktan? Gusto lang naman niyang malaman kung mahal ba siya nito. Pero mukhang siya lang ang nag iisip nun. “Ano ang plano mo ngayon? Wala ka na ba talagang balak na balikan siya?” Sa isang coffe shop muna sila tumuloy ni Steve para magkape. Alas 4 na. Pero hindi siya dinadalaw ng antok. Mahapdi na ang mata niya dahil sa kakaiyak niya. “Hindi ko alam…” malungkot na tumingin siya sa labas ng glass wall. Naiiyak na naman siya. Hindi miya akalain
“Cheers! Para sa bagong bahay at bagong buhay ni Hazel!” Daig pa niya ang nakabili ng bahay sa sinabi ni Giselle. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiwi. Narito sila ngayon sa bago niyang inuupahan kasama sila Toni, Giselle at Tes. Celebration daw nila ito dahil nakalipat na siya. Gusto man mag inom ng mga ito ay hindi pwede dahil may event sila mamayang alas 8 ng gabi at hindi pwede pumasok ng lasing. Noong umuwi si Toni at sabihin niya dito na lilipat na siya ay pinigilan siya nito. Pwede naman daw siya mag extend na manatili sa bahay neto pero tumanggi siya rito. Nakakahiya kasi dito. Pagkahatid sa kanya nito at ni Steve ay nagpaalam din ang binata na aalis na. May kailangan daw itong asikasuhin. Panay ang sabi nila ng CHEERS kahit juice lang ang iniinom nila kaya naman panay din nila ang tawa. Dahil sa mga kaibigan niya kahit papano ay nakalimutan niya ang tungkol kay Frank. “So, ano ang plano niyo after niyong lumipat dito?” Tanong ni Tes. “Ang ibig kong sabihin. Mag
“Dad.” Nag angat ng tingin si Samsung ng marinig ang boses ng anak. Ipinatawag nito si Steve dahil may kailangan itong sabihin sa anak. Kumunot ang noo ni Steve ng makita ang files reports na binigay sa kanya ng daddy niya. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa ina ni Hazel. “Ano ang ibig sabihin nito, dad? Hanggang ngayon ay hindi ka parin tumitigil sa paghahanap ng ibang impormasyon tungkol sa mommy ni Hazel?” Ito ang madalas na ikatampo ng mommy niya rito. Matagal na panahon na ang lumipas, namatay na ang babae ngunit hindi ito tumitigil sa pag ungkat sa buhay ng babae na unang minahal nito. Napatiim ang bagang ni Steve ng makita ang baso sa mesa nito na may alak. Wala na talaga itong pag asa na tumigil sa pag inom. Workaholic at alcoholic parin ito hanggang ngayon. Narinig ng binata noon sa ina na nagsimula ito noong tumanggi ang mommy ni Hazel na magpakasal sa kanyang ama sa kabila ng kasunduan ng kani-kanilang pamilya. “Alam natin pareho na may pamilya ang ama ni H
Pagod na pagod sila ngayong araw dahil halos alas kwatro ng madaling araw natapos ang trabaho nila. Mabuti nalang at nagdagdag ng bagong tauhan si Sir Aeros kaya gumaan ang trabaho nila. Lumalaki na kasi ang Catering Service company nito kaya kailangan na ng karagdagang tao ngayon. “Hazel, ano? Sasama ka sa amin mamayang alas 7? Wala naman tayo pasok bukas kaya pwede tayo mag inom at magpuyat.” “Hoy, Tes. Wag mo nga igaya sayo si Hazel na lasenggera! Baka mamaya masanay ‘yan at matulad sayo.” Inirapan ni Tes si Rade. “Lasenggera agad? Wow, ha. Di ba pwede na niyaya lang si Hazel dahil baka gusto niyang sumama? Ano, Hazel? Sasama ka ba?” Muling taong nito sa dalaga. “Hindi ako pwede mamaya. May lakad kasi kami ni kuya Steve.” Kakain sila sa labas ni Steve dahil magbabayad na daw ito sa utang na LIBRE sa kanya. Tumanggi siya pero mapilit ito at meron daw ito isang salita. May sasabihin din daw ito sa kanya. Alas sais na sila natapos sa pagliligpit kaya mag aalas 7 na sila b
“Good evening, Sir and Ma’am, this way, please.” Magalang na salubong sa kanila ng staff ng restaurant na mag aassist sa kanila. Tumatawang pinalo ni Hazel si Steve ng kumuha ito ng red roses sa waiter na dumaan at nilagay sa tenga niya. “Nakakahiya, ano ka ba!” Baka mamaya ay mayron may arise ang rosas na kinuha nito. “Hindi nila mapapansin, isa lang naman.” Nagtaas-baba ang dalawang kilay na dahilan nito. Habang nililibot niya ng tingin ang paligid ay hindi niya maiwasan na hindi mahiya. Sa mumurahin niya lang kasi ito nilibre. Pinakain pa niya ito ng fishball at kikiam. “Don’t you like it here? Kung gusto mo lumipat tayo sa ibang restaurant. What do you prefer? Japanese restaurant, or American?” “Naku, hindi. Nahihiya lang kasi ako dahil mukhang sobrang mahal ng mga pagkain dito. Walang-wala to sa pagkain na nilibre ko sayo.” Napanguso siya ng tumawa ito. “Anong nakakatawa? Tama naman ang sinabi ko ah. Malay ko bang sumakit pala ang tiyan mo sa pagkain na binili ko sayo
Gusto niyang isipin na hindi totoo ang narinig niya, na sinasabi lang ito ng ate niya para saktan siya. Hinintay niyang sabihin ni Frank ‘na wag maniwala sa kapatid niya’ ngunit hindi nito ginawa. “Paano nagawa sayo?” Puno ng sarkarmo na tumawa si Yassie. “Hindi mo na kailangan itanong, Hazel. Kailangan ko pa bang ulitin? Kasasabi ko lang… bobò at uto-uto ka kasi. Akala ko pa naman tatagal ka, pero hindi pala. Ang dali mong nahulog sa bitag namin ni Frank— “Damn it, will you shut up!” Hindi nakatiis si Steve sa pang iinsulto nito sa dalaga. “Pwede ba, wag kang makialam?! Sino ka ba sa akala mo? Bakit? Inuuto mo rin ba ang babaeng ito?” Tiningnan ni Yassie si Hazel mula ulo hanggang paa. “Well, hindi kita masisisi… uto-uto naman kasi talaga ang babaeng ‘to.” “Wag niyo akong igaya sa inyo ng gag0 mong nobyo na manggamit!” Gusto man na saktan ni Steve si Frank, nanaig ang pag aalala niya kay Hazel na ngayon ay tulala habang lumuluha. Ginamit ito ng sariling kapatid para magkaana
Pinahid ni Steve ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Mula sa kalayuan, nakasunod siya kay Hazel na ngayon ay walang tigil sa pagluha. Ngayong araw dapat niya gustong sabihin sa dalaga ang totoo, ngunit nagdesisyon siyang ipagpaliban muna ito. Kumuyom ang kamao ng binata. Paano nagawa ni Frank at ni Yassie na paglaruan si Hazel ng ganito? Malayo ito sa inakala niya na ginawang panakip-butas ang dalaga ng mga ito. Mas masahol pa sa hinala niya ang ginawa ng mga ito sa dalaga. Isang oras… dalawang oras.. Hindi na tanda ni Hazel kung gaano kalayo ang nilakad niya. Wala siyang madamang pagod kundi puro sakit lamang. Nang makakita ng bench ay umupo ang dalaga na hilam ng luha ang mukha. Hindi niya alintana ang mga taong may pagtataka o awa na tumitingin sa nakakaawa niyang pag iyak. Tumingin siya sa panyo na inabot sa kanya ni Steve. Hindi niya alam na sinundan pala siya nito. Mukhang malubha ang pag aaway nito at ni Frank dahil putok ang gilid ng labi at isang kilay nito. “Salamat…
BATID NI STEVE ng mga sandaling ito na wala ng makakapigil sa matanda. Kilala niya si Lolo Henry, hindi na ito mapipigilan pa sa ngayon. Tumiim ang bagang ni Steve ng maabutan si Aika na naghihintay sa labas ng pad niya. Nalaman na pala nito kung nasaan siya. Nagliwanag ang mukha nito ng makita siya. “Steve! I’m glad you’re home!” nawala ang ngiti sa labi nito ng itulak ito ng binata palayo. “Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat, Aika–” “Oo, Steve! Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat!” wala na ang malumanay at magaan na awra ng dalaga na madalas na ipakita nito kay Steve at sa iba pa. “Sa tingin mo papayag ako na mapunta ka sa kahit sino? No, Steve! Akin ka lang kaya gagawin ko ang lahat para mapasakin ka. Kung hindi ka mapupunta sa akin ay hindi ka rin mapupunta sa iba.” “You’re unbelievable!” “Yes, I am, Steve! At hindi mo alam ang kayang gawin ko makuha ko lang ang gusto ko.” makahulugan na wika ni Aika bago umalis ng may matagumpay na ngiti sa labi. ‘THANK YOU, GI