LIKE 👍 COMMENT
Gusto niyang isipin na hindi totoo ang narinig niya, na sinasabi lang ito ng ate niya para saktan siya. Hinintay niyang sabihin ni Frank ‘na wag maniwala sa kapatid niya’ ngunit hindi nito ginawa. “Paano nagawa sayo?” Puno ng sarkarmo na tumawa si Yassie. “Hindi mo na kailangan itanong, Hazel. Kailangan ko pa bang ulitin? Kasasabi ko lang… bobò at uto-uto ka kasi. Akala ko pa naman tatagal ka, pero hindi pala. Ang dali mong nahulog sa bitag namin ni Frank— “Damn it, will you shut up!” Hindi nakatiis si Steve sa pang iinsulto nito sa dalaga. “Pwede ba, wag kang makialam?! Sino ka ba sa akala mo? Bakit? Inuuto mo rin ba ang babaeng ito?” Tiningnan ni Yassie si Hazel mula ulo hanggang paa. “Well, hindi kita masisisi… uto-uto naman kasi talaga ang babaeng ‘to.” “Wag niyo akong igaya sa inyo ng gag0 mong nobyo na manggamit!” Gusto man na saktan ni Steve si Frank, nanaig ang pag aalala niya kay Hazel na ngayon ay tulala habang lumuluha. Ginamit ito ng sariling kapatid para magkaana
Pinahid ni Steve ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Mula sa kalayuan, nakasunod siya kay Hazel na ngayon ay walang tigil sa pagluha. Ngayong araw dapat niya gustong sabihin sa dalaga ang totoo, ngunit nagdesisyon siyang ipagpaliban muna ito. Kumuyom ang kamao ng binata. Paano nagawa ni Frank at ni Yassie na paglaruan si Hazel ng ganito? Malayo ito sa inakala niya na ginawang panakip-butas ang dalaga ng mga ito. Mas masahol pa sa hinala niya ang ginawa ng mga ito sa dalaga. Isang oras… dalawang oras.. Hindi na tanda ni Hazel kung gaano kalayo ang nilakad niya. Wala siyang madamang pagod kundi puro sakit lamang. Nang makakita ng bench ay umupo ang dalaga na hilam ng luha ang mukha. Hindi niya alintana ang mga taong may pagtataka o awa na tumitingin sa nakakaawa niyang pag iyak. Tumingin siya sa panyo na inabot sa kanya ni Steve. Hindi niya alam na sinundan pala siya nito. Mukhang malubha ang pag aaway nito at ni Frank dahil putok ang gilid ng labi at isang kilay nito. “Salamat…
BATID NI STEVE ng mga sandaling ito na wala ng makakapigil sa matanda. Kilala niya si Lolo Henry, hindi na ito mapipigilan pa sa ngayon. Tumiim ang bagang ni Steve ng maabutan si Aika na naghihintay sa labas ng pad niya. Nalaman na pala nito kung nasaan siya. Nagliwanag ang mukha nito ng makita siya. “Steve! I’m glad you’re home!” nawala ang ngiti sa labi nito ng itulak ito ng binata palayo. “Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat, Aika–” “Oo, Steve! Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat!” wala na ang malumanay at magaan na awra ng dalaga na madalas na ipakita nito kay Steve at sa iba pa. “Sa tingin mo papayag ako na mapunta ka sa kahit sino? No, Steve! Akin ka lang kaya gagawin ko ang lahat para mapasakin ka. Kung hindi ka mapupunta sa akin ay hindi ka rin mapupunta sa iba.” “You’re unbelievable!” “Yes, I am, Steve! At hindi mo alam ang kayang gawin ko makuha ko lang ang gusto ko.” makahulugan na wika ni Aika bago umalis ng may matagumpay na ngiti sa labi. ‘THANK YOU, GI
“Well, no, bițch. Pero ikaw, kilalang-kilala ko!” Sigaw nito sabay hampas ng bag sa mukha niya. “How dare you steal him from me! Malandi ka! Mang aagaw ka!” Sigaw ni Aika Sigurado dala ng nainom at sakit ng hampas nito ay hindi nakontrol ni Hazel ang sarili niya. Gumanti siya dito ng hampas. Paulit-ulit niyang hinamapas ang sling bag niya sa mukha ng kaharap. “Mang aagaw?” Natawa siya na parang nahihibang na. Wala siyang inaagaw… wala siyang ginawan ng masama kaya ang kapal ng mukha ng babaeng ito na pagbinatangan siya ng mang aagaw. Muli niya itong hinampas ng sling bag sa mukha. “Ito ang bagay sayo!” KANINA PA NAGHIHINTAY si Steve kay Hazel kasama si Lolo Henry. Ngunit dalawang oras na ay wala parin ito. Ngayon lamang nahuli ang dalaga sa usapan nila kaya hindi ng binata na maiwasan na hindi mag alala. “Nag aalala ako kay Hazel, Steve. Mabuti pa ay puntahan mo siya.” Ani ng matanda na may pag aalalang nakabalatay sa mukha. “Masusunod po, Lolo.” Ani Steve bago uma
Napahawak si Hazel sa ulo. Napakasakit ng ulo niya ng magising siya. Para itong binibiak. Nagmamadali siyang tumakbo si banyo at sumuka. Teka… ang huling natatandaan niya kagabi ay… nagkita sila ni Frank sa presinto at.. Nanlaki ang mata niya ng maalala na hinalikan siya ni Steve. At dahil gusto niyang gantihan si Frank… tinugon niya ang halik nito. “Hindi!!!!” Napatalon sa gulat si Toni na ngayon ay nagtitimpla ng kape para sa kanila. “Mabuti naman at gising ka ng babae ka. Marami kang kailangan ipaliwanag sa akin. At hindi ako aalis hanggat hindi ka nagkukwento sa akin.” Tiningnan pa siya nito na parang sinasabi na wala na siyang kawala. Napasabunot siya sa buhok. Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang ulo niya. Siya at si Steve… nag kiss? Pagkaupo niya ay inabutan siya ni Toni ng isang tasa ng kape. Saka lang niya napansin na nasa bahay pala sila nito. Mukhang dito siya dineretso nito kagabi. “Akala ko si Steve Montenegro ang secret boyfriend mo… yun pala si Sir
Samantala… nanlalamig si Arcellie habang nakatingin sa kanyang ama at sa babaeng kasama nito na kamukhang-kamukha ni Harley. Nang matanggap ng babae ang report ay nagmamadali itong bumalik ng bansa upang malaman kung tama ang report na natanggao niya sa mga tauhan. “H-hindi… tiyak ako na kamukha lamang ni Harley ang babaeng iyan! Hindi ito maaari!” Nagmamadali na nilisan ni Arcellie ang lugar. Hindi siya makapaniwala nakita ng mismong mga mata niya. Ito ba ang tinutukoy ni Aika na kamukha ni Harley? Negative ang results ng DNA ayon sa kanyang anak kaya bakit hindi parin pinuputol ng kanyang ama ang ugnayan nito sa babaeng ‘yon? Hindi kaya? “Ahhhh! Hindi!” Naisahan sila! Natitiyak ni Arcellie na naisahan sila ng mga ito at pinalabas lamang na hindi ito ang anak ni Harley. Bakit? Dahil alam ng kanyang ama na masasaktan ito sa kamay niya? “You’re a cunning man, Steve! Alam kong kayo ni Ranz ang nagplano nito! Ahhh!” Ang lahat ng mahawakan ni Arcellie ay kanyang pinagtatapo
Tinitigan ni Hazel ang picture ng nanay niya. Hindi siya makapaniwala na kamukhang kamukha niya pala ang nanay niya. Parang iisang tao lang silang dalawa. At ang higit na nakakahulat—mayaman pala ang nanay niya, malayo sa sinasabi nila Yassie na bayarang babae ang nanay niya. Pinahid niya ang luha niya at niyakap ang litrato nito. Hindi man lang niya ito nakita at nakasama ng matagal. Kung hindi siguro itong maaga nawala ay hindi siya magiging kaawaawa at mabibilanggo ng matagal ng papa niya. Hindi sana siya maghahangad ng pagmamahal ng kanyang ama. Walang patid ang pagluha niya habang nakahiga. Umuwi muna siya kasi gusto niyang mapag isa… masyadong maraming nangyari sa kanya nitong nakaraan. “Ano? Nagkita kayo ng Lolo mo?!” Magkakatabi na umupo sina Tes, Giselle at Toni sa harapan niya ng banggitin niya ang tungkol sa lolo niya. “Teka. Akala ko ba wala ka ng ibang kamang anak bukod sa papa mo at sa bruha mong kapatid?“ “Iyon din ang alam ko. Kaya nga nagulat ako dahil may kam
Hindi mabura ang ngiti sa labi ni Hazel ng lumabas siya ng silid ng lolo niya. Akala niya ay hindi sila magkakasundo agad dahil hindi naman sila nagkasama ng matagal, pero mali siya. Kahit na hindi sila matagal na nagkasama ay agad nilang napalagayan ng loob ang isa’t isa. Malayo sa pamilya ng papa niya—matagal niyang nakasama ang mga ito ngunit hindi niya naramdaman ang ganito. Napakagaan ng dibdib niya… masaya siyang kasama ang lolo niya. Gano’n yata kapag pareho niyong tanggap ang isa’t isa.. wala kang mararamdaman na bigat ng kalooban. "HAZEL." Huminto si Hazel ng marinig ang boses ni Steve. “K-kuya Steve…” Noon naman ay hindi siya nakakaramdam ng pagkailang, pero simula ng halikan siya nito ay naiilang na siya sa binata. Bumuntonghininga si Steve. Agad na napansin ng binata ang pagkailang sa mukha ng dalaga ng makita siya. “About the kiss—“ "K-kalimutan mo na 'yon, Kuya Steve. Wala naman ibang ibig sabihin yon para sakin. A-Ang totoo ay hinayaan lang kita dahil gusto