Share

237. Huli?

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Hazel habang hawak ang kwintas na galing kay Frank. Masaya na siya na makasama ito, ngunit ang kasiyahan na iyon ay nadagdagan ng makatanggap siya ng regalo mula rito.

“Hazel!” Tawag ni Gladys sa kanya. “Wala ka na naman sa sarili.” Inginuso nito ang mga halaman na dinidiligan niya. “Tingnan mo ang mga halaman, kanina pa nalulunod dahil kanina mo pa sila dinidiligan!”

Naku po! Oo nga pala!

Mabilis na pinatay niya ang tubig. Lumapit ito sa kanya at tumingin sa leeg niya kaya tinakpan niya ang kwintas.

“Kanino galing ‘yan? Mukhang ang kwintas na ‘yan ang dahilan kaya ka tulala. Umamin ka, kanino galing ‘yan?”

“N-nabili ko lang ‘to sa mall.”

Nagdududa na tumaas ang kilay nito. Halatang hindi nito binili ang sinabi niya. “Babae din ako kaya malakas ang pakiramdam ko na may nagugustuhan ka na. Hindi mo dapat ikahiya ‘yon dahil normal lang na magkagusto tayo sa iba.” Tinapik nito ang dibdib. “Hindi naman natuturuan ang puso kaya wala tayong maga
SEENMORE

LIKE 👍

| 9
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status