Share

238. His tactics

Mabilis na hinila niya ang kamay kay Frank at pinaghahampas ito sa braso.

“A-ang daming lamok, k-kinakagat si kuya Frank! I-ikaw naman kasi, kuya Frank eh, sinabi ko na nga sayo na wag ka dito—“ napangiwi siya habang napapalunok na nakatingin sa taong dumating.

Sa dinadami na pwedeng makakita sa kanila bakit si Joemar pa? Saksakan pa naman ito ng daldal. Ultimong sikreto ng kanunu-nunuan nito ay naikwento na yata nito.

Ika nga ng lahat—walang sekreto na maitatago kapag si Joemar ang nakakaalam.

Tumayo ng tuwid si Frank at tumingin kay Joemar. Kanila lang ay nakangiti ito at tumatawa sa harapan niya. Pero ngayon ay kasing lamig ng yelo na nakatingin ito sa driver nito.

Ang bilis talaga magbago ng emosyon nito. Kahit sino ay hindi basta-basta mababasa ang tunay na emosyon na tinatago nito.

“May nakita ka ba ngayon?”

“S-sir?” Sa lamit ng boses at ekspresyon ng amo ay napalunok at pinagpawisan si Joemar.

“Alam mo naman ang parusa ko kapag nilabag ang utos ko, hindi ba?”

SEENMORE

LIKE 👍

| 8
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status