LIKE 👍
Nakakatuwa dahil katulad ni Ate Rose ay mabait ang mommy at daddy ni Frank. Nagboluntaryo pa si Tita Freya na ipapadala ang mga libro nito para makatulong sa pag aaral niya. “That’s it, iha. Palagi mong tatandaan na hindi gusto ng anak ko ang mga pritong pagkain. Hindi bale na maghain ka ng mga masabaw, wag lang mga prito. Sa palagay ko nga ‘yun ang sekreto ng anak ko kaya napakakinis ng mukha niya.” Natawa siya sa biro ni Tita Freya. Nandito sila ngayon at nagluluto ng lunch. Dito kasi manananghalian ni Tito Alexander. Dapat ay sa bahay nila ate Rose sila manananghalian pero dahil minsan lang daw sila magkikita at magkakasabay ay dito ito kakain ngayon. Masarap at mabilis magluto si Tita Freya. Kasing bilis nito magluto si Chef, sanay na sanay ito at alam na alam ang ginagawa. “Wow! Ang sarap po, Tita!” Aniya ng matikman ang kare-kare na niluto nito. “Mas masarap pa sa luto ni Chef!” Walang halong kasinungalingan na sinabi niya. Tumawa naman si Chef na nasa gilid lang na nak
“Hazel, ayos ka lang ba? Baka mabali ang leeg mo sa kakalingon di’yan. Sino ba kasi ang tinitingnan mo?” Nagpalinga-linga siya at hindi ito sinagot. Pakiramdam niya kasi talaga ay mayron nakatingin sa kanya. Pero sa tuwing lilingon siya ay wala naman tao. Guni-guni lang siguro niya. Kailangan ba siguro niya tigilan ang panonood ng harror movie. Simula ng makanood siya tatlong araw ang nakakaraan ay tatlong araw na rin siyang balisa. Tumingin si Toni sa suot na relo. “Sorry, Hazel. Tapos na ang lunch break ko kaya kailangan ko ng umalis. Maiiwan na kita. Bye!” “Ingat ka, Toni!” Paalam niya. Wala si Frank ngayon dahil nasa ibang bansa ito kaya naman sila ni Toni ang magkasama ngayon. Tatlong araw na itong wala kaya miss na miss na niya ito. Hindi siya sanay na malayo ito sa kanya at hindi niya ito nakakasama. Nangalumbaba siya. Nag angat siya ng tingin ng may lalaking umupo sa kinauupuan kanina ni Toni. “Teka—ikaw ‘yung!” Natatandaan niya ang mukha ng lalaking ito. Ito ang h
“Grabe! Ang dami na talagang masasamang loob ngayon! Tinakasan ka at hinayaan na mamatay kesa dalhin ka sa hospital! Kung sino man ang nakasagasa sayo ay makarma sana siya!” Lalong sumakit ang ulo ni Hazel sa bunganga ni Toni. Kanina pa ito paroo’t parito na naglalakad sa silid kung saan siya naka-confine. Hindi naman malubsa ang lagay niya dahil mababaw lang ang sugat na natamo niya. Ang sabi ng mga nakasaksi ay napaka swerte niya dahil ito lang ang natamo niya. Umupo sa gilid ng kama si Toni. “Kanina pa tumatawag sila Aling Fatima. Nag aalala na sayo yung tao. Hindi ba natin sasabihin sa kanya ang nangyari sayo? Sigurado ka ba diyan?” Umiling siya rito. “Wag na, Toni. Ayokong mag alala lalo siya. Saka hindi naman malubha ang lagay ko. Sabihin mo nalang sa kanya ay nakitulog ako sa inyo.” “Okay, ikaw ang bahala. Siya nga pala. Kailangan ireklamo natin ‘yung taong nakabangga sayo. Dapat sa kagaya niya ay pinapakulong. My god! Kapag naaalala ko ang ginawa niya ay kumukulo ang d
“MARAMING salamat sa inyong lahat. Nag abala pa kayo, eh madi-discharge narin naman ako bukas.” Pasalamat ni Hazel sa mga ka-team niya sa Catering service. Dinalhan siya ng mga ito ng maraming prutas at makakain. Halos wala na tuloy space ang mesa dito sa kwarto. “Hazel, pag isipan mo ang sinabi namin sayo, ha. Saka hindi ka abala sa amin, kaya wag mo kaming alalahanin, ang sarili mo dapat ang isipin mo at panagutin ang nanagasa sayo. Naku, masasakal na rin talaga kita!” Napatawa siya sa sinabi ni Giselle. Kahit si Toni ay ganito rin ang sinabi sa kanya kanina. Ayaw lang talaga niya na makaabala ng iba, lalo na’t alam niya na may kanya-kanyang buhay at mga problema ang mga ito. “Guys!” Tili ni Tes na kapapasok lang. Nahuli kasi ito dahil may dinaanan pa daw kaya ngayon lang ito nakarating. “Si Steve Montenegro nakita ko sa labas! Ang gwapo mga biiii!” Kinikilig na tili pa nito. Steve Montenegro? Ito ang lalaking sinabi ni Toni na mayaman daw. Ang lalaking basta na lamang nangh
Nilapag ni Ranz ang resulta ng accident report sa mesa ni Steve, at katulad ng kanyang inasahan, nagulat ito ng makita kung sino ang nag-hit and run sa dalaga. “Ano ang plano mo, Sir? Kung tutulungan natin si Hazel sa kaso niya, tiyak na malalaman ni Aika narito ka da bansa at tinutulungan mo si Ma’am Hazel. May posibilidad din na magduda siya sa tunay na koneksyon ni Hazel sa pamilya nila.” Tumango si Steve. Mababalewala ang paglihis nila sa katotohanan na hindi si Hazel ang tunay na apo ng matanda kung itutuloy nila ang kaso. Ang magkita o magkrus ang landas ng dalawa ang iniiwasan nilang mangyari. “Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni Ma’am Aika.” Dismayadong wika ni Ranz. Batid niya na may hindi magandang ugali ang dalaga, ngunit ang pagtakas sa krimen at kasalanan na humantong sa pananakit ng kapwa at takasan, labis na nakakadismaya. Napahilot ng sintido si Steve. Gusto niyang tulungan si Hazel sa sinapit nito, ngunit sa nalaman niya ngayon ay nagbago ang plano. Hi
Napanganga siya ng makita kung gaano karami ang mga branded clothes, shoes and sandals ang gustong ipasukat sa kanya ng mga ito. Narito sila ngayon sa isang sikat na clothing store. “Tita Freya, Ate Rose, napakadami naman nito.” “Iha, wala pa sa bilang nito ang gusto namin ipasukat sayo ni Rose. Hindi ba, anak?” Sumang ayon si Rose sa ina. “Tama si mommy, Hazel.” Hinawakan nito si Hazel sa balikat. “Kaya kung ako sayo ay magsusukat na ako sa fitting room kung gusto mong matapos tayo rito.” Walang nagawa si Hazel kundi ang sukatin ang lahat ng mga binili ng mga ito sa kanya. Nakakangalay at nakakapagod din pala magsukat ng maraming damit. Napaawang ang labi nila Freya at Rose ng lumabas si Hazel fitting room suot ang isang kulay dilaw na off shoulder dress. Nagkatinginan pa ang mag ina na parehong may paghanga sa mukha. “You looked perfect in this dress, Hazel! My god, kahit si mommy napatulala sa ganda mo!” “T-talaga, Ate Rose?” Tumango ito. “Yes, dear. Yellow color suits
KILALA AT MATAGAL ng kliyente ng naturang salon sina Freya at Rose. Kaya ng makilala ng mga ito ang mag ina ay agad na silang sumalubong sa mga ito. “Good day, mga madam. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?” Magalang na tanong ng may edad na matandang babae, ang pinakamatanda sa mga staff at pinakamatagal. Nilibot ni Hazel ang mata sa paligid. Hindi ito ordinaryong salon katulad ng kanilang pinupuntahan ni Toni. Madalas kasi magpasama sa kanya si Toni sa salon kaya alam niya ang service na ginagawa sa mga taong nagpupunta dito. Nagulat siya ng hawakan siya ni ate Rose sa balikat at bahagyang tinulak pauna. “Make her more beautiful, Feng. Yung tipo na hindi maalis ang tingin sa kanya ng kapatid ko—I mean, yung tipong magugulat ang lahat sa transformation niya.” Nakatikwas na tiningnan ng may edad na babae ang dalaga. “Maganda na siya, madam. Hindi mahirap pagandahin ang taong maganda na! Come on, miss. Ipapakita ko sayo kung paano ka lalong gaganda sa mga kamay ko!” Hinawa
[Hazel] Sobrang saya niya dahil naging masaya ang araw niya kasama ang mommy at ate ni Frank ngayong araw. Mukhang magaan din ang loob ng mga ito sa kanya katulad niya. “Thank you po, Tita Freya, Ate Rose. Naging masaya po ang araw ko.” Aniya sa mga ito. Kahahatid lang sa kanya ng mga ito. Pagkatapos nilang kumain ay saka ng mga ito napagpasyahan na umuwi. “Salamat din, iha. Naging masaya din ang lakad namin ni Rose dahil sayo. Mag iingat ka na sa susunod ha, para hindi ka madisgrasya.” “P-po?” Alam ba nito na nadisgrasya siya? Tinuro ni Rose ang ulo niya na may benda. “Ang ibig sabihin ni mommy para hindi ka magkasugat ulit. Iniisip kasi namin na kaya hindi ka nagpagupit ay dahil masakit pa ang ulo mo. Kung hindi mo sinabi na nakuha mo yan sa bahay ni Toni ay iisipin namin na nadisgrasya ka nga talaga.” Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay nadulas siya kanina, hindi naman pala. Nasabi nga pala niya ang dahilan niya kanina sa mga ito. Pagkatapos magpaalam sa dalawa ay puma
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k