[Hazel] Sobrang saya niya dahil naging masaya ang araw niya kasama ang mommy at ate ni Frank ngayong araw. Mukhang magaan din ang loob ng mga ito sa kanya katulad niya. “Thank you po, Tita Freya, Ate Rose. Naging masaya po ang araw ko.” Aniya sa mga ito. Kahahatid lang sa kanya ng mga ito. Pagkatapos nilang kumain ay saka ng mga ito napagpasyahan na umuwi. “Salamat din, iha. Naging masaya din ang lakad namin ni Rose dahil sayo. Mag iingat ka na sa susunod ha, para hindi ka madisgrasya.” “P-po?” Alam ba nito na nadisgrasya siya? Tinuro ni Rose ang ulo niya na may benda. “Ang ibig sabihin ni mommy para hindi ka magkasugat ulit. Iniisip kasi namin na kaya hindi ka nagpagupit ay dahil masakit pa ang ulo mo. Kung hindi mo sinabi na nakuha mo yan sa bahay ni Toni ay iisipin namin na nadisgrasya ka nga talaga.” Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay nadulas siya kanina, hindi naman pala. Nasabi nga pala niya ang dahilan niya kanina sa mga ito. Pagkatapos magpaalam sa dalawa ay puma
[Hazel] Matamlay na naglakad siya patungo ng dining room. Pero agad din na nagliwanag ang mukha niya ng makita ang nobyo na nakaupo ro’n. “Kuya Frank!” Tumakbo siya palapit dito ng nakangiti. Gusto sana niya itong yakapin pero hindi pwede dahil narito sila Aling Fatima at Gladys, magkatulong na naghahain ng mga pagkain. Nakita niya kung paano ito natigilan at napatitig sa kanya. Pero saglit lamang iyon, agad na naging malamig at blanko ang ekspresyon nito. ‘Nagandahan kaya siya sa akin?’ Napahagikgik siya sa isip niya. Kagabi ay mabigat ang dibdib niya, subalit ngayon ay napakasaya niya dahil umuwi ito at nasilayan niya ito. Napagtanto niya na sobra siyang nangungulila dito kahit saglit lang naman silang nagkalayo. Biglang sumagi sa kanyang isip ang napanood kagabi—pinilig niya ang ulo niya. Hindi niya dapat isipin pa ‘yon. Wala lang naman iyon. Saka narito na si Frank. Yun lang naman ang mahalaga. Saka sigurado siya na narito si Frank at magpapaliwanag sa kanya. Nang makaal
[Hazel] Sumapit ang isang linggo. Hindi nagparamdam si Frank sa kanya. Bilang nobya, hindi niya maiwasan na magtampo. Pero iniintindi nalang niya ito. Alam naman kasi niya na hindi lang sa kanya iikot ang buhay nito. Tumingin siya sa suot na relo. Ilang beses niyang sinipat ang relo niya kung tama ba ang oras na nakikita niya. Halos sampong minuto na palang late si Toni. Hanggang ngayon ay wala parin ito dito sa Mall kung saan sila magkikita ngayon. Ngayong araw kasi ay siya mismo ang nag imbita sa kaibigan niya na gumala. Sobrang naiinip kasi siya sa bahay at mas nalulungkot. Gusto niya sana maglibang habang naglilibot dito. Kasi tama si Toni, nakakabawas ng mga problema ang pagtingin-tingin sa mga magagandang bagay. Kinuha niya ang cellphone sa bag ng tumawag ito. “Hello, Hazel. I’m sorry talaga ha, hindi ako makakarating. Bigla kasi nag iwan ng maraming trabaho si Sir. Sorry talaga!” Nakakaunawa na tumango siya. “Okay lang, Toni—“ “Hazel, naman! Mas lalo akong nakokons
[Hazel] Mayabang na inunat pa ni Steve ang kamay at braso. May papilig-pilig pa ito ng ulo—pero maski isa sa bola na sinubukan nitong i-shoot sa ring ay walang na-shoot. 38 na ang score niya at zero ito. Kaya naman panay ang tawa niya habang pinapanood itong sumubok. “Hahaha! Ang yabang mo hindi ka naman pala marunong!” Aniya sabay tawa ng malakas. Napahinto siya sa pagtawa ng mapansin na nakatitig ito sa kanya. “Bakit?” Para kasi siyang may dumi sa mukha kung titigan nito. Napakahawak siya sa pisngi. “May dumi ba?” Nag iwas ito ng tingin. “W-wala.” Nginisihan niya ito. “Paano ba ‘yan, nanalo ako?” Mayabang na iminuwestra niya ang kamay sa ring. “Diba sports ng mga lalaki ang basketball? Eh bakit ang bano mo?” Nagtaka siya ng ngumisi ito. Pero agad din iyong nawala, sumeryoso ito bigla ng makita ang tingin niya rito. “Bakit hindi tayo sumubok ulit, Hazel? Kapag nanalo ka ulit this time ay dalawang beses kitang ililibre. Pero kapag nanalo ako… ililibre mo ako.” “Pe
[Hazel] Nagpalinga-linga siya. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Pero ng lumingon siya ay wala naman siyang napansin na nakatingin sa kanya. Mukhang guni-guni lang niya ‘yun. Bumaling siya kay Steve, nahuli niya na nakatingin na naman ito sa kanya. Napahawak na naman siya sa mukha. Kanina pa niya ito napapansin na nakatingin sa kanya. Siguro ay naninibago din ito sa itsura niya kagaya nila Gladys. “Ang bagal mo naman kumain. Eh anim na fishball lang naman ang kinakain mo.” Sinilip niya ang pagkain nito. “Kagat ang tawag mo diyan?” Ang liit lang naman ng fishball pero ang tagal nitong maubos. Ganito ba kumain ang katulad nitong mayaman? Huminto ang isang grupo ng mga kababaihan sa pwesto nila. Ang babaeng nasa gitna ay hindi maalis ang tingin kay Steve na ngayon ay halos ibaba pa ng husto ang suot na sumbrero upang hindi makita ng mga ito ang mukha nito. “Sandali… hindi ba ikaw si Steve Montenegro?” Tanong pa ng babae. Dahil sa sinabi nito ay sumilip ang isang kasa
“JOEMAR, parang may kakaiba kay Sir Frank.” Panimula ni Gladys habang sabay na ang uumagahan ang lahat sa dirty kitchen para sa mga tauhan ng Villa. “Kakaiba? Parang wala naman.” Ani ng hardinero. “Hindi… meron talaga. Napansin ko kasi na parang mas lalong sumama ang ugali niya ngayon. Eh diba dati naman ay kinakausap niya si Hazel. Pero ngayon ay parang wala na siyang paki kay Hazel. Hindi kaya nag away sila—ayos ka lang ba?” Nag aalalang tanong ni Gladys kay Joemar ng mabilaukan ito. “A-ayos lang ako. S-sige, maiwan ko na kayo!” Ani ng lalaki bago nagmamadali na nilisan ang kusina. Napahawak sa baba si Gladys. “Aba, hindi lang si sir ang nagbago… pati si Joemar. Napansin mo rin ba aling Fatima. Hindi na masyado madaldal ngayon si Joemar ah. Ano kaya ang nakain noon?” Pumalatak ang matanda. “Mabuti pa si Joemar nabawasan ang kadaldalan. Eh ikaw kaya?” “Aling Fatima naman! Wag mo naman ikumpara don. Mas madaldal kaya yun!” Nagliwanag ang mukha ni Gladys ng makita si Hazel.
[Hazel] Hindi maalis ang ngiti sa labi niya ngayon habang sakay ng jeep papunta sa office ni Frank. Napag isip-isip niya na walang mangyayari kung mag iisip siya palagi ng masama. Kailangan niyang magtiwala kay Frank at sa pagmamahal nito. Saka wala siyang karapatan na magalit sa ate niya. Bumuntong hininga siya. Tama. Wala siyang katapatan na magalit sa ate niya. Siya ang may kasalanan dito. Pumasok siya agad sa buhay ni Frank kahit kahihiwalay pa lamang ng dalawa. Kung tutuusin ay siya ang may kasalanan dito dahil pumatol siya sa ex nito. Nabasa at napanood niya na hindi magandang gawin iyon. Pero huli na dahil nagawa na niya. Masyado na niyang mahal si Frank para bitiwan pa. Saka naman mahal nila ang isa’t isa kaya wala naman siguro masama kung piliin nilang mahalin ang isa’t isa. Sabi ng nila. Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Hindi na mahalaga kung maging masama siya sa paningin ng iba, basta mahal nila ni Frank ang isa’t isa. Yun lamang ay sapat na. “Hazel!” Kumaway si To
[Hazel] “Miss, ayos ka lang ba? Namumutla ka… maupo ka muna.” Saka lamang siya natauhan ng biglang may lumapit sa kanya at nagtanong. Nilibot niya ng tingin ang paligid. Nasa gitna pala siya ng daan at nakatayo lamang—basa ang pisngi sa dami ng luha na umaagos dito. Kanina pa pala siya nakatayo dito sa gitna ng daan habang umiiyak. Ang babaeng lumapit sa kanya ay isang street sweeper sa daan at halatang naaawa at nag aaala. “A-ayos lang po…” nagmamadali na lumakad siya at tumawid sa kalsada. Akala niya ay kaya niyang hindi umiyak Pero hindi pala. Sa sobrang sama ng loob niya ay kusa ng tumutulo ang luha niya. Sinusubukan naman niya na maging maunawain pero mahirap pala. Kinagat niya ng madiin ang labi niya. Gusto niyang pigilan ang sarili na wag umiyak pero ang hirap… kusang dumadaloy ito sa pisngi niya. Pagkababa sa jeep ay bumaba siya sa tapat ng isang parke. Hindi siya pwedeng umuwi ng ganito ang lagay. Ayaw niyang makita siya ni Aling Fatima sa ganitong kalaga