[Hazel] Mayabang na inunat pa ni Steve ang kamay at braso. May papilig-pilig pa ito ng ulo—pero maski isa sa bola na sinubukan nitong i-shoot sa ring ay walang na-shoot. 38 na ang score niya at zero ito. Kaya naman panay ang tawa niya habang pinapanood itong sumubok. “Hahaha! Ang yabang mo hindi ka naman pala marunong!” Aniya sabay tawa ng malakas. Napahinto siya sa pagtawa ng mapansin na nakatitig ito sa kanya. “Bakit?” Para kasi siyang may dumi sa mukha kung titigan nito. Napakahawak siya sa pisngi. “May dumi ba?” Nag iwas ito ng tingin. “W-wala.” Nginisihan niya ito. “Paano ba ‘yan, nanalo ako?” Mayabang na iminuwestra niya ang kamay sa ring. “Diba sports ng mga lalaki ang basketball? Eh bakit ang bano mo?” Nagtaka siya ng ngumisi ito. Pero agad din iyong nawala, sumeryoso ito bigla ng makita ang tingin niya rito. “Bakit hindi tayo sumubok ulit, Hazel? Kapag nanalo ka ulit this time ay dalawang beses kitang ililibre. Pero kapag nanalo ako… ililibre mo ako.” “Pe
[Hazel] Nagpalinga-linga siya. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Pero ng lumingon siya ay wala naman siyang napansin na nakatingin sa kanya. Mukhang guni-guni lang niya ‘yun. Bumaling siya kay Steve, nahuli niya na nakatingin na naman ito sa kanya. Napahawak na naman siya sa mukha. Kanina pa niya ito napapansin na nakatingin sa kanya. Siguro ay naninibago din ito sa itsura niya kagaya nila Gladys. “Ang bagal mo naman kumain. Eh anim na fishball lang naman ang kinakain mo.” Sinilip niya ang pagkain nito. “Kagat ang tawag mo diyan?” Ang liit lang naman ng fishball pero ang tagal nitong maubos. Ganito ba kumain ang katulad nitong mayaman? Huminto ang isang grupo ng mga kababaihan sa pwesto nila. Ang babaeng nasa gitna ay hindi maalis ang tingin kay Steve na ngayon ay halos ibaba pa ng husto ang suot na sumbrero upang hindi makita ng mga ito ang mukha nito. “Sandali… hindi ba ikaw si Steve Montenegro?” Tanong pa ng babae. Dahil sa sinabi nito ay sumilip ang isang kasa
“JOEMAR, parang may kakaiba kay Sir Frank.” Panimula ni Gladys habang sabay na ang uumagahan ang lahat sa dirty kitchen para sa mga tauhan ng Villa. “Kakaiba? Parang wala naman.” Ani ng hardinero. “Hindi… meron talaga. Napansin ko kasi na parang mas lalong sumama ang ugali niya ngayon. Eh diba dati naman ay kinakausap niya si Hazel. Pero ngayon ay parang wala na siyang paki kay Hazel. Hindi kaya nag away sila—ayos ka lang ba?” Nag aalalang tanong ni Gladys kay Joemar ng mabilaukan ito. “A-ayos lang ako. S-sige, maiwan ko na kayo!” Ani ng lalaki bago nagmamadali na nilisan ang kusina. Napahawak sa baba si Gladys. “Aba, hindi lang si sir ang nagbago… pati si Joemar. Napansin mo rin ba aling Fatima. Hindi na masyado madaldal ngayon si Joemar ah. Ano kaya ang nakain noon?” Pumalatak ang matanda. “Mabuti pa si Joemar nabawasan ang kadaldalan. Eh ikaw kaya?” “Aling Fatima naman! Wag mo naman ikumpara don. Mas madaldal kaya yun!” Nagliwanag ang mukha ni Gladys ng makita si Hazel.
[Hazel] Hindi maalis ang ngiti sa labi niya ngayon habang sakay ng jeep papunta sa office ni Frank. Napag isip-isip niya na walang mangyayari kung mag iisip siya palagi ng masama. Kailangan niyang magtiwala kay Frank at sa pagmamahal nito. Saka wala siyang karapatan na magalit sa ate niya. Bumuntong hininga siya. Tama. Wala siyang katapatan na magalit sa ate niya. Siya ang may kasalanan dito. Pumasok siya agad sa buhay ni Frank kahit kahihiwalay pa lamang ng dalawa. Kung tutuusin ay siya ang may kasalanan dito dahil pumatol siya sa ex nito. Nabasa at napanood niya na hindi magandang gawin iyon. Pero huli na dahil nagawa na niya. Masyado na niyang mahal si Frank para bitiwan pa. Saka naman mahal nila ang isa’t isa kaya wala naman siguro masama kung piliin nilang mahalin ang isa’t isa. Sabi ng nila. Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Hindi na mahalaga kung maging masama siya sa paningin ng iba, basta mahal nila ni Frank ang isa’t isa. Yun lamang ay sapat na. “Hazel!” Kumaway si To
[Hazel] “Miss, ayos ka lang ba? Namumutla ka… maupo ka muna.” Saka lamang siya natauhan ng biglang may lumapit sa kanya at nagtanong. Nilibot niya ng tingin ang paligid. Nasa gitna pala siya ng daan at nakatayo lamang—basa ang pisngi sa dami ng luha na umaagos dito. Kanina pa pala siya nakatayo dito sa gitna ng daan habang umiiyak. Ang babaeng lumapit sa kanya ay isang street sweeper sa daan at halatang naaawa at nag aaala. “A-ayos lang po…” nagmamadali na lumakad siya at tumawid sa kalsada. Akala niya ay kaya niyang hindi umiyak Pero hindi pala. Sa sobrang sama ng loob niya ay kusa ng tumutulo ang luha niya. Sinusubukan naman niya na maging maunawain pero mahirap pala. Kinagat niya ng madiin ang labi niya. Gusto niyang pigilan ang sarili na wag umiyak pero ang hirap… kusang dumadaloy ito sa pisngi niya. Pagkababa sa jeep ay bumaba siya sa tapat ng isang parke. Hindi siya pwedeng umuwi ng ganito ang lagay. Ayaw niyang makita siya ni Aling Fatima sa ganitong kalaga
Ibig sabihin ay mag-Lolo ang dalawa? Naalala ni Hazel kanina ang pagluha nito dahil sa sakit kaya nataranta siya. “Kuya Steve, dalhin mo na ang lolo mo sa hospital. Umiiyak siya sa sakit kanina—“ napahinto si Hazel sa pananalita at kunot ang noo na tumingin sa lolo ni Steve na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa. Kataka-taka na hindi na ito ngayon umiiyak, nakangiti na ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ng binata. Para itong natutuwa na makita silang magkatabi at magkasama. “Steve, nakakatakot ang lolo mo… bakit ganyan siya tumingin?” Mahinang natawa si Steve ng maramdaman ang pagkapit ni Hazel sa laylayan ng suot niyang tshirt habang napapantastikuhan itong nakatingin sa matanda. Agad na yumuko si Ranz ng makita ang among hinahanap, maging ang mga kasama ay nakahinga ng maluwag ng makita ang kanilang hinahanap. “Chairman, kinakailangan na natin na bumalik ng hospital. Hindi makabubuti sa inyo ang lumabas ng mag isa at walang kasama.” Ani ni Ranz, sagl
“FRANK…” Tawag ni Hazel sa nobyo. Kabado man ay nilapitan niya si Frank. “Gusto mo bang timplahan kita ng kape—“ Tumayo si Frank at tinalikuran ang dalaga at walang salita na iniwan ito. Parang sinaksak ang puso ni Hazel sa ginawa nito. Kailangan niyang malaman kung ano ang kanyang maling magawa. Hindi niya malalaman kung ano ang pagkakamali niya kung hindi niya tatanungin ang nobyo. Tumakbo si Hazel at hinawakan sa kamay ang nobyo. “Frank, m-mag usap naman tayo. M-may pagkakamali ba akong nagawa na hindi mo nagustuhan? S-sabihin mo naman sa akin para hindi ako nangangapa ng ganito.” May pagsamo na pakiusap niya dito. Hindi sumagot si Frank, nanatili itong nakatayo. Alam ni Hazel na meron mali, dahil kung wala, hindi nagkakagnito ang kanilang relasyon nila ngayon. Nanlalabo ang mga mata na tumingin si Hazel sa kamay niya na nakahawak sa kamay nito—siya lang ang nakahawak ng mahigpit sa kamay nito, hindi ito gumanti ng hawak. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya. “Fra
“Wala si Sir Frank ngayon, Hazel. Pumunta siya ng Japan for some business reason. Para sa akin ba ang dala mong pagkain?” “A-ah… oo. P-para sana sa inyo ni Kuya Frank.” Sagot ni Hazel kay Toni. “Ang dami naman ng dala mo. Sigurado na masasayang lang ang iba dito kahit pagsaluhan pa natin ito—sandali, Hazel. Aalis ka na?” Tumango siya. “Ah, oo. May lalakarin pa kasi ako. S-sige, Toni… aalis na ako.” Paalam ni Hazel bago nagmamadali na umalis. Kunot ang noo na sinundan ng tingin ni Toni ang kaibigan. Nakapagtataka na sa tuwing wala ang boss niya ay umaalis din ito agad. Nagkibitbalikat na lamang siya bago nagpatuloy sa pagkain na dala nito para sa kanya. “The best ka talaga, Hazel! Naku, iba talaga ang nagagawa ng inlove.” Hinala niya ay makikipagkita lamang si Hazel sa nobyo nito. “Kaya pala madalas kitang makita na nakangiti ng mag isa dahil may nobyo ka na pala ha.” Ang swerte ng kaibigan niya, hindi lamang mayaman ang nobyo nito, gwapo pa. Isip-isip ni Toni ng hindi maa
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k