LIKE 👍
[Hazel] “Miss, ayos ka lang ba? Namumutla ka… maupo ka muna.” Saka lamang siya natauhan ng biglang may lumapit sa kanya at nagtanong. Nilibot niya ng tingin ang paligid. Nasa gitna pala siya ng daan at nakatayo lamang—basa ang pisngi sa dami ng luha na umaagos dito. Kanina pa pala siya nakatayo dito sa gitna ng daan habang umiiyak. Ang babaeng lumapit sa kanya ay isang street sweeper sa daan at halatang naaawa at nag aaala. “A-ayos lang po…” nagmamadali na lumakad siya at tumawid sa kalsada. Akala niya ay kaya niyang hindi umiyak Pero hindi pala. Sa sobrang sama ng loob niya ay kusa ng tumutulo ang luha niya. Sinusubukan naman niya na maging maunawain pero mahirap pala. Kinagat niya ng madiin ang labi niya. Gusto niyang pigilan ang sarili na wag umiyak pero ang hirap… kusang dumadaloy ito sa pisngi niya. Pagkababa sa jeep ay bumaba siya sa tapat ng isang parke. Hindi siya pwedeng umuwi ng ganito ang lagay. Ayaw niyang makita siya ni Aling Fatima sa ganitong kalaga
Ibig sabihin ay mag-Lolo ang dalawa? Naalala ni Hazel kanina ang pagluha nito dahil sa sakit kaya nataranta siya. “Kuya Steve, dalhin mo na ang lolo mo sa hospital. Umiiyak siya sa sakit kanina—“ napahinto si Hazel sa pananalita at kunot ang noo na tumingin sa lolo ni Steve na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa. Kataka-taka na hindi na ito ngayon umiiyak, nakangiti na ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ng binata. Para itong natutuwa na makita silang magkatabi at magkasama. “Steve, nakakatakot ang lolo mo… bakit ganyan siya tumingin?” Mahinang natawa si Steve ng maramdaman ang pagkapit ni Hazel sa laylayan ng suot niyang tshirt habang napapantastikuhan itong nakatingin sa matanda. Agad na yumuko si Ranz ng makita ang among hinahanap, maging ang mga kasama ay nakahinga ng maluwag ng makita ang kanilang hinahanap. “Chairman, kinakailangan na natin na bumalik ng hospital. Hindi makabubuti sa inyo ang lumabas ng mag isa at walang kasama.” Ani ni Ranz, sagl
“FRANK…” Tawag ni Hazel sa nobyo. Kabado man ay nilapitan niya si Frank. “Gusto mo bang timplahan kita ng kape—“ Tumayo si Frank at tinalikuran ang dalaga at walang salita na iniwan ito. Parang sinaksak ang puso ni Hazel sa ginawa nito. Kailangan niyang malaman kung ano ang kanyang maling magawa. Hindi niya malalaman kung ano ang pagkakamali niya kung hindi niya tatanungin ang nobyo. Tumakbo si Hazel at hinawakan sa kamay ang nobyo. “Frank, m-mag usap naman tayo. M-may pagkakamali ba akong nagawa na hindi mo nagustuhan? S-sabihin mo naman sa akin para hindi ako nangangapa ng ganito.” May pagsamo na pakiusap niya dito. Hindi sumagot si Frank, nanatili itong nakatayo. Alam ni Hazel na meron mali, dahil kung wala, hindi nagkakagnito ang kanilang relasyon nila ngayon. Nanlalabo ang mga mata na tumingin si Hazel sa kamay niya na nakahawak sa kamay nito—siya lang ang nakahawak ng mahigpit sa kamay nito, hindi ito gumanti ng hawak. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya. “Fra
“Wala si Sir Frank ngayon, Hazel. Pumunta siya ng Japan for some business reason. Para sa akin ba ang dala mong pagkain?” “A-ah… oo. P-para sana sa inyo ni Kuya Frank.” Sagot ni Hazel kay Toni. “Ang dami naman ng dala mo. Sigurado na masasayang lang ang iba dito kahit pagsaluhan pa natin ito—sandali, Hazel. Aalis ka na?” Tumango siya. “Ah, oo. May lalakarin pa kasi ako. S-sige, Toni… aalis na ako.” Paalam ni Hazel bago nagmamadali na umalis. Kunot ang noo na sinundan ng tingin ni Toni ang kaibigan. Nakapagtataka na sa tuwing wala ang boss niya ay umaalis din ito agad. Nagkibitbalikat na lamang siya bago nagpatuloy sa pagkain na dala nito para sa kanya. “The best ka talaga, Hazel! Naku, iba talaga ang nagagawa ng inlove.” Hinala niya ay makikipagkita lamang si Hazel sa nobyo nito. “Kaya pala madalas kitang makita na nakangiti ng mag isa dahil may nobyo ka na pala ha.” Ang swerte ng kaibigan niya, hindi lamang mayaman ang nobyo nito, gwapo pa. Isip-isip ni Toni ng hindi maa
Hinawakan ni Steve ang kamay ni Hazel at hinila ito. “Fvck!” Mura niya ng biglang may batang yumakap sa binti niya at kumagat. “Anak ng!” Three children bite his leg! What is wrong with this children! Damn it! “Hahahahaha!” Natigilan si Steve ng marinig ang pagtawa si Hazel. Panay ang hingi ng pasensya ng mga magulang ng mga ito kay Steve. Kanina lamang ay hindi maipinta ang mukha ng binata dahil sa ginawa ng mga bata, subalit ngayon ay nakatulala itong nakatingin ngayon kay Hazel na nakahawak sa ulo ng mga bata. “Wag niyo ng uulitin ‘yon, ha?” “Sorry po, ate. Akala po kasi namin pinaiyak ka ng manong na yan eh.” Sagot ng anim na taon na batang babae. “Sorry din po, manong.” Manong? Hindi malaman ni Steve kung mangingiti o ngingiwi sa tinawag ng bata sa kanya. “Masakit pa ba?” Umiling si Steve. “How about you?” “Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako ang kinagat.” Nakangusong tanong ng dalaga. “I’m talking about your feelings, Hazel. Magaan na ba ang pakir
MABILIS na pinahid ni Hazel ang luha sa pisngi. ‘Wag kang iiyak’ ito ang sinisiksik niya sa isip niya ngayon ngunit hindi niya magawa. Katulad kanina, parang tubig na rumagasa ang luha niya sa pisngi habang nakatingin sa screen ng telebisyon. Magkasama na naman sila—at sa ibang bansa pa. Gusto niyang isipin na nagkataon lang na magkasama ang dalawa. Pero paano maipapaliwanag ang ilang beses na pagkikita ng mga ito? Nagkataon nga lang ba ito? O b-baka nagkikita talaga ang dalawa? “Hazel.” Untag ni Steve sa lumuluhang dalaga. Gusto man ng binata na tanungin ito kung bakit ito umiiyak, nanatiling tikom na lamang ang kanyang bibig, muli ay ipinatong niya ang suit sa ulo nito para matakpan ang luhaan nitong mukha. ‘Frank Evans at Yassie Samonte.’ Hindi kaya…. Kumuyom ang kamao ni Steve ng may hinala na namuo sa kanyang isipan. Nakita niya ang initials ng suot na kwintas ni Hazel. F&H. Ngayon ay alam na niya ang ibig sabihin ng initial sa suot nitong kwintas. Damn! Sa dinami-dam
NAGPUYOS sa matinding galit si Henry Montefalco ng marinig ang mga sinabi ng kanyang secretary na si Ranz. “Ang lakas ng loob ng Evans na iyan na paiyakin ang aking apo! Magtutuos kaming dalawa sa pananakit niya sa aking apo!” Napailing si Ranz. Gustong pagsisihan ng lalaki ang pagsasabi sa matanda ng impormasyon na sinabi ni Steve sa kanya na pansamantala na ilihim sa ngayon. Tama ang binata, magwawala sa galit si Chairman kapag nalaman ito. “Nasaan si Steve? Bakit ngayon lamang niya sinabi sayo ang tungkol sa bagay na ito?!” Singhal ng matanda, na kahit ang mga nurses at doktor na naroon ay napapitlag sa takot at gulat. Kilala sa pagiging malupit ang matanda, kaya ang lahat ng naroon ay nakayuko upang magbigay galang bago suriin ang kalusugan nito. “Iharap mo sa akin ngayon din si Steve, Ranz. Nais ko siyang makausap!” “Masusunod, Chairman.” Nakatungong tugon ni Ranz sa amo. Bumaling ito sa mga doktor at nurses na naroon. “I-kansela niyo muna ang pagsuri sa kalagayan no Cha
SINUNDAN ni Ms. Pascual ng tingin ang amo na kalalabas lamang ng pintuan. Naipaypay ng babae ang kamay sa mukha, ngunit agad din itong napatayo ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang anak ng kanyang amo. “Where’s mommy?” “Kaaalis lang niya, ma’am—“ “Arghh! Bakit hanggang ngayon ay naka-freeze parin ang mga banks account ko?! Hanggang kailan ba niya ako balak parusahan ng ganito?!” Sentimyemto ng dalaga. “My god! Hindi ako makapag shopping because of this! I couldn’t even buy my favorite brand of luxury bag!” Sanay na ang babae sa pagiging brat ni Aika kaya naman natural na sa kanya ang ganitong ugali neto. “Nasaan na ba si mommy?!” “Eh, ma’am. Hindi ba kayo nagkikita ng mommy mo sa bahay niyo?” Pinaningkitan ito ng mata ni Aika. “Pinipilosopo mo na ako? Magtatanong ba ako sayo kung nagkikita kami?” Padaskol na naupo ito sa sofang naroon. Natigilan saglit si Ms. Pascual ng mapansin ang nanlalalim na mga mata ni Aika. Kataka-taka na nakitaan ito ng eyebag ngayo