LIKE 👍
MABILIS na pinahid ni Hazel ang luha sa pisngi. ‘Wag kang iiyak’ ito ang sinisiksik niya sa isip niya ngayon ngunit hindi niya magawa. Katulad kanina, parang tubig na rumagasa ang luha niya sa pisngi habang nakatingin sa screen ng telebisyon. Magkasama na naman sila—at sa ibang bansa pa. Gusto niyang isipin na nagkataon lang na magkasama ang dalawa. Pero paano maipapaliwanag ang ilang beses na pagkikita ng mga ito? Nagkataon nga lang ba ito? O b-baka nagkikita talaga ang dalawa? “Hazel.” Untag ni Steve sa lumuluhang dalaga. Gusto man ng binata na tanungin ito kung bakit ito umiiyak, nanatiling tikom na lamang ang kanyang bibig, muli ay ipinatong niya ang suit sa ulo nito para matakpan ang luhaan nitong mukha. ‘Frank Evans at Yassie Samonte.’ Hindi kaya…. Kumuyom ang kamao ni Steve ng may hinala na namuo sa kanyang isipan. Nakita niya ang initials ng suot na kwintas ni Hazel. F&H. Ngayon ay alam na niya ang ibig sabihin ng initial sa suot nitong kwintas. Damn! Sa dinami-dam
NAGPUYOS sa matinding galit si Henry Montefalco ng marinig ang mga sinabi ng kanyang secretary na si Ranz. “Ang lakas ng loob ng Evans na iyan na paiyakin ang aking apo! Magtutuos kaming dalawa sa pananakit niya sa aking apo!” Napailing si Ranz. Gustong pagsisihan ng lalaki ang pagsasabi sa matanda ng impormasyon na sinabi ni Steve sa kanya na pansamantala na ilihim sa ngayon. Tama ang binata, magwawala sa galit si Chairman kapag nalaman ito. “Nasaan si Steve? Bakit ngayon lamang niya sinabi sayo ang tungkol sa bagay na ito?!” Singhal ng matanda, na kahit ang mga nurses at doktor na naroon ay napapitlag sa takot at gulat. Kilala sa pagiging malupit ang matanda, kaya ang lahat ng naroon ay nakayuko upang magbigay galang bago suriin ang kalusugan nito. “Iharap mo sa akin ngayon din si Steve, Ranz. Nais ko siyang makausap!” “Masusunod, Chairman.” Nakatungong tugon ni Ranz sa amo. Bumaling ito sa mga doktor at nurses na naroon. “I-kansela niyo muna ang pagsuri sa kalagayan no Cha
SINUNDAN ni Ms. Pascual ng tingin ang amo na kalalabas lamang ng pintuan. Naipaypay ng babae ang kamay sa mukha, ngunit agad din itong napatayo ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang anak ng kanyang amo. “Where’s mommy?” “Kaaalis lang niya, ma’am—“ “Arghh! Bakit hanggang ngayon ay naka-freeze parin ang mga banks account ko?! Hanggang kailan ba niya ako balak parusahan ng ganito?!” Sentimyemto ng dalaga. “My god! Hindi ako makapag shopping because of this! I couldn’t even buy my favorite brand of luxury bag!” Sanay na ang babae sa pagiging brat ni Aika kaya naman natural na sa kanya ang ganitong ugali neto. “Nasaan na ba si mommy?!” “Eh, ma’am. Hindi ba kayo nagkikita ng mommy mo sa bahay niyo?” Pinaningkitan ito ng mata ni Aika. “Pinipilosopo mo na ako? Magtatanong ba ako sayo kung nagkikita kami?” Padaskol na naupo ito sa sofang naroon. Natigilan saglit si Ms. Pascual ng mapansin ang nanlalalim na mga mata ni Aika. Kataka-taka na nakitaan ito ng eyebag ngayo
DAHAN-dahan na nilapag ni Aika ang hawak na vase. Nagpaskil ang dalaga ng magandang ngiti sa labi bago humarap sa kapatid ni Steve sa kabila ng pagkulo nh kanyang dugo sa narinig. “Oh, hello there, Katya. Narito ka pala.” Lumapit si Aika upang bumèsó sa dalaga subalit umatras ito ng dalawang hakbang palayo. ‘This bítch!’ Ngitngit ni Aika sa ginawa nito. “Cut the act, Aika. Bakit hindi mo ituloy ang pagbato ng favorite vase ni daddy? Bigla yatang naputol ang sungay mo ng makita ako.” Nagpinid ang labi ni Aika sa pagpipigil ng inis. Alam na alam talaga ng kapatid ni Steve kung paano siya galitin. Imbes magpadala sa panggagalit ng babae ay ngumiti si Aika ng matamis dito. “Gusto ko lang naman turuan ng disiplina ang mga kasambahay na ‘yan. Normal lang naman na turuan ng leksyon ang mga katulad nilang sinungaling. Ang kapal nilang magsinungaling sa harapan ko. Dapat sa mga katulad nila ay inaalisan ng trabaho. Mukhang hindi nila alam kung paano kumilala ng tao.” Maanghang na sa
“ALING FATIMA, ayaw kumain ni Hazel, busog pa daw siya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Tatlong araw na siyang hindi lumalabas pagkatapos ng lessons nila ni Mrs. Galoso. Nag aalala na tayong lahat sa kanya dito. Sa palagay mo, aling Fatima. Ano kaya ang problema ni Hazel?” Tanong ni Gladys sa matanda. Hindi sumagot si Fatima sa tanong ni Gladys. Siya man ay nag aalala sa dalaga. Hindi man nito sabihin, batid niya na may kinalaman sa amo niyang lalaki ang dahilan ng pagkukulong sa kwarto nito. Tuwing gabi na pumupunta siya sa silid ng dalaga ay naririnig niya ang mahina nitong pag iyak. Marahil ay napanood nito ang balita tungkol sa kanyang amo kasama ang nobya nito. Kung nakinig lamang sana ito sa kanya. Pagkatapos magluto ng almusal para kay Hazel ay nagtimpla si Fatima ng gatas para sa dalaga. Dala ang tray ng pagkain ay personal niya itong dinala sa silid nito. Bago pumasok, kumatok si Fatima ng tatlong beses upang ipaalam ang kanyang pagdating. Naabutan niya si Hazel na nak
“HAZEL!” Napahawak si Fatima sa dibdib ng marahas na bumukas ang pintuan. Ngali-ngali na hampasin ng matanda si Toni na kadarating lang. Napangiwi si Toni ng makita ang masamang tingin ng matanda sa kanya. “Oooppps, sorry, Aling Fatima. Nalaman ko kasi kay Gladys na tatlong araw na daw na hindi kumakain si Hazel, kaya nag alala ako ay napasugod dito.” “Hindi ba may pasok ka? Alas otso na.” Umupo si Toni sa gilid ng kama at hinipo ang noo ni Hazel bago sinagot ang matanda. “Eh wala naman si Sir Frank ngayon kaya ayos lang na ma-late ako. Saka sandali lang naman ako dito, gusto ko lang malaman kung kamusta na ang kalagayan ni Hazel.” “A-ayos lang ako, Toni kaya pumasok ka na sa trabaho mo.” Taboy ni Hazel sa kaibigan. Hindi pinakinggan ni Toni ang dalaga. Naglabas ito ng iba’t ibang klase ng gamot, libro, at mga pagkain sa bag na dala. “Itong mga gamot, mga pangpagana ito kumain. Dinalhan din kita ng mga tinapay galing don sa paborito mong kainan na bakery. At itong li
BINATO ni Aika ang lahat ng gamit sa kwarto niya pagkatapos sabihin ng kanyang ina na bigo ang mga tauhan nito na alamin kung saan pansamantala na tumutuloy si Steve ngayon. Tatlong araw na siyang naghihintay at sumusubok na hanapin ito, ngunit katulad ng tauhan ng mommy niya, bigo din siya. “Saan ka pupunta?” Pigil ni Arcellie kay Aika ng masalubong niya ito na pababa ng hagdan. “I will find him, mommy. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nalalaman kung nasaan siya at kung sino ang babaeng nakita ni Marga na kasama niya.” “Go back to your room, Aika.” “Pero mommy—“ “I said go back to your room.” Mahinahon ngunit may awtoridad na utos ni Arcellie sa kanyang anak. Walang nagawa si Aika kundi ang sumunod. Napaiyak na lamang siya. Batid niya na kung mangangatwiran siya ay wala din silbi laban sa salita ng kanyang ina. Pagdating sa kanyang silid ay lalo siyang nagwala. Kinakain ng matinding panibugho ang dibdib niya. Naglalaro sa isipan niya ang imahe ni Steve na may
UMASA si Hazel na si Frank ang tinutukoy ni Toni na naghihintay sa kanya sa labas ngunit hindi pala. Si Steve pala ang tinutukoy nito sa text. “Are you sick?” Tanong ni Steve ng mapansin ang pamumutla ni Hazel. “Shit!” Mura ng binata ng muntik ng mabuwal sa kinatatayuan ang dalaga. Agad niya itong nilapitan para alalayan. Sa sobrang init ng balat nito, tiyak niya na tama ang hinala niya, may sakit ang dalaga. Pinigilan ni Steve ang sarili na huwag itong pagalitan. Magkahalong pagkadismaya at lungkot ang nakikita niya ngayon sa mukha nito, na para bang may ibang tao itong inaasahan na makikita bukod sa kanya. Kung pagagalitan niya ito, alam ng binata na hindi din makakatulong. “A-akala ko…” Naramdaman ni Steve ang pagkapit ng nanginginig na kamay ni Hazel sa kanyang damit. Muli, narinig niya ang impit nitong pag iyak. Sandaling pumikit ang binata upang kontrolin ang sarili na tanungin ito ng “Dahil na naman ba sa kanya, kaya ka umiiyak?” Wala siyang karapatan… sa ngayon. Kay