“ALING FATIMA, ayaw kumain ni Hazel, busog pa daw siya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Tatlong araw na siyang hindi lumalabas pagkatapos ng lessons nila ni Mrs. Galoso. Nag aalala na tayong lahat sa kanya dito. Sa palagay mo, aling Fatima. Ano kaya ang problema ni Hazel?” Tanong ni Gladys sa matanda. Hindi sumagot si Fatima sa tanong ni Gladys. Siya man ay nag aalala sa dalaga. Hindi man nito sabihin, batid niya na may kinalaman sa amo niyang lalaki ang dahilan ng pagkukulong sa kwarto nito. Tuwing gabi na pumupunta siya sa silid ng dalaga ay naririnig niya ang mahina nitong pag iyak. Marahil ay napanood nito ang balita tungkol sa kanyang amo kasama ang nobya nito. Kung nakinig lamang sana ito sa kanya. Pagkatapos magluto ng almusal para kay Hazel ay nagtimpla si Fatima ng gatas para sa dalaga. Dala ang tray ng pagkain ay personal niya itong dinala sa silid nito. Bago pumasok, kumatok si Fatima ng tatlong beses upang ipaalam ang kanyang pagdating. Naabutan niya si Hazel na nak
“HAZEL!” Napahawak si Fatima sa dibdib ng marahas na bumukas ang pintuan. Ngali-ngali na hampasin ng matanda si Toni na kadarating lang. Napangiwi si Toni ng makita ang masamang tingin ng matanda sa kanya. “Oooppps, sorry, Aling Fatima. Nalaman ko kasi kay Gladys na tatlong araw na daw na hindi kumakain si Hazel, kaya nag alala ako ay napasugod dito.” “Hindi ba may pasok ka? Alas otso na.” Umupo si Toni sa gilid ng kama at hinipo ang noo ni Hazel bago sinagot ang matanda. “Eh wala naman si Sir Frank ngayon kaya ayos lang na ma-late ako. Saka sandali lang naman ako dito, gusto ko lang malaman kung kamusta na ang kalagayan ni Hazel.” “A-ayos lang ako, Toni kaya pumasok ka na sa trabaho mo.” Taboy ni Hazel sa kaibigan. Hindi pinakinggan ni Toni ang dalaga. Naglabas ito ng iba’t ibang klase ng gamot, libro, at mga pagkain sa bag na dala. “Itong mga gamot, mga pangpagana ito kumain. Dinalhan din kita ng mga tinapay galing don sa paborito mong kainan na bakery. At itong li
BINATO ni Aika ang lahat ng gamit sa kwarto niya pagkatapos sabihin ng kanyang ina na bigo ang mga tauhan nito na alamin kung saan pansamantala na tumutuloy si Steve ngayon. Tatlong araw na siyang naghihintay at sumusubok na hanapin ito, ngunit katulad ng tauhan ng mommy niya, bigo din siya. “Saan ka pupunta?” Pigil ni Arcellie kay Aika ng masalubong niya ito na pababa ng hagdan. “I will find him, mommy. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nalalaman kung nasaan siya at kung sino ang babaeng nakita ni Marga na kasama niya.” “Go back to your room, Aika.” “Pero mommy—“ “I said go back to your room.” Mahinahon ngunit may awtoridad na utos ni Arcellie sa kanyang anak. Walang nagawa si Aika kundi ang sumunod. Napaiyak na lamang siya. Batid niya na kung mangangatwiran siya ay wala din silbi laban sa salita ng kanyang ina. Pagdating sa kanyang silid ay lalo siyang nagwala. Kinakain ng matinding panibugho ang dibdib niya. Naglalaro sa isipan niya ang imahe ni Steve na may
UMASA si Hazel na si Frank ang tinutukoy ni Toni na naghihintay sa kanya sa labas ngunit hindi pala. Si Steve pala ang tinutukoy nito sa text. “Are you sick?” Tanong ni Steve ng mapansin ang pamumutla ni Hazel. “Shit!” Mura ng binata ng muntik ng mabuwal sa kinatatayuan ang dalaga. Agad niya itong nilapitan para alalayan. Sa sobrang init ng balat nito, tiyak niya na tama ang hinala niya, may sakit ang dalaga. Pinigilan ni Steve ang sarili na huwag itong pagalitan. Magkahalong pagkadismaya at lungkot ang nakikita niya ngayon sa mukha nito, na para bang may ibang tao itong inaasahan na makikita bukod sa kanya. Kung pagagalitan niya ito, alam ng binata na hindi din makakatulong. “A-akala ko…” Naramdaman ni Steve ang pagkapit ng nanginginig na kamay ni Hazel sa kanyang damit. Muli, narinig niya ang impit nitong pag iyak. Sandaling pumikit ang binata upang kontrolin ang sarili na tanungin ito ng “Dahil na naman ba sa kanya, kaya ka umiiyak?” Wala siyang karapatan… sa ngayon. Kay
ANG SABI ni Aling Fatima, uuwi si Frank ngayong gabi. Ngunit madaling araw na ay wala parin ito. Niyakap ni Hazel ang katawan ng sumigid ang lamig sa kanyang kalamnan. Masama pa ang kanyang pakiramdam, pero dahil darating si Frank, naligo siya at nagpaganda ng husto. Ngunit hindi ito dumating. “Hazel, alas dose na. Mukhang hindi siya uuwi ngayon.” “Maghihintay pa ako sandali, Aling Fatima. Baka kasi nahuli lang siya…” Nakadama ng awa ang matanda kay Hazel. Nakita niya kung gaano ito kasaya kanina sa kabila ng karamdaman. Sabik itong naghintay subalit katulad ng palaging nangyayari, naghintay ito sa wala. Nang sumapit ang ala una, saka lamang bumalik si Hazel sa kwarto niya. Nanlulumo siya na nahiga sa kama niya. Akala na naman niya ay makikita si Frank… pero bigo na naman siya. B-bakit pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito? Halos magdugo ang kanyang labi sa diin ng kanyang pagkagat dito. Sumasama na naman anh kanyang loob ngunit agad niyang nilalabanan ito. Tumaw
“Talaga? Mabuti naman kung gano’n. Eh di magiging masaya na si Lolo Henry dahil nakita mo na ang apo niya.” Kumunot ang noo ni Hazel ng pumilig ang ulo ni Steve. “Hindi parin ba sila magkasama ngayon?” Nang umiling ang binata ay muli siyang nagtanong. “Bakit naman? Akala ko ba ay nakita mo na siya? Bakit hindi sa kanya sabihin ang tungkol sa lolo niya?” “Dahil hindi gano’n kadali iyon, Hazel.” Sagot ni Steve. “Ang alam ng apo ni Lolo, wala siyang ibang pamilya maliban sa kanyang ama. Hindi rin naging maganda ang buhay niya sa poder ng mga ito. Hindi maganda kung bigla nalang kaming susulpot at sasabihin na matagal na namin siyang hinahanap. Hanggat maari, ayaw namin siyang biglain.” Naiintindihan ni Hazel ang sinasabi ni Steve. Pareho pala sila ng kalagayan ng apo ni Lolo Henry, na hindi naging mabuti ang buhay sa kinagisnan na pamilya. Kung siya ang nasa kalagayan ng apo ni Lolo Henry, sasama ang loob niya kung bigla na lamang may susulpot na ibang tao at sasabihin na kaanak niya.
“Pumunta ba si Hazel dito kahapon?” Hindi tumitingin kay Toni na tanong ni Frank. Abala ang binata sa pagbabasa ng mga papeles sa kanyang harapan. Nagtataka man, magalang na sumagot si Toni sa kanyang boss. “Noong isang araw ay galing siya dito, Sir.” Kumunot ang noo ni Frank. “Noong isang araw pa?” “Yes, sir.” Pagkatapos ipasa ang ilang office reports ay bumalik na si Toni sa mesa niya. “Ano kaya ang nakain ni Sir at biglang naitanong si Hazel. Hindi ba niya alam ang nangyari kay Hazel?” Sabagay… wala naman itong pakealam sa kaibigan niya. Eh nakikita nga niya na tinatapon neto ang pagkain na binibigay ng kaibigan niya. Ang sama talaga neto. Hindi marunong mag appreciate ng effort ng tao. Kababalik lang nito ngayong araw. Kasama na naman siguro nito ang nobya nitong si Yassie kaya ngayon lang ito pumasok. Napansin ni Toni na madalas na itong hindi pumasok netong nakaraan. Totoo nga siguro ang mga balita na lihim netong hinahanda ang kasal at ng nobya. Pero bakit kaya kailanga
“Frank, what’s wrong?” Tanong ni Yassie ng iwasan ng nobyo ang halik niya. “I’m busy, Yassie. Marami akong trabaho na kailangan tapusin.” Walang kagana-gana na tugon ni Frank dito. Nabahiran ng pagkairita ang mukha ng dalaga, ngunit agad din itong nawala. Malambing na yumakap siya sa leeg ni Frank habang nakaupo siya sa ibabaw ng hita nito. “Frank, naman… masyado tayo naging busy sa Japan… why don’t we have sèx here and enjoy while you’re working?” Malanding pinadaan ni Yassie ang daliri sa dibdib ni Frank habang iginagalaw ng marahan ang balakang. Alam ng dalaga ang kahinaan ng nobyo niya. Ganito ang ginagawa niya kapag gusto niyang makuha ang atensyon nito. Hinalikan ni Yassie si Frank sa labi, nang tumugon ito ay napangiti siya. Sabi na nga ba at kailangan lang niyang akitin ito. Kinuha niya ang kamay nito at ipinatong sa malaki niyang hinaharap. “Shit.” Mura ni Yassie ng may kumatok sa pinto. Peste talaga itong secretary ni Frank… istorbo. Hinawakan niya ang mukha ni Fran