Share

268. Sagot

“Talaga? Mabuti naman kung gano’n. Eh di magiging masaya na si Lolo Henry dahil nakita mo na ang apo niya.” Kumunot ang noo ni Hazel ng pumilig ang ulo ni Steve. “Hindi parin ba sila magkasama ngayon?” Nang umiling ang binata ay muli siyang nagtanong. “Bakit naman? Akala ko ba ay nakita mo na siya? Bakit hindi sa kanya sabihin ang tungkol sa lolo niya?”

“Dahil hindi gano’n kadali iyon, Hazel.” Sagot ni Steve. “Ang alam ng apo ni Lolo, wala siyang ibang pamilya maliban sa kanyang ama. Hindi rin naging maganda ang buhay niya sa poder ng mga ito. Hindi maganda kung bigla nalang kaming susulpot at sasabihin na matagal na namin siyang hinahanap. Hanggat maari, ayaw namin siyang biglain.”

Naiintindihan ni Hazel ang sinasabi ni Steve. Pareho pala sila ng kalagayan ng apo ni Lolo Henry, na hindi naging mabuti ang buhay sa kinagisnan na pamilya. Kung siya ang nasa kalagayan ng apo ni Lolo Henry, sasama ang loob niya kung bigla na lamang may susulpot na ibang tao at sasabihin na kaanak niya.
SEENMORE

LIKE 👍

| 11
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status