LIKE 👍
“Ayos ka lang ba, Hazel? Baka mamaya masama pa ang pakiramdam mo. Kung oo, sabihin mo lang para mahatid ka ni Ald.” Ani Giselle ng mapansin na tulala si Hazel habang nakatingin sa kawalan. “Naku ayos lang ako. Okay na ang pakiramdam ko kaya wag niyo akong intindihin.” “Siya nga naman, Giselle. Eh mas mukha pang brokenhearted yang si Hazel kesa may sakit.” Sabat ni Tes. Mahina nitong siniko si Hazel. “Umamin ka… may nobyo ka na noh? Tapos may LQ kayong dalawa ngayon?” Nag iwas ng tingin si Hazel. “A-ano ba kayo… wala noh. S-sige maiwan ko muna kayo, baka kailangan ni Rade ang tulong ko.” Nagmamadaling umalis ang dalaga. Sigurado na kapag nagtagal siya rito ay uulanin siya ng tanong ng mga kasama. Dalawang linggo mawawala si Mrs. Galoso dahil umuwi ito ng probinsya. Kaya naman habang wala silang lesson ay papasok muna siya para madagdagan ang ipon niya at saka para malibang narin. Kapag kasi nasa bahay lang siya ay maaalala lang niya si Frank. Dalawang araw na naman itong hind
AGAD na nilamon ng panibugho ang dibdib ni Aika ng makumpirma na si Steve nga ito, kasama ang isang babae. Dahil malaking tao si Steve, hindi niya makita ng malinaw ang mukha ng babae dahil nahaharangan ito ng binata. Sino kaya ito at nakuha nito agad ang atensyon ng lalaking mahal niya? Mga bata pa lamang ay magkasama na sila ni Steve, kaya naman kilala ni Aika ang ugali ng binata… hindi ito ang tipo ng lalaki na basta nalang sasamhan ang isang babae na kumain sa labas, kaibigan man yan o kababata pa. Mailap ito sa mga babae… maging sa kanya. Kaya sino ang babaeng kasama neto? Ano ang espesyal dito para samahan kumain ng binata sa labas? Arghh! Gustong magwala ni Aika sa sobrang selos na nararamdaman niya ngayon. Pero kailangan niya maging kalmado dahil lalo lamang lalayo ang loob ni Steve sa kanya kapag nagwala siya dito ngayon. Dumating si Marga sakay ng sariling sasakyan. Pagkababa nito ay napansin nito si Aika na nasa loob pa ng kotse neto. Pagkababa niya ay kumatok siya sa bint
Bahagyang natawa si Yassie sa sinabi ni Aika. Sa kanilang tinagal-tagal na magkaibigan, kilala na nito ang ugali ng kaibigan. Base sa kanyang nakikita ay mukhang kabaligtaran ng kanyang unang akala, mukhang nagagalit ito sa kung anong dahilan. Hindi napigilan ni Lindsay ang sumabat, ang isa din sa magkakaibigan. “How about you, Yassie. You look happy. Is that true na pumayag na si Frank na magpakasal kayong dalawa?” Hindi lingid sa kaalam ng kaibigan ni Yassie ang tungkol sa relasyon nila ni Frank, maging ang hindi ito pagyaya sa kanya ng kasal netong nakaraan ng ilang taon nilang relasyon ay alam ng mga ito. “Yes, pumayag na siya. Actually, may hinihintay na lamang kami bago namin ituloy ang kasal.” May pagmamalaki na ngumiti si Yassie sa kanyang mga kaibigan. “Like I said before, Frank loves me. Kayo kasi, wala kayong bilib sa akin. Kung hindi niya ako mahal, tatagal na kami ng halos 8 years?” Itinaas ng dalaga ang hawak na basong may lamang alak, sabay tingin sa mga kaibigan na
‘Poor you…. Hindi ka magusto-gustohan ng lalaking mahal mo’ Arghh! At talagang pinamukha pa ni Yassie sa kanya ang kawalan niya ng pag asa na makuha ang puso ni Steve. Bitch talaga ang babaeng ito! Nakuha lang nito ang lalaking gusto, umaasta na ito na kung sino! Sa kabilang banda, alam ni Aika na tama ito. Kung wala siyang gagawin ay baka nga tuluyan ng hindi niya makuha si Frank. Lumabas ng bar si Marga, tama nga siya, nasa labas si Aika para magpalamig ng ulo sa mga sinabi ni Yassie. “Tara na sa loob. Wag mong pansinin anh sinabi niya. Kilala mo naman ang babaeng ‘yon—“ “Of course! Kilala namin siya at alam namin kung gaano siya kayabang.” Inis na pakli ni Darlene habang bumubuga ng usok ng sigarilyo. “Kung hindi dahil kay Frank ay wala naman siyang binatbat sa mga pamilya natin. That lowly bitch acted like she owns everything just because she has him. Nakakairita ang kayabangan niya!” Nanggagalaiting litanya pa nito bago muling humithit ng sigarilyo. Well, tama si Darlene
HINDI MAALIS sa isip ni Arcellie ang luhaang mukha ng kanyang anak. Hanggang sa kanyang pagtulog ay naririnig niya ang pag iyak neto habang sumasamo. Mahal na mahal ng anak niya si Steve. At sigurado siya na hindi nito makakaya na mapunta sa iba ang binata. Nakita ni Aika si Steve na kasama ang babaeng kamukha ni Harley? Negative ang resulta ng DNA results. Pero bakit mawala ang pagkabahala ay may umaahon na hindi magandang hinala sa kanyang dibdib? Tumayo si Arcellie, at mula sa ilalim ng drawer sa kanyang kwarto ay inilabas neto ang litrato nilang dalawa ni Harley noong mga teenager pa silang dalawa. “Patay ka na pero pinapasakit mo parin ang ulo ko. Bakit hanggang ngayon ay ikaw parin ang pinapaboran ni papa? Bakit hindi naman ako? Bakit hindi nalang kayo manahimik ng anak mo kung saan man kayo naroon? Bakit hindi pa kayo manahimik at patahimikin ang buhay namin!” Nagkapiraso-piraso ang salamin ng frame ng ibato ito ni Arcellie sa dingding. “Ikaw ang dahilan kaya ayaw ni S
YUMUKO kay Frank ang lahat ng tauhan ng makita ito. Sumenyas si Jobert sa isang kasamahan hudyat na kunin ang lalaking nasa loob ng van. “Ahhcckk!” napaigik ang lalaki intsik ng sipain ito sa binti, napaluhod ito sa harapan na ngayon ay may hawak ng baril. “A-ano kasalanan ko inyo? A-ano kailangan niyo?!” Gamit ang hawak na baril, inalis ng binata ang piring nito sa mata. Nang makita ng matandang intsik si Frank ay namutla ito at agad na nagmakaawa. “M-Mr. Evans! S-sigurado ako na mali ang impormasyong natanggap mo! Ako hindi babaliktrad sa inyo! Kilala ako ng ama mo!” Nanatiling malamig ang tingin ni Frank sa matanda. Walang balak ang binatang pumunta ng China subalit nalaman niya ang pagpapatigil nito ng operasyon sa bundok kung saan siya nag invest para sa pagmimina. And this old man took everything, including his money. Ang hindi katanggap-tanggap na ginawa ng intsik, pinasabog nito ang bunganga ng lupa kung saan nasa loob ang mga tauhan ng binata upang matabunan ang mga i
MARAMI-RAMI na ang nainom ni Frank ng magpasya siyang umuwi. Pagdating sa hotel ay hindi siya dinalaw ng antok sa kabila ng kanyang kalasingan. Tumayo siya mula sa kama at nagtungo sa mini bar counter at kumuha ng alak para uminom. Dahil pag aari ni Frank ang buong hotel, siya lamang at mga tauhan niya ang naka-check in sa buong palapag ng gusali. Secure ang kalagayan niya dahil napapalibutan din ng mga personal bodyguards niya ang buong gusali. “Sir, tumawag si Joemar kanina lang para ipaalam na nakita niya si Ma’am Hazel na sumakay sa kotse ng isang lalaki. Gusto mo bang utusan ko siya na sundan si Ma’am?” Pinilig ni Frank ang ulo. Nagsimulang mag init ito ng maalala ang sinabi ni Jobert sa kanya kanina. Gawain ba ito ni Hazel? Ang umiyak at magmukhang kaawaawa kapag dumadating siya para palabasin na nangulila ito sa kanya at hindi niya mahalata na iniiputan siya sa ulo nito? “Frank, si Hazel ang gusto ko maging ina ng anak natin dahil bukod sa uto-uto siya… malandi din nam
Napaigik si Hazel ng higitin ni Frank ang braso niya. Sa diin ng pagkakahawak nito sa kanya ay sigurado siya na mag iiwan ito ng marka. Walang maapuhap na sabihin ang dalaga habang hilahila ni Franka ng braso niya. Naghahalo ang tuwa, sakit at tampo niyang nakatingin rito. Dapat galit siya dahil umalis ito ng walang paalam… iniwan na naman siya nito… pero ang puso niya ay hindi niya kontrolado, mas nangingibabaw ang kasiyahan niya na makita ito. Saka lamang natauhan ang dalaga sa paninitig kay Frank ng padaskol siyang itulak nito papasok ng sasakyan. “Sa bahay tayo.” Malamig na utos ni Frank kay Joemar, na agad naman nitong sinunod. Hinaplos ni Hazel ang braso niya… kahit nakabitaw na si Frank ay ramdam niya parin ang sakit ng pagkakahawak nito. Parang naiwan dito ang daliri ng binata at nakabaon. “Frank, kauuwi mo lang ba?” Magkahalong tuwa at pananabik na tanong ni Hazel kay Frank. Noong wala si Frank ay umiiral ang sakit at tampo sa puso niya. Ngunit ngayon na narito na ito