LIKE 👍
MARAMI-RAMI na ang nainom ni Frank ng magpasya siyang umuwi. Pagdating sa hotel ay hindi siya dinalaw ng antok sa kabila ng kanyang kalasingan. Tumayo siya mula sa kama at nagtungo sa mini bar counter at kumuha ng alak para uminom. Dahil pag aari ni Frank ang buong hotel, siya lamang at mga tauhan niya ang naka-check in sa buong palapag ng gusali. Secure ang kalagayan niya dahil napapalibutan din ng mga personal bodyguards niya ang buong gusali. “Sir, tumawag si Joemar kanina lang para ipaalam na nakita niya si Ma’am Hazel na sumakay sa kotse ng isang lalaki. Gusto mo bang utusan ko siya na sundan si Ma’am?” Pinilig ni Frank ang ulo. Nagsimulang mag init ito ng maalala ang sinabi ni Jobert sa kanya kanina. Gawain ba ito ni Hazel? Ang umiyak at magmukhang kaawaawa kapag dumadating siya para palabasin na nangulila ito sa kanya at hindi niya mahalata na iniiputan siya sa ulo nito? “Frank, si Hazel ang gusto ko maging ina ng anak natin dahil bukod sa uto-uto siya… malandi din nam
Napaigik si Hazel ng higitin ni Frank ang braso niya. Sa diin ng pagkakahawak nito sa kanya ay sigurado siya na mag iiwan ito ng marka. Walang maapuhap na sabihin ang dalaga habang hilahila ni Franka ng braso niya. Naghahalo ang tuwa, sakit at tampo niyang nakatingin rito. Dapat galit siya dahil umalis ito ng walang paalam… iniwan na naman siya nito… pero ang puso niya ay hindi niya kontrolado, mas nangingibabaw ang kasiyahan niya na makita ito. Saka lamang natauhan ang dalaga sa paninitig kay Frank ng padaskol siyang itulak nito papasok ng sasakyan. “Sa bahay tayo.” Malamig na utos ni Frank kay Joemar, na agad naman nitong sinunod. Hinaplos ni Hazel ang braso niya… kahit nakabitaw na si Frank ay ramdam niya parin ang sakit ng pagkakahawak nito. Parang naiwan dito ang daliri ng binata at nakabaon. “Frank, kauuwi mo lang ba?” Magkahalong tuwa at pananabik na tanong ni Hazel kay Frank. Noong wala si Frank ay umiiral ang sakit at tampo sa puso niya. Ngunit ngayon na narito na ito
“Frank, nakikinig ka ba sa akin?” untag ni Yassie sa nobyo ng mapansin na tila malalim ang iniisip nito. “Uhm. What is it?” Nakadama ng inis si Yassie. Kanina pa siya nagsasalita pero mukhang hindi ito nakikinig sa mga sinasabi niya. “Tell me, Frank. Sino ba ang iniisip mo? Wag mo sabihin sa akin na si Hazel ‘yan?” sa loob ng halos walong taon ng kanilang relasyon ay hindi nagkaganito si Frank sa tuwing magkasama sila. Dapat ay nasa kalagitnaan na sila ng mainit na p********k lalo na’t kanina pa niya ito hinihimas-himas. Subalit walang talab ang ginagawa niya. Simula ng ungkatin niya ang kapatid ay hindi na ito nagsalita. At ito ang ikinaiirita niya. Tumingala si Yassie sa nobyo ng tumayo ito sa kama. “Saan ka pupunta?” she tried to grab his hand, pero tinabig nito ang kamay niya. “Babe…” “Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako, Yassie. Go home now, I will call you later.” Inis na tiningnan ng dalaga ang pinto na nilabasan ng binata. Para saan pa ang pagbobook niya ng hotel
NAKANGITING pinagmasdan ni Hazel ang sarili niya sa salamin. Masigla ang awra niya hindi katulad nong nakaraan. Siguro ay dahil okay na sila ni Frank. Tatlong araw na rin simula ng magkaayos sila. At sa loob ng tatlong araw na ‘yon ay napansin niya na naging extra sweet sa kanya ang binata. Siguro ay bumabawi ito sa kanya dahil sa nangyari netong mga nakaraang buwan. “Hazel, maganda ka na, okay. Ako ang nahihilo sa kakaikot mo eh.” Kumakamot sa ulo na sabi ni Gladys habang tinitirintas ang buhok niya. “Ayan, bagay na bagay sayo. Lalo kang gumanda.. yun nga lang ay lalo kang naging mukhang bata. Sabagay, bata ka pa nga pala. Hazel, umamin ka nga. May date ka ba ngayon?“ “W-wala ah.” Nagdududang tiningnan ni Gladys ang dalaga. “Wala? Eh halos baliktarin mo ang closet para lang makahanap ng susuotin. Saka nagpatali ka pa ng buhok at kilig na kilig. Di mo ako maloloko no. Alam kong may date ka.” Pinigilan ni Hazel ang pagsilay ng ngiti sa labi. Kaya naman lalong nagduda ang ting
Napasinghap si Hazel sa gulat ng biglang sinuntok ng kadarating lang na si Frank ang kuya niya. “Kuya! Frank, tama na!” niyakap niya si Frank sa bewang para pigilan ito pero masyado itong malakas kaya natabig siya at natumba sa sahig. Nagdilim ang paningin ni Yael. “Gago ka!” tumayo ito at gumanti ng suntok. Nagpambuno ang dalawa at nagpalitan ng suntok. At ilang sandali pa ay hindi na nakaganti ng suntok si Yael, nakalugmok na ito sa sahig at dumadaing sa sakit. “Bitiwan mo ako, Frank! Ano ba!” gustong lapitan ni Hazel ang kuya niya pero hinawakan siya ni Frank ng mahigpit sa braso at hinila palayo. “H-Hazel, w-wag kang maniniwala sa kanya…” rinig niyang sabi pa ng kuya niya habang namimilipit sa sakit ng sikmura. “K-kuya…” awang-awa siya sa kuya niya. Wala naman itong ginawang masama para saktan ng ganito ni Frank. Pagdating sa kwarto ay padaskol siyang binitiwan ng binata. “Bakit mo bunugbog si kuya, Frank? Sana hinintay mo muna ang paliwanag namin. Hindi naman siya nandito
“HINDI PARIN UMUUWI SI HAZEL, SIR.” Nag isang linya ang kilay ni Frank sa sagot ni Fatima ng tanungin niya ito tungkol sa dalaga. Halos madurog ang cellphone niya sa diin ng pagkakahawak niya ng hindi nito sagutin ang tawag niya. “Fvck!” Napalundag sa gulat si Joemar ng ibato ng binata ang cellphone nito dahilan para mabasag ito. Maging sila Fatima, Gladys at iba pang naroon ay nahintatakutan na napaatras sa gulat. Tatlong araw na simula ng manggaling si Yael dito. At tatlong araw na din na umiiwas sa kanya si Hazel. Hindi ito matanggap ni Frank dahil sanay siya na ang dalaga ang palaging lumalapit sa kanya. Hindi kaya kasama nito ang lalaking nakita niyang kasama nito noong nakaraan? Lalong uminit ang ulo ni Frank sa naisip. “Damn! Ano ba ang nangyayari sa akin?!” Isip-isip ng binata. Pagkasakay ng kotse niya ay pinasibad niya ito paalis. Baka kailangan lang niya mag unwind para mahimasmasan siya. Pagdating sa bar ay kasabay niyang dumating ang mga kaibigan na sina F
HINDI PWEDE na hindi sila magkausap ni Steve. Pagkakataon na ito ni Aika upang makausap na din ang binata. Hindi siya makapaniwala sa ginawang aksyon kanina ng binata. Hindi ganito ang pagkakakilala ni Aika kay Steve. Hindi ito ang klase ng tao na basta nagpapadala sa damdamin, kabaliktaran ng aksyon na ginawa nito kanina. “Steve!” nasaktan siya ng tabigin ni Steve ang kamay niya ng hawakan niya ito. “Ano bang nangyayari sayo? You're not supposed to do that, especially in public. Lasing ka ba- “Stop following me, Aika.” asik ni Steve sa dalaga. “Alam mong hindi ko magagawa ang gusto mo- “Of course! Hindi mo gagawin dahil wala ka naman ginawa kundi pestehin ang buhay ko!” galit na hinarap ni Steve si Aika. kahit ano ang gawin niyang takas ngayon ay alam ng binata na huli na. Dahil makatakas man siya ngayon sa dalaga, alam na nang mommy nito kung saan siya tumutuloy. Lumipat man siya, matutukoy parin kung nasaan siya dahil sa pagsubaybay niya kay Hazel. “Bakit kasi hindi mo pa ak
Parang dinudurog ang puso ngayon ni Hazel habang umiiyak siya dito sa park. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Nasiraan kasi sila ng sasakyan sa tapat ng isang bar. Sakto na pagkababa nila ay nakita niya si Frank kasama ang ate niya. Nakayakap pa ang ate niya mula sa likuran ni Frank. Akala niya dala lang ng pagod at pagkamiss kaya nakita niya ito. Ilang araw na kasi niyang iniiwasan si Frank. Gusto lang naman niyang magpahinga sa nakakapagod na relasyon nila dahil nasasaktan na siya. Pero nakita niya itong napatingin sa kanya at halata pang nagulat. Mukhang hindi nito inaasahan na mahuhuli at makikita niya. Akala niya si Steve ang dadating dahil ito ang tinawagan niya pero nagulat siya na si Frank ang nasa harapan niya ngayon. “It’s too dark here. Umuwi na tayo.” Hinila niya ang kamay mula rito. “Ayoko. Hindi ako sasama sayo kaya bitiwan mo ako.” Bumuntong-hininga ito. “Please, Hazel. Magpapaliwanag ako pag uwi—“ “At anong sasabihin mo? Na hindi mo sinasadya na nagki