SLOW PACING ang story na ito ha. Sinasabi ko sa inyo ng maaga para alam niyo. Thank you po sa suporta niyong lahat✨ Salamat po sa GEMS 💎 Nakikita ko parin ang mga READERS ko na talagang nakaabang sa lahat ng stories ko. Pagkatapos ng ⬇️ MAFIA SERIES: THE FIFTH WIFE [MR.X] ay sisimulan ko na ang TRAPPED SERIES 6: Nickolas story ko. Paalala: Ma-drama at heavy ang story ni Nick. Hahaha. At isusunod ko din after ng THE FIFTH WIFE ko ang SECOND MAFIA SERIES ko na THE PRETENDING WIFE. Stay tuned✨🫰
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Hazel habang hawak ang kwintas na galing kay Frank. Masaya na siya na makasama ito, ngunit ang kasiyahan na iyon ay nadagdagan ng makatanggap siya ng regalo mula rito. “Hazel!” Tawag ni Gladys sa kanya. “Wala ka na naman sa sarili.” Inginuso nito ang mga halaman na dinidiligan niya. “Tingnan mo ang mga halaman, kanina pa nalulunod dahil kanina mo pa sila dinidiligan!” Naku po! Oo nga pala! Mabilis na pinatay niya ang tubig. Lumapit ito sa kanya at tumingin sa leeg niya kaya tinakpan niya ang kwintas. “Kanino galing ‘yan? Mukhang ang kwintas na ‘yan ang dahilan kaya ka tulala. Umamin ka, kanino galing ‘yan?” “N-nabili ko lang ‘to sa mall.” Nagdududa na tumaas ang kilay nito. Halatang hindi nito binili ang sinabi niya. “Babae din ako kaya malakas ang pakiramdam ko na may nagugustuhan ka na. Hindi mo dapat ikahiya ‘yon dahil normal lang na magkagusto tayo sa iba.” Tinapik nito ang dibdib. “Hindi naman natuturuan ang puso kaya wala tayong maga
Mabilis na hinila niya ang kamay kay Frank at pinaghahampas ito sa braso. “A-ang daming lamok, k-kinakagat si kuya Frank! I-ikaw naman kasi, kuya Frank eh, sinabi ko na nga sayo na wag ka dito—“ napangiwi siya habang napapalunok na nakatingin sa taong dumating. Sa dinadami na pwedeng makakita sa kanila bakit si Joemar pa? Saksakan pa naman ito ng daldal. Ultimong sikreto ng kanunu-nunuan nito ay naikwento na yata nito. Ika nga ng lahat—walang sekreto na maitatago kapag si Joemar ang nakakaalam. Tumayo ng tuwid si Frank at tumingin kay Joemar. Kanila lang ay nakangiti ito at tumatawa sa harapan niya. Pero ngayon ay kasing lamig ng yelo na nakatingin ito sa driver nito. Ang bilis talaga magbago ng emosyon nito. Kahit sino ay hindi basta-basta mababasa ang tunay na emosyon na tinatago nito. “May nakita ka ba ngayon?” “S-sir?” Sa lamit ng boses at ekspresyon ng amo ay napalunok at pinagpawisan si Joemar. “Alam mo naman ang parusa ko kapag nilabag ang utos ko, hindi ba?”
“Baby!” Napahinto sa akmang pagpasok si Frank sa kanyang sasakyan. “Mommy?” “Oh, I missed you, baby!” Sabik na yumakap si Freya sa anak, at gano’n din si Alexander. “Anim na buwan din tayong hindi nagkita pero bakit mukhang hindi ka masaya na makita kami?” “Of course, mom. I’m glad to see you two. Pero hindi ba’t after Christmas pa kayo uuwi ni dad?” Nang makita ni Frank ang kakaibang ngiti sa labi ng ina ay napamura siya. ‘What have you done, Rose!’ Angil niya sa isip ng magkaro’n ng hinala sa isip. “Is that true there’s a woman in your house and you’re treating her kindly, baby?” Malaki ang ngiti sa labi na tanong ni Freya. Gustong isipin ni Frank na sinabi ito ng kapatid sa kanilang ina ng sarkasmo, ngunit mukhang hindi ito nakuha ng mommy nila. “Sinabi sa akin ng kapatid mo may babae ka daw at hindi si Yassie…” pumalatak si Freya. “And I’m gladly to hear that!” Natampal ni Frank ang noo. ‘You will pay for this, Rose!’ Walang nagawa si Frank ng magpumilit ang kanyang
Nakakatuwa dahil katulad ni Ate Rose ay mabait ang mommy at daddy ni Frank. Nagboluntaryo pa si Tita Freya na ipapadala ang mga libro nito para makatulong sa pag aaral niya. “That’s it, iha. Palagi mong tatandaan na hindi gusto ng anak ko ang mga pritong pagkain. Hindi bale na maghain ka ng mga masabaw, wag lang mga prito. Sa palagay ko nga ‘yun ang sekreto ng anak ko kaya napakakinis ng mukha niya.” Natawa siya sa biro ni Tita Freya. Nandito sila ngayon at nagluluto ng lunch. Dito kasi manananghalian ni Tito Alexander. Dapat ay sa bahay nila ate Rose sila manananghalian pero dahil minsan lang daw sila magkikita at magkakasabay ay dito ito kakain ngayon. Masarap at mabilis magluto si Tita Freya. Kasing bilis nito magluto si Chef, sanay na sanay ito at alam na alam ang ginagawa. “Wow! Ang sarap po, Tita!” Aniya ng matikman ang kare-kare na niluto nito. “Mas masarap pa sa luto ni Chef!” Walang halong kasinungalingan na sinabi niya. Tumawa naman si Chef na nasa gilid lang na nak
“Hazel, ayos ka lang ba? Baka mabali ang leeg mo sa kakalingon di’yan. Sino ba kasi ang tinitingnan mo?” Nagpalinga-linga siya at hindi ito sinagot. Pakiramdam niya kasi talaga ay mayron nakatingin sa kanya. Pero sa tuwing lilingon siya ay wala naman tao. Guni-guni lang siguro niya. Kailangan ba siguro niya tigilan ang panonood ng harror movie. Simula ng makanood siya tatlong araw ang nakakaraan ay tatlong araw na rin siyang balisa. Tumingin si Toni sa suot na relo. “Sorry, Hazel. Tapos na ang lunch break ko kaya kailangan ko ng umalis. Maiiwan na kita. Bye!” “Ingat ka, Toni!” Paalam niya. Wala si Frank ngayon dahil nasa ibang bansa ito kaya naman sila ni Toni ang magkasama ngayon. Tatlong araw na itong wala kaya miss na miss na niya ito. Hindi siya sanay na malayo ito sa kanya at hindi niya ito nakakasama. Nangalumbaba siya. Nag angat siya ng tingin ng may lalaking umupo sa kinauupuan kanina ni Toni. “Teka—ikaw ‘yung!” Natatandaan niya ang mukha ng lalaking ito. Ito ang h
“Grabe! Ang dami na talagang masasamang loob ngayon! Tinakasan ka at hinayaan na mamatay kesa dalhin ka sa hospital! Kung sino man ang nakasagasa sayo ay makarma sana siya!” Lalong sumakit ang ulo ni Hazel sa bunganga ni Toni. Kanina pa ito paroo’t parito na naglalakad sa silid kung saan siya naka-confine. Hindi naman malubsa ang lagay niya dahil mababaw lang ang sugat na natamo niya. Ang sabi ng mga nakasaksi ay napaka swerte niya dahil ito lang ang natamo niya. Umupo sa gilid ng kama si Toni. “Kanina pa tumatawag sila Aling Fatima. Nag aalala na sayo yung tao. Hindi ba natin sasabihin sa kanya ang nangyari sayo? Sigurado ka ba diyan?” Umiling siya rito. “Wag na, Toni. Ayokong mag alala lalo siya. Saka hindi naman malubha ang lagay ko. Sabihin mo nalang sa kanya ay nakitulog ako sa inyo.” “Okay, ikaw ang bahala. Siya nga pala. Kailangan ireklamo natin ‘yung taong nakabangga sayo. Dapat sa kagaya niya ay pinapakulong. My god! Kapag naaalala ko ang ginawa niya ay kumukulo ang d
“MARAMING salamat sa inyong lahat. Nag abala pa kayo, eh madi-discharge narin naman ako bukas.” Pasalamat ni Hazel sa mga ka-team niya sa Catering service. Dinalhan siya ng mga ito ng maraming prutas at makakain. Halos wala na tuloy space ang mesa dito sa kwarto. “Hazel, pag isipan mo ang sinabi namin sayo, ha. Saka hindi ka abala sa amin, kaya wag mo kaming alalahanin, ang sarili mo dapat ang isipin mo at panagutin ang nanagasa sayo. Naku, masasakal na rin talaga kita!” Napatawa siya sa sinabi ni Giselle. Kahit si Toni ay ganito rin ang sinabi sa kanya kanina. Ayaw lang talaga niya na makaabala ng iba, lalo na’t alam niya na may kanya-kanyang buhay at mga problema ang mga ito. “Guys!” Tili ni Tes na kapapasok lang. Nahuli kasi ito dahil may dinaanan pa daw kaya ngayon lang ito nakarating. “Si Steve Montenegro nakita ko sa labas! Ang gwapo mga biiii!” Kinikilig na tili pa nito. Steve Montenegro? Ito ang lalaking sinabi ni Toni na mayaman daw. Ang lalaking basta na lamang nangh
Nilapag ni Ranz ang resulta ng accident report sa mesa ni Steve, at katulad ng kanyang inasahan, nagulat ito ng makita kung sino ang nag-hit and run sa dalaga. “Ano ang plano mo, Sir? Kung tutulungan natin si Hazel sa kaso niya, tiyak na malalaman ni Aika narito ka da bansa at tinutulungan mo si Ma’am Hazel. May posibilidad din na magduda siya sa tunay na koneksyon ni Hazel sa pamilya nila.” Tumango si Steve. Mababalewala ang paglihis nila sa katotohanan na hindi si Hazel ang tunay na apo ng matanda kung itutuloy nila ang kaso. Ang magkita o magkrus ang landas ng dalawa ang iniiwasan nilang mangyari. “Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni Ma’am Aika.” Dismayadong wika ni Ranz. Batid niya na may hindi magandang ugali ang dalaga, ngunit ang pagtakas sa krimen at kasalanan na humantong sa pananakit ng kapwa at takasan, labis na nakakadismaya. Napahilot ng sintido si Steve. Gusto niyang tulungan si Hazel sa sinapit nito, ngunit sa nalaman niya ngayon ay nagbago ang plano. Hi