Tumawa lang ito sa pagkakaila niya. Gano’n ba ka-obvious na nagseselos siya? Pero sinong hindi magseselos eh kasama nito ang ex nito? Magkahawak ang kamay nilang dalawa habang naglalakad palabas ng Mall. Walang katao-tao kaya malaya silang maghawak ng kamay kagaya nito. Pakiramdam niya ay malaya silang dalawa na ipangalandakan sa lahat na silang dalawa na. Napahawak ang isang kamay niya sa tiyan ng tumunog ang tiyan niya sa gutom. Katulad ng palagi nitong ginagawa kapag tumutunog ang tiyan niya ay tumatawa ito. Hindi niya tuloy maiwasan na tumitig sa gwapo nitong mukha habang tumatawa ito. “Ang sarap mong titigan— natuptop niya ang bibig. “A-ah eh… ang ibig kong sabihin ay… g-gutom na ako… tama hehe… g-gutom lang ako.” Lalong lumakas ang tawa nito. “Kailangan na pala natin magmadali para makakain ka. Nakakatakot, baka ako na ang kainin mo.” Napahawak siya sa pisngi sa hiya. Kasi naman ‘tong bibig niya, traydor at hindi makontrol. Baka mamaya isipin ni Frank na ito ang inii
“YOU ARE JUST HALLUCINATING, Aika! Ito ang napapala mo sa walang tigil mong pag iinom! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang pakikipag hang out sa mga kaibigan mo?! Why don’t you just help me to manage your Lolo’s company? Kaya mababa ang tingin niya sayo at hindi ka niya mapagkatiwalaan dahil wala kang ginawa kundi ang maglustay ng pera ng pamilya!” Kastigo ni Arcellie sa anak. “Pero, mommy, nagsasabi ako ng totoo!” Giit ni Aika sa ina. “I saw it on my own eyes! Kamukhang-kamukha ni Tita Harley ang nakita ko—“ “Stop it, Aika!” Singhal niya rito. “Hindi mo nakita si Harley kaya paano mo natitiyak na siya ang nakita mo. Dinadagdagan mo lang ang problema ko. Wala ka na ngang maitulong sa kumpanya, nagdadala ka pa ng kahihiyan! Ano nalang ang sasabihin ng Lolo mo sayo kapag nakarating sa kanya na naunsyami ang meeting dahil pumasok ka ng lasing sa boardroom?!” Yumuko si Aika. “I’m sorry po, mommy.” Bihira lang magalit ang mommy niya. Most of the time ay kalmado it
Kinabukasan ay bumisita si Steve sa hospital. Napansin agad ni Henry ang magandang ngiti ng binata kaya naman nakaramdam ito ng kasiyahan. Sigurado siya na may dalang magandang balita ang binata. “I saw her, Lolo. Tama nga kayo ni Mr. Mendoza, kamukhang-kamukha niya si Tita Harley.” Nabanggit na kay Steve ni Lolo Henry at ni Mr. Mendoza ang tungkol kay Hazel. Noong una ay naisip niya na baka may similarities lamang ang dalawang babae, at dala lamang pangungulila ng matanda ang nakita. Pero ng makaharap niya ang dalaga ay nagulat siya dahil kamukhang-kamukha nga ito ng ina. “Tama nga ang sinabi ng daddy mo, iho. Kakaiba ang ngiti mo ng makita ang aking apo.” Mahina siyang natawa. Nai-tsismis pala agad siya ng daddy niya. “Kailan mo balak dalhin sa akin ang apo ko, Steve? Gusto kong isama mo si Ranz at ang iba ko pang tauhan para sunduin siya.” Tuloy ni Henry sa kanyang secretary na pinagkakatiwalaan. Bumuntonghininga si Steve. “I’d like to do that also, Lolo Henry. Pero hindi
NANG makarating si Arcellie sa silid ng ama ay nilapag niya ang mga dalang prutas sa bedside table na naroon. “Ano ang ginagawa mo dito, Arcellie?” “Masama bang bisitahin ko ang ama kong nasa hospital?” May himig pagtatampo sa tinig na sagot niya. “Hindi kita kailangan, Arcellie. Makakaalis ka na.” Nakadama man ng sakit ng kalooban ay hindi nagpahalata si Arcellie. “Gusto mo bang ipagbalat kita ng mansanas? Marami akong dalang prutas para sayo, papa—“ “Ano ang kailangan mo?” Putol ni Henry sa anak. Batid niya na kaya ito narito ay dahil may kailangan ito. Binaba ni Arcellie ang hawak na kutsilyo at nakangiting nilingon siya. “Gusto kong tulungan mo ako na maikasal si Aika kay Steve, Papa. Ito naman ang gusto niyo noon pa hindi ba? Kaya bakit hanggang ngayon ay hindi mo parin ina-anunsyo ang engagement nila? Hindi ba ito ang usapan niyo noon pa man ng magulang ni Samsung? Ang ipakasal ang mga anak niyo?” Hindi sumagot si Henry kaya bumuntonghininga si Arcellie. “Nang mawa
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Hazel habang hawak ang kwintas na galing kay Frank. Masaya na siya na makasama ito, ngunit ang kasiyahan na iyon ay nadagdagan ng makatanggap siya ng regalo mula rito. “Hazel!” Tawag ni Gladys sa kanya. “Wala ka na naman sa sarili.” Inginuso nito ang mga halaman na dinidiligan niya. “Tingnan mo ang mga halaman, kanina pa nalulunod dahil kanina mo pa sila dinidiligan!” Naku po! Oo nga pala! Mabilis na pinatay niya ang tubig. Lumapit ito sa kanya at tumingin sa leeg niya kaya tinakpan niya ang kwintas. “Kanino galing ‘yan? Mukhang ang kwintas na ‘yan ang dahilan kaya ka tulala. Umamin ka, kanino galing ‘yan?” “N-nabili ko lang ‘to sa mall.” Nagdududa na tumaas ang kilay nito. Halatang hindi nito binili ang sinabi niya. “Babae din ako kaya malakas ang pakiramdam ko na may nagugustuhan ka na. Hindi mo dapat ikahiya ‘yon dahil normal lang na magkagusto tayo sa iba.” Tinapik nito ang dibdib. “Hindi naman natuturuan ang puso kaya wala tayong maga
Mabilis na hinila niya ang kamay kay Frank at pinaghahampas ito sa braso. “A-ang daming lamok, k-kinakagat si kuya Frank! I-ikaw naman kasi, kuya Frank eh, sinabi ko na nga sayo na wag ka dito—“ napangiwi siya habang napapalunok na nakatingin sa taong dumating. Sa dinadami na pwedeng makakita sa kanila bakit si Joemar pa? Saksakan pa naman ito ng daldal. Ultimong sikreto ng kanunu-nunuan nito ay naikwento na yata nito. Ika nga ng lahat—walang sekreto na maitatago kapag si Joemar ang nakakaalam. Tumayo ng tuwid si Frank at tumingin kay Joemar. Kanila lang ay nakangiti ito at tumatawa sa harapan niya. Pero ngayon ay kasing lamig ng yelo na nakatingin ito sa driver nito. Ang bilis talaga magbago ng emosyon nito. Kahit sino ay hindi basta-basta mababasa ang tunay na emosyon na tinatago nito. “May nakita ka ba ngayon?” “S-sir?” Sa lamit ng boses at ekspresyon ng amo ay napalunok at pinagpawisan si Joemar. “Alam mo naman ang parusa ko kapag nilabag ang utos ko, hindi ba?”
“Baby!” Napahinto sa akmang pagpasok si Frank sa kanyang sasakyan. “Mommy?” “Oh, I missed you, baby!” Sabik na yumakap si Freya sa anak, at gano’n din si Alexander. “Anim na buwan din tayong hindi nagkita pero bakit mukhang hindi ka masaya na makita kami?” “Of course, mom. I’m glad to see you two. Pero hindi ba’t after Christmas pa kayo uuwi ni dad?” Nang makita ni Frank ang kakaibang ngiti sa labi ng ina ay napamura siya. ‘What have you done, Rose!’ Angil niya sa isip ng magkaro’n ng hinala sa isip. “Is that true there’s a woman in your house and you’re treating her kindly, baby?” Malaki ang ngiti sa labi na tanong ni Freya. Gustong isipin ni Frank na sinabi ito ng kapatid sa kanilang ina ng sarkasmo, ngunit mukhang hindi ito nakuha ng mommy nila. “Sinabi sa akin ng kapatid mo may babae ka daw at hindi si Yassie…” pumalatak si Freya. “And I’m gladly to hear that!” Natampal ni Frank ang noo. ‘You will pay for this, Rose!’ Walang nagawa si Frank ng magpumilit ang kanyang
Nakakatuwa dahil katulad ni Ate Rose ay mabait ang mommy at daddy ni Frank. Nagboluntaryo pa si Tita Freya na ipapadala ang mga libro nito para makatulong sa pag aaral niya. “That’s it, iha. Palagi mong tatandaan na hindi gusto ng anak ko ang mga pritong pagkain. Hindi bale na maghain ka ng mga masabaw, wag lang mga prito. Sa palagay ko nga ‘yun ang sekreto ng anak ko kaya napakakinis ng mukha niya.” Natawa siya sa biro ni Tita Freya. Nandito sila ngayon at nagluluto ng lunch. Dito kasi manananghalian ni Tito Alexander. Dapat ay sa bahay nila ate Rose sila manananghalian pero dahil minsan lang daw sila magkikita at magkakasabay ay dito ito kakain ngayon. Masarap at mabilis magluto si Tita Freya. Kasing bilis nito magluto si Chef, sanay na sanay ito at alam na alam ang ginagawa. “Wow! Ang sarap po, Tita!” Aniya ng matikman ang kare-kare na niluto nito. “Mas masarap pa sa luto ni Chef!” Walang halong kasinungalingan na sinabi niya. Tumawa naman si Chef na nasa gilid lang na nak