“DO you really hate me?”“Oo,” walang pag-iimbot na sagot ni Lalaine. Sino ba ito para lagi siyang ipahiya sa harap ng ibang tao? At kahit hindi man si Elijah ang taong iyon, wala pa rin itong karapatan na ipahiya siya.“Talaga bang gan'yan na lang katindi ang galit mo sa'kin?” muling tanong ni Knives na hindi pa rin sumusuko.Kinagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi at hindi na sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa kung saan at tila ayaw nang pagtuunan pa ng pansin ang lalaki. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa, hanggang si Knives na ang unang nagsalita.“Okay, I'll let you go,” seryosong saad ni Knives, “Ito na ang huling beses...” dagdag pa ni Knives.He was very grateful to her for saving his grandmother, so he would give her what she wanted. But the moment she did something to provoke him again, he wouldn't let her go.Tumalikod na si Knives at binuksan ang pinto, pero bago siya tuluyang makalabas ay inawat siya ni Lalaine. “Wait, nakalimutan mo 'to,” ani La
AT the CEO's office.Itinuro ni Knives ang mga kontratra na nakapatong sa kanyang desk na mayroong iba't-ibang mga marka. Malamig pa sa yelo ang ekspresyon na mababasa sa guwapong mukha niya ng mga sandaling iyon.“Warn them! If this mistake happens again, I will ask them to file a resignation letter!”“I-I'll understand, Mr. Dawson,” natataranta namang sagot ng kaharap na executive at isa-isang dinampot ang mga papeles na nagkalat sa desk.Mayamaya pa'y ang secretary naman niyang si Liam ang pumasok sa kanyang opisina, “Mr. Dawson,” kaagad na bungad nito.“Speak,” walang ekspresyon na saad niya sa kanyang secretary.Batid ni Liam na wala sa mood ang kanyang boss at alam niyang wala sa timing kung sasabihin niya ang sadya, pero dahil trabaho niya iyon ay wala siyang choice. “Ms. Lalaine asked me when you are free to handle the formalities... A-Ano po ang isasagot ko?” nanginginig ang tinig na sabi ni Liam.Simula pa kaninang umaga ay walang nakakaligtas sa panenermon nito. Nagsimula
“AN Innocent Prostitute Beauty From St. Claire University—Lalaine Aragon.”Halos mabingi si Lalaine sa lakas ng tibok ng kanyang puso habang isa-isa pinagmamasdan ang mga stolen photos niya na kalakip ng article na iyon.Ang ilan sa mga pictures na iyon sa palihim na kinuha mula sa kanilang school kung saan, dahil sa angulo ng camera ay lumalabas na napapalibutan siya ng mga kalalakihan.Subalit ang pinakaagaw pansin sa lahat ng stolen photos niya ang kuha kung saan kasama niya si Mr. Go sa isang table. Natatandaan niyang ito ang kliyente ng Debonair na pinilit siyang painumin at muntik ng gahasain pagkatapos.Dahil panakaw lang ang kuha ng larawan na iyon mula sa labas ng pinto at bahagya itong malabo, kaya kung titingnan ay para siyang nakasandal sa balikat ni Mr. Go sa kuhang iyon.Mayroon ding iba't-ibang komento ang nabasa ni Lalaine sa article na iyon na halos umabot na sa libo. Lahat ay pawang panghahamak at pang-iinsulto patungkol sa kan'ya. May ilang ding komento na nakahakot
TULALA si Lalaine at gulong-gulo ang kanyang isipan nang lisanin ang kompanya. Ni hindi nga niya alam kung paano siya nakarating sa sakayan ng bus na wala sa tamang wisyo.Nang nasa sakayan na siya ng bus, isang grupo ng mga kabataang babae ay nakasabay ni Lalaine. Sa tantiya niya ay nasa senior highschool na ang mga ito na pawang nasa uso ang mga ayos.Kumunot ang isa sa mga ito nang mapatingin kay Lalaine. “'Diba siya 'yung kabit ng asawa ng model si Irene Go?” tanong nito sa mga kasama. Sabay-sabay naman na nagsilingunan ang mga ito sa kan'ya, at ang isa ay kinuha ang cellphone para tiyakin na siya nga ang nasa viral post sa Friendsbook.“Ay shit! Siya nga ang bruhang 'yan!” anang estudyante na may maikling buhok.“Mas maganda pala s'ya sa personal,” sabay naman ng isa na nakataas ang kilay.“Sabi sa post, campus crush raw ang Lalaine Aragon na 'yan,” sabat naman ng isa na may hawak ng cellphone.“Campus crush? Baka campus slut of St. Claire University!” muling saad ng estudyanten
MADALING-ARAW nang mag-landing na Manila International Airport ang eroplanong sinasakyan ni Knives, kasama ang kanyang secretary. Nang makasakay sa kanyang kotse, kaagad niyang tinawagan si Lalaine subalit nagtataka siya nang hindi niya ma-contact ang babae dahil ayon sa operator ay naka-off ang cellphone nito. Kunot-noong binalingan niya ang secretary. “Check why Lalaine can't be reached and where she is,” utos niya rito. “Okay, Sir. Just a moment,” sagot naman ni Liam saka kinuha ang kanyang iPad at nag-swipe doon. Matapos ang ilang minuto at kaagad ding nalaman ni Liam kung nasaan ang babae. “Mr. Dawson...nasa hospital ngayon si Ms. Lalaine,” pagbabalita ni Liam. “What?” bulalas ni Knives saka binalingan ang kanyang driver, “Sa hospital tayo. Bilisan mo mag-drive!” “O-Okay po, Mr. Dawson,” nahintakutan sagot naman ng kanyang driver. Galit man si Knives sa paulit-ulit na pagtataboy sa kan'ya ni Lalaine, hindi niya mapigilang mag-alala para sa babae ng mga sandaling iy
NANG maglakad na papalapit si Knives sa direksyon ni Lalaine ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang maluwang na corridor ay tila ba biglang sumikip ng mga sandaling iyon dahil sa presensya ng lalaking nag-uumapaw ang charisma.Gayunpaman, nanigas ang likod ni Lalaine nang lampasan lang siya ng lalaki at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin na para bang estranghero sila sa isa't-isa.“Lalaine...”Dahil hindi naman malala ang pinsalang tinamo kaya nagagawa nang bumangon ni Elijah at makakilos. Nang makita niyang may hawak na maliit na thermos si Lalaine ay nakangiti siyang lumapit sa babae.Wala sa sariling napalingon si Lalaine sa kanyang likuran nang marinig ang malumanay na boses na iyon ni Elijah na naglalakad papalapit sa kan'ya.“Nag-abala ka pang magluto ng pagkain. Ano ba 'yang niluto mo?” nakangiting usisa ni Elijah nang makalapit sa dalaga.Nagbalik naman sa wisyo si Lalaine ng mga sandaling iyon. “A-Arrozcaldo,” sagot niya sa lalaki kasabay ng pilit na ngiti.“'Lika
“HMMM... Knives... It's so hot...”Na-estatwa si Lalaine ng mga sandaling iyon na para bang tinamaan ng malakas na kidlat. Ang sumunod ay nakarinig siya ng tila ba pagkapunit ng damit.“Uhmm...I feel uncomfortable. I want to take a shower...” anang banayad na boses ng babae na unti-unting nanlalabo ng mga sandaling iyon.“You asked for it.”Hindi na kailangan makita pa ni Lalaine kung kaninong boses iyon dahil kahit nakapikit siya ay kilalang-kilala niya ito.Ang maliit na mukha ni Lalaine ay unti-unting nawawalang ng kulay nang tuluyang ma-realized na si Knives ay may ginagawang malaswa ng mga sandaling iyon sa loob ng opisina nito kasama ang isang babae.Isang sandali pa'y muling nagbalik ang hinihingal na boses ng babae. “Knives...I... don't want to...”Hindi na narinig pa ni Lalaine ang kasunod na sasabihin ng babaeng kasama ni Knives nang mga sandaling iyon nang biglang isara ni Olivia ang pinto ng kwarto.“I'm sorry, girl. It looks like Kuya Knives is busy with Leila today. Buma
SUMAMA ang mukha ni Leila sa narinig. “K-Knives, how can you say that I'm your servant?”“What do you want me to call you? Itinapon mo ang dala mong kape sa sarili mo, at gusto mo pang mag-shower dito? Do you think I'm stupid enough not to know your plan?” puno ng sarkastikong saad pa ni Knives.“I-I don't have any plans—”“Enough, Leila!” sigaw ni Knives na tila napuno na. “Get out of my sight, now!” Tuluyan ng nilamon ng kahihiyan si Leila ng mga oras na iyon kaya kahit ayaw niyang umalis ay wala siyang nagawa. “O-Okay fine. I'm leaving.”Tumalikod na si Leila at nagtungo sa pinto, pero habang isinara ito ay tinitigan n'yang maigi ang malamig na anyo ng lalaki habang ang kanyang mga mata ay puno ng paranoia.The more na tinatanggihan siya ni Knives, the more na mas lalo siyang nababaliw sa lalaki. Anyway, lahat ng gustong umagaw kay Knives sa kan'ya ay papatayin n'ya. This man can only be hers and must be hers!———PAGKAALIS ni Leila, si Liam naman ang pumasok sa opisina ni Knives.
“OKAY, ladies and gentlemen. Let's give a round of applause to our guest speaker tonight. None other than our foundation's major sponsor, Ms. Keiko Inoue!”Nagpalakpakan ang lahat ng naroon habang ang paningin ay napako sa babaeng papaakyat sa entablado. Keiko looked so beautiful and elegant in her black halter dress and silver stilettos. Ang mga mata ng lahat ng naroon ay napuno ng paghanga mapalalaki man o mapababawi.Ngunit mayroon ding ilan na hindi maipinta ang mukha dahil sa labis na pagkagulat nang makilala kung sino ang babaeng nasa stage at nagpakilala bilang Keiko Inoue.Isa na roon si Gwyneth na imbitado rin sa nasabing event. Halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatingin kay Lalaine. Ibang-iba na ang itsura at aura nito sa kanyang paningin, malayong-malayo sa Lalaine na kilala niya.“What the hell? Who the hell is she?” gigil na usal ni Gwyneth sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa matinding inis at pagkairita.“What's wrong, hija? Kilala mo ba ang babaeng '
AFTER eight years...“Sir Knives, nai-close na natin ang deal with Thompson Group. Our next client is from K Fashion Company. They want to build a branch here in the Philippines and they chose Grayson Construction to handle the project,” ani Liam habang panay ang pagpindot sa ipad na hawak.“K Fashion? The famous fashion company in Japan and America?" paniniguro ni Knives habang nakatutok ang mga mata sa laptop. “Yes, Sir,” ani Liam.“May schedule na ba ang appointment?”“Yes, Sir. The luncheon meeting is at Victoria's Restaurant, at exactly 12 PM.”“Okay, ikaw na ang um-attend, Liam. Mommy's death anniversary is tomorrow so I have to visit the cemetery,” ani Knives habang panay ang tipa. Tinatapos kasi niya ang output my blueprint para sa isang project. “Okay, Sir.”“By the way, mag-post ka ng job opening sa website natin. We need engineers, architects, and other skilled workers in the company. We need more people for incoming projects.”“Alright, Sir Knives,” sagot naman ni Liam.
ISANG linggo...Dalawang linggo...Isang buwan...Anim na buwan...Siyam na buwan...Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay...Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya.Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact.Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news about Lalaine, but
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to