“KAYA kailangan mong pag-isipan ang mga isasagot mo, Olivia. Dahil bawat isang pagsisinungaling mo ay idadagdag ko sa taon ng pananatili mo sa Richmond...”Biglang bumagsak ang balikat ni Olivia saka mukhang kaawa-awa na tumingin sa kanyang pinsan. “W-Wala...wala akong ginagawa,” pagtanggi pa niya.“Two years,” wika ni Knives na bakas ang pinalidad sa tinig.“K-Kuya Knives!” bulalas ni Olivia na namumutla ang mukha at bakas ang takot sa kaharap.“Three years...”Sa pagkakataong iyon ay bumunghalit ng iyak si Olivia. “F-Fine! S-Sasabihin ko na! It's me...”Humihikbi na ikinuwento ni Olivia ang buong kuwento na para bang siya pa ang argabyado sa mga nangyari.Habang pinakikinggan ni Knives ang dahilan ng kanyang pinsan kung bakit nito iyon nagawa ay lalong nakaramdam ng poot si Knives sa kanyang dibdib. Bakas ang panganib sa kanyang mga mata habang nakatingin sa umiiyak na babae.“I can't help but get angry, Kuya Knives. I'm your cousin, pero bakit tinatrato mo ako ng ganito para sa bab
MULING umakyat si Knives sa apartment ni Lalaine para muling nag-doorbell, at tulad noong una ay walang anumang pagkilos siyang naririnig. Dahil nag-aalala para kay Lalaine lalo pa't naalala niyang sinabi ng kanyang secretary na umalis ito kanina sa kompanya na umiiyak, ay kinatok ni Knives ang pinto na halos magiba na ito sa sobrang lakas.Knives's heart pounded faster because of the things that were going through his mind. He couldn't rest during those hours and he felt depressed because of the excessive worry.‘Damn it!’Dahil kahit anong katok at pag-doorbell ang gawin ni Knives ay walang sumasagot, malakas niyang sinipa ang code lock ng pinto. Isa beses, dalawang beses, at sa pangatlong beses ay mas nilakasan n'ya ang sipa nang sa gayon ay masira nang tuluyan ang lock. Sa huling sipa niya ay isang “beep” ang narinig niya, senyales na bumukas iyon.Padaskol na pumasok si Knives sa loob ng kabahayan at dumiretso sa kwarto, marahas niyang binuksan ang pinto at doon, nakita niyang n
“WALA kang magagawa kundi tiisin ang galit mo sa'kin sa ngayon...”Binalot nang matinding kaba ang dibdib ni Lalaine nang marinig ang sinabi ni Knives. Ang buo niyang katawan ay nanginginig at nagpa-panic dahil sa nararamdamang takot para sa maaaring gawin ng lalaki.Subalit mayamaya'y huminto si Knives sa ginagawa, sa hindi malamang dahilan. Ang mga mata ni Lalaine na hilam ng luha at namumula ay muling nagpalambot sa kanyang puso.Nagbalik siya sa wisyo at napatiim-bagang nang maramdaman ang hindi maipaliwanag na sakit na para bang napunit na balat. Unable to bear the pain, he got out of bed and went straight to the bathroom. Natigilan naman si Lalaine sa ginawa nito. Dinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo. Wala siyang ideya kung bakit biglang itinigil nito ang ginagawa pero kahit ano pa man iyon ay nakahinga siya ng maluwang.Mabilis na bumangon si Lalaine at balak sanang takasan ang lalaki nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw
“A-ANG kamay mo...” “Don't worry, malayo 'to sa bituka,” sagot naman ni Knives kahit ang totoo ay kanina pa niya iniinda ang bumukang sugat. “Anyway, I deserve to die in pain dahil masama akong tao.” Alam ni Lalaine na galit ang lalaki kaya para rito ay mali ang lahat ng kanyang mga sinasabi. Kaya naman itinikom na lang n'ya ang kanyang bibig at saka tumayo at tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang medicine kit niya. “Maupo ka, papalitan ko ang gasa,” utos ni Lalaine nang magbalik bitbit ang kit. Akala ni Lalaine ay tututol pa ito pero nagulat siya nang sumunod ito sa sinabi n'ya. Naupo ito sa gilid ng kama at inilahad ang kamay nang walang pag-aalinlangan. Hinila ni Lalaine ang plastic na upuan at naupo siya sa tapat nito. Tahimik naman ang lalaki nang kunin niya ang kamay nito na nababalutan ng gasa. “M-Medyo masakit 'to kaya tiisin mo lang,” paalala ni Lalaine. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya ng mga oras na iyon habang hawak ang kamay nito. Hindi tumu
“I WON'T bully you. Just let me kiss you...”Bago pa tuluyang makapag-react si Lalaine, namalayan na lang niyang naglapat ang kanilang mga labi. Ang presko at amoy mint nitong hininga ay sinasakop ang labi niyang nakaawang dahil sa pagkabigla.Hindi siya makahinga at bumilis ang tibok ng kanyang puso na para bang gusto nitong tumalon palabas sa kanyang rib cage. Ni hindi siya makakilos at hinayaan lang niya si Knives sa gusto nitong gawin.Nang matapos ang halik na iyon ay habol-habol ni Lalaine ang kanyang hininga. Maging ang kanyang puso ay naging abnormal ang pagtibok sa hindi n'ya matukoy na dahilan.Bakit hinayaan niyang halikan siya nito?At bakit pakiramdam n'ya ay bigla siyang nanlambot sa halik na iyon?Lihim na napangiti si Knives nang makita na tila naging maamong kuting ang kanina'y mabangis na tigreng si Lalaine. He lowered his head and bit her red and tender earlobe, chuckling. “You're so sensitive. Do you like it?” makahulugang bulong niya sa punong-tenga nito.Tila bom
SA TAPAT ng sink, nakatingin si Lalaine sa harapan ng salamin. Pulang-pula ang kanyang mukha at leeg, at ang kanyang kabi ay bahagyang namamaga.Matamlay at nanghihina ang kanyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. Mukhang totoo nga ang sinabi sa kan'ya ni Knives na masyado siyang sensitive.Dati, makarinig pa lang siya ng mga taong nag-uusap tungkol sa halik at pakikipagtalik ay namumula na ang kanyang mukha sa sobrang hiya. At ngayong nakasama niya si Knives sa iisang bubong sa mahigit na isang buwan, hinalikan lang siya nito at...Muling nag-init ang pisngi ni Lalaine sa mga naiisip, kaya naman minabuti niyang maghilamos nang sa gayon ay mabawasan ang init na kanyang nararamdaman.Matapos tuyuin ang mukha ng malinis na towel ay lumabas na siya ng banyo. Hindi niya inaasahang maaabutan niyang prenteng nang nakaupo si Knives sa sofa, magkakrus ang mga binti at maaliwalas na ulit ang itsura sa suot na suit at tie.“B-Bakit nandito ka pa?” gulat niyang tanong sa lalaki.“Nakaka-i
“OKAY, I don't care if he sells you out in the future...”Nang malapit na si Knives sa pinto ay pumihit siya pabalik, at walang sabi-sabing hinila si Lalaine patungo sa sofa.“Since you like to be grateful too much, why don't you be grateful to me too?” wika ni Knives na may halong galit ang tinig saka walang anu-ano'y ipinasok ang malaki niyang kamay sa loob ng pajama nito.Napakislot si Lalaine sa ginawa nito saka nauutal na nagsalita. “A-Anong gagawin mo?”“You...” galit na sagot ni Knives na halong pagnanasa ang mga mata. “You have no conscience,” wika niya pa habang idiniin ang sarili sa katawan ng babae.Nanigas ang katawan ni Lalaine at saka itinulak ito ng malakas. “H-Hindi. Wala naman akong sinabing tulungan mo ako...” pagpupumiglas ni Lalaine.“I-Isa pa, ang pinsan mong si Olivia ang may dahilan nito kaya may kinalaman ka rin dito,” matapang pang dagdag ni Lalaine sa lalaki.“Kinain na ba ng aso ng konsensya mo?” galit na wika ni Knives na naniningkit ang mga mata. “No, even
AWTOMATIKONG dumilim ang mukha ni Knives nang biglang kumalas sa kanyang bisig si Lalaine para kunin ang cellphone nitong nakapatong sa center table.“S-Sasagutin ko lang ang tawag,” pagpapaalam ni Lalaine kahit kumakabog nang husto ang kanyang puso. Hindi naman sumagot ang lalaki kaya naman mabilis siyang tumayo. Nagmamadali siyang pumasok ng kanyang kwarto at sinagot ang tawag ni Elijah.Naiwan naman si Knives sa sala na masamang-masama ang anyo na para bang naghahanap ng away. Hindi ba alam ng babae na nakita niya kung sino ang tumawag?‘Goddammit!’Ilang sandali pa ay muling lumabas si Lalaine matapos sagutin ang tawag na iyon. Ramdam niya ang tensyon ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa lalaking parang gusto siyang sakmalin ng mga oras na iyon.“M-Mr. Dawson, medyo late na. U-Umuwi ka na para makapagpahinga,” maingat na wika ni Lalaine sa lalaki.Tumiim-bagang naman si Knives nang marinig na iyon at ang galit na nararamdaman niya ay hindi niya maitago sa harap ng babae. Na
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s
“SHIT! Bakit pa kasi ngayon nangyari 'to?”Naiinis na tumingin si Seiichi sa babaeng kasama n'ya sa presinto ng mga sandaling iyon. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal ni Keiko at Knives pero heto't nasa harap siya ng mga pulis at paulit-ulit na nagpapaliwanag.“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na ikaw talaga ang nanghipo sa'kin para matapos na? Pare-pareho tayong male-late nito eh. May pupuntahan pa ako,” inis na sabi ng babae kay Seiichi.“Oo nga naman, Sir. Bakit ayaw mo pang aminin nang matapos na? Mukhang pareho pa kayong may lakad, oh?” sabat naman ng pulis investigator na kaharap nila ng mga sandaling iyon.Marahas na bumuntong-hininga si Seiichi saka tumingin sa wrist watch. Wala siyang dalang kotse dahil coding iyon kaya naman nag-bus na lang siya. Hindi na siya sumabay sa mag-aamang Inoue dahil may kailangan pa siyang daanan sa opisina. “Look, Miss. I don't have time for this,” sagot ni Seiichi saka tumayo na at humarap sa investigator saka dumukot ng calling ca
“MAY I have your attention please?” mayamaya pa'y pakiusap ni Knives sa nagkakagulong guests and reporters. “I have an important announcement.”Nahinto ang lahat at natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Knives. Mayamaya pa'y muling bumaling ang lalaki kay Keiko at masuyong nagsalita. “May I?” ani Knives saka inilahad ang kamay.Puno ng pagtatanong ang mga mata ni Keiko pero hindi na siya nagtanong pa. Inabot niya ang palad sa nobyo at inalalayan siya nito patungo sa pinakagitna ng banquet hall. They slowly walked up to the mini stage where there were two chairs decorated with her favorite flower—the beautiful daisy. Pakiramdam ni Keiko ay para siyang prinsesa at si Knives naman ang makisig na prinsipe nang gabing iyon. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso na para bang malakas itong binabayo.“K-Knives...ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Keiko nang hindi na siya makatiis pa.Matamis na ngumiti si Knives sa nobya saka ginagap ang kanyang kamay. “You'll find out late