NANG makarating ng mansyon ay kaagad sinalubong si Lalaine ng mayor-doma na si Nanay Delya. Sinamahan siya ng matanda papunta sa kwarto kung nasaan nagpapahinga sa Lola Mathilde. Nang makapasok sa kwarto ay nakita ni Lalaine ang matanda na nakaratay sa malaking kama. Ang dating mamula-mula nitong pisngi ay naging maputla, gayon din ang katawan nito na sumobra ang pagkapayat. Patakbong lumapit si Lalaine sa matanda na nagising noong pumasok siya. Masuyo itong nakangiti at bakas sa mukha ang saya nang makita si Lalaine. Ginagap ni Lalaine ang payat na kamay ng matanda at naiiyak na pinagmasdan ito. “K-Kumusta ka, lola? M-May masakit ba sa'yo?” nag-aalalang tanong ni Lalaine na pumiyok pa dahil sa pagpipigil ng iyak. “Ikaw talagang bata ka, okay lang si lola. Huwag kang umiyak dahil pumapangit ang maganda mong mukha, hija,” nagbibiro tugon naman ng matanda habang marahang hinahaplos ang kamay niyang nakahawak dito. Hindi na tuloy napigilan pa ni Lalaine ang pagtulo ng kanyang lu
“WHAT?! She's the bitch that Kuya Knives married?!” “Ms. Olivia, itigil mo na ang pagtawag kay Ms. Lalaine ng gan'yan. Baka marinig ka ng iyong lola, siguradong magagalit siya sa'yo. Kailangan mo ring maging maingat sa bawat sasabihin mo at ikikilos mo kapag nariyan si Young Master kung ayaw mong magalit siya sa'yo.” Sinubukan ni Nanay Delya na pakalmahin si Olivia pero hindi pa rin tumigil ang babae. Sa natuklasan ay tila mas lalo itong nagalit kaya palihim na lang na umiling-iling si Nanay Delya sa kamalditahan ng babae. “Ms. Lalaine, maiwan ko muna kayo dahil ipaghahanda ko pa ng foot bath si Madam Mathilde,” pagpapaalam ni Nanay Delya. “Sige po, Nanay Delya. Naunahin na po muna ninyo ang dapat n'yong gawin,” nakangiting namang tugon ni Lalaine. Nang makaalis ang matanda ay muling bumanat ng patutsada si Olivia. “Bitch! Everyone here knows you planned this marriage! 'Di ka gusto ni Kuya Knives! Pinaglalaruan lang n'ya kaya 'wag kang magpakampante! You're just a lowly girl
“I THINK Kuya Knives, she came here with bad intentions. Poor grandma... I'm sure this bitch did something to make Grandma Mathilde lose consciousness...”Nagpanggap pa si Olivia na kunwari ay naiiyak at muling nagsalita, “You should teach her a lesson, Kuya Knives! Don't let him get out of here unpunished!” muling sulsol ni Olivia sa kanyang pinsan.Humarap si Lalaine kay Olivia ng buong tapang at saka dinipensahan ang sarili sa paninira nito. “W-Wala akong ginagawa kay Lola Mathilde! Tinulungan ko lang siya—”“That's enough!” putol ni Knives sa sinasabi ni Lalaine. Tinitigan siya ni Knives na parang bang nakapatay siya ng tao. “Kapag may nangyaring masama kay Lola Mathilde, mananagot ka sa'kin,” mariing banta pa ni Knives.Mayamaya'y dumating na ang family doctor at nurse na may dalang stretcher. Marahang binuhat ng mga ito ang walang malay na matanda upang ilipat.Samantala, kasunod naman ng doctor si Nanay Delya na siyang nakasaksi sa lahat. Bakas sa mukha ng matanda na nahintaku
“TSK! What's with that face? Don't you remember me?” nakataas ang mga kilay na tanong ni Knox. “'Di ba, in-add mo 'ko sa Friendsbook?” pagbibiro pa niya. Sandaling nag-isip si Lalaine, at nang marinig ang sinabi ng lalaki ay kaagad niyang naalala na kaibigan nga pala ito ni Knives. “'Don't you remember why you're here?” mayamaya'y tanong pa ni Knox sa dalaga. Kumunot ang noo ni Lalaine at may bahid ng pagtataka sa inosenteng mukha. “A-Ang alam ko lang may paparating na sasakyan...tapos di ko na alam ang nangyari,” sagot ni Lalaine sa kaharap. Pinagkrus naman ni Knives ang braso sa dibdib saka ngumisi. “Tumalon ka lang naman no'ng nakita mong paparating 'yung kotse ko. Buti na lang nakapreno ako kaagad, kundi baka pinaglalamayan ka na ngayon.” Nakagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi. Kung gano'n, ang lalaking ito pala ang may-ari ng sasakyan na iyon na mabilis magpatakbo. At ito rin mismo ang nagtakbo sa kan'ya sa hospital. “G-Gano'n ba? Salamat...” nahihiyang pasasalamat ni Lala
SAPU-SAPO ang nasaktang tuhod, kumunot ang noo ni Knox sa matinding pagtataka habang nakatingin sa kaibigan na madilim ang anyo. “Bro! Ano bang problema mo?” tiim-bagang na tanong niya kay Knives. “Wala naman akong balak na masama sa kan'ya. In fact, totoo 'yong sinabi kong gusto ko siyang ligawan—” Muli, isa na namang malakas na sipa ang nagpatigil sa sinasabi ni Knox. This time ay tumama ito sa kanyang sikmura kaya namilipit siya sa matinding sakit. Hindi na nakatiis si Lalaine sa nangyayari kaya sa pagkakataong iyon ay ihinarang niya ang sarili sa dalawang lalaki na tila manok na nagsasabong. “Tumigil ka na!” awat ni Lalaine na kay Knives nakatingin. Kahit papaano ay may utang na loob siya kay Knox dahil dinala siya nito sa hospital, kaya hindi niya matiis na sinasaktan ito ni Knives nang walang dahilan. “And when did you two hookup?” malamig na tanong ni Knives kay Lalaine na may nakakatakot na tingin. Kumunot naman ang noo ni Lalaine. Anong hookup ba ang pinagsasabi
MATAPOS ma-discharged at makuha ang inirestang gamot ng doktor na sumuri kay Lalaine ay kaagad na rin siyang umalis ng hospital. Habang naglalakad, tinawagan n'ya ang kaibigang si Abby na dati niyang kasama sa boarding house. Nakatatlong ring din bago nito sinagot ang kanyang tawag. “S-Sis, p'wede ba akong maituloy muna sa'yo?” tanong Lalaine na kinapalan na ang mukha. Wala kasi siyang maisip na ibang pupuntahan bukod dito. “Syempre naman! Nasaan ka ba? Ipasusundo kita aa boyfriend ko,” mabilis namang sagot ni Abby. Parang hinaplos naman ang puso ni Lalaine dahil hindi nagdalawang-isip ang kanyang kaibigan, at kaagad pumayag nang hindi nagtatanong ng kahit ano mula sa kan'ya. “H-Huwag na, nakakahiya naman. Magta-taxi na lang ako,” ani Lalaine sa kabilang linya. May kalayuan kasi ang Paco sa lugar kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. “Okay, pagkasakay mo kunin mo at plate number at i-send mo sa'kin. Mahirap na. Babae ka at gabi na, baka mapaano ka pa sa daan,” paalala pa
NIYAYAYANG lumabas ni Knives si Nanay Delya sa ward para magtanong pa ng ilang bagay tungkol sa nangyari kanina sa mansyon. Sinabi naman lahat ng matanda ang mga nangyari maging ang nasaksihan niyang pagligtas ni Lalaine kay Lola Mathilde.Si Nanay Delya ay ilang dekada nang naninilbihan sa kanilang pamilya, simula pa noong maliit pa si Knives. Kaya naman nirerespeto niya ito katulad ng pagrespeto n'ya sa kanyang pinakamamahal na lola.Alam din ni Nanay Mathilde na ang pagkamatay ni Madam Heather na ina ni Knives ay nagdulot ng malaking pilat sa puso ng binata na hindi kayang gamutin ng kahit sino.“Master Knives, alam kong tutol ka sa pagpapakasal pero tandaan mo sanang hindi gagawa si Madam Mathilde ng ikasasakit mo. Noong nasa organisasyon pa siya, lagi niyang ikinuwento na napakabait na bata ni Ms. Lalaine. Mistulan siyang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ng bawat isang naroon, kasama na si Madam Mathilde. Umaasa siyang matutulungan ka rin ni Ms. Lalaine para humilom ang sugat
AKMANG itutulak na sana ni Knives ang pinto ng kwarto para pumasok nang marinig niyang nagsalita si Lola Mathilde. “Lalaine, apo, sabihin mo ang totoo. Binully ka ba ni Knives?” “H-Hindi po, lola. Hindi po niya 'yon ginagawa,” sagot ni Lalaine sa malambing na tinig. Mukhang hindi naman kumbinsido si Lola Mathilde sa sagot ni Lalaine sa kan'ya. “Alam kong magaspang magsalita ang batang 'yon kaya kapag trinato ka n'ya ng masama, sabihin mo sa'kin. Tuturuan ko siya ng leksyon.” “Hindi talaga, lola,” muling sagot ni Lalaine. “Sa katunayan po, no'ng nagkasakit ako, s'ya ang nag-alaga sa'kin. Tinulungan n'ya akong maligo, kumain, at uminom ng gamot. ” Nang marinig ang mga sinabi ni Lalaine ay gumanda ang mood ni Lola Mathilde. “Mabuti naman kung ganoon. Siya nga pala, sinabi sa akin ni Delya na inaway ka ng malditang si Olivia? Totoo ba 'yon, apo?” muling pag-uusisa ng matanda. “Alam naman po ninyong medyo matalas talaga ang bibig ni Olivia. Nagkasagutan po kami pero wala naman
“HELLO? Ito po ang Metro Manila Police District...”Matapos kausapin ni Knives ang pulis na sumagot ng tawag niya sa number ni Lalaine ay binalingan niya ang kanyang secretary na kasalukuyang nakaupo sa passenger's seat.“Lumabas ka na ng sasakyan, Secretary Miller,” utos ni Knives.“S-Sir?” nagtatakang tanong naman ni Liam habang nakalingon sa kanyang boss.“May pupuntahan lang ako.”Napakamot naman sa ulo si Liam dahil sa sinabi ng kanyang boss. “Pero paano si Ms. Ramos? It's not a good idea to keep her waiting, Sir.”“Go and give her a gift,” maikling turan ni Knives sa kaharap.“P-Pero paano naman po ang daddy ninyo, Sir?...” nag-aalalang tanong pa ni Liam.Ilang beses ng ni-reject ng kanyang boss ang pakikipagkita kay Ms. Ramos dahil sa trabaho. Pero binigyan ng ultimatum ng daddy nito si Mr. Dawson at kailangan nitong sundin iyon. Sa oras na malaman iyon ni Mr. Kennedy, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa matanda.“Don't worry about it. Ako na ang bahala kay daddy.”———
••••••• NANG mga sumunod na araw, hindi na muling hinanap pa ni Knives si Lalaine. Na para bang bigla itong nabura sa kan'yang mundo. Katulad ng dati, pagkatapos ng trabaho ay dumidiretso si Lalaine sa kanyang apartment para mag-review. Inuubos lang niya ang kanyang oras sa pag-aaral at hindi na siya nag-iisip pa ng kung anu-ano. Biyernes, ginabi ng uwi si Lalaine dahil pinag-overtime siya sa trabaho. Alas-nuebe na ng gabi iyon at wala na siyang masakyang bus pauwi, kaya naman napilitan siyang sumakay ng bullet train. Nang dumating ang tren ay kaagad na sumakay si Lalaine subalit isang lalaki na nakasumbrero ng itim ang bumangga sa kan'ya. Mabilis naman itong humingi ng sorry kaya ngumiti na lang si Lalaine bilang sagot at dumiretso sa bakanteng upuan. Hindi maintindihan ni Lalaine kung bakit, pero habang nakaupo ay siya pakiramdam niya ay may taong nakatingin sa kan'ya mula sa malayo. Nang lumingon naman siya, wala naman siyang nakitang ibang kahina-hinala. Binalewala na lan
••••••••••“BAKIT? Bakit ka nagpapaliwanag sa...akin?”Hindi alam ni Knives kung ano ang isasagot sa babae. Sa buong buhay niya, hindi siya nagpapaliwanag sa mga tao tungkol sa mga bagay-bagay at sa mga desisyong ginagawa niya. Pero hindi maintindihan ni Knives ang kanyang sarili kung bakit 'di niya kayang makita na malungkot si Lalaine habang pinagmamasdan niya ito.“Maybe because...I want to sleep with you?” sagot naman ni Knives sa tanong na iyon ni Lalaine.Tila tinutusok ng maliliit na karayom ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Ano pa ba nga ang aasahan niya rito? Laruan lang naman talaga ang tingin nito sa kan'ya at hindi bilang isang babae.“Ah gano'n ba?” ani Lalaine saka tumayo at humarap sa lalaki. “K-Kumain ka na ba? W-Wala kasi akong pagkain ngayon. Hindi ako nagluto,” ani Lalaine sa lalaki na pilit nilalabanan ang sakit ng puso na nararamdaman.“Then cook for me,” kaswal na sagot naman ni Knives saka pinag-ekis ang mahahabang binti at matamang tumingin kay Lala
••••••••BITBIT ang kape, walang lingon-lingon na mabilis na naglakad si Lalaine paalis sa lugar na iyon, at kulang na lang ay liparin niya ang kalsada palayo sa dalawang tao. Hindi rin maintindihan ni Lalaine kung bakit ba siya tumatakbo ng mga sandaling iyon. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang makaalis na sa lugar na iyon dahil parang sinasakal siya.Meanwhile, Knives' gaze fell on the petite woman walking quickly away. And although she was far from him and had her back turned, he knew who it was.Hanggang sa pinukaw ng kasamang babae ni Knives ang kanyang atensyon. “Mr. Dawson, are you listening to me?”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang babaeng kasama. Tumawid siya sa kabilang kalsada kung saan naka-park ang kanyang sasakyan at sumakay doon. Minaniobra niya ang kotse patungo sa direksyon kung saan dumaan si Lalaine.Tulala naman habang naglalakad si Lalaine patungo sa direksyon kung saan naka-park ang company car ng Debonair. Mabigat
••••••• “I DIDN'T see it, bro. Ang intern sa department ni Dr. Montenegro ang nagpakalat ng tsismis na 'yon. She saw her this morning and thought she was here to see Dr. Montenegro...” Nakasimangot na tumitig si Lalaine sa lalaki at masama pa rin ang loob sa pag-aakusa nito. Matapos naman marinig ni Knives ang sinabi ni Eros ay nakaramdam siya ng guilty. “It's my fault. Don't be angry,” hinging-paumanhin ni Knives sabay kamot sa ulo. Hindi naman basta-basta mapapalagay ang loob ni Lalaine sa paghingi ng paumanhin ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung apology ang ginawa nito o ano. Hindi n'ya basta mapapatawad ang ginawa nitong pamamahiya sa kan'ya kanina. Nang makita naman ni Knives na galit pa rin ang babae ay hinawakan niya ito sa baba at bahagyang pinisil. “How about I give you compensation? Anong gusto mo? Tell me.” Sandaling nag-isip si Lalaine nang may maalala. “Si Ms. Divine, mabait siya sa'kin at hindi n'ya ako pinababayaan sa Debonair. P-Pwede bang mo siyang parusahan
PAGKALABAS na pagkalabas ng kwarto ni Elijah, ang kaninang elegante at dalisay na anyo niya ay biglang naging malamig. Walang mababasa sa emosyon sa mukha ng butihing doktor habang binabaybay ang daan patungo sa kanyang opisina.When he reached his office, he immediately went in and locked the door. He took out his old model cellphone from his pocket and dialed.Nang kumonekta ang tawag, kaninang walang emosyon niyang anyo ay biglang naging mabangis. Ang boses naman niyang kadalasan na malumanay ay maging nakakatakot.“Sino ang nagsabi sa'yong kumilos kang mag-isa?” tanong ni Elijah sa kabilang linya.“Baby, don't be angry. 'Di naman sa hindi ka namin ma-contact, nababahala lang kami. Don't worry, nilinis na namin ang lahat,” sagot ng boses babae sa kabilang linya.“Nilinis?” ani Elijah na napangisi. “The drugs you gave to Leila Mendoza were contraband. Paano kung matukoy nila kung saan nanggaling ang gamot?” Tumawa ang babae sa kabilang linya. “Ano naman kung malaman nila kung saan
••••••“NAKIPAGKITA ka sa Elijah Montenegro na 'yon kanina...”Kumunot ang noo ni Lalaine dahil sa itinuran ni Knives. “S-Sino naman nagsabi sa'yo na na nakipagkita ako sa kan'ya?” “Kung gano'n, bakit may usap-usapan sa buong hospital tungkol sa inyong dalawa?”Hindi lubos maintindihan ni Lalaine ang sinasabi ng lalaki, kaya naman mabilis siyang bumaba ng kama para sana takasan ito. Subalit mabilis siyang nahawakan ni Knives sa pulsuhan at malakas na hinila, dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito.“A-Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Lalaine habang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Nagtangka siyang tumayo mula sa ibabaw nito subalit mahigpit siya nitong hinapit sa kanyang baywang.“Where are you going? Umiiwas ka ba sa tanong ko?” ani Knives na inilapit ang bibig sa kanyang punong-tenga.Mistulang may gumapang sa kilabot sa buong katawan ni Lalaine dahil sa mainit na hininga nitong dumampi sa kanyang tenga. “A-Ano ba kasi ang sinasabi mo? W-Wala akong alam,” muling pagtan
°°°°°°“WHEN you recover, I will arrange a blind date for you with the young daughters of wealthy families in Luzon. You choose your bride.”Nagtatlong-guhit ang noo ni Knives nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang daddy. Bakas sa mukha niya ang matinding pagtutol habang nakatingin sa matanda.“Dad, 'di ba sinabi ko na sa inyong gusto ko munang mag-focus sa kompanya? Wala pa ako sa mood makipag-blind date,” pagtanggi ni Knives sa sinabi ng ama.“Hijo, titulo lang naman ang pagpapakasal. Kung ayaw mo sa kan'ya, maaari mo siyang gawing dekorasyon lang sa bahay. With our family's status in society, every woman dreams of being part of our family, even if only as a decoration.”“Fine, I'll remember that,” sagot ni Knives sa kanyang daddy. “By the way, mukhang gustong-gusto mo ang babaeng 'yon, hijo?” pag-iiba nito ng usapan.Knives looked at his daddy with cold eyes. He didn't need to ask who he was referring to because he already knew who it was.“I don't mind if you want to play with
“BANNED sa Pilipinas ang drugs na 'to. This drug is only available in the U.S. Imposible na malaman natin kung sino ang source ng illegal drugs na 'yon. It was bought secretly by someone, so it will be difficult for us to find out who the drug dealer is," paliwanag pa ni Eros.“Hmm.” Iyon lang ang isinagot ni Knives sa kaibigan. Pinag-iisapan n'ya kung ano ang gagawin para matukoy kung sino ang dealer ng illegal drugs na iyon na ginamit kay Leila. He wasn't concerned about the woman, but about the drugs used in the incident, especially since they were illegal.Ilang sandali pa'y may kumatok na nurse sa pinto at sumungaw pagkatapos. “Doc Smith, kailangan namin kayo sa emergency room,” anang babaeng nurse.“Okay, susunod na ako,” sagot naman ni Eros sa nurse saka muling bumaling sa kaibigan. “Oh! Before I forget. There's a rumor going around the hospital that Doc Elijah Montenegro's childhood sweetheart is here. Nandito ba ang wifey mo para alagaan ka o para makita siya?” nakangising s