MATAPOS ma-discharged at makuha ang inirestang gamot ng doktor na sumuri kay Lalaine ay kaagad na rin siyang umalis ng hospital. Habang naglalakad, tinawagan n'ya ang kaibigang si Abby na dati niyang kasama sa boarding house. Nakatatlong ring din bago nito sinagot ang kanyang tawag. “S-Sis, p'wede ba akong maituloy muna sa'yo?” tanong Lalaine na kinapalan na ang mukha. Wala kasi siyang maisip na ibang pupuntahan bukod dito. “Syempre naman! Nasaan ka ba? Ipasusundo kita aa boyfriend ko,” mabilis namang sagot ni Abby. Parang hinaplos naman ang puso ni Lalaine dahil hindi nagdalawang-isip ang kanyang kaibigan, at kaagad pumayag nang hindi nagtatanong ng kahit ano mula sa kan'ya. “H-Huwag na, nakakahiya naman. Magta-taxi na lang ako,” ani Lalaine sa kabilang linya. May kalayuan kasi ang Paco sa lugar kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. “Okay, pagkasakay mo kunin mo at plate number at i-send mo sa'kin. Mahirap na. Babae ka at gabi na, baka mapaano ka pa sa daan,” paalala pa
NIYAYAYANG lumabas ni Knives si Nanay Delya sa ward para magtanong pa ng ilang bagay tungkol sa nangyari kanina sa mansyon. Sinabi naman lahat ng matanda ang mga nangyari maging ang nasaksihan niyang pagligtas ni Lalaine kay Lola Mathilde.Si Nanay Delya ay ilang dekada nang naninilbihan sa kanilang pamilya, simula pa noong maliit pa si Knives. Kaya naman nirerespeto niya ito katulad ng pagrespeto n'ya sa kanyang pinakamamahal na lola.Alam din ni Nanay Mathilde na ang pagkamatay ni Madam Heather na ina ni Knives ay nagdulot ng malaking pilat sa puso ng binata na hindi kayang gamutin ng kahit sino.“Master Knives, alam kong tutol ka sa pagpapakasal pero tandaan mo sanang hindi gagawa si Madam Mathilde ng ikasasakit mo. Noong nasa organisasyon pa siya, lagi niyang ikinuwento na napakabait na bata ni Ms. Lalaine. Mistulan siyang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ng bawat isang naroon, kasama na si Madam Mathilde. Umaasa siyang matutulungan ka rin ni Ms. Lalaine para humilom ang sugat
AKMANG itutulak na sana ni Knives ang pinto ng kwarto para pumasok nang marinig niyang nagsalita si Lola Mathilde. “Lalaine, apo, sabihin mo ang totoo. Binully ka ba ni Knives?” “H-Hindi po, lola. Hindi po niya 'yon ginagawa,” sagot ni Lalaine sa malambing na tinig. Mukhang hindi naman kumbinsido si Lola Mathilde sa sagot ni Lalaine sa kan'ya. “Alam kong magaspang magsalita ang batang 'yon kaya kapag trinato ka n'ya ng masama, sabihin mo sa'kin. Tuturuan ko siya ng leksyon.” “Hindi talaga, lola,” muling sagot ni Lalaine. “Sa katunayan po, no'ng nagkasakit ako, s'ya ang nag-alaga sa'kin. Tinulungan n'ya akong maligo, kumain, at uminom ng gamot. ” Nang marinig ang mga sinabi ni Lalaine ay gumanda ang mood ni Lola Mathilde. “Mabuti naman kung ganoon. Siya nga pala, sinabi sa akin ni Delya na inaway ka ng malditang si Olivia? Totoo ba 'yon, apo?” muling pag-uusisa ng matanda. “Alam naman po ninyong medyo matalas talaga ang bibig ni Olivia. Nagkasagutan po kami pero wala naman
“AALIS lang ako kung sasakay ka...” Simula pagkabata ay naging napakabait na mamamayan ni Lalaine at hindi siya kailanman man gumawa ng labag sa batas, katulad ng kahihiyang ginagawa ni Knives ng mga sandaling iyon. Kaya para matigil na ang lalaki ay wala siyang nagawa kundi sumunod sa sinabi nito. Paparami na rin kasi ang sasakyang nasa likuran nito na kanina pa bumubusina sa kanila. Mabilis na binuksan ni Lalaine ang pinto ng backseat ng sasakyan nito para doon sana maupo subalit nagtaka siya ng hindi n'ya iyon mabuksan. Lumapit naman si Knives at binuksan ang passenger's seat ng kotse at doon iminuwestra niyang maupo si Lalaine. “I've never been a driver,” masama ang mukhang sabi niya. Umismid naman si Lalaine, at kahit ayaw niyang maupo katabi nito ay napilitan siyang sumunod. Sumakay siya sa passenger's seat na masama ang loob. “Saan ka lumipat?” tanong ni Knives habang minamaniobra ang sasakyan paalis sa lugar. “Sa boarding house.” Kumunot ang noo ni Knives sa na
“HINDI kita iniinsulto sa mga sinabi ko, gusto ko lang pag-isipan mo 'to nang tama. I can give you everything you want. Besides, we're very compatible in bed, right? Don't lie. I know you enjoyed it too,” patuloy pa na pagpupumilit ni Knives. Namula ang buong mukha ni Lalaine dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Nagagalit siya rito dahil nagagawa pa talaga nitong magsabi ng ganoong nakakahiyang bagay. “Please, hindi mo na kailangan pang magsabi ng mga ganyang bagay dahil hindi na magbabago ang isip ko,” ani Lalaine na nakakuyom ang mga kamao. “Why? Mali ba ako?” muling tanong ni Knives na halatang nang-aasar. Sa maikling panahon na nakasama n'ya ang babae ay kabisado na niya ito kung kailan ito nahihiya o nagagalit. “Napakasama mo!” bulalas ni Lalaine na mataas ang boses at saka marahas ang ibinaling ang paningin sa ibang bagay. Pulang-pula ang kanyang mukha at nag-iinit ang kanyang pisngi at punong-tenga. “You know this is not all I can give you," Knives pointed out again. Det
PINAGMASDAN ni Knives ang kabuohan ng suite at na-realized niya kung ano ang kulang—ang dining table.Dati, laging mayroon fresh na bulaklak na inilalagay doon si Lalaine pagkauwi nito sa bahay. Hindi gusto ni Knives ang bagay na iyon pero hindi niya sinasabi sa babae.And since he doesn't complain about it, Lalaine thinks it's okay to do it. Since then, she always brings home different flowers that are placed in vase and displayed on the dining table. Kung minsan, isang maliit na bouquet ng red rose ang inilalagay nito, minsan ay white rose, minsan ay Tulips, at kung minsan naman ay Sunflower.Tinungo ni Knives ang kabilang kwarto kung saan natutulog si Lalaine. Pagbukas niya ng pinto ay kaagad niyang napansin na napakalinis nito na para bang walang tumira doon. Inilibot ni Knives paningin sa kabuohan ng kwarto, at bawat sulok ng lugar na iyon ay nagpapaalala sa kan'ya kay Lalaine. Her blushing when he says something obscene, her moaning when he hits her spot, and her pleading when
NANG marinig ang isiniwalat ni Eros patungkol kay Elijah Montenegro ay biglang nagdilim ang mukha ni Knives. Sinabi na nga ba niyang may ulterior motives ang lalaking 'yon, pero obviously ay hindi ito makita ng gagang si Lalaine. She always said that the man was such a kind person. She almost worshipped him like a saint. “Bantayan mo ang lalaking 'yan,” utos ni Knives sa kaibigan sa malalim na boses. Bumakas naman ang pagtataka sa gwapong mukha ni Eros. “And why would I do that? Kung ako ang tatanungin mo, good match ang dalawa,” prangkang sabi ni Eros sa kaharap. Mas lalong nagdilim ang mukha ni Knives sa narinig at saka pinukol ng masamang tingin ang kaibigan. “Masyadong malansa ang bibig mo, bakit 'di ka uminom?” ani Knives na may nakakatakot na tinig. Hindi nakakibo si Eros nang marinig iyon at itinikom nang mariin ang mga labi. Pero dahil na-offend n'ya si Knives ay wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Hindi na siya nagsalita pa at uminom na lang ng uminom hang
MATAPOS magkasundo ni Lalaine at ng ahente sa apartment na kanyang napili ay nagbalik na rin siya ng Debonair. Break time lang kasi n'ya iyon at isinigit lang n'ya na makapaghanap ng malilipatan. Hiyang-hiya na rin kasi siya kay Abby dahil alam niyang nakakaabala siya sa privacy ng mga ito. Naisip din niyang i-treat ang dalawa sa weekend bilang pasasalamat dahil pinatuloy siya ng mga ito sa kanilang boarding house.Habang nasa coffee room at nagtitimpla ng sariling kape, ay pumasok doon si Mr. Miller na secretary ni Knives.“Ms. Lalaine, ipinabibigay ito ni Mr. Dawson bilang thank-you gift,” anang lalaki sabay abot sa kan'ya ng paper bag. Mabilis namang umiling si Lalaine nang marinig na galing iyon kay Knives. Hangga't maaari, ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon sa lalaking iyon.“Sorry Secretary Miller, hindi ko matatanggap 'yan,” pagtanggi ni Lalaine na may kasamang pag-iling.“Ms. Lalaine, ang sabi ni Mr. Dawson ay p'wede mong itapon kung ayaw mo. So please, accept this bec
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s
“SHIT! Bakit pa kasi ngayon nangyari 'to?”Naiinis na tumingin si Seiichi sa babaeng kasama n'ya sa presinto ng mga sandaling iyon. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal ni Keiko at Knives pero heto't nasa harap siya ng mga pulis at paulit-ulit na nagpapaliwanag.“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na ikaw talaga ang nanghipo sa'kin para matapos na? Pare-pareho tayong male-late nito eh. May pupuntahan pa ako,” inis na sabi ng babae kay Seiichi.“Oo nga naman, Sir. Bakit ayaw mo pang aminin nang matapos na? Mukhang pareho pa kayong may lakad, oh?” sabat naman ng pulis investigator na kaharap nila ng mga sandaling iyon.Marahas na bumuntong-hininga si Seiichi saka tumingin sa wrist watch. Wala siyang dalang kotse dahil coding iyon kaya naman nag-bus na lang siya. Hindi na siya sumabay sa mag-aamang Inoue dahil may kailangan pa siyang daanan sa opisina. “Look, Miss. I don't have time for this,” sagot ni Seiichi saka tumayo na at humarap sa investigator saka dumukot ng calling ca
“MAY I have your attention please?” mayamaya pa'y pakiusap ni Knives sa nagkakagulong guests and reporters. “I have an important announcement.”Nahinto ang lahat at natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Knives. Mayamaya pa'y muling bumaling ang lalaki kay Keiko at masuyong nagsalita. “May I?” ani Knives saka inilahad ang kamay.Puno ng pagtatanong ang mga mata ni Keiko pero hindi na siya nagtanong pa. Inabot niya ang palad sa nobyo at inalalayan siya nito patungo sa pinakagitna ng banquet hall. They slowly walked up to the mini stage where there were two chairs decorated with her favorite flower—the beautiful daisy. Pakiramdam ni Keiko ay para siyang prinsesa at si Knives naman ang makisig na prinsipe nang gabing iyon. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso na para bang malakas itong binabayo.“K-Knives...ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Keiko nang hindi na siya makatiis pa.Matamis na ngumiti si Knives sa nobya saka ginagap ang kanyang kamay. “You'll find out late