“AALIS lang ako kung sasakay ka...” Simula pagkabata ay naging napakabait na mamamayan ni Lalaine at hindi siya kailanman man gumawa ng labag sa batas, katulad ng kahihiyang ginagawa ni Knives ng mga sandaling iyon. Kaya para matigil na ang lalaki ay wala siyang nagawa kundi sumunod sa sinabi nito. Paparami na rin kasi ang sasakyang nasa likuran nito na kanina pa bumubusina sa kanila. Mabilis na binuksan ni Lalaine ang pinto ng backseat ng sasakyan nito para doon sana maupo subalit nagtaka siya ng hindi n'ya iyon mabuksan. Lumapit naman si Knives at binuksan ang passenger's seat ng kotse at doon iminuwestra niyang maupo si Lalaine. “I've never been a driver,” masama ang mukhang sabi niya. Umismid naman si Lalaine, at kahit ayaw niyang maupo katabi nito ay napilitan siyang sumunod. Sumakay siya sa passenger's seat na masama ang loob. “Saan ka lumipat?” tanong ni Knives habang minamaniobra ang sasakyan paalis sa lugar. “Sa boarding house.” Kumunot ang noo ni Knives sa na
“HINDI kita iniinsulto sa mga sinabi ko, gusto ko lang pag-isipan mo 'to nang tama. I can give you everything you want. Besides, we're very compatible in bed, right? Don't lie. I know you enjoyed it too,” patuloy pa na pagpupumilit ni Knives. Namula ang buong mukha ni Lalaine dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Nagagalit siya rito dahil nagagawa pa talaga nitong magsabi ng ganoong nakakahiyang bagay. “Please, hindi mo na kailangan pang magsabi ng mga ganyang bagay dahil hindi na magbabago ang isip ko,” ani Lalaine na nakakuyom ang mga kamao. “Why? Mali ba ako?” muling tanong ni Knives na halatang nang-aasar. Sa maikling panahon na nakasama n'ya ang babae ay kabisado na niya ito kung kailan ito nahihiya o nagagalit. “Napakasama mo!” bulalas ni Lalaine na mataas ang boses at saka marahas ang ibinaling ang paningin sa ibang bagay. Pulang-pula ang kanyang mukha at nag-iinit ang kanyang pisngi at punong-tenga. “You know this is not all I can give you," Knives pointed out again. Det
PINAGMASDAN ni Knives ang kabuohan ng suite at na-realized niya kung ano ang kulang—ang dining table.Dati, laging mayroon fresh na bulaklak na inilalagay doon si Lalaine pagkauwi nito sa bahay. Hindi gusto ni Knives ang bagay na iyon pero hindi niya sinasabi sa babae.And since he doesn't complain about it, Lalaine thinks it's okay to do it. Since then, she always brings home different flowers that are placed in vase and displayed on the dining table. Kung minsan, isang maliit na bouquet ng red rose ang inilalagay nito, minsan ay white rose, minsan ay Tulips, at kung minsan naman ay Sunflower.Tinungo ni Knives ang kabilang kwarto kung saan natutulog si Lalaine. Pagbukas niya ng pinto ay kaagad niyang napansin na napakalinis nito na para bang walang tumira doon. Inilibot ni Knives paningin sa kabuohan ng kwarto, at bawat sulok ng lugar na iyon ay nagpapaalala sa kan'ya kay Lalaine. Her blushing when he says something obscene, her moaning when he hits her spot, and her pleading when
NANG marinig ang isiniwalat ni Eros patungkol kay Elijah Montenegro ay biglang nagdilim ang mukha ni Knives. Sinabi na nga ba niyang may ulterior motives ang lalaking 'yon, pero obviously ay hindi ito makita ng gagang si Lalaine. She always said that the man was such a kind person. She almost worshipped him like a saint. “Bantayan mo ang lalaking 'yan,” utos ni Knives sa kaibigan sa malalim na boses. Bumakas naman ang pagtataka sa gwapong mukha ni Eros. “And why would I do that? Kung ako ang tatanungin mo, good match ang dalawa,” prangkang sabi ni Eros sa kaharap. Mas lalong nagdilim ang mukha ni Knives sa narinig at saka pinukol ng masamang tingin ang kaibigan. “Masyadong malansa ang bibig mo, bakit 'di ka uminom?” ani Knives na may nakakatakot na tinig. Hindi nakakibo si Eros nang marinig iyon at itinikom nang mariin ang mga labi. Pero dahil na-offend n'ya si Knives ay wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Hindi na siya nagsalita pa at uminom na lang ng uminom hang
MATAPOS magkasundo ni Lalaine at ng ahente sa apartment na kanyang napili ay nagbalik na rin siya ng Debonair. Break time lang kasi n'ya iyon at isinigit lang n'ya na makapaghanap ng malilipatan. Hiyang-hiya na rin kasi siya kay Abby dahil alam niyang nakakaabala siya sa privacy ng mga ito. Naisip din niyang i-treat ang dalawa sa weekend bilang pasasalamat dahil pinatuloy siya ng mga ito sa kanilang boarding house.Habang nasa coffee room at nagtitimpla ng sariling kape, ay pumasok doon si Mr. Miller na secretary ni Knives.“Ms. Lalaine, ipinabibigay ito ni Mr. Dawson bilang thank-you gift,” anang lalaki sabay abot sa kan'ya ng paper bag. Mabilis namang umiling si Lalaine nang marinig na galing iyon kay Knives. Hangga't maaari, ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon sa lalaking iyon.“Sorry Secretary Miller, hindi ko matatanggap 'yan,” pagtanggi ni Lalaine na may kasamang pag-iling.“Ms. Lalaine, ang sabi ni Mr. Dawson ay p'wede mong itapon kung ayaw mo. So please, accept this bec
MATAPOS mag-dinner, inihatid ni Lalaine si Abby at Jake sa lobby ng apartment building, at biglang pakikisama ay ganoon na rin ang ginawa ni Elijah. Sinamahan nilang dalawa ang magkasintahan hanggang sa makalabas ito sa naturang gusali.Hinatid ni Lalaine at Elijah ang mag-nobyo hanggang sa sakayan, at nang makasakay na ang mga ito sa taxi ay magkasabay na naglakad ang dalawa pabalik sa apartment.“Pagod ka ba sa trabaho ngayon, Lalaine?” mayamaya'y tanong ni Elijah habang nakatingin sa babae.Mabilis namang umiling si Lalaine. “Hindi naman masyado, Kuya Elijah,” nakangiting sagot naman ni Lalaine habang ang paningin ay nakatutok sa kalsada. Walang buwan ng gabing iyon pero dahil sa naggagandahang streetlights ay maliwanag ang kalsada ng gabing iyon.“Basta kapag may problema ka sa trabaho o kahit saan pa, p'wede kang lumapit sa'kin,” sincere wika ni Elijah. “I know you consider me one of those close to you, right?” biro pa ni Elijah sa dalaga sa malumanay na tinig.Iyon ang pangalawa
“WE slept together fifty-seven times, tell me, wala lang ba 'yon sa'yo?”Sa galit ni Lalaine ay hindi n'ya alam kung anong sasabihin. Inalis n'ya ang tingin dito at ibinaling sa kung saan. “B-Bitiwan mo ako!”“Promise me you won't be together,” sa halip at turan ni Knives na pinakawalan ang isa niyang kamay para marahang pisilin ang kanyang baba. “Promise me...”Hindi pakiusap kundi isang utos ang dating ng sinabi iyong ni Knives kaya naman mas lalong nagpuyos ang kanyang dibdib. “Tapos na tayo kaya wala kang karapatan na pagbawalan akong makipag-kaibigan kung kanino ko gusto,” matapang na sagot ni Lalaine subalit hindi pa rin s'ya makatingin sa lalaki.“So, do you want to be with him?” tanong pa ni Knives na may panganib na makikita sa mga mata.Hindi na kailangang itanong pa ni Lalaine kung sino ang tinutukoy nito dahil iisa lang naman ang lalaking pinag-iisipan nito ng hindi maganda.“Sinabi ko na sa'yo tapos na tayo—”Natigil ang gustong sabihin ni Lalaine nang biglang yumuko si
“DO you really hate me?”“Oo,” walang pag-iimbot na sagot ni Lalaine. Sino ba ito para lagi siyang ipahiya sa harap ng ibang tao? At kahit hindi man si Elijah ang taong iyon, wala pa rin itong karapatan na ipahiya siya.“Talaga bang gan'yan na lang katindi ang galit mo sa'kin?” muling tanong ni Knives na hindi pa rin sumusuko.Kinagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi at hindi na sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa kung saan at tila ayaw nang pagtuunan pa ng pansin ang lalaki. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa, hanggang si Knives na ang unang nagsalita.“Okay, I'll let you go,” seryosong saad ni Knives, “Ito na ang huling beses...” dagdag pa ni Knives.He was very grateful to her for saving his grandmother, so he would give her what she wanted. But the moment she did something to provoke him again, he wouldn't let her go.Tumalikod na si Knives at binuksan ang pinto, pero bago siya tuluyang makalabas ay inawat siya ni Lalaine. “Wait, nakalimutan mo 'to,” ani La
“OKAY, ladies and gentlemen. Let's give a round of applause to our guest speaker tonight. None other than our foundation's major sponsor, Ms. Keiko Inoue!”Nagpalakpakan ang lahat ng naroon habang ang paningin ay napako sa babaeng papaakyat sa entablado. Keiko looked so beautiful and elegant in her black halter dress and silver stilettos. Ang mga mata ng lahat ng naroon ay napuno ng paghanga mapalalaki man o mapababawi.Ngunit mayroon ding ilan na hindi maipinta ang mukha dahil sa labis na pagkagulat nang makilala kung sino ang babaeng nasa stage at nagpakilala bilang Keiko Inoue.Isa na roon si Gwyneth na imbitado rin sa nasabing event. Halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatingin kay Lalaine. Ibang-iba na ang itsura at aura nito sa kanyang paningin, malayong-malayo sa Lalaine na kilala niya.“What the hell? Who the hell is she?” gigil na usal ni Gwyneth sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa matinding inis at pagkairita.“What's wrong, hija? Kilala mo ba ang babaeng '
AFTER eight years...“Sir Knives, nai-close na natin ang deal with Thompson Group. Our next client is from K Fashion Company. They want to build a branch here in the Philippines and they chose Grayson Construction to handle the project,” ani Liam habang panay ang pagpindot sa ipad na hawak.“K Fashion? The famous fashion company in Japan and America?" paniniguro ni Knives habang nakatutok ang mga mata sa laptop. “Yes, Sir,” ani Liam.“May schedule na ba ang appointment?”“Yes, Sir. The luncheon meeting is at Victoria's Restaurant, at exactly 12 PM.”“Okay, ikaw na ang um-attend, Liam. Mommy's death anniversary is tomorrow so I have to visit the cemetery,” ani Knives habang panay ang tipa. Tinatapos kasi niya ang output my blueprint para sa isang project. “Okay, Sir.”“By the way, mag-post ka ng job opening sa website natin. We need engineers, architects, and other skilled workers in the company. We need more people for incoming projects.”“Alright, Sir Knives,” sagot naman ni Liam.
ISANG linggo...Dalawang linggo...Isang buwan...Anim na buwan...Siyam na buwan...Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay...Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya.Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact.Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news about Lalaine, but
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to