MATAPOS mag-dinner, inihatid ni Lalaine si Abby at Jake sa lobby ng apartment building, at biglang pakikisama ay ganoon na rin ang ginawa ni Elijah. Sinamahan nilang dalawa ang magkasintahan hanggang sa makalabas ito sa naturang gusali.Hinatid ni Lalaine at Elijah ang mag-nobyo hanggang sa sakayan, at nang makasakay na ang mga ito sa taxi ay magkasabay na naglakad ang dalawa pabalik sa apartment.“Pagod ka ba sa trabaho ngayon, Lalaine?” mayamaya'y tanong ni Elijah habang nakatingin sa babae.Mabilis namang umiling si Lalaine. “Hindi naman masyado, Kuya Elijah,” nakangiting sagot naman ni Lalaine habang ang paningin ay nakatutok sa kalsada. Walang buwan ng gabing iyon pero dahil sa naggagandahang streetlights ay maliwanag ang kalsada ng gabing iyon.“Basta kapag may problema ka sa trabaho o kahit saan pa, p'wede kang lumapit sa'kin,” sincere wika ni Elijah. “I know you consider me one of those close to you, right?” biro pa ni Elijah sa dalaga sa malumanay na tinig.Iyon ang pangalawa
“WE slept together fifty-seven times, tell me, wala lang ba 'yon sa'yo?”Sa galit ni Lalaine ay hindi n'ya alam kung anong sasabihin. Inalis n'ya ang tingin dito at ibinaling sa kung saan. “B-Bitiwan mo ako!”“Promise me you won't be together,” sa halip at turan ni Knives na pinakawalan ang isa niyang kamay para marahang pisilin ang kanyang baba. “Promise me...”Hindi pakiusap kundi isang utos ang dating ng sinabi iyong ni Knives kaya naman mas lalong nagpuyos ang kanyang dibdib. “Tapos na tayo kaya wala kang karapatan na pagbawalan akong makipag-kaibigan kung kanino ko gusto,” matapang na sagot ni Lalaine subalit hindi pa rin s'ya makatingin sa lalaki.“So, do you want to be with him?” tanong pa ni Knives na may panganib na makikita sa mga mata.Hindi na kailangang itanong pa ni Lalaine kung sino ang tinutukoy nito dahil iisa lang naman ang lalaking pinag-iisipan nito ng hindi maganda.“Sinabi ko na sa'yo tapos na tayo—”Natigil ang gustong sabihin ni Lalaine nang biglang yumuko si
“DO you really hate me?”“Oo,” walang pag-iimbot na sagot ni Lalaine. Sino ba ito para lagi siyang ipahiya sa harap ng ibang tao? At kahit hindi man si Elijah ang taong iyon, wala pa rin itong karapatan na ipahiya siya.“Talaga bang gan'yan na lang katindi ang galit mo sa'kin?” muling tanong ni Knives na hindi pa rin sumusuko.Kinagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi at hindi na sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa kung saan at tila ayaw nang pagtuunan pa ng pansin ang lalaki. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa, hanggang si Knives na ang unang nagsalita.“Okay, I'll let you go,” seryosong saad ni Knives, “Ito na ang huling beses...” dagdag pa ni Knives.He was very grateful to her for saving his grandmother, so he would give her what she wanted. But the moment she did something to provoke him again, he wouldn't let her go.Tumalikod na si Knives at binuksan ang pinto, pero bago siya tuluyang makalabas ay inawat siya ni Lalaine. “Wait, nakalimutan mo 'to,” ani La
AT the CEO's office.Itinuro ni Knives ang mga kontratra na nakapatong sa kanyang desk na mayroong iba't-ibang mga marka. Malamig pa sa yelo ang ekspresyon na mababasa sa guwapong mukha niya ng mga sandaling iyon.“Warn them! If this mistake happens again, I will ask them to file a resignation letter!”“I-I'll understand, Mr. Dawson,” natataranta namang sagot ng kaharap na executive at isa-isang dinampot ang mga papeles na nagkalat sa desk.Mayamaya pa'y ang secretary naman niyang si Liam ang pumasok sa kanyang opisina, “Mr. Dawson,” kaagad na bungad nito.“Speak,” walang ekspresyon na saad niya sa kanyang secretary.Batid ni Liam na wala sa mood ang kanyang boss at alam niyang wala sa timing kung sasabihin niya ang sadya, pero dahil trabaho niya iyon ay wala siyang choice. “Ms. Lalaine asked me when you are free to handle the formalities... A-Ano po ang isasagot ko?” nanginginig ang tinig na sabi ni Liam.Simula pa kaninang umaga ay walang nakakaligtas sa panenermon nito. Nagsimula
“AN Innocent Prostitute Beauty From St. Claire University—Lalaine Aragon.”Halos mabingi si Lalaine sa lakas ng tibok ng kanyang puso habang isa-isa pinagmamasdan ang mga stolen photos niya na kalakip ng article na iyon.Ang ilan sa mga pictures na iyon sa palihim na kinuha mula sa kanilang school kung saan, dahil sa angulo ng camera ay lumalabas na napapalibutan siya ng mga kalalakihan.Subalit ang pinakaagaw pansin sa lahat ng stolen photos niya ang kuha kung saan kasama niya si Mr. Go sa isang table. Natatandaan niyang ito ang kliyente ng Debonair na pinilit siyang painumin at muntik ng gahasain pagkatapos.Dahil panakaw lang ang kuha ng larawan na iyon mula sa labas ng pinto at bahagya itong malabo, kaya kung titingnan ay para siyang nakasandal sa balikat ni Mr. Go sa kuhang iyon.Mayroon ding iba't-ibang komento ang nabasa ni Lalaine sa article na iyon na halos umabot na sa libo. Lahat ay pawang panghahamak at pang-iinsulto patungkol sa kan'ya. May ilang ding komento na nakahakot
TULALA si Lalaine at gulong-gulo ang kanyang isipan nang lisanin ang kompanya. Ni hindi nga niya alam kung paano siya nakarating sa sakayan ng bus na wala sa tamang wisyo.Nang nasa sakayan na siya ng bus, isang grupo ng mga kabataang babae ay nakasabay ni Lalaine. Sa tantiya niya ay nasa senior highschool na ang mga ito na pawang nasa uso ang mga ayos.Kumunot ang isa sa mga ito nang mapatingin kay Lalaine. “'Diba siya 'yung kabit ng asawa ng model si Irene Go?” tanong nito sa mga kasama. Sabay-sabay naman na nagsilingunan ang mga ito sa kan'ya, at ang isa ay kinuha ang cellphone para tiyakin na siya nga ang nasa viral post sa Friendsbook.“Ay shit! Siya nga ang bruhang 'yan!” anang estudyante na may maikling buhok.“Mas maganda pala s'ya sa personal,” sabay naman ng isa na nakataas ang kilay.“Sabi sa post, campus crush raw ang Lalaine Aragon na 'yan,” sabat naman ng isa na may hawak ng cellphone.“Campus crush? Baka campus slut of St. Claire University!” muling saad ng estudyanten
MADALING-ARAW nang mag-landing na Manila International Airport ang eroplanong sinasakyan ni Knives, kasama ang kanyang secretary. Nang makasakay sa kanyang kotse, kaagad niyang tinawagan si Lalaine subalit nagtataka siya nang hindi niya ma-contact ang babae dahil ayon sa operator ay naka-off ang cellphone nito. Kunot-noong binalingan niya ang secretary. “Check why Lalaine can't be reached and where she is,” utos niya rito. “Okay, Sir. Just a moment,” sagot naman ni Liam saka kinuha ang kanyang iPad at nag-swipe doon. Matapos ang ilang minuto at kaagad ding nalaman ni Liam kung nasaan ang babae. “Mr. Dawson...nasa hospital ngayon si Ms. Lalaine,” pagbabalita ni Liam. “What?” bulalas ni Knives saka binalingan ang kanyang driver, “Sa hospital tayo. Bilisan mo mag-drive!” “O-Okay po, Mr. Dawson,” nahintakutan sagot naman ng kanyang driver. Galit man si Knives sa paulit-ulit na pagtataboy sa kan'ya ni Lalaine, hindi niya mapigilang mag-alala para sa babae ng mga sandaling iy
NANG maglakad na papalapit si Knives sa direksyon ni Lalaine ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang maluwang na corridor ay tila ba biglang sumikip ng mga sandaling iyon dahil sa presensya ng lalaking nag-uumapaw ang charisma.Gayunpaman, nanigas ang likod ni Lalaine nang lampasan lang siya ng lalaki at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin na para bang estranghero sila sa isa't-isa.“Lalaine...”Dahil hindi naman malala ang pinsalang tinamo kaya nagagawa nang bumangon ni Elijah at makakilos. Nang makita niyang may hawak na maliit na thermos si Lalaine ay nakangiti siyang lumapit sa babae.Wala sa sariling napalingon si Lalaine sa kanyang likuran nang marinig ang malumanay na boses na iyon ni Elijah na naglalakad papalapit sa kan'ya.“Nag-abala ka pang magluto ng pagkain. Ano ba 'yang niluto mo?” nakangiting usisa ni Elijah nang makalapit sa dalaga.Nagbalik naman sa wisyo si Lalaine ng mga sandaling iyon. “A-Arrozcaldo,” sagot niya sa lalaki kasabay ng pilit na ngiti.“'Lika
Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG)- Metro Manila,ISANG pulis na may matapang na anyo ang naglapag ng mga nakalap na ebidensya sa crime scene, isang linggo na ang nakalilipas.Dalawang bagay ang nakalagay sa ibabaw ng mesa. Isang ID card na mula sa kompanya at isang student card na bahagyang nasunog ang kaliwang bahagi. The photo on the ID card was not burned, and the woman in that photo had a sweet smile and shining eyes. Pero hindi kayang tanggapin ni Knives ang mga bagay na iyon sa kanyang harapan. Nawalan ng kulay ang likod ng kanyang palad matapos magbukas-sara ang manipis niyang labi.“Just based on these IDs, you say that the woman is dead?” tanong niya sa mga pulis na kaharap ng mga sandaling iyon.“Mr. Dawson, ito ang CCTV footage na na-retrieve namin sa intersection kung saan nangyari ang aksidente. At pagkatapos i-match ang mukha ng asawa ninyo mula sa babaeng nasa video ay lumalabas na 99.9% match ang dalawa,” anang pulis matapos ay ipinanood kay Kn
••••••“BITIWAN mo ako, Elijah...” ani Lalaine na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ito tinawag na kuya. Sinadya iyon ni Lalaine para mapaniwala n'ya ang lalaki, at isipin nitong nagseselos sa pakikig-usap nito kay Madam Faye.Nang marinig iyon ay kumabog naman ang dibdib ni Elijah lalo pa't kitang-kita n'ya sa mukha ng babae na nasasaktan ito at nagseselos dahil sa pagdating ni Faye sa eksena.“Ipahahatid na kita kay Lu Sy. Kumain ka at magpahinga. I just have business to discuss with this bitch,” nakangiting saad naman ni Elijah.“S-Sige...” sagot ni Lalaine saka inalalayan siyang tumayo ni Lu Sy.Parang gustong manakbo ni Lalaine ng mga sandaling iyon dahil sa labis na pandidiri at pagkasuklam sa lalaki pero dahil hindi pa magaling ang kanyang paa kaya mabilis na lang siyang naglakad kahit masakit iyon makalayo lang sa baliw na si Elijah.“About business, huh?” nanunuyang saad naman ni Faye nang tuluyang makaalis si Lalaine. Bakit, Flynn? Natatakot ka bang makita kung paano tay
“ISA iyan sa mga parusa para sa mga babaeng tumatakas sa lugar na ito. Hindi lang 'yon, bubuhusan ka rin ng asido sa mukha sa oras na mahuli ka...”Nangingilabot si Lalaine habang pinakikinggan ang mga sinasabing iyon ni Elijah. Hindi rin n'ya makayanang tingnan ang babaeng nasa loob ng salaming kwarto na pinagpapasa-pasahan ng maraming kalalakihan kaya inalis niya ang paningin dito.“Sa tingin mo, tatagal ka kaya sa lugar na 'to na wala ang tulong ko?” nakangising tanong pa ni Elijah. Kasabay niyon, isang loud speaker ang biglang tumunog at nangilabot si Lalaine nang marinig mula sa speaker na iyon ang nakakadurog pusong iyak at pagmamakaawa ng babaeng nasa salamin.Awtomatikong nanginig ang buong katawan ni Lalaine dahil sa narinig. Mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tenga subalit ang atungal ng babae mula sa kwarto ay para bang nanonood sa kanyang kaibutiran.Uminit ang sulok ng mga mata ni Lalaine habang nakapikit. Ang sakit-sakit ng kanyang puso dahil sa matind
•••••“I'M NOT crazy, Lalaine. I would have liked to wait for you to get better before I did this, but you're making me angry. Kaya kung ako sa'yo, mag-behave ka lang para hindi ka na masaktan pa...” “Ayaw ko! Hayop ka! 'Wag mo akong hawakan, nakakadiri ka!” sigaw ni Lalaine habang patuloy na nagpupumiglas. Pero dahil may sugat siya ay nanghihina pa kaya halos hindi naman iyon nararamdaman ng lalaki.Napangisi naman si Elijah habang patuloy na tinatanggal ang pagkakabutones ng suot ni Lalaine. “Kung 'di mo ako gusto, sino ang gusto mo? Si Knives Dawson?” puno ng pang-uuyam na tanong nito. “'Wag ka nang umasa. His first love and fiancé is back. You have no place in his life anymore, Lalaine...”Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Lalaine ng mga sandaling iyon.Samantala, tuluyan na ngang natanggal lahat ng demonyong si Elijah ang pagkakabutones ng damit ni Lalaine. Tumambad sa kan'ya ang maputi at makinis na balat ng dalaga. And even though it was covered with a white shirt as an
DAHAN-DAHANG iminulat ni Lalaine ang mga mata. Ang kisame na nasasabitan ng magarbong chandelier ay unti-unting naging malinaw sa paningin ni Lalaine. Puno ng karangyaan ang malaking bahay na iyon na unang beses lang na makita ni Lalaine simula nang mapunta siya sa Chína.Malayong-malayo iyon sa maliit at madilim na kwarto kung saan siya nakakulong noon, kaya alam niyang nasa ibang lugar siya sa pagkakataong iyon.Nagtangkang bumangon si Lalaine gamit ang isang kamay, subalit dahil nakalimutan niyang may malubhang sugat pala siya sa kaliwang paa ay malakas siyang mapadaing nang mapuwersa iyon.“Miss...” isang maputing babae na mukhang Chinese. Lumapit ito kay Lalaine ay maliksi siyang inalalayan. “Yóuyú shāngshì yánzhòng, nín hái bùnéng dòng (Hindi ka pa p'wedeng gumalaw dahil malubha ang sugat mo),” anang babae na hindi naman naintindihan ni Lalaine.Iwinasiwas ni Lalaine ang kamay saka alanganing ngumiti. “I don't understand Mandarin. Please just speak English,” pakiusap ni Lalaine
AT the CEO's Office.Nakatayo sa harapan ng French window si Knives at masamang ang mukha dahil sa ibinalita ng kanyang secretary. “What the fúck did you say?!” “Ms. Lalaine has lost contact,” pag-uulit ni Liam. “Ang huling nai-trace sa kan'ya ng team ay bumili siya ng ticket sa bus pauwi sa Tierra Nevada. Pagkatapos no'n, wala nang balita sa kan'ya, Sir.”Mariing naikuyom ni Knives ang mga kamao at halos magdikit na ang makakapal na kilay dahil sa pagkakakunot ng noo. “How about her mother? May balita ba kayo sa kan'ya?”Umiling naman si Liam. “According to the team, Mrs. Aragon has not been seen since she left Tierra Nevada. And no one knows where she is when we ask around to those who know her.”Nagdilim ang anyo ni Knives ng mga sandaling iyon, at hindi n'ya maipaliwanag kung bakit pero umahon ang pag-aalala sa kanyang dibdib. May nangyari kayang masama sa babae? O nagtago lang ito para mapigilan ang kanilang annulment?“Just keep searching. Find her no matter what.”“Alright, Si
“WELL, dahil sinubukan niyong tumakas, kailangan niyo itong pagbayaran...”Naikuyom ni Lalaine ang mga kamao habang galit na galit na nakatingin kay Elijah. “Gusto lang n'yang makauwi mula sa impiyernong lugar na 'to! Anong masama roon?!” umiiyak pa ring sagot ni Lalaine.“That's the problem, she wanted to go home so I killed her,” kaswal namang sagot ni Elijah na kung umasta ay para bang pumatay lang ng hayop. “Let's go, I need to treat your wound,” anyaya pa ng lalaki saka umastang aakayin pa si Lalaine.Pero sa halip na sumunod, Wala sa sariling hinablot ni Lalaine ang baril ng lalaki na nakasukbit sa baywang nito saka itinutok iyon kay Elijah.“Hindi ako sasama sa'yo!” sigaw ni Lalaine habang nanginginig ang kamay na may hawak ng baril. Humakbang siya paatras kay Elijah pero dahil malala ang sugat niya sa kaliwang paa kaya muli rin siyang natumba sa sementadong kalsada.Gumasgas ang kamay ni Lalaine sa mabatong kalsada nang itukod niya iyon, pero nanatili sa kanyang kamay ang mahi
PINAGMASDAN ni Lalaine ang masuyo at gwapong mukha ng lalaki. Maging mapuputi nitong ngipin ay kitang-kita kahit sa pinakamadilim pa yatang kapaligiran.Ang truck nito na may simbolo na isa ito opisyal sa lugar na pinaggalingan niya at ang red name tag na nakasukbit sa dibdib nito ay sumisimbulo kung ano ang katauhan ng lalaki nakatayo sa kanyang harapan. Hindi maaaring magkamali si Lalaine. Base sa itsura nito at lahat ng mga nakita niya, si Elijah...ay isa sa miyembro ng apat na taong nagpapatakbo ng impiyernong iyon...Ito ang taong hindi nakilala o nakita ni Veronica dahil madalang lang itong magpakita sa mga naroon, at tanging si Madam Faye at Madison lang ang nakakaalam sa tunay na katauhan ni Elijah Montenegro o kilala bilang “Flynn” sa lugar na iyon.Ito ang taong halos isamba na ni Lalaine dahil sa kabutihang loob...Ito ang lalaking pinagkatiwalaan ni Lalaine higit kaninuman...Ito ang taong mistulang anghel na bumaba sa langit at tinulungan at ginamot ang mga taong may saki
NAGKATINGINAN si Lalaine at Veronica sa isa't-isa. Si Veronica ang taong bumaril kay Madison. Kaninang madaling-araw, habang mahimbing na natutulog ang mga bantay ay palihim na pumuslit si Veronica sa kwarto ni Lalaine dala ang isang Calibre 45 na matagal na niyang itinatago. Ang baril na iyon ay nadampot n'ya nang minsang may patayin si Boss M na isa sa mga tauhan nito.Ang unang hakbang ng kanilang plano ay tiyempuhan si Madison na mag-isang gumagawa ng kahayupan sa live sex show. At pagkatapos niyon ay lalansiin ito ni Lalaine papasok sa kanyang kwarto at doon naman kikilos si Veronica para barilin ang lalaki.Nangislap ang mga mata ni Veronica. Nagkaroon siya ng pag-asa na makakatakas sa impiyernong iyon dahil successful ang unang hakbang ng kanilang plano— ang mapatay ang demonyong si Madison.Mabilis na dinampot ni Lalaine ang red name tag na nakasukbit sa baywang ni Madison dahil iyon ang gagamitin nilang gate pass para makalabas sa mga security doors. Mahalaga ang bagay na iyo