PINAGMASDAN ni Knives ang kabuohan ng suite at na-realized niya kung ano ang kulang—ang dining table.Dati, laging mayroon fresh na bulaklak na inilalagay doon si Lalaine pagkauwi nito sa bahay. Hindi gusto ni Knives ang bagay na iyon pero hindi niya sinasabi sa babae.And since he doesn't complain about it, Lalaine thinks it's okay to do it. Since then, she always brings home different flowers that are placed in vase and displayed on the dining table. Kung minsan, isang maliit na bouquet ng red rose ang inilalagay nito, minsan ay white rose, minsan ay Tulips, at kung minsan naman ay Sunflower.Tinungo ni Knives ang kabilang kwarto kung saan natutulog si Lalaine. Pagbukas niya ng pinto ay kaagad niyang napansin na napakalinis nito na para bang walang tumira doon. Inilibot ni Knives paningin sa kabuohan ng kwarto, at bawat sulok ng lugar na iyon ay nagpapaalala sa kan'ya kay Lalaine. Her blushing when he says something obscene, her moaning when he hits her spot, and her pleading when
NANG marinig ang isiniwalat ni Eros patungkol kay Elijah Montenegro ay biglang nagdilim ang mukha ni Knives. Sinabi na nga ba niyang may ulterior motives ang lalaking 'yon, pero obviously ay hindi ito makita ng gagang si Lalaine. She always said that the man was such a kind person. She almost worshipped him like a saint. “Bantayan mo ang lalaking 'yan,” utos ni Knives sa kaibigan sa malalim na boses. Bumakas naman ang pagtataka sa gwapong mukha ni Eros. “And why would I do that? Kung ako ang tatanungin mo, good match ang dalawa,” prangkang sabi ni Eros sa kaharap. Mas lalong nagdilim ang mukha ni Knives sa narinig at saka pinukol ng masamang tingin ang kaibigan. “Masyadong malansa ang bibig mo, bakit 'di ka uminom?” ani Knives na may nakakatakot na tinig. Hindi nakakibo si Eros nang marinig iyon at itinikom nang mariin ang mga labi. Pero dahil na-offend n'ya si Knives ay wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Hindi na siya nagsalita pa at uminom na lang ng uminom hang
MATAPOS magkasundo ni Lalaine at ng ahente sa apartment na kanyang napili ay nagbalik na rin siya ng Debonair. Break time lang kasi n'ya iyon at isinigit lang n'ya na makapaghanap ng malilipatan. Hiyang-hiya na rin kasi siya kay Abby dahil alam niyang nakakaabala siya sa privacy ng mga ito. Naisip din niyang i-treat ang dalawa sa weekend bilang pasasalamat dahil pinatuloy siya ng mga ito sa kanilang boarding house.Habang nasa coffee room at nagtitimpla ng sariling kape, ay pumasok doon si Mr. Miller na secretary ni Knives.“Ms. Lalaine, ipinabibigay ito ni Mr. Dawson bilang thank-you gift,” anang lalaki sabay abot sa kan'ya ng paper bag. Mabilis namang umiling si Lalaine nang marinig na galing iyon kay Knives. Hangga't maaari, ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon sa lalaking iyon.“Sorry Secretary Miller, hindi ko matatanggap 'yan,” pagtanggi ni Lalaine na may kasamang pag-iling.“Ms. Lalaine, ang sabi ni Mr. Dawson ay p'wede mong itapon kung ayaw mo. So please, accept this bec
MATAPOS mag-dinner, inihatid ni Lalaine si Abby at Jake sa lobby ng apartment building, at biglang pakikisama ay ganoon na rin ang ginawa ni Elijah. Sinamahan nilang dalawa ang magkasintahan hanggang sa makalabas ito sa naturang gusali.Hinatid ni Lalaine at Elijah ang mag-nobyo hanggang sa sakayan, at nang makasakay na ang mga ito sa taxi ay magkasabay na naglakad ang dalawa pabalik sa apartment.“Pagod ka ba sa trabaho ngayon, Lalaine?” mayamaya'y tanong ni Elijah habang nakatingin sa babae.Mabilis namang umiling si Lalaine. “Hindi naman masyado, Kuya Elijah,” nakangiting sagot naman ni Lalaine habang ang paningin ay nakatutok sa kalsada. Walang buwan ng gabing iyon pero dahil sa naggagandahang streetlights ay maliwanag ang kalsada ng gabing iyon.“Basta kapag may problema ka sa trabaho o kahit saan pa, p'wede kang lumapit sa'kin,” sincere wika ni Elijah. “I know you consider me one of those close to you, right?” biro pa ni Elijah sa dalaga sa malumanay na tinig.Iyon ang pangalawa
“WE slept together fifty-seven times, tell me, wala lang ba 'yon sa'yo?”Sa galit ni Lalaine ay hindi n'ya alam kung anong sasabihin. Inalis n'ya ang tingin dito at ibinaling sa kung saan. “B-Bitiwan mo ako!”“Promise me you won't be together,” sa halip at turan ni Knives na pinakawalan ang isa niyang kamay para marahang pisilin ang kanyang baba. “Promise me...”Hindi pakiusap kundi isang utos ang dating ng sinabi iyong ni Knives kaya naman mas lalong nagpuyos ang kanyang dibdib. “Tapos na tayo kaya wala kang karapatan na pagbawalan akong makipag-kaibigan kung kanino ko gusto,” matapang na sagot ni Lalaine subalit hindi pa rin s'ya makatingin sa lalaki.“So, do you want to be with him?” tanong pa ni Knives na may panganib na makikita sa mga mata.Hindi na kailangang itanong pa ni Lalaine kung sino ang tinutukoy nito dahil iisa lang naman ang lalaking pinag-iisipan nito ng hindi maganda.“Sinabi ko na sa'yo tapos na tayo—”Natigil ang gustong sabihin ni Lalaine nang biglang yumuko si
“DO you really hate me?”“Oo,” walang pag-iimbot na sagot ni Lalaine. Sino ba ito para lagi siyang ipahiya sa harap ng ibang tao? At kahit hindi man si Elijah ang taong iyon, wala pa rin itong karapatan na ipahiya siya.“Talaga bang gan'yan na lang katindi ang galit mo sa'kin?” muling tanong ni Knives na hindi pa rin sumusuko.Kinagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi at hindi na sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa kung saan at tila ayaw nang pagtuunan pa ng pansin ang lalaki. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa, hanggang si Knives na ang unang nagsalita.“Okay, I'll let you go,” seryosong saad ni Knives, “Ito na ang huling beses...” dagdag pa ni Knives.He was very grateful to her for saving his grandmother, so he would give her what she wanted. But the moment she did something to provoke him again, he wouldn't let her go.Tumalikod na si Knives at binuksan ang pinto, pero bago siya tuluyang makalabas ay inawat siya ni Lalaine. “Wait, nakalimutan mo 'to,” ani La
AT the CEO's office.Itinuro ni Knives ang mga kontratra na nakapatong sa kanyang desk na mayroong iba't-ibang mga marka. Malamig pa sa yelo ang ekspresyon na mababasa sa guwapong mukha niya ng mga sandaling iyon.“Warn them! If this mistake happens again, I will ask them to file a resignation letter!”“I-I'll understand, Mr. Dawson,” natataranta namang sagot ng kaharap na executive at isa-isang dinampot ang mga papeles na nagkalat sa desk.Mayamaya pa'y ang secretary naman niyang si Liam ang pumasok sa kanyang opisina, “Mr. Dawson,” kaagad na bungad nito.“Speak,” walang ekspresyon na saad niya sa kanyang secretary.Batid ni Liam na wala sa mood ang kanyang boss at alam niyang wala sa timing kung sasabihin niya ang sadya, pero dahil trabaho niya iyon ay wala siyang choice. “Ms. Lalaine asked me when you are free to handle the formalities... A-Ano po ang isasagot ko?” nanginginig ang tinig na sabi ni Liam.Simula pa kaninang umaga ay walang nakakaligtas sa panenermon nito. Nagsimula
“AN Innocent Prostitute Beauty From St. Claire University—Lalaine Aragon.”Halos mabingi si Lalaine sa lakas ng tibok ng kanyang puso habang isa-isa pinagmamasdan ang mga stolen photos niya na kalakip ng article na iyon.Ang ilan sa mga pictures na iyon sa palihim na kinuha mula sa kanilang school kung saan, dahil sa angulo ng camera ay lumalabas na napapalibutan siya ng mga kalalakihan.Subalit ang pinakaagaw pansin sa lahat ng stolen photos niya ang kuha kung saan kasama niya si Mr. Go sa isang table. Natatandaan niyang ito ang kliyente ng Debonair na pinilit siyang painumin at muntik ng gahasain pagkatapos.Dahil panakaw lang ang kuha ng larawan na iyon mula sa labas ng pinto at bahagya itong malabo, kaya kung titingnan ay para siyang nakasandal sa balikat ni Mr. Go sa kuhang iyon.Mayroon ding iba't-ibang komento ang nabasa ni Lalaine sa article na iyon na halos umabot na sa libo. Lahat ay pawang panghahamak at pang-iinsulto patungkol sa kan'ya. May ilang ding komento na nakahakot
••••••••••“BAKIT? Bakit ka nagpapaliwanag sa...akin?”Hindi alam ni Knives kung ano ang isasagot sa babae. Sa buong buhay niya, hindi siya nagpapaliwanag sa mga tao tungkol sa mga bagay-bagay at sa mga desisyong ginagawa niya. Pero hindi maintindihan ni Knives ang kanyang sarili kung bakit 'di niya kayang makita na malungkot si Lalaine habang pinagmamasdan niya ito.“Maybe because...I want to sleep with you?” sagot naman ni Knives sa tanong na iyon ni Lalaine.Tila tinutusok ng maliliit na karayom ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Ano pa ba nga ang aasahan niya rito? Laruan lang naman talaga ang tingin nito sa kan'ya at hindi bilang isang babae.“Ah gano'n ba?” ani Lalaine saka tumayo at humarap sa lalaki. “K-Kumain ka na ba? W-Wala kasi akong pagkain ngayon. Hindi ako nagluto,” ani Lalaine sa lalaki na pilit nilalabanan ang sakit ng puso na nararamdaman.“Then cook for me,” kaswal na sagot naman ni Knives saka pinag-ekis ang mahahabang binti at matamang tumingin kay Lala
••••••••BITBIT ang kape, walang lingon-lingon na mabilis na naglakad si Lalaine paalis sa lugar na iyon, at kulang na lang ay liparin niya ang kalsada palayo sa dalawang tao. Hindi rin maintindihan ni Lalaine kung bakit ba siya tumatakbo ng mga sandaling iyon. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang makaalis na sa lugar na iyon dahil parang sinasakal siya.Meanwhile, Knives' gaze fell on the petite woman walking quickly away. And although she was far from him and had her back turned, he knew who it was.Hanggang sa pinukaw ng kasamang babae ni Knives ang kanyang atensyon. “Mr. Dawson, are you listening to me?”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang babaeng kasama. Tumawid siya sa kabilang kalsada kung saan naka-park ang kanyang sasakyan at sumakay doon. Minaniobra niya ang kotse patungo sa direksyon kung saan dumaan si Lalaine.Tulala naman habang naglalakad si Lalaine patungo sa direksyon kung saan naka-park ang company car ng Debonair. Mabigat
••••••• “I DIDN'T see it, bro. Ang intern sa department ni Dr. Montenegro ang nagpakalat ng tsismis na 'yon. She saw her this morning and thought she was here to see Dr. Montenegro...” Nakasimangot na tumitig si Lalaine sa lalaki at masama pa rin ang loob sa pag-aakusa nito. Matapos naman marinig ni Knives ang sinabi ni Eros ay nakaramdam siya ng guilty. “It's my fault. Don't be angry,” hinging-paumanhin ni Knives sabay kamot sa ulo. Hindi naman basta-basta mapapalagay ang loob ni Lalaine sa paghingi ng paumanhin ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung apology ang ginawa nito o ano. Hindi n'ya basta mapapatawad ang ginawa nitong pamamahiya sa kan'ya kanina. Nang makita naman ni Knives na galit pa rin ang babae ay hinawakan niya ito sa baba at bahagyang pinisil. “How about I give you compensation? Anong gusto mo? Tell me.” Sandaling nag-isip si Lalaine nang may maalala. “Si Ms. Divine, mabait siya sa'kin at hindi n'ya ako pinababayaan sa Debonair. P-Pwede bang mo siyang parusahan
PAGKALABAS na pagkalabas ng kwarto ni Elijah, ang kaninang elegante at dalisay na anyo niya ay biglang naging malamig. Walang mababasa sa emosyon sa mukha ng butihing doktor habang binabaybay ang daan patungo sa kanyang opisina.When he reached his office, he immediately went in and locked the door. He took out his old model cellphone from his pocket and dialed.Nang kumonekta ang tawag, kaninang walang emosyon niyang anyo ay biglang naging mabangis. Ang boses naman niyang kadalasan na malumanay ay maging nakakatakot.“Sino ang nagsabi sa'yong kumilos kang mag-isa?” tanong ni Elijah sa kabilang linya.“Baby, don't be angry. 'Di naman sa hindi ka namin ma-contact, nababahala lang kami. Don't worry, nilinis na namin ang lahat,” sagot ng boses babae sa kabilang linya.“Nilinis?” ani Elijah na napangisi. “The drugs you gave to Leila Mendoza were contraband. Paano kung matukoy nila kung saan nanggaling ang gamot?” Tumawa ang babae sa kabilang linya. “Ano naman kung malaman nila kung saan
••••••“NAKIPAGKITA ka sa Elijah Montenegro na 'yon kanina...”Kumunot ang noo ni Lalaine dahil sa itinuran ni Knives. “S-Sino naman nagsabi sa'yo na na nakipagkita ako sa kan'ya?” “Kung gano'n, bakit may usap-usapan sa buong hospital tungkol sa inyong dalawa?”Hindi lubos maintindihan ni Lalaine ang sinasabi ng lalaki, kaya naman mabilis siyang bumaba ng kama para sana takasan ito. Subalit mabilis siyang nahawakan ni Knives sa pulsuhan at malakas na hinila, dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito.“A-Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Lalaine habang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Nagtangka siyang tumayo mula sa ibabaw nito subalit mahigpit siya nitong hinapit sa kanyang baywang.“Where are you going? Umiiwas ka ba sa tanong ko?” ani Knives na inilapit ang bibig sa kanyang punong-tenga.Mistulang may gumapang sa kilabot sa buong katawan ni Lalaine dahil sa mainit na hininga nitong dumampi sa kanyang tenga. “A-Ano ba kasi ang sinasabi mo? W-Wala akong alam,” muling pagtan
°°°°°°“WHEN you recover, I will arrange a blind date for you with the young daughters of wealthy families in Luzon. You choose your bride.”Nagtatlong-guhit ang noo ni Knives nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang daddy. Bakas sa mukha niya ang matinding pagtutol habang nakatingin sa matanda.“Dad, 'di ba sinabi ko na sa inyong gusto ko munang mag-focus sa kompanya? Wala pa ako sa mood makipag-blind date,” pagtanggi ni Knives sa sinabi ng ama.“Hijo, titulo lang naman ang pagpapakasal. Kung ayaw mo sa kan'ya, maaari mo siyang gawing dekorasyon lang sa bahay. With our family's status in society, every woman dreams of being part of our family, even if only as a decoration.”“Fine, I'll remember that,” sagot ni Knives sa kanyang daddy. “By the way, mukhang gustong-gusto mo ang babaeng 'yon, hijo?” pag-iiba nito ng usapan.Knives looked at his daddy with cold eyes. He didn't need to ask who he was referring to because he already knew who it was.“I don't mind if you want to play with
“BANNED sa Pilipinas ang drugs na 'to. This drug is only available in the U.S. Imposible na malaman natin kung sino ang source ng illegal drugs na 'yon. It was bought secretly by someone, so it will be difficult for us to find out who the drug dealer is," paliwanag pa ni Eros.“Hmm.” Iyon lang ang isinagot ni Knives sa kaibigan. Pinag-iisapan n'ya kung ano ang gagawin para matukoy kung sino ang dealer ng illegal drugs na iyon na ginamit kay Leila. He wasn't concerned about the woman, but about the drugs used in the incident, especially since they were illegal.Ilang sandali pa'y may kumatok na nurse sa pinto at sumungaw pagkatapos. “Doc Smith, kailangan namin kayo sa emergency room,” anang babaeng nurse.“Okay, susunod na ako,” sagot naman ni Eros sa nurse saka muling bumaling sa kaibigan. “Oh! Before I forget. There's a rumor going around the hospital that Doc Elijah Montenegro's childhood sweetheart is here. Nandito ba ang wifey mo para alagaan ka o para makita siya?” nakangising s
•••••••MATAPOS ang dinner, abala si Knives sa pagbabasa sa laptop ng mga dokumento na ipinadala sa kan'ya ni Liam. Hindi n'ya naasikaso ang mga bagay na iyon dahil sa insidentemg nangyari. Kasalukuyan siyang nasa kama habang nakasandal sa headboard ang likod at may suot na salamin. Si Lalaine naman ay tahimik din na nagbabasa ng paborito niyang libro na isinulat ni Nicholas Sparks na ang title ay “A Walk To Remember.” Ilang beses na niya itong natapos basahin pero hindi pa rin siya nagsasawa, at lagi pa rin siyang napapaiyak sa napakagandang love story ni Landon at Jamie. Marahil dahil sa mga nangyari at sa pagod kaya mabilis nakatulog si Lalaine. Nang mapansin naman ni Knives na nahihimbing na ang babae, inabot niya ang switch para patayin ang ilaw at buksan ang lampshade. May isang oras din ang nakalipas, alas-onse na ng gabi nang marinig ni Knives na humahalinghing si Lalaine at tila nananaginip. Panay ang baling ng ulo nito sa kaliwa't kanan at ang mukha ay para bang takot na
•••••••“HOW are you? May masakit ba sa'yo? Kung 'di mo kaya, umuwi ka na at magpahinga. I'll just call a private nurse,” ani ni Knives na may bahid pag-aalala sa babae.Natigilan si Lalaine sa kanyang narinig. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Bakit siya pa ang inaalala nito gayong ito ang may sakit na iniinda?Makalipas ang ilang segundo, umiling si Lalaine at sumagot. “A-Ayos lang ako. Wala namang ibang nakita sa examination.”Inunat ni Knives ang isang kamay at marahang hinaplos ang baba ni Lalaine gamit ang hintuturo. “May galos ka. 'Di mo pa ba 'yan nilagyan ng ointment?”Nag-init ang mukha ni Lalaine sa ginawang iyon ng lalaki kaya iniwas niya ang mukha rito. “G-Galos lang naman 'yan. H-Hindi na kailangan pa ng gamot.”Pinagmasdan ni Knives ang babae at umarko ang kanyang kilay nang mapansin namumula ang buong mukha nito. “You're blushing. Why? Is that how my touch affects you?”Mukha lang ng babae ang hinaplos ni Knives pero