Anong sekretong ibubunyag ni Abby? Mapagkakatiwalaan kaya si Lala? Paano si Kristoff? Pipigilan pa rin ba siya ng kanyang ina? Abangan.
Hindi na natiis ni Abby na hindi sabihin kay Lala ang tungkol sa kanyang pagbubuntis."Lala, may sasabihin ako sa iyo. Pero ipangako mo na wala kang pagsasabihan, kahit sino!"Napakunot noo si Lala na di maintindihan si Abby. Na-curious tuloy siya. "Ano pala iyon?""Ipangako mo muna!" paniniguro ni Abby sa kaibigan. "Wala kang pagsasabihan...""Pati kay Maggie? Ililihim ko rin?" Tanong ni Lala na mas lalong pinagtaka niya.Napatango nalang si Abby. Kaya walang magawa si Lala at sumang-ayon ito sa sinabi ni Abby."Sige.. "Hinawakan ni Abby ang kanyang tiyan at napansin iyon ni Lala. Kahit hindi nagsalita si Abby ay nahalata na ni Lala kung ano ang aaminin nito."Buntis ka Abby?"Diretsong napatingin si Abby sa mga mata ni Lala na tila nagsasabing oo."Sino ang ama? Si Paul ba?" Dagdag na tanong ni Lala. Nagpipigil siya sa nararamdamang sakit at selos."Hindi.." sagot ni Abby na medyo mahina ang boses.Nagulat si Lala. Nanlaki ang kanyang mga mata."Ano? Sino?"Napalunok muna si Abby
Madaling araw na nang magsasara na ang bar kung saan palihim na nagtratrabaho si Lala bilang si Yana. Tahimik na ang lugar at wala ng gaanong tao. Nagsi-uwian na rin ang ibang mga empleyado. Ang hindi alam ni Lala ay naghihintay si Jerick sa labas. Nakatayo ito sa may poste na may ilaw malapit sa entrance ng bar. Naka-insert sa bulsa ang mga kamay niya at nakayuko. Pasulyap -sulyap siya sa pinto na tila may hinihintay na lumabas roon. Napapatingin naman ang ibang empleyadong napapadaan sa kanya. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ng binata ay lumabas na rin si Lala. Nakasuot na siya ng denim jacket at maong pants with rubber shoes. Naka-pony tail rin ang buhok nito. Ibang -iba na sa babaeng sumasayaw sa stage kanina. She's the Lala na kilala ni Jerick."Bye!" pamamaalam ni Lala sa mga kasamahan na sa ibang direksyon naglakad. Mag-isa lang si Lala na papunta sa ibang direksyon kung saan naroon nakatayo si Jerick. Hindi napansin ni Lala ang binata dahil nakatingin siya sa hinaha
Nakipagkita si Maggie sa dalawa niyang kaibigan. Nasa isang coffeshop sila at sa may balcony na mesa nakaupo. Panay kwento si Maggie at pinapakita sa dalawa ang suot na singsing."Tingnan ninyo, ang ganda di ba? Engaged na talaga ako!" pagmamayabang ni Maggie na hanggang tenga ang ngiti.Pero ang dalawa ay hindi pala nakikinig. Parehong nakatulalang umiinom ng maiinom. Halata sa dalawa na may iniisip na iba at balewala ang sinasabi ni Maggie."I never imagined this! Well, sa ating tatlo ako naman ang talaga ang swerte pagdating sa pag-ibig. Kaya sigurado, ako mananalo sa pustahan natin!"Nakapansin na si Maggie na wala sa sarili ang dalawa. "Teka, anong nangyari sa inyo? Hey!"Ginulat niya una si Lala at nagising na rin ito. "Lala!" "Aie! Butiki!"Napatingin naman si Lala at sinermunan si Maggie. "Ano ba naman Maggie!? Bakit mo ako ginulat!?""Okay ka lang ba Lala? Nakatulala kasi kayo!"Si Abby naman ay malungkot ang mga matang pinagmasdan ang dalawa."Di ko kayo maintindihan. Hind
Pumunta na ng bar si Lala. Katulad ng dati, nakasuot na ito ng maikling damit na napakafit sa kanya na halos nagmumukhang walang saplot ito. Sa pang - itaas naman niya ay napaka-daring na kita ang cleavage. Isinuot rin niya ang wig nito na kulay pink. Mapula ang kanyang labi at nakamake up siya."Yana, may costumer ka.." tawag kay Lala."Huh?" Napalingon si Lala sa manager na nagtataka. Isang beses lang siyang pumayag noon na may kikitaing costumer. "Anong ibig sabihin nito?""Ano ka ba Lala.. pagkakataon mo na ito para kumita ng pera at makilala. Malay mo, magdadala ang costumer mo ng swerte!" Sagot ng manager."Ano? Swerte? Paano nangyaring swerte?""Hay naku, ang arte nito. Swerte mo nga at may nagrequest sa iyo kesa sa ibang entertainer.""What do you mean?" Napataas ng kilay si Lala habang nakatingin sa mukha ng manager niya. She was so curious."Oo na, sasabihin ko na.. ikaw ang nirequest ng costumer na ito.""Huh? Ako?" Gulat na reaction ni Lala na tinuro pa ang sarili. "Nakapa
Hindi naman inaaasahan ni Abby ang pagdating ni Paul. Ngiti ang sinalubong ni Paul sa kasintahan. Niyakap niya agad si Abby ng mahigpit."Namiss kita!" Bulong ni Paul.Walang naisagot si Abby at nakatulala lang ito. Napansin naman ito ng binata."Okay kalang ba?" Tanong ni Paul."Huh?" Reaction ni Abby na medyo gulat. "Ku-kumain ka na ba?""Hindi pa nga." Sagot ni Paul na napapakamot sa ulo at pangiti - ngiti."Pumasok ka na. Magluluto ako ng makakain mo.." mahinang sabi ni Abby na niyaya ang binatang pumasok. Masaya naman si Paul at pumasok na sila sa loob.-----"Namiss ko luto mo.." paglalambing ni Paul habang sumusubo.Nakaupo si Abby sa harapan ni Paul sa hapag - kainan. Minamasdan niya ang binata na sarap na sarap sa pagkain."Ang sarap mo talagang magluto."Sa tono ng boses ni Paul ay parang excited ito. Halata na masaya ito at kinikilig. Malungkot naman ang mukha ni Abby at namumutla. Tahimik lamang ito. Napansin naman ito agad ni Paul."Okay ka lang ba? Namumutla ka yata."
Pumunta sa isang coffeeshop sina Abby at Meimei. Sinigurado nila na walang sumusunod sa kanila at malayo sa opisina. Bihira rin ang mga tao na pumupunta roon kaya panatag ang dalawa na mag-usap.Nag-order sila ng kape pero hindi man lang nila nagalaw.Sinisipon na yata si Abby dahil sa kaiiyak. Marami naring tissue ang nagamit niya sa kakapunas sa mga mata at pisngi."Taha na... Huwag mo ng isipin iyon. Hindi mo kasalanan Abby.." pagpapakalma ni Meimei sa kaibigan."Kahit na.. may kinalaman pa rin ako sa nangyari. Kung hindi umabot sa ganito ang relasyon namin, hindi mangyayari ito.." Nakokonsensyang sabi ni Abby kay Meimei na di mapigilan ang luha.Kahit malungkot si Meimei ay pinalakas niya pa rin ang loob ni Abby. Sinuportahan niya kung ano ang relasyong meron sila ni sir Kristoff."Huwag kang susuko Abby. Mahal ninyo ang isa't isa kaya malalagasan ninyo ito kahit marami ang tutol..""Pero..""Lakasan mo lang ang loob mo..""Paano ka?""Okay lang ako. Magiging okay ako. Lalayo muna
Ang nilalaman ng sulat: "Abby, patawad sa mga nangyayari. Alam kong nagtataka ka kung bakit ako lumalayo at umiiwas. Hindi ko gusto ang nangyayari. Hindi ko gusto na di ka malapitan. Pero ito lang ang paraan sa ngayon para maprotektahan ka. Alam ng aking ina na may mahal akong iba at ayaw ko nang magpakasal kay Maggie pero pinipilit pa rin niya ako. Gusto niyang malaman kung sino ang iniibig ko at ayokong mapahamak ka kaya tinago ko. Hindi ko sinabi sa kanya na ikaw. Patawad kung naging duwag ako. Pero ito lang ang naiisip kong paraan para malayo ka sa kapahamakan. Hindi ko alam ang pwedeng gawin niya sa iyo kaya pansamantala, gagawin ko muna ito. Kahit labag sa loob ko na di ka kausapin at namimiss kita, titiisin ko. Sana maintindihan mo. Mahal kita Abby. Gagawa ako ng paraan para makasama ka. Maghintay ka lang. Pangako!"------Gumaan ang pakiramdam ni Abby. Kahit papano ay napanatag siya. Alam na niya kasi ang dahilan kung bakit umiiwas ang binata. Nang bumalik si Abby sa opisina
Malamig ang paligid sa kinatatayuan ni Abby. Mas nilalamig siya sa kaba na nararamdaman nang lumuhod si Paul sa harapan para magpropose."Will you marry me?" Nakangiting tanong ni Paul sa dalaga. Kinakabahan din siya at pinapawisan. Ang lakas ng kabog ng dibdib nito na parang sasabog na. Hindi nakapagsalita si Abby bagkos tumulo ang kanyang luha. Ang ngiti na nakapinta sa labi ni Paul ay unti unti nang nawawala. Napalitan na ito ng kalungkutan. Bigla nalang siyang nalungkot habang pinagmamasdan ang mukha ni Abby na parang may pinapahiwatig.Inulit niya ang tanong, "Abby, will you marry me?" Pinapalakas niya ang loob at inalis ang negatibong pag-iisip. Pero..Nagsalita na rin si Abby. Pumikit si Abby nang sambitin niya ang sagot sa binata. Ayaw nyang makita ang magiging reaksyon ni Paul."Sorry.. sorry Paul.."Nagulat si Paul at parang nabagsakan ito ng kung ano na nanghina siya bigla. Parang sinaksak ng ilang beses ang puso niya at duguan ito. Tila hindi siya makahinga sa mga oras
Sa kwarto habang nakahiga ang mag - asawa at kumot lang ang bumabalot sa kanilang katawan ay nag - usap ito tungkol sa magiging trabaho ni Kristoff."Sigurado ka na ba na mag - aapply ka bilang isang kargador?" Pag - aalala ni Abby na nakasandal ang ulo sa mala- adonis na katawan ni Kristoff."Oo naman!""Hindi ka sanay sa ganoong trabaho.""Okay lang iyon. Experience! Para sa inyong dalawa, gagawin ko ang lahat. Kahit anong hirap iyan, kakayanin ko!""Pero...""Wala ka bang tiwala? Wala ka bang tiwala sa mga muscles ko na kaya kong buhatin ang kahit na anong bagay!" pabirong sabi ni Kristoff sabay angat ang kanang braso at ipinakita ang muscles nito."May tiwala ako sa iyo."Niyakap ni Kristoff ang asawa.Hindi naging madali ang trabaho ni Kristoff pero hindi niya inisip ang hirap. Mas nagpursige ito at matiyaga sa kanyang trabaho kasama ang iba. Mababait naman ang mga kasamahan niya pati ang boss nila. Ito na ang pinakamalaking kompanya at pabrika sa lugar nila pero kung ikukumpara
Sinunggaban ng halik ni Kristoff ang asawa. Tumugon naman si Abby sa mapupusok na halik nito. Nakapikit ang mga mata nila habang pinagsasaluhan ang mga halik at dinama ang init ng bawat isa. Habang hinahalikan ang mga labi ni Abby, ang mga kamay naman ni Kristoff ay abala sa pangangapa sa dibdib ng asawa. Ilang segundo lang ay bumungad na ang malulusog na hinaharap ni Abby. Nagtagumpay si Kristoff sa ginawang pagh*bad sa asawa. Pareho na silang h*bad at ready sa gagawin sa gabing iyon.Humiwalay ang labi ni Kris sa labi ni Abby at lumipat ito sa bundok ni Maria. Sinunggaban niya ang bundok at pinisil ang kabila."Ughh--" ungol ni Abby na ramdam ang kiliti sa ginagawa ng asawa sa kanyang dibd*b. Napapikit nalang ito at hinayaan na angkinin ang buo niyang katawan ng asawa.Ang mga halik ay bumaba patungo sa puson ni Abby hanggang umabot ito sa gitna niya. Ibinuka niya lalo ang mga hita at doon sa gitna niya ay isubsob ni Kristoff ang sariling mukha."Uhhh--"Ramdam ni Abby ang dilang na
Binuksan ni Kristoff ang pintuan na kasama ang asawa sa tabi niya. Pagkabukas niya ay naroon sa kanilang bakuran ang limang taong nakatayo. Dalawang lalaki na nasa edad 40s at tatlong babaeng may edad na rin. Ang tatlong ale na nasa unahan ay may dalang tupperware habang ang dalawang lalaki ay may dalang mga bote ng alak. Natahimik si Kristoff sa di inaasahang mga di kilalang bisita na pumasok sa kanilang bakuran. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagtataka."Magandang araw! Kumusta kapitbahay? Pasensya na at pumasok na kami na walang pahintulot.." ani ng ale na humahakbang pa papalapit sa bahay."Magandang araw din po.." bati ni Abby na may ngiti sa mga labi."Nagtataka siguro kayo. Kami ay mga kapitbahay ninyo. May dala kaming mga pagkain para pagsaluhan natin. Ito ay isang handog para sa inyo." paliwanag ng isa pang babae."Ganoon po ba.. " sambit ni Abby na napasulyap kay Kristoff."Saan ba tayo pwede magsalo-salo?" tanong ng lalaki na napapalingon sa bakuran. Dumating pa ang isang lal
Lumayo na ang mag - asawa ng tuluyan. Iniwan ni Kristoff ang buhay na kanyang kinagisnan. Ipinagpalit niya ang karangyaan at kayamanan makasama lamang ang minamahal na si Abby. Magsisimula sila ng panibagong yugto sa isang simpleng nayon na tinatawag nilang Chester Village. Simple lang ang pamumuhay doon, ibang iba sa siyudad kung saan sila nanggaling. Sariwa ang hangin sa lugar, may mga puno at bukirin, namumulaklak din ang iba't ibang mga bulaklak, walang polusyon, malinis at may magagandang tanawin. Ang mga tao ay magkakakilala at nagtutulungan.Bumili ng bahay si Kristoff. Maliit man ito ay may dalawang palapag pa rin at may hardin at bakuran. Gusto niya na sa munting bakuran nila ay doon maghahabulan ang kanilang mga chikiting pagdating ng panahon.Pagkarating nila roon sa bahay ay talagang bakante ito. Wala pang gamit ni isa gaya ng upuan o di kaya kama o mesa. Kahit ganoon, namangha si Abby. Hindi siya makapaniwala na magsasama na sila ni Kristoff sa iisang bubong. Abot langit
Nagulat si Abby sa sinabi ng asawang panay ngiti. Walang saplot ang ibabaw nito at isang tuwalyang nakatakip sa ibaba ang siyang pangbungad sa umaga ni Kristoff sa asawa. Kitang kita ang tinapay na pang-agahan na nakakatakam kaya iwas tingin si Abby na tila naiilang."Ano ba ang pinagsasabi mo!? Magbihis ka nga para makakain na tayo.." ani ni Abby na halatang nahihiya pero pasulyap sa asawang papalapit."Ayaw mo bang makita ang agahan mo?" Biro ulit ni Kristoff na agad niyakap si Abby sa may bewang. Napaharap tuloy ang misis sa mister na titig na titig sa kaharap."Eh?"Bumaba ang isang makulit na kamay ni Kristoff sa may hita ni Abby at hinimas ito ng dahan dahan."Kumain na tayo.." aya ni Abby sa asawa habang ramdam ang kiliti sa hita niya.Mas lumapit ang mukha ni Kristoff sa mukha ng asawa at napasandal ang pw*t ni Abby sa may mesa."I love you my wife!"Sumagot agad si Abby. "I love you too, my hubby!"Nahulog sa sahig ang panty na suot ni Abby. Napangiti si Kristoff at binuhat a
Sa wakas ay nasabi na rin nila Kristoff at Abby. "I do!"Di mapaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ng dalawang nagmamahalan. Kahit malayo man sa pamilya at iwan ang karangyaan ay buo ang desisyon ng dalawa na lumayo at magsama. Lumayo sila para mamuhay ng mapayapa at buuin ang kanilang magiging pamilya.Pagkatapos ng kasalan na naganap sa Civil Ministry ay agad nagtungo sina Kristoff at Abby sa na book nilang isang inn. Ito na ang pinakatanyag na tulugan sa lugar. Tamang tama lamang ang laki ng silid sa dalawa. May malaking kama, mesa, couch at sariling banyo. Nakahanda ang silid para sa mag-asawa na may nakalalat na red roses sa sahig pati sa kama. Naroon din sa mesa ang wine kasama ang dalawang wine glass. Naka-dim light din ang kwarto na may romantic background music pa.Pagkarating nila sa silid ay sumabak kaagad sa nakakaintense na digmaan ng labi. Hindi na sila nagtumpik tumpik pa at sumunggab na agad ang dalawang labing nag-iinit na hanggang mahiga pareho sa kama. Nasa ibabaw
Hindi na nila mapigilan ang mga sarili. Umaapoy sa init ang kanilang nararamdaman sa gabing iyon. Nilalasap nila ang bawat pagdampi ng kanilang mga labi at mapaglarong dila na naghahabulan sa loob ng kanilang mga bibig. Tila nananabik ang bawat isa."Abby..." "Kristoff.." Napatigil ang kanilang halikan nang may sinabi si Kristoff sa dalaga. "Gusto kong makasama ka habambuhay.. sumama ka na sa akin. Magsama na tayo."Hindi na nagdalawang isip ang dalaga. Napatango lang si Abby sabay ngiti. Napangiti rin si Kristoff sa dalaga at hinalikan ulit. Napayakap si Abby sa binata at tinugunan ang bawat halik nito. Mas hinigpitan ng isang kamay ng binata ang pagkakahawak sa balikat ni Abby at ang isang kamay ay gumagapang sa may hita ng dalaga. Ibinaba ni Kristoff ang mga halik nito patungo sa may leeg at balikat ni Abby kaya napapatingala habang nakapikit ang dalaga. Ramdam niya ang unti - unting pag-init ng katawan niya habang hinahaplos ni Kristoff ang kanyang hita."Kristoff...uhh.."Hindi
Dire-diretsong nagmaneho ng kotse si Kristoff kasama si Abby. Napakaseryoso ng binata habang nagmamaneho at napakatahimik pa nito. Si Abby naman ay napapasulyap at di niya maiwasang kabahan.Malalim na ang gabi nang tinahak nila ang daan na para bang walang pakialam si Kristoff kung saan sila papunta. Mas lalong kinabahan si Abby dahil sa katahimikan ng binata na hindi man lang umimik simula nang sumakay sila sa kotse. Hindi na niya natiis kaya napatanong na ito.“Saan ba tayo pupunta?” kinakabahang tanong ni Abby.Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Kristoff sa mga oras na iyon. Sa tingin niya ay galit ang binata sa kanya dahil sa hindi pagsipot nito sa kanilang tagpuan at ang mga nabalitaan nito kani – kanina lang.“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya ulit.Lumiko ang kotse patungo sa kabila at nagpatuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Mukhang napakalayo na ang kanilang narating at hindi na alam ni Abby kung anong lugar na iyon."Kristoff..." mahinang pagsambit ni Abby sa pangalan
Nanlaki ang mga mata ni Abby nang marinig niya ang sinabi ni Harry. Hindi niya inaasahan na sasabihin ng binata ang kasinungalingang iyon. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso dahil sa di mapaliwanag na kaba at sa kahihiyan na narinig kaya napayuko nalang siya."Congratulations!" Bati ng mga bisita na nagsipalakpakan sa pag-anunsyo nito. Hindi rin makapaniwala si Kristoff sa narinig. Nagulat din siya pati si Maggie sa sinabi ni Harry."Really?" Reaction ni Maggie na halatang hindi naniniwala. Napakunot noo naman si Kristoff at tinitigan si Abby na nasa stage. Nang marinig niya iyon ay para bang sumisikip ang kanyang dibdib. Hindi siya agad nakagalaw bagkos ay pinagmasdan lang niya ang dalaga. "Congratulations! Cheers!" Bati ulit nila habang tinataas ang dalang wine glass. "Thank you! Thank you!" Tugon ni Harry. Abot tenga ang ngiti ng binata.Hindi na nakayanan ni Abby na tumayo roon dahil sa mga pinagsasabi ni Harry. Napaatras si Abby at gustong makawala sa kamay ni Harry pero mas