Share

Chapter 111

Dire-diretsong nagmaneho ng kotse si Kristoff kasama si Abby. Napakaseryoso ng binata habang nagmamaneho at napakatahimik pa nito. Si Abby naman ay napapasulyap at di niya maiwasang kabahan.

Malalim na ang gabi nang tinahak nila ang daan na para bang walang pakialam si Kristoff kung saan sila papunta. Mas lalong kinabahan si Abby dahil sa katahimikan ng binata na hindi man lang umimik simula nang sumakay sila sa kotse. Hindi na niya natiis kaya napatanong na ito.

“Saan ba tayo pupunta?” kinakabahang tanong ni Abby.

Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Kristoff sa mga oras na iyon. Sa tingin niya ay galit ang binata sa kanya dahil sa hindi pagsipot nito sa kanilang tagpuan at ang mga nabalitaan nito kani – kanina lang.

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya ulit.

Lumiko ang kotse patungo sa kabila at nagpatuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Mukhang napakalayo na ang kanilang narating at hindi na alam ni Abby kung anong lugar na iyon.

"Kristoff..." mahinang pagsambit ni Abby sa pangalan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melani Angcahan
1 week 1 chapter 🫰🏼🫶🏼🤍 hayzzzzzzz.... thanks 🫂 Y Y Y
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status