Share

Chapter 110

Nanlaki ang mga mata ni Abby nang marinig niya ang sinabi ni Harry. Hindi niya inaasahan na sasabihin ng binata ang kasinungalingang iyon. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso dahil sa di mapaliwanag na kaba at sa kahihiyan na narinig kaya napayuko nalang siya.

"Congratulations!" Bati ng mga bisita na nagsipalakpakan sa pag-anunsyo nito.

Hindi rin makapaniwala si Kristoff sa narinig. Nagulat din siya pati si Maggie sa sinabi ni Harry.

"Really?" Reaction ni Maggie na halatang hindi naniniwala.

Napakunot noo naman si Kristoff at tinitigan si Abby na nasa stage. Nang marinig niya iyon ay para bang sumisikip ang kanyang dibdib. Hindi siya agad nakagalaw bagkos ay pinagmasdan lang niya ang dalaga.

"Congratulations! Cheers!" Bati ulit nila habang tinataas ang dalang wine glass.

"Thank you! Thank you!" Tugon ni Harry. Abot tenga ang ngiti ng binata.

Hindi na nakayanan ni Abby na tumayo roon dahil sa mga pinagsasabi ni Harry. Napaatras si Abby at gustong makawala sa kamay ni Harry pero mas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melani Angcahan
Buti nmn........🫰🏼 Kristoff
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status