Babala- SPG
Nagulat si Abby sa sinabi ng asawang panay ngiti. Walang saplot ang ibabaw nito at isang tuwalyang nakatakip sa ibaba ang siyang pangbungad sa umaga ni Kristoff sa asawa. Kitang kita ang tinapay na pang-agahan na nakakatakam kaya iwas tingin si Abby na tila naiilang."Ano ba ang pinagsasabi mo!? Magbihis ka nga para makakain na tayo.." ani ni Abby na halatang nahihiya pero pasulyap sa asawang papalapit."Ayaw mo bang makita ang agahan mo?" Biro ulit ni Kristoff na agad niyakap si Abby sa may bewang. Napaharap tuloy ang misis sa mister na titig na titig sa kaharap."Eh?"Bumaba ang isang makulit na kamay ni Kristoff sa may hita ni Abby at hinimas ito ng dahan dahan."Kumain na tayo.." aya ni Abby sa asawa habang ramdam ang kiliti sa hita niya.Mas lumapit ang mukha ni Kristoff sa mukha ng asawa at napasandal ang pw*t ni Abby sa may mesa."I love you my wife!"Sumagot agad si Abby. "I love you too, my hubby!"Nahulog sa sahig ang panty na suot ni Abby. Napangiti si Kristoff at binuhat a
Lumayo na ang mag - asawa ng tuluyan. Iniwan ni Kristoff ang buhay na kanyang kinagisnan. Ipinagpalit niya ang karangyaan at kayamanan makasama lamang ang minamahal na si Abby. Magsisimula sila ng panibagong yugto sa isang simpleng nayon na tinatawag nilang Chester Village. Simple lang ang pamumuhay doon, ibang iba sa siyudad kung saan sila nanggaling. Sariwa ang hangin sa lugar, may mga puno at bukirin, namumulaklak din ang iba't ibang mga bulaklak, walang polusyon, malinis at may magagandang tanawin. Ang mga tao ay magkakakilala at nagtutulungan.Bumili ng bahay si Kristoff. Maliit man ito ay may dalawang palapag pa rin at may hardin at bakuran. Gusto niya na sa munting bakuran nila ay doon maghahabulan ang kanilang mga chikiting pagdating ng panahon.Pagkarating nila roon sa bahay ay talagang bakante ito. Wala pang gamit ni isa gaya ng upuan o di kaya kama o mesa. Kahit ganoon, namangha si Abby. Hindi siya makapaniwala na magsasama na sila ni Kristoff sa iisang bubong. Abot langit
Lunes na mag-usap sa videochat ang tatlong magkakaibigan na sina Maggie Cello, Lala Dion at Abby Maureen. Matagal na magkaibigan ang tatlo at pagkatapos ng kolehiyo ay hindi na sila nagkita muli. Sa kanilang tatlo, ang eleganteng manamit ay si Maggie na sa kilos at lakad ay talagang mapapamangha ang ibang tao talaga. Simple naman si Abby pero ibang karisma ang dala nito na mapapahanga ang mga lalaki sa kanya. Sa suot naman ni Lala ay hindi mahahalatang may angking ganda ang kurba ng katawan nito dahil sa suot nitong jeans at mga maluluwang na damit. Pagkatapos ng pag - uusap ng tatlo tungkol sa nalalapit na pagkikita nila, tinawagan agad ni Maggie ang kanyang boyfriend na isang CEO ng isang malaking kompanya na si Kristoff Walter. Sa mukha at tinding palang ay talagang mapatitig ka talaga sa binata. Aakalain mo talaga na isa itong celebrity o di kaya artista dahil sa kagwapuhan nito. He is actually the son of a rich family and the most influencial person sa larangan ng business. "He
Pumunta si Abby sa department store sa isang mall para bumili ng regalo para sa boyfriend niya na si Paul dahil sa bago nitong trabaho sa isang architectural na kompanya. "Ano kayang magandang regalo para sa kanya? hmm..." tanong ni Abby sarili habang naglalakad.Napunta siya sa isang tindahan na may mga binibentang relo. Pumasok ito at lumapit ang isang saleslady sa kanya. "Ano po ang hinahanap nila?" "Uhmm.. Kasi.." Naguguluhang sagot ni Abby na abala ang mga mata sa paghahanap ng isang bagay. "Ireregalo ko sana.." "Para kanino po? Sa boyfriend ninyo?" Napatingin si Abby sa saleslady at napangiti, " Ganoon na nga!" "Ah, ganoon po ba. May imumungkahi po ako.."May kinuha ang saleslady na mga kahon ng relo. Medyo na-curious si Abby at napantingin lang ito habang naghihintay sa kanya. " Heto po miss.. Bagay ito sa inyo, isang couple watch." "Huh?" Namangha si Abby sa pinakitang mga relo. "Ang ganda!" "Tamang tama po iyan." " Sige, bibilhin ko."Hindi na mapinta ang mukha ni
May natanggap na mensahe si Abby mula sa kasintahan na si Paul. "Binigyan nila ako ng welcome party. Mahuhuli ako sa pag-uwi."Medyo nalungkot si Abby nang mabasa niya ito pero wala siyang magawa. Kailangan din ni Paul na makipaghalubilo sa mga bagong kasamahan sa trabaho. Nagsulat si Abby sa maliit na papel at inilagay sa mesa kung saan naroon ang kahon ng cake at ang regalo niya na isang relo para kay Paul."Congratulations!"Napangiti si Abby nang binasa niya ulit ang isinulat at iwan ito sa mesa pero bakas pa rin sa mukha ang lungkot na hindi man lang niya nakasama ang Kasintahan. Napatingin din siya pagkatapos sa suot nitong relo na kapareha sa regalong relo nito kay Paul."11:30"--------Samantala, patuloy ang hiyawan sa bar habang sumasayaw at kumakanta ang babae na kinikilala nilang si Yana."Cheers!"Nagkakasiyahan pa ang grupo ni Paul at nagsimula na rin magsayawan sa kanilang lugar."Yeah! Yieee! Yoh!"Inaangat ang dalang mga bote sabay hiyaw at sigaw ng mga lalaki. Sumab
Nag-aayos na si Abby ng sarili para sa kanyang interview. Nasa kwarto siya at nakatayong nakaharap sa salamin. Hindi maalis sa isip nito ang nangyari kagabi."Kakaiba rin ang lalaking iyon. Kesa sungitan ako, eh dapat nga nagpasalamat siya na tinulungan ko siya. Haist! Ganoon ba ang mga mayayaman!" Naiinis na nagsasalitang mag-isa ang dalaga."Okay ka lang ba?" tanong ni Abby sa nasaktang Kristoff. "May sugat ka!"Hindi pinansin ni Kristoff si Abby at tumayo lang ito ng dahan-dahan."Teka lang!"Binalewala lang niya ang dalaga na siyang tumulong sa kanya."Tulungan na kita!" dagdag pa ni Abby na nagmamagandang loob. Kahit anong gawin ng dalaga ay hindi siya pinansin ng binata. Umalis si Kristoff sa kinatatayuan at naglakad nang dahan - dahan. "Teka lang, wala bang thank you?" Nakasimangot na wika ni Abby sa binata. Napakrus pa ng mga braso sa may dibdib ang dalaga. Napatigil si Kristoff at napalingon."Sorry, I don't have cash now kaya pumunta ka nalang sa opisina ko!"Pagkatapos ni
Natapos na rin ang pagsusuri at interview na ginawa ni Mrs. Park. Naghihintay nalang ang mga aplikante sa resulta at kung sino ang matatanggap.Balot ng kaba si Abby habang naghihintay. Pinapawisan siya kahit malamig naman ang silid. Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa kanyang relo. Ito yata ang nagbibigay lakas niya. Napatingin din si Abby sa dalawang kasamahan niyang aplikante. Pareho silang mukhang kagalang - galang at propesyonal. Sa aura pa nila ay talagang kaakit akit. "Matatanggap kaya ako?" tanong ng isip ni Abby. Pinuntahan ni Mrs. Park si Kristoff sa opisina. "Kumusta?" tanong ni Kristoff. "Magagaling po ang lahat ng aplikante. Lahat po sila ay may karanasan." "So ano ang resulta?" Dumating ang pinsan ni Kristoff na si Harry. "Hi bro!" Dire- diretso lang itong pumasok na walang pasabi sa loob ng opisina ni Kristoff. "Bakit ka narito?" seryosong tanong ni Kristoff kay Harry. "Wala lang. Boring kasi kapag walang ginagawa." paliwanag ni Harry at agad na umupo sa cou
Nasa isang studio si Maggie at nagshoshot para sa bagong commercial ng beauty products gaya ng make up. Sa loob ay puno ng ilaw na nakapaligid sa dalaga. Nakatayo siya sa gitna na panay pose. Lahat ng mata ay nakatitig sa kanya."Nice pose Maggie!" ani ng camera man. Si Maggie ay sikat na model ng mga kilalang cosmetic at kinukuha rin siya para magmodel ng mga damit. May angking ganda ang dalaga na may makinis na balat kaya mas lalong nagugustuhan siya para maging model sa kanilang mga produkto. Dahil din sa angking ganda nito at ang pagiging fashionista na sa lakad pa lang ay talagang mapapatitig ka sa kanya. They called her Lady Maggie."Okay, we are done!" wika ng manager sabay palakpak ng dalawang beses."Congrats Lady Maggie. Sa uulitin!""Thanks boss!" sagot ni Maggie.Bumalik na si Maggie patungo sa kanyang dressing room. Nakasunod naman si Pinang, ang private assistant niya na dala - dala ang mga gamit ni Lady Maggie. "Congratz Lady Maggie. Ang galing niyo talaga!" masayang