Ang nilalaman ng sulat: "Abby, patawad sa mga nangyayari. Alam kong nagtataka ka kung bakit ako lumalayo at umiiwas. Hindi ko gusto ang nangyayari. Hindi ko gusto na di ka malapitan. Pero ito lang ang paraan sa ngayon para maprotektahan ka. Alam ng aking ina na may mahal akong iba at ayaw ko nang magpakasal kay Maggie pero pinipilit pa rin niya ako. Gusto niyang malaman kung sino ang iniibig ko at ayokong mapahamak ka kaya tinago ko. Hindi ko sinabi sa kanya na ikaw. Patawad kung naging duwag ako. Pero ito lang ang naiisip kong paraan para malayo ka sa kapahamakan. Hindi ko alam ang pwedeng gawin niya sa iyo kaya pansamantala, gagawin ko muna ito. Kahit labag sa loob ko na di ka kausapin at namimiss kita, titiisin ko. Sana maintindihan mo. Mahal kita Abby. Gagawa ako ng paraan para makasama ka. Maghintay ka lang. Pangako!"------Gumaan ang pakiramdam ni Abby. Kahit papano ay napanatag siya. Alam na niya kasi ang dahilan kung bakit umiiwas ang binata. Nang bumalik si Abby sa opisina
Malamig ang paligid sa kinatatayuan ni Abby. Mas nilalamig siya sa kaba na nararamdaman nang lumuhod si Paul sa harapan para magpropose."Will you marry me?" Nakangiting tanong ni Paul sa dalaga. Kinakabahan din siya at pinapawisan. Ang lakas ng kabog ng dibdib nito na parang sasabog na. Hindi nakapagsalita si Abby bagkos tumulo ang kanyang luha. Ang ngiti na nakapinta sa labi ni Paul ay unti unti nang nawawala. Napalitan na ito ng kalungkutan. Bigla nalang siyang nalungkot habang pinagmamasdan ang mukha ni Abby na parang may pinapahiwatig.Inulit niya ang tanong, "Abby, will you marry me?" Pinapalakas niya ang loob at inalis ang negatibong pag-iisip. Pero..Nagsalita na rin si Abby. Pumikit si Abby nang sambitin niya ang sagot sa binata. Ayaw nyang makita ang magiging reaksyon ni Paul."Sorry.. sorry Paul.."Nagulat si Paul at parang nabagsakan ito ng kung ano na nanghina siya bigla. Parang sinaksak ng ilang beses ang puso niya at duguan ito. Tila hindi siya makahinga sa mga oras
Naglasing si Lala sa bar pagkatapos ang mga nasaksihan sa rooftop. Para maalis sa isip niya ang tungkol sa nakita ay nakipagharutan siya sa isang grupo ng lalaki na mayayamang customers. Sumasayaw siya sa gitna nila kasama ang ibang entertainer. Nakikipag-inuman siya at nakikipaghalikan sa mga lalaking kasama. Wala siyang pakialam kung marami ang nanonood sa kanila. This is her first time na gawin ito sa harap ng maraming lalaking nakapaligid. Hindi lang labi ang inulan nila ng halik pati leeg at sa may dibdib nito. Para bang wala na sa sarili si Lala sa mga oras na iyon. Kinain na siya ng alak at sama ng loob. "Let's party party!" Malilikot rin ang mga kamay ng mga lalaki at hinahawakan at hinihimas ang bawat sulok ng katawan ni Lala at umabot pa sa bahaging nakikiliti siya. Pakagat -labing nakatitig si Lala sa lalaking mapaglaro ang kamay. Pulang pula na siya sa kalasingan. "Do you have car?" Tanong ni Lala na wala sa sarili. "Yes of course I have!" Sagot ng lalaking nasa 40's
Sumulat si Abby ng isang resignation letter bago siya umalis ng bahay. Pinayuhan siya ni Meimei na pansamtalang umalis muna sa kompanya. "Abby, payo ko lang ito. Umalis ka muna sa kompanya ni Sir Kristoff. Kung maaari, lumayo ka muna. Makakabuti kung lalayo ka at iiwas sa kanila." Payo ni Meimei na tumatak sa utak ni Abby. Nagdesisyon si Abby na mag-resign muna sa kompanya. Alam niyang maiintindihan ni Kristoff ang gagawin niya. Mahirap man na mahiwalay kay Kristoff ay titiisin rin nya gaya sa ginagawa ng binata. Sa pagkakataong ito, nasa opisina na si Kristoff. Pumunta agad si Abby sa opisina. Habang papalapit siya sa pinto ay lumalakas rin ang kaba na nararamdaman niya. Nasa loob si Kristoff na may pinipirmahan na mga papeles. Napakaseryoso ng binata na ginagawa ang trabaho. Mukhang may tinatapos itong gawain bago niya gawin ang isa pa nyang balak na gawin kapag hindi titigil ang ina nito. Binuksan ni Abby ang pinto at binati ang boss. "Good morning sir!" Malumanay na bat
Naglalakad si Lala na nakatulala sa isang eskinita. Wala siya sa sarili na tila matamlay at walang gana. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga nangyari. Habang naglalakad ay biglang may humablot sa braso niya at hinila siya patungo sa isang pader. Itinulak siya roon kaya napasandal ito sa pader. Hindi niya inaasahan ito at napapikit nalang siya. Hinawakan ng tao ang kanyang magkabilang balikat."Anong ginawa mo!?" Tanong ng isang boses ng lalaking nagagalit. Dumilat ng dahan - dahan ang mga mata ni Lala."Anong sinabi mo kay Abby?" Tanong ulit nito. Nagulat si Lala. Namilog ang kanyang mga mata nang makita niyang si Paul ang nasa harapan niya. Nanlilisik ang mga mata nito. Nanggigigil ito sa galit na diretsong nakatingin sa kanya."Paul.." sambit ni Lala.Mas hinigpitan pa ni Paul ang pagkakahawak sa mga balikat ni Lala kaya nasasaktan na ang dalaga."Ano ba Paul! Nasasaktan ako!""Anong sinabi mo kay Abby!? Anong kasinungalingan ba ang sinabi mo sa kanya!?" Galit na galit na pagt
Naisipan na ni Abby na umalis sa tinutuluyang condo. Inaayos na niya ang kanyang mga gamit habang nakaupo siya sa kanyang kama. Malungkot at naghihinayang siya sa biglaan niyang pagresign pero wala siyang magagawa. "Sigh!" Napapabuntong hininga nalang siya.Kailangan na talaga niyang umalis at iwan ang ibang gamit sa kanyang condo. Pansamantala muna siyang lalayo sa lugar.Habang nag-aayos ay may nakita siyang isang magazine sa ibaba ng mesa. Tumayo si Abby at pinulot ito. Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. Napahinto na siya sa pag-aayos ng gamit at nabaling ang attention sa magazine. Binuksan niya ito at tiningnan ang mga nakasulat at mga larawan sa bawat pahina. Napatigil siya sa isang pahina na may larawan ng baby. Tuloy, naalala niya ang baby nila ni Kristoff. Hinimas nya ang kanyang tummy habang pinagmamasdan ang larawan."Lalayo muna tayo sa daddy mo, okay baby?" ani ni Abby na kinakausap ang baby. Hindi maalis sa isip niya ang tungkol sa baby at sa kanyang ama na walang
Napakalayo ng tingin ni Kristoff na nakaharap sa bintana ng kanyang opisina habang nakaupo. Napakalalim ng kanyang iniisip sa sandaling iyon. Ang kanyang kamay ay nakahawak sa kanyang baba at ang siko nito ay nasa arm rest ng upuan. Tila maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Nag-aalala siya kay Abby at gayundin sa kanyang ina na nagtatampo na sa kanya. Kumatok si Mrs. Park at pinihit ang pinto para mabuksan. "Excuse me sir.." bati ni Mrs. Park. "Pumasok ka Mrs. Park." Dahan - dahang pumasok si Mrs. Park sa loob ng opisina ni Kristoff. Hawak niya ang magazine na pinabibigay ni Abby kay Boss. "Sir, may pinabibigay po si Ms. Abby sa inyo.." ani ni Mrs. Park. Napalingon agad si Kristoff sa kanya at nabuhayan tuloy ang binata. "Anong sinabi mo? May pinabibigay si Ms. Abby? Ano iyon?" Excited at medyo curious si Kristoff sa matatanggap mula kay Abby. Inabot ni Mrs. Park ang magazine. "Heto po sir. Isang magazine po. Sabi niya, ibigay ko raw sa inyo." Tinanggap ni Kristoff ang mag
Nakatitig ang lalaking nasa likuran ni Abby. "Hindi ako papayag na maaagaw ka lang ng lalaking iyon Abby! Hindi siya ang para sa iyo! Sa akin ka lang!" Bulong ng lalaking naka-jacket na may hood at sombrero. ------- Kinabukasan, pinuntahan agad ni Maggie ang ina ni Kristoff sa kanilang bahay. Nanghihina ang madam na nakahiga sa kama niya. Sumasakit ang ulo niya sa mga ginagawa ng anak nya. Hindi niya matanggap ang mga desisyon ni Kristoff. "Auntie!" Nag-aalalang sambit ni Maggie nang pumasok siya sa kwarto. Dahan -dahan na idinilat ng madam ang kanyang mga mata. "Maggie, ikaw pala.." Nakalapit na rin si Maggie sa may kama kung saan nakahiga ang ina ni Kristoff. "Auntie, kumusta kayo? Ano po ang nangyari?" Natahimik lamang si Madam at ayaw niya na itong pag-usapan. Mas lalong sumasakit ang uko niya kapag naaalala nya ang mga sinabi ni Kristoff kanina. "Nagtalo na naman po ba kayo ni Kristoff, auntie?" Tanong ni Maggie na napaka-inosente ang dating. "Napakatigas na ng ulo