Napakalayo ng tingin ni Kristoff na nakaharap sa bintana ng kanyang opisina habang nakaupo. Napakalalim ng kanyang iniisip sa sandaling iyon. Ang kanyang kamay ay nakahawak sa kanyang baba at ang siko nito ay nasa arm rest ng upuan. Tila maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Nag-aalala siya kay Abby at gayundin sa kanyang ina na nagtatampo na sa kanya. Kumatok si Mrs. Park at pinihit ang pinto para mabuksan. "Excuse me sir.." bati ni Mrs. Park. "Pumasok ka Mrs. Park." Dahan - dahang pumasok si Mrs. Park sa loob ng opisina ni Kristoff. Hawak niya ang magazine na pinabibigay ni Abby kay Boss. "Sir, may pinabibigay po si Ms. Abby sa inyo.." ani ni Mrs. Park. Napalingon agad si Kristoff sa kanya at nabuhayan tuloy ang binata. "Anong sinabi mo? May pinabibigay si Ms. Abby? Ano iyon?" Excited at medyo curious si Kristoff sa matatanggap mula kay Abby. Inabot ni Mrs. Park ang magazine. "Heto po sir. Isang magazine po. Sabi niya, ibigay ko raw sa inyo." Tinanggap ni Kristoff ang mag
Nakatitig ang lalaking nasa likuran ni Abby. "Hindi ako papayag na maaagaw ka lang ng lalaking iyon Abby! Hindi siya ang para sa iyo! Sa akin ka lang!" Bulong ng lalaking naka-jacket na may hood at sombrero. ------- Kinabukasan, pinuntahan agad ni Maggie ang ina ni Kristoff sa kanilang bahay. Nanghihina ang madam na nakahiga sa kama niya. Sumasakit ang ulo niya sa mga ginagawa ng anak nya. Hindi niya matanggap ang mga desisyon ni Kristoff. "Auntie!" Nag-aalalang sambit ni Maggie nang pumasok siya sa kwarto. Dahan -dahan na idinilat ng madam ang kanyang mga mata. "Maggie, ikaw pala.." Nakalapit na rin si Maggie sa may kama kung saan nakahiga ang ina ni Kristoff. "Auntie, kumusta kayo? Ano po ang nangyari?" Natahimik lamang si Madam at ayaw niya na itong pag-usapan. Mas lalong sumasakit ang uko niya kapag naaalala nya ang mga sinabi ni Kristoff kanina. "Nagtalo na naman po ba kayo ni Kristoff, auntie?" Tanong ni Maggie na napaka-inosente ang dating. "Napakatigas na ng ulo
Napakalayo ng tingin ni Maggie na para bang natutuwa sa nangyayari. Pangiti -ngiti itong nakadungaw sa labas ng bintana na tila umaayon sa kanya ang panahon.Flashback "Pakiusap po tita, huwag ninyo po muna sabihin kay Kristoff..." Pakiusap ni Maggie sa mommy ni Kristoff."Bakit naman?"Napayuko si Maggie na parang nakakaawa. "Alam ko pong mabibigla siya kapag malaman niya ito. Ayaw niyang magkaroon muna ng anak bago ang kasal..."Napakunot noo ang madam sa mga sinabi ni Maggie. "Ano!?"Umangat ang tingin ni Maggie at pinaliwanag niyang mabuti para makuha ang simpatya at awa sa kanya ng mommy ni Kristoff. "Sinabi niyang hindi pa siya ready kapag nangyaring mabuntis ako. Hindi namin inaasahan ito na may mabubuo. Kaya kapag nalaman nya ito, baka.. baka hindi na niya gugustuhing magpakasal."Medyo naguguluhan si madam sa mga nalaman. Ang hinala niya na may ibang babae si Kristoff ay taliwas sa sinasabi ni Maggie. Nagsimula na siyang malito sa mga nangyayari. Akala niya ay ayaw ni Kristo
"Sorry.." Sambit ni Abby habang pinapanood ang mga lalaki at tumutulo ang isang luha sa pisngi nito.Iniwang nakahandusay sa lupa na walang malay at duguan si Kristoff.--------- Dinala si Abby ni Paul sa lumang condominium niya. Ito ang dating bahay ng pamilya niya bago siya lumipat sa tinitirhan niya ngayon. Walang ibang nakakaalam ang tungkol sa lokasyon nito.Mahigpit na hinahawakan ni Paul ang braso ni Abby na sapilitang hinihila. Labag man sa loob na sumama si Abby ay napilitan na ito para mailigtas si Kristoff. Wala na yata sa katinuan si Paul kaya natatakot si Abby na baka ano pa ang gawin nito sa binata. Alam naman niyang hindi siya sasaktan ni Paul na siyang ex boyfriend niya."Desisyon mong sumama kaya sumunod ka!" Utos ni Paul.Nakakunot noong tinitigan ni Abby si Paul. Hindi niya maiwasang mainis sa binata. "Itigil mo na nga ito Paul! Nakikiusap ako!"Habang naglalakad ay nakikiusap si Abby kay Paul na tigilan na ito. Pero nagmamatigas pa rin ang binata at nagpatuloy sa
Tumatakbo si Maggie sa pasilyo ng hospital papunta sa kwarto kung saan naroon si Kristoff. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa binata.Pagkabukas niya sa pinto ay nagulat siya sa kanyang nakita."Oh my! Anong nangyari kay Kristoff?"Nakahiga si Kristoff sa kama na walang malay. Puno ng pasa at may mga band-aid ang mukha nito. Namamaga rin ang kanyang pisgi.Galit na nagsalita ang ina ni Kristoff na nakatayo malapit sa kama."Kung sino man ang gumawa nito sa anak ko, magbabayad siya! Wala siyang puso!""Auntie.." sambit ni Maggie nang napatingin kay Madam.Kanina ay sinermunan niya ang mga bodyguards kung bakit nawala sa paningin nila si Kristoff at hindi nila naprotektahan ang boss nila. Kaya ngayon, inutusan niya sila na hanapin ang mga taong gumawa nito kay Kristoff."Hanapin ninyo ang gumawa nito sa anak ko! Gusto kong magbayad sila sa ginawa nila!""Yes madam!" Sagot ng isang bodyguard.---------Samantala, nagising na rin si Abby. Dahan dahan niyang idinidilat ang kanyang mga m
Natahimik si Maggie sa mga narinig niya mula kay Kristoff. Nanginginig sa inis ito na di akalaing alam ng binata ang pinaggagawa niya. Napakagat tuloy siya sa ibabang bahagi ng labi niya dahil sa kahihiyang nadarama. Natatakot ito na baka sabihin niya sa madam.“So you mean..a- alam mo?”nauutal na tanong ni Maggie kay Kristoff.“What do you think?” tanong ng binata.Tuluyan nang lumabas si Kristoff sa bahay niya kahit nakasuot ng pambahay at slippers. Walang pag – aalinlangan na iniwan niya si Maggie roon. Napaupo bigla si Maggie sa sahig at naging matamlay ito.-------------“Miss, kailangan mong kumain at uminom ng vitamins mo. Makakabuti ito sa baby na nasa tiyan mo.” Payo ng doctor kay Abby.Nakaupo lamang si Abby sa kama niya nang suriin siya ng doctor. Nakatanaw sa bintana ang dalaga at malayo ang tingin. Hindi rin niya pinapansin ang doctor na kakilala ni Paul. Ilang araw na ng itinatago ni Paul si Abby sa lumang unit nito. Pinasuri ni Paul ang kalagayan ng pagbubuntis ni Abby
"Sana maging kasing cute ng baby na'to ang baby natin! Hi daddy!"Nanlaki ang mga mata ni Kristoff at hindi makapaniwala sa nabasa. Totoo kaya ang nasa isip nito o kathang isip lang niya?"Ibig ba sabihin nito...""Sir, okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Jasper sa boss niya na natutulala na.Na-curious siya kung ano ang nabasa ni Kristoff at bigla nalang siyang natulala kaya napatingin din siya sa magazine pero agad na isinara ni Kristoff ang magazine.Medyo nagulat si Jasper sa pagsara nito ng magazine."I need to find her!""Po?"--------Naglalakad si Paul na may suot na jacket at cap. Balak niyang pumunta sa kanyang tinatrabahuhan para magpaalam sa biglaan niyang pag-absent. May mga gamit din siyang naiwan doon na gusto niyang kunin. Napagpasyahan niya na magresign sa trababo dahil sa mga nangyayari.Habang naglalakad ay nakita niya ang kanyang ka-office mate na naging close niya sa trabaho. Malapit siya sa gusali ng opisina nila. Masaya siyang makita ang kaibigan at pu
Humingi ng pabor si Kristoff sa binatang si Jasper. "Sir, pagpasensyahan niyo na po ang unit ko. Hindi pa po kasi ako nakapaglinis." Nahihiyang pagpapaliwanag ni Jasper kay Kristoff.Panay tingin si Kristoff sa buong bahay ni Jasper kung saan ang ibang gamit ay nakakalat lamang. Agad namang nagligpit si Jasper at naglinis."Ako nga ang dapat humingi ng paumanhin dahil inabala pa kita." Seryosong sagot ni Kristoff."Wala po iyon sir. It's my pleasure na patirahin ko po kayo rito. Pagpasensyahan nalang ninyo kung hindi ito gaya sa inyo. Pero welcome po kayo!""Ilang araw lang naman habang may inaayos pa ang mga bagay bagay.""Ahh, ganoon po ba. Sige po sir."-------- Naghintay si Maggie sa bahay ni Kristoff pero hindi bumalik ang binata. Nakaupo si Maggie sa silya sa may mesa sa dining room at nakatulala ito. Inihanda niya ang mesa para sabay silang kakain ni Kristoff at talagang pinaghandaan niya ito. May candlelight at wine pa sa gitna ng mesa na tila may magaganap na date. Lumipas