Sang - ayon ba kayo?
Tumutuloy si Kristoff sa condo unit ni Jasper pansamantala habang nasa bahay niya si Maggie. Iniiwasan niya ang issue at baka bigyan pa ng iba ng kahulugan. Ang hindi niya alam may pinasabog na issue na pala si Maggie. Hindi na rin muna pumapasok si Kristoff sa opisina at nanatili muna sa unit. Kahit nasa unit lang siya, patuloy pa rin siyang nakikibalita sa kinaroroonan ni Abby.Dumating si Jasper mula sa trabaho at nadatnan lamang niya ang boss nito na nagbabasa ng libro. Pinagmasdan niya ng mabuti si Kristoff na para bang walang alam sa mga balita sa labas. Lumapit siya ng dahan dahan sa binata na nakaupo sa isang silya at may binabasang libro."Magandang hapon sir?" Mahinang pagbati ni Jasper."Nariyan ka na pala Jasper. Kumusta ang trabaho?" Usisa ni Kristoff."Okay lang naman po. Kayo po, kumusta po kayo rito?""Okay lang naman. Minsan nakakabagot na walang ginagawa lalo na mga paperworks..""Ahh, ganoon po ba sir. Siya nga po pala, may nabalitaan po ba kayo na.. alam mo na.. is
Palakas na ng palakas ang ulan sa labas. Galit na galit ang kalangitan kaya binuhos ang timba ng tubig mula sa langit.Nakita ni Abby ang cellphone ni Paul na nasa isang maliit na mesa. Hindi pa rin siya nahahalata ng binata na busy sa pag-aayos ng gamit. Pasulyap - sulyap si Abby sa cellphone at sa binatang nakaupo. Habang tumatagal ay kinakabahan siya dahil sa binabalak niya sa cellphone. Ito na ang oras para makawala siya sa kamay ni Paul.Dahan dahan niyang pinuntahan ang mesa kung saan naroon ang cellphone. Pasulyap sulyap siya sa binata at baka mahalata ito. Bawat hakbang niya ay kaba ang kanyang nararamdaman. Napapalunok din siya at ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang papalapit siya.Napahikab si Paul at napahinto si Abby sa paghakbang. Titig na titig siya sa binata na bumalik ulit sa ginagawa.Nakahinga ng malalim ang dalaga nang hindi pa rin siya napapansin ni Paul. Nagpatuloy siya hanggang naabot na niya ang cellphone sa mesa. Tumalikod siya agad at tiningnan ang hawak
Dinala sa Ospital si Kristoff. Nag – aalala naman ang kanyang ina na binabantayan siya sa kanyang silid. Wala pa ring malay ang binata hanggang sa mga oras na iyon.“Napakasama ko na bang ina para sa iyo, Kristoff? Ang mga ginagawa ko ay para naman lahat sa iyo! Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ka naman sumusuway sa akin noon? Anong nangyayari? Habang tumatagal ay tumitigas na ang ulo mo at hinahayaan mo nalang na makuha sa iba ang kompanya!” ani ng ina ni Kristoff na napapatitig sa anak na nakahiga at wala pang malay.Tinawagan na ni madam si Maggie pero hindi ito sumasagot sa mga tawag. “Nasaan na ba siya? Kung kelan kailangan siya ni Kristoff, ngayon pa na wala siya!”Walang tigil pa rin ang ulan hanggang mag – umaga.Kinabukasan ay nagising na rin si Kristoff. Bumaba na rin ang lagnat niya pero mahina pa ito. Mag – isa lang siya sa kwarto. Dahan – dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at ang unang nakita niya ang bulaklak na sunflower sa vase na nasa mesa. Napatitig siya rito
Lumabas ang isang binata sa kotse na huminto sa harapan kung saan nakaupo si Abby sa isang bench. “Miss Abby?” Pagtataka ng binata nang makita ang dalaga. Napatayo si Abby. “Sir Harry?” Naiiyak na pagsambit sa pangalan ng binata. Nakaramdam ng pag-asa si Abby nang makita niya si Harry. Nilapitan ni Harry si Abby at napatingin mula ulo hanggang paa ng dalaga. Napansin niya na walang suot na sapatos si Abby. “Anong ginagawa mo rito? Malalim na ang gabi! Mag – isa kalang ba?” Usisa ni Harry. Hindi nakasagot si Abby bagkos tumulo lang ang kanyang luha habang nakatingin sa binata. Biglang nakaramdam ng awa si Harry sa dalaga. Kaya niyaya na niya itong sumama sa kanya. “Halika na…” Aya ni Harry. “Pero..” Nahihiyang sambit ni Abby. “Hindi ka ba sasama? Malalim na ang gabi. Malayo rin ito sa lugar natin.” Napalinga – linga sa paligid si Harry. Sa mga oras na iyon ay tahimik na ang daan. “Mapanganib kung mananatili ka rito na mag – isa. Tara!” Sumama na si Abby kay Harry na sa
Binigyan ng damit ni Harry si Abby na kanyang susuotin sa party na kanilang pupuntahan. Nakasuot ng off - shoulder slit side sexy black dress si Abby at black stiletto heels. Nakaayos rin ang buhok niya na may soft waves style sa buhok na napaka-elegante tingnan. Light lang ang make – up nito pero mas lumabas ang kanyang simple and pure beauty ng dalaga na talagang mapapalingon talaga ang mga lalaki. “You are so gorgeous!” bulong ni Harry sa dalaga na kanina pa nakatitig sa kanya. Nahihiya namang sumagot si Abby. “Uhm.. thanks..” Tamang – tama ang pagdating nila sa hotel kung saan gaganapin ang party. Sila yata ang hinihintay sa loob. Marami na ang naroon sa function hall at lahat ay nakasuot ng suit at dresses. Lahat ay nakaformal na suot gaya nilang dalawa. “Tara!” Aya ni Harry at inoffer ang kanyang braso para sa dalaga. Nagdalawang isip si Abby at hindi agad inunlakan ang aya ng binata. Kaya naman, hinablot ni Harry ang kamay ni Abby at pinahawak siya sa braso niya. Medyo n
Lunes na mag-usap sa videochat ang tatlong magkakaibigan na sina Maggie Cello, Lala Dion at Abby Maureen. Matagal na magkaibigan ang tatlo at pagkatapos ng kolehiyo ay hindi na sila nagkita muli. Sa kanilang tatlo, ang eleganteng manamit ay si Maggie na sa kilos at lakad ay talagang mapapamangha ang ibang tao talaga. Simple naman si Abby pero ibang karisma ang dala nito na mapapahanga ang mga lalaki sa kanya. Sa suot naman ni Lala ay hindi mahahalatang may angking ganda ang kurba ng katawan nito dahil sa suot nitong jeans at mga maluluwang na damit. Pagkatapos ng pag - uusap ng tatlo tungkol sa nalalapit na pagkikita nila, tinawagan agad ni Maggie ang kanyang boyfriend na isang CEO ng isang malaking kompanya na si Kristoff Walter. Sa mukha at tinding palang ay talagang mapatitig ka talaga sa binata. Aakalain mo talaga na isa itong celebrity o di kaya artista dahil sa kagwapuhan nito. He is actually the son of a rich family and the most influencial person sa larangan ng business. "He
Pumunta si Abby sa department store sa isang mall para bumili ng regalo para sa boyfriend niya na si Paul dahil sa bago nitong trabaho sa isang architectural na kompanya. "Ano kayang magandang regalo para sa kanya? hmm..." tanong ni Abby sarili habang naglalakad.Napunta siya sa isang tindahan na may mga binibentang relo. Pumasok ito at lumapit ang isang saleslady sa kanya. "Ano po ang hinahanap nila?" "Uhmm.. Kasi.." Naguguluhang sagot ni Abby na abala ang mga mata sa paghahanap ng isang bagay. "Ireregalo ko sana.." "Para kanino po? Sa boyfriend ninyo?" Napatingin si Abby sa saleslady at napangiti, " Ganoon na nga!" "Ah, ganoon po ba. May imumungkahi po ako.."May kinuha ang saleslady na mga kahon ng relo. Medyo na-curious si Abby at napantingin lang ito habang naghihintay sa kanya. " Heto po miss.. Bagay ito sa inyo, isang couple watch." "Huh?" Namangha si Abby sa pinakitang mga relo. "Ang ganda!" "Tamang tama po iyan." " Sige, bibilhin ko."Hindi na mapinta ang mukha ni
May natanggap na mensahe si Abby mula sa kasintahan na si Paul. "Binigyan nila ako ng welcome party. Mahuhuli ako sa pag-uwi."Medyo nalungkot si Abby nang mabasa niya ito pero wala siyang magawa. Kailangan din ni Paul na makipaghalubilo sa mga bagong kasamahan sa trabaho. Nagsulat si Abby sa maliit na papel at inilagay sa mesa kung saan naroon ang kahon ng cake at ang regalo niya na isang relo para kay Paul."Congratulations!"Napangiti si Abby nang binasa niya ulit ang isinulat at iwan ito sa mesa pero bakas pa rin sa mukha ang lungkot na hindi man lang niya nakasama ang Kasintahan. Napatingin din siya pagkatapos sa suot nitong relo na kapareha sa regalong relo nito kay Paul."11:30"--------Samantala, patuloy ang hiyawan sa bar habang sumasayaw at kumakanta ang babae na kinikilala nilang si Yana."Cheers!"Nagkakasiyahan pa ang grupo ni Paul at nagsimula na rin magsayawan sa kanilang lugar."Yeah! Yieee! Yoh!"Inaangat ang dalang mga bote sabay hiyaw at sigaw ng mga lalaki. Sumab