Ano ang binabalak ni Kristoff? Mananatili nalang bang ganito? Ano na ngayon Abby?
Pumunta na ng bar si Lala. Katulad ng dati, nakasuot na ito ng maikling damit na napakafit sa kanya na halos nagmumukhang walang saplot ito. Sa pang - itaas naman niya ay napaka-daring na kita ang cleavage. Isinuot rin niya ang wig nito na kulay pink. Mapula ang kanyang labi at nakamake up siya."Yana, may costumer ka.." tawag kay Lala."Huh?" Napalingon si Lala sa manager na nagtataka. Isang beses lang siyang pumayag noon na may kikitaing costumer. "Anong ibig sabihin nito?""Ano ka ba Lala.. pagkakataon mo na ito para kumita ng pera at makilala. Malay mo, magdadala ang costumer mo ng swerte!" Sagot ng manager."Ano? Swerte? Paano nangyaring swerte?""Hay naku, ang arte nito. Swerte mo nga at may nagrequest sa iyo kesa sa ibang entertainer.""What do you mean?" Napataas ng kilay si Lala habang nakatingin sa mukha ng manager niya. She was so curious."Oo na, sasabihin ko na.. ikaw ang nirequest ng costumer na ito.""Huh? Ako?" Gulat na reaction ni Lala na tinuro pa ang sarili. "Nakapa
Hindi naman inaaasahan ni Abby ang pagdating ni Paul. Ngiti ang sinalubong ni Paul sa kasintahan. Niyakap niya agad si Abby ng mahigpit."Namiss kita!" Bulong ni Paul.Walang naisagot si Abby at nakatulala lang ito. Napansin naman ito ng binata."Okay kalang ba?" Tanong ni Paul."Huh?" Reaction ni Abby na medyo gulat. "Ku-kumain ka na ba?""Hindi pa nga." Sagot ni Paul na napapakamot sa ulo at pangiti - ngiti."Pumasok ka na. Magluluto ako ng makakain mo.." mahinang sabi ni Abby na niyaya ang binatang pumasok. Masaya naman si Paul at pumasok na sila sa loob.-----"Namiss ko luto mo.." paglalambing ni Paul habang sumusubo.Nakaupo si Abby sa harapan ni Paul sa hapag - kainan. Minamasdan niya ang binata na sarap na sarap sa pagkain."Ang sarap mo talagang magluto."Sa tono ng boses ni Paul ay parang excited ito. Halata na masaya ito at kinikilig. Malungkot naman ang mukha ni Abby at namumutla. Tahimik lamang ito. Napansin naman ito agad ni Paul."Okay ka lang ba? Namumutla ka yata."
Pumunta sa isang coffeeshop sina Abby at Meimei. Sinigurado nila na walang sumusunod sa kanila at malayo sa opisina. Bihira rin ang mga tao na pumupunta roon kaya panatag ang dalawa na mag-usap.Nag-order sila ng kape pero hindi man lang nila nagalaw.Sinisipon na yata si Abby dahil sa kaiiyak. Marami naring tissue ang nagamit niya sa kakapunas sa mga mata at pisngi."Taha na... Huwag mo ng isipin iyon. Hindi mo kasalanan Abby.." pagpapakalma ni Meimei sa kaibigan."Kahit na.. may kinalaman pa rin ako sa nangyari. Kung hindi umabot sa ganito ang relasyon namin, hindi mangyayari ito.." Nakokonsensyang sabi ni Abby kay Meimei na di mapigilan ang luha.Kahit malungkot si Meimei ay pinalakas niya pa rin ang loob ni Abby. Sinuportahan niya kung ano ang relasyong meron sila ni sir Kristoff."Huwag kang susuko Abby. Mahal ninyo ang isa't isa kaya malalagasan ninyo ito kahit marami ang tutol..""Pero..""Lakasan mo lang ang loob mo..""Paano ka?""Okay lang ako. Magiging okay ako. Lalayo muna
Ang nilalaman ng sulat: "Abby, patawad sa mga nangyayari. Alam kong nagtataka ka kung bakit ako lumalayo at umiiwas. Hindi ko gusto ang nangyayari. Hindi ko gusto na di ka malapitan. Pero ito lang ang paraan sa ngayon para maprotektahan ka. Alam ng aking ina na may mahal akong iba at ayaw ko nang magpakasal kay Maggie pero pinipilit pa rin niya ako. Gusto niyang malaman kung sino ang iniibig ko at ayokong mapahamak ka kaya tinago ko. Hindi ko sinabi sa kanya na ikaw. Patawad kung naging duwag ako. Pero ito lang ang naiisip kong paraan para malayo ka sa kapahamakan. Hindi ko alam ang pwedeng gawin niya sa iyo kaya pansamantala, gagawin ko muna ito. Kahit labag sa loob ko na di ka kausapin at namimiss kita, titiisin ko. Sana maintindihan mo. Mahal kita Abby. Gagawa ako ng paraan para makasama ka. Maghintay ka lang. Pangako!"------Gumaan ang pakiramdam ni Abby. Kahit papano ay napanatag siya. Alam na niya kasi ang dahilan kung bakit umiiwas ang binata. Nang bumalik si Abby sa opisina
Malamig ang paligid sa kinatatayuan ni Abby. Mas nilalamig siya sa kaba na nararamdaman nang lumuhod si Paul sa harapan para magpropose."Will you marry me?" Nakangiting tanong ni Paul sa dalaga. Kinakabahan din siya at pinapawisan. Ang lakas ng kabog ng dibdib nito na parang sasabog na. Hindi nakapagsalita si Abby bagkos tumulo ang kanyang luha. Ang ngiti na nakapinta sa labi ni Paul ay unti unti nang nawawala. Napalitan na ito ng kalungkutan. Bigla nalang siyang nalungkot habang pinagmamasdan ang mukha ni Abby na parang may pinapahiwatig.Inulit niya ang tanong, "Abby, will you marry me?" Pinapalakas niya ang loob at inalis ang negatibong pag-iisip. Pero..Nagsalita na rin si Abby. Pumikit si Abby nang sambitin niya ang sagot sa binata. Ayaw nyang makita ang magiging reaksyon ni Paul."Sorry.. sorry Paul.."Nagulat si Paul at parang nabagsakan ito ng kung ano na nanghina siya bigla. Parang sinaksak ng ilang beses ang puso niya at duguan ito. Tila hindi siya makahinga sa mga oras
Naglasing si Lala sa bar pagkatapos ang mga nasaksihan sa rooftop. Para maalis sa isip niya ang tungkol sa nakita ay nakipagharutan siya sa isang grupo ng lalaki na mayayamang customers. Sumasayaw siya sa gitna nila kasama ang ibang entertainer. Nakikipag-inuman siya at nakikipaghalikan sa mga lalaking kasama. Wala siyang pakialam kung marami ang nanonood sa kanila. This is her first time na gawin ito sa harap ng maraming lalaking nakapaligid. Hindi lang labi ang inulan nila ng halik pati leeg at sa may dibdib nito. Para bang wala na sa sarili si Lala sa mga oras na iyon. Kinain na siya ng alak at sama ng loob. "Let's party party!" Malilikot rin ang mga kamay ng mga lalaki at hinahawakan at hinihimas ang bawat sulok ng katawan ni Lala at umabot pa sa bahaging nakikiliti siya. Pakagat -labing nakatitig si Lala sa lalaking mapaglaro ang kamay. Pulang pula na siya sa kalasingan. "Do you have car?" Tanong ni Lala na wala sa sarili. "Yes of course I have!" Sagot ng lalaking nasa 40's
Sumulat si Abby ng isang resignation letter bago siya umalis ng bahay. Pinayuhan siya ni Meimei na pansamtalang umalis muna sa kompanya. "Abby, payo ko lang ito. Umalis ka muna sa kompanya ni Sir Kristoff. Kung maaari, lumayo ka muna. Makakabuti kung lalayo ka at iiwas sa kanila." Payo ni Meimei na tumatak sa utak ni Abby. Nagdesisyon si Abby na mag-resign muna sa kompanya. Alam niyang maiintindihan ni Kristoff ang gagawin niya. Mahirap man na mahiwalay kay Kristoff ay titiisin rin nya gaya sa ginagawa ng binata. Sa pagkakataong ito, nasa opisina na si Kristoff. Pumunta agad si Abby sa opisina. Habang papalapit siya sa pinto ay lumalakas rin ang kaba na nararamdaman niya. Nasa loob si Kristoff na may pinipirmahan na mga papeles. Napakaseryoso ng binata na ginagawa ang trabaho. Mukhang may tinatapos itong gawain bago niya gawin ang isa pa nyang balak na gawin kapag hindi titigil ang ina nito. Binuksan ni Abby ang pinto at binati ang boss. "Good morning sir!" Malumanay na bat
Naglalakad si Lala na nakatulala sa isang eskinita. Wala siya sa sarili na tila matamlay at walang gana. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga nangyari. Habang naglalakad ay biglang may humablot sa braso niya at hinila siya patungo sa isang pader. Itinulak siya roon kaya napasandal ito sa pader. Hindi niya inaasahan ito at napapikit nalang siya. Hinawakan ng tao ang kanyang magkabilang balikat."Anong ginawa mo!?" Tanong ng isang boses ng lalaking nagagalit. Dumilat ng dahan - dahan ang mga mata ni Lala."Anong sinabi mo kay Abby?" Tanong ulit nito. Nagulat si Lala. Namilog ang kanyang mga mata nang makita niyang si Paul ang nasa harapan niya. Nanlilisik ang mga mata nito. Nanggigigil ito sa galit na diretsong nakatingin sa kanya."Paul.." sambit ni Lala.Mas hinigpitan pa ni Paul ang pagkakahawak sa mga balikat ni Lala kaya nasasaktan na ang dalaga."Ano ba Paul! Nasasaktan ako!""Anong sinabi mo kay Abby!? Anong kasinungalingan ba ang sinabi mo sa kanya!?" Galit na galit na pagt