Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nang paa niya. Kanina pa siya palakad lakad sa gilid nang kalsada, nag hahanap kasi siya nang trabaho sa Maynila. Halos mag iisang araw na siyang nag aaply sa mga kompanya pero hindi talaga sya natatanggap, kung hindi college graduate ang hanap, ay dapat atleast two years daw sa koliheyo. Eh anong magagawa niya kung high school lang natapos niya?
Sa Probinsya kasi siya galing at dalawang linggo na sya sa manila. Kung hindi ba naman siya tanga e naniwala siyang pag aabroad ang aaplayan niya dito, yon kasi ang sabi nang kumuha sa kanya. Ang siste ay pag bibenta pala nang aliw ang magiging trabaho niya dito, buti nalang nakatakas siya doon sa mahaderang babaeng nagdala sa kanya dito.Kaya pala pagdating nila ay binigyan siya agad nang mga sexy at halos kita ang kaluluwa na mga damit. At pinag-practise pa syang maglakad na naka heels, akala niya model ang trabaho niya sa ibang bansa at nagsasanay sila. Model pala talaga! Model nang mga p****k! Nyetaa ..Kaya heto siya bitbit ang mga gamit niya, at pawis na pawis na kakahanap nang mapapasukan, iyong stay in sana para hindi na niya kelangan maghanap nang matutulugan. Kelangan na talaga niya makahanap ngayon at baka sa kalsada siya matutulog ngayong gabi. Kahit anong trabaho pa iyan.Kumislap ang mga mata niya nang makakita sa harap nang Plakada.Wanted diswasher/SerbidoraDali2 syang pumasok sa isang medyo hindi kalakihang kainan na pinangalanang Sally Eatery."Ate? Hiring padin kayo? Baka pwedeng mag apply?". Tanong niya agad sa babaeng nagbabantay sa labas nang karenderya na may hawak na pamagpag nang langaw.Nakataas ang kilaw itong tumingin sa kanya pababa."Sure ka na dishwasher ang aaplayan mo neng? Wala kaming etra service dito." Sabi pa nito sa kanya.Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Hindi din lingid sa kanya na may itsura talaga siya. Maputi ang balat at walang gasgas. Maliit ang mukha at cute ang matangos na ilong. Thanks sa kanyang amang dayuhan na binuntis ang nanay niya at iniwan. Kaya akala siguro nito ay iba ang trabahong gusto niya."Ay opo naghahanap po kasi ako nang trabaho kahit ano po kahit ilang plato ang huhugasan kayang kaya ko iyan." Lihim siyang nagdasal na sana matanggap na siya dito."San biodata mo?"Ito po oh" sabay lahad niya sa papel na naglalaman nang pangalan niya. Binasa nito iyon at bumalik ang tingin sa kanya."O siya sige pumasok kana don at maghugas.Mukhang hindi ka naman masamang tao. Maraming costumer ngayon, ayoko nang makupad ha! Bawal landiin ang mga customer. Magserbidora ka rin kung kinakailangan." Mahabang litanya nito sa kanya.Halos mapatalon siya sa labis na tuwa! May trabaho na sya ! Sa wakas." Opo! Maraming salamat po. ""Ate Sally. Iyan ang tawag sa'kin dito. sabihin mo sa kasamahan mo diyan sa loob na ngayon ka magsisimula. May mga kwarto diyan sa likod doon kayo matutulog, masikip pero libre kaya pagtiisan mona""Sige po ate Sally.Walang pagsidlan ang tuwa niya dahil may trabaho na siya. Hindi na siya magugutom at may matutulugan pa siya. Naisip niyang tawagan ang pamilya niya sa probinya pagkatapos nang trabaho para hindi ang mga ito mag-alala. Ang kailangan lang niyang gawin ay maging masipag para hindi siya paalisin ni ate Sally.Pagod at masakit ang likod niya habang nakahiga sa kanyang katre. Alas otso na nang gabi at kakasara lang nang karenderya. Halos wala siyang pahinga kanina dahil deretcho na ang trabaho niya nang matanggap agad. Luminga siya sa baba at nakita nya ang kasamahang si ate Jelay na tulog na tulog at naghihilik pa.Tumitig nalang ang tingin niya sa bobong at nag isip nang ano-ano.Marami siyang naiisip tulad nalang nang paano siya makakaahon sa hirap at makakabalik sa pag aaral. Bente kwatro na siya at high school lang ang natapos, wala kasi silang pera at hindi kakayanin nang nanay at lola niya na pag aralin siya sa kolehiyo.Mananahi ang lola niya sa probinya at nagtitinda sa palengke ang nanay niya. Sa kanila din nakapisan ang mga anak nang tiyahin niya na parang biik lang dahil iniwan at hindi na binalikan ang mga anak. Tumutulong siya sa nanay niya sa palengke noon at sapat lang ang kinikita nila para sa pagkain araw araw at bills sa bahay. Kaya nga desidido siyang sumama sa kakilala niyang nag alok nang trabaho sa ibang bansa kuno. Iyon pala magiging mariposa siya nang mga parokyano sa isang strip club.Nagpasya siyang ipikit ang mata at baka kahit sa panaginip ay yumaman siya. Bakit? Walang masamang mangarap diba? Iginupo na sya nang antok at nakatulog agad.Kinabukasan ay maraming customer ang karenderya ni ate sally kaya sobrang busy nila. Hindi na sila magkamayaw sa pag kuha nang orders at pag serve. Okopado lahat nang mesa at medyo mainit sa loob dahil dalawang wall fan lang ang nakasabit sa dingding."2 kanin, isang kaldereta at dalawang tortang talong. " inulit niya ang inorder nang customer sa harap niya. Nakakunot ang noo nito na parang hindi makapaniwala sa kanya."Yes. and please make it quick, Im really starving miss." May diin din nitong sambit. Napatingin siya dito at napataas ang kilay.Umiinglesh pa tong isang to ha. Pero in feirnes hindi mukhang pilit.Hindi kita masyado ang mukha nang lalaki dahil may suot itong cap. Na natatabingan ang halos kalahati nang mukha nito.Tiningnan niya ang damit nito. Kupas na pantalon at T-shirt na hapit sa katawan. Naglabasan ang mga muscles nito sa braso dahil sa suot. Malapad din ang balikat at amoy niya ang pabango nito kahit pawis. Alam niyang matangkad ito dahil agaw pansin ito kanina nang pumasok sa karenderya nila.Kahit simple lang ang suot nito ay para parin itong modelo kanina. Ang lakas nang dating. Lahat nga nang kumakain ay napatingin dito. Sayang at hindi ito mayaman at baka ma target lock ito sa kanya dahil aakitin niya ito hehe charoot lang!.Bumalik siya sa kamalayan nang may pumitik na daliri sa harap niya."Alam kong gwapo ako miss. Pero gutom na talaga ako kaya mamaya mo na ako pagpantasyahan. ". May kayabangang sambit nito sa kanya.Napataas na talaga ang kilay niya. Gwapo nga mayabang naman!Medyo nahiya siya konti! Pero hindi siya papayag na mapahiya. Binigyan niya ito nang pang Ms. Universe na ngiti at ito naman ang napatigil.Sige makuha ka sa ngiti !"Sorry sir, yon lang po ba order niyo? Kukunin ko lang po ha." Tumalikod na sya at umirap sa lalaki. Hindi pa rin talaga kumukupas ang killer smile niya.Lumingon siya bahagya at nakita niya itong umiling iling habang nakataas ang sulok nang labi.Hmp! Antipatikong tipaklong! At sumipol pa talaga ito habang naka tingin sa pang upo niya.Inirapan niya ang lalaki at sinamaan ng tingin. Ang bastos!"Elena ikaw muna don kay fafa Alvin marami pa akong huhugasan sa kusina, ayusin mo ha, tatarayan mo na naman yan." Sabi ni ate jelay habang nag seserve ako sa ibang kumakain. Sa ilang araw na pagbalik balik nang lalaki dito ay nalaman namin ang pangalan nang nito. Iyon na nga, siya daw si Alvin. Ewan kung anong karugdong nang Alvin, basta iyon lang ang sinabi nang lalaki. Palagi din itong nagpapansin sa kanya pero binalewala niya. Sa gwapong mukha nito, mukhang maraming babae na ang napaiyak at wala siyang balak na dumagdag. Aminado din siyang may hitsura siya at maraming nanliligaw sa kanya sa probinsya nila pero ni isa ay wala siyang binigyan ng pagkakataon. Ang nasa isip lang niya ay kung paano sila makakaahon sa buhay nila ngayon. Gusto niyang tulungan ang pamilya niya at patikimin ang mga ito ng masaganang buhay. Ayaw niyang mamatay na dukha at manatiling dukha hanggang sa hukay no! Wala na siyang nagawa kundi lumapit sa mesa nang antipatikong lalaki. Isang linggo na itong kuma
ELENA'sPOV--Araw nang linggo at sarado ang Sally's Eatery kaya ibig sabihin ay day off niya ngayong araw. Napagdesisyonan niyang pumunta sa divisoria para bumili nang mga personal na gamit. May kaonting ipon na siya at babawasan nalang niya nang kaonti. Nagbihis siya nang simpleng jeans at pink baby-tee na top, medyo luma ang damit kaya masikip na sa bandang dibdib at kita ang kurba nang kanyang katawan. Bitbit ang kanyang sling bag ay lumabas na siya sa maliit nilang kwarto, umuwi din sa kanila ang kasama niyang si ate Jelay. Naglalakad siya sa gilid nang kalsada at naghihintay nang traysikel nang may rumaragasang motorsiklo at huminto mismo sa harap niya. Kumunot ang kanyang noo nang tanggalin nito ang helmet sa ulo. Nanuot sa ilong niya ang panlalaking pabango nito. Naka black pants at black T-shirt ang suot nito. Mukha itong badboy dahil may kumikinang na peircing sa kaliwang tenga nito.hot yarn? "Hey, wanna give you a ride?" aniya ng lalaki habang may makalaglag panty na ngi
ELENA'S POV--Busy sila nang araw na iyon dahil maraming customer. May building na ginagawa sa tapat kaya halos lahat nang mang-gagawa ay sa kanila kumakain. Improving na talaga tong eatery ni ate sally dahil mas lumaki at gumanda kesa noong bago pa siya namasukan dito apat na buwan na ang nakakaraan. Pinagawan na din sila ni ate sally nang boarding house sa kabilang kanto. Apat na kasi silang nag trabahante dito kaya hindi na kasya sa lumang tulugan nila. Oh diba bongga! May sarili na silang kama at kasama parin niya si ate Jelay sa kwarto. "Uhm, hi Lena magkano ba lahat?" Si Leo ang engineer sa tapat ng pinagawang building. Ni-totall niya lahat nang kinain nang lalaki at ibinalik ang tingin dito. "953 po sir, kasama na doon iyong softdrinks niyo." "Sabi ko naman sayo tawagin mo nalang akong Leo diba." Nahihiya pa itong tumingin sa kanya. Tatlong araw na mula nang makilala niya si Leo, panay hingi nito nang number niya at nagpapa-cute din sa kanya. Matangkad ang lalaki at gwa
ELENA'SPOV--Nahirapan siyang makatulog nang nakaraang gabi kaya late siyang nagising kinabukasan. Kulang nalang ay takbuhin niya ang kanto patungo sa Eatery. Kasalanan ito nang lintik na lalaking yon! Buti nalang ay hindi siya nahalata nang mga katrabaho na nangangalumata siya. Siya muna ang tumayong cashier dahil busy sa kusina si Isang. All around ang drama nila dito, kung sinong available na walang ginagawa ay matik na agad. Kasalukuyan siyang nagbibigay nang sukli sa customer nang mahagip nang kanyang mata ang lalaking papasok sa Eatery nila. Muntik na siyang mahulog sa kina-uupuan nang makilala ang lalaking kakapasok lang. Nagyuko sya nang ulo at kulang nalang ay magtago sa ilalim nang luminga linga si Alvin na parang may hinahanap. Pero huli na dahil nakita na niya itong papalapit sa kanya. Ngumiti pa ito sa kanya na parang ang ganda nang gising nito. Matikas at malinis itong tingnan sa suot na black long sleeve button down na itinupi hanggang siko at black pants. Nakakan
Dinala sya ni Alvin sa isang mamahaling Restaurant. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makakapasok sya sa ganito ka garbong kainan. Walang wala tu sa Eatery ni ate sally. Kinakabahan sya kahit mahigpit ang kapit sa kanya ni Alvin na para bang tatakbo siya palabas. At naisipan niya talagang tumakbo kanina lalo na nang makita niya ang mga hindi basta bastang tao. Sa tv lang niya nakita ang mga ito dati tapos ngayon nakakasalubong na niya na parang nasa iisang istado lang sila. Nakakaloka! May nakita din syang artista kanina nong papasok palang sila. Pero nadismaya sya kasi bakit mukha itong anghel sa tv? Putok nang make up ang mukha nito at halatang fake ang boobs kasi hindi pantay. Naloka talaga sya nang slight! Kilala din ito ni Alvin at binati. May pahaplos pa ito sa braso nang kasama niya at ang gunggong, ay todo ang ngiti. "Long time no see Vin. I hope we could hang out soon." Nang aakit itong tumitig sa kasama niya. "Excuse me Wendy. My date is already hungry, we'll go
ELENA POV--Huminto ang kotse nang binata sa isang malaking condominium building. Binuksan nito ang pinto niya at inalalayan sya palabas. Nalula sya sa ganda at laki nang lugar. Hila hila sya nang binata papasok nang elevator at nagpipindot doon. Habang lulan nang elevator ay hindi niya alam kung paano kikilos. Silang dalawa lang kasi nang lalaki at hawak nito ang kamay niya. Mahigpit na para bang takot itong mawala sya. Walang nagsalita sa kanilang dalawa at parang nabingi sya sa tunog nang dibdib niya. Parang may init na bumabalot sa kanya habang hawak sya nito. Namamawis nadin sya sa noo at leeg. Punyeta! Ano bang nangyayari sakin? Bumukas ang elevator at lumabas silang dalawa. Sa hallway palang ay alam na niyang milyones ang isang unit dito. Pag dating sa harap nang pinto ay muli itong pumindot doon at bumukas ang condo nang binata. Para talaga syang sinampal nang kahirapan pagpasok nila. Ang ganda at ang aliwalas nang buong condo. Pwede ipasok yong tatlong bahay sa probinsya
Naalimpungatan si Elena nang pagising niya ay parang hindi pamilyar ang nabungaran niya. White gray ang wall nang kwarto at ang laki nang kamang kinahihigaan niya. Hala! Nasaan ako? Medyo blangko ang isipan niya pagising. Bumangon sya sa kama at nag inat nang kamay. Ngayon lang ata sya nakatulog nang ganito kasarap sa tanang buhay niya. Kumunot ang noo niya nang mapansin na ibang damit ang suot niya. Boxer short at malaking T shirt. Nanlaki ang kanyang mata nang mag sink in sa kanya ang kagagahan. Pakshit! Anong ginawa ko?! Muntik ko nang ialay ang petchay ko kanina! Ang rufok mo elena! Dahan dahan siyang lumapit sa pinto at hinawakan ang doorknob, hinila niya pabukas at luminga linga sa paligid.. Para syang magnanakaw na na naka tiptoe ang paa para hindi makagawa nang ingay. Muntik na syang mapasubsob sa sahig nang may magsalita sa gilid niya. "Dinner is ready." Nangamatis agad ang mukha niya nang masilayan si Alvin na naka topless na naman at iba na ang suot na pants. Inaaki
Ang pagkakaintindi ni Elena ay bibigyan sya nang panahon ni Alvin mag isip ng mag isa. Hindi nito nilinaw na habang nag iisip pa siya sa patutunguhan nilang dalawa ay para itong kabote na palaging susulpot. Uumpisahan daw nito ang Operation Ligaw sa kanya para wala na syang lusot na tumanggi. Naninigurado daw kasi ito at baka daw hindi niya sineryoso ang sinabi nang lalaki. Tsk! Diyosa problem. Hindi kayo makakarelate! Araw araw ay may gimik ang lalaki. iba't ibang klase ang naiisipan nito at naloloka sya. At sa tuwing may dumarating ay na sho-shokit talaga sya ng bongga! Paano kasi unang araw nito sa panunuyo sa kanya ay nagulantang ang buong eatery dahil may mga lalaking topless sa labas at sumayaw nang jambo hotdog! Kasama din si Alvin syempre! May pa intermission ang gago! Nagmistulang may concert sa labas dahil nagwala ang mga babae at bakla. Bumaha nang abs at Adonis ang labas nang kainan! Todo bigay din ang mga lalaki sa pagsayaw at gumiling giling pa. May pakaldag din an
Kinaumagahan ay mugto ang mata ni Elena ng gumising. Mabuti nalang at late siyang nagising. Wala na siyang kasama sa kama at isang post it note lang ang nakita niyang nakapatong sa bedside table. Si Alvin ang naglagay niyon at may nakasulat na pumasok na ito ng opisina at may inihanda na din daw itong breakfast niya. Bumangon na siya at dumeretso sa banyo para maligo. Kumain na din siya ng agahan pagkatapos ay naglinis ng bahay. Inilibot niya ang tingin sa condo ni Alvin, Tiyak na mamimiss niya ang lahat ng sulok ng bahay na ito. Ang masasayang ala-ala nila ng lalaking labis niyang minahal. Dinampot niya ang kanyang cellphone at tinex ang ama. Sinabi niya kung saan sila magkikita at kung anong oras. Ang totoo ay nagdalawang isip parin siya sa plano niya ngunit wala na siyang naisip na ibang paraan. Alas dos ng hapon ay nasa loob na siya ng coffee shop sa loob ng mall kung saan sila nagkita ng ama noong nakaraan. Kaharap niya ang dayuhan niyang ama na nakatitig lang sa kanya. Wari n
Nanlumo ang katawan ni Elena ng makauwi siya sa condo. Nangiginig parin ang katawan at masakit ang dibdib. Nagngitngit ang kanyang kalooban habang iniisip kung gaano kasama ang tatay ng taong kanyang minahal. Kaya nitong saktan ang pamilya niya sa isang kumpas lang ng kamay nito. Natatakot siya sa maaari nitong gawin. Kaya ba niyang iwan si Alvin at kalimutan ito? Alam niyang hindi. Pero nawalan siya ng choice. Hindi matigil ang mata niya sa pag iyak. Sa oras na iwan niya ang lalaki ay wala na siyang babalikan. Hindi na niya alam ang anong dapat niyang gawin. Ahe was torn between her love for Alvin and her family safety. Hindi niya maaaring ipagpawalang bahala ang banta ni Don Gustavo dahil kapag may nangyaring masama sa pamilya niya ay tiyak na pagsisisihan niya ang lahat. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag dahil tunog iyon ng tunog. Kahit tigmak ang luha sa mata ay pinilt niyang kalmahin ang sarili at sinagot ang tawag ng ina. "Hello nay?" "Hello Elena, Anak.. ku
Dalawang araw na ang lumipas mula ng makita niya anng ama. Balik na sa normal ang buhay niya at pumasok na sin siya sa trabaho. Magkasama na naman sioa ni Alvin sa opisina pero dahil busy ito, meeting dito, meeting doon ay palagi siyang mag isa sa loob ng office. Hindi niya alam kung ano ang trabaho niya dito, kung personal assistant ba or taga linis. Wala naman kasi siyang nagagawang trabaho dahil lahat ay ang dalawang sekretarya nito ang gumagawa kaya naglilinis nalang siya. Nag a-arranged nang mga papeles at taga pagpag ng cabinet. Ang productive ng trabaho niya sa totoo lang. Natatawa nalang siya minsan dahil gusto lang ata ni Alvin na isama siya sa opisina kaya ginawa siyang assistant kuno.Ngayon nga ay inaantok na siya dahil tulaley ang beauty niya dito. May hinatid pang pagkain ang secretary ni Alvin para sa kanya courtesy syempre ng amo nito. At dahil nga wala siyang magawa ay nilantakan niya lahat at ibinuhos sa pagkain ang lahat ng frustration."Maam? Gusto niyo pa po?" B
Hindi parin mapakali si Elena kahit nakauwi na siya ng bahay. Hindi siya makapaniwalang nakilala niya ang ama sa hindi inaasahang pagkakataon. All this time, akala niya ay patay na or nasa malayong malayong lugar ang ama. Hindi na nga siya umaasa na makikita pa niya ito. Huminga siya ng malalim at hinamig ang sarili. Hinihingal siya dahil kulang nalang ay tumakbo siya doon. Kinuha niya ang calling card na binigay sa kanya ng ama kanina. Titig na titig siya doon na para bang iyon ang sagot sa lahat ng katanungan niya. Gusto niyang tawagan ang mama niya pero nagbago ang kanyang isip. Siguro ay kakausapin na niya ito kapag handa na siyang harapin ang matanda. Hinaplos niya ang tarheta sa kamay at binasa ang nakasulat doon.Dwane Johnson, CEO Kung ganoon ay mayaman ang ama niya. Hindi niya maipagkakailang may isang bahagi ng kanyang puso na makilala ito. Lumaki siyang walang tatay kaya curious siya sa feeling na magkaroon. Hindi nita din maipagkakaila ang similarity nila ng ama. Namana
Naalimpungatan si Elena dahil parang hinehele siya sa hangin. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at ang gwapong mukha ni Alvin ang nabungararan."Hey, I will transfer you to our room. Just sleep baby." Anito sa kanya, habang buhat siya ng lalaki sa matitigas nitong bisig. Napangiti siya at isinandal ang ulo sa dibdib nito. Naamoy niya ang mabango nitong damit at naaadik siyang amuyin iyon. Bahagya nitong pinihit ang seradora ng pinto ng kwarto at itinulak pabukas ang pinto gamit ang isang paa. Inilapag siya nito kama at hinalikan sa noo. Ang kanyang mga braso ay pumaikot sa leeg ni Alvin at diniinan iyon para mas lumapit sa kanya. Nagpantay ang kanilang mukha at sumayad sa kanyang pisngi ang ilong nito. Naamoy niya din ang mabangong hininga ng lalaki. "I love you." Anas nito sa kanya. She felt the butterflies in her stomach everytime she would hear that word from him. Hindi parin siya makapaniwala at kinikilig siya. "I said I love you woman." Inulit nito ang sinabi at wari nag de
ELENA'S POV--Mag isa si Elena sa condo ni Alvin nang araw na iyon. Masama ang kanyang pakiramdam at feeling niya ay dadatnan siya anumang oras kaya't hindi na muna siya pumasok sa trabaho. Madalas din siyang mahilo at nanlalata. Ilang araw na niyang nararanasan ang ganon at wala siyang ideya kung bakit. Siguro ay dala nang stress sa dami niyang iniisip. Si Alvin ay pumasok na sa opisina nito. Ayaw pa nga sana nitong magtrabaho at ginigiit na samahan siya ngunit tigas ang kanyang pagtanggi. Marami itong obligasyon at hindi pwedeng dahil lang masama ang pakiramdam niya ay hahayaan na nito iyon. Isang oras na ang lumipas mula nang umalis ito at nagdesisyon siyang humiga muna sa sofa at monood nang netflix. Nasa kalagitnaan siya nang panonood nang may narinig siyang may tao sa labas. Tunog nang doorbell ang nagpatayo sa kanya. Napailing pa siya sa apag aakalang si Alvin ang nasa labas at hindi nakatiis kaya't umuwi."Hays! Ang tigas talaga nang ulo nang lalaking 'to. Sabi nang okay la
Sa sasakyan palang ay hindi na maampat ang luha ni Elena. Nangyari na nga ang kinatatakutan niya. Kahit alam niyang may posibilidad na mangyayari ito ay sumige parin siya. Iba ang mayaman sa kanilang mga dukha. Nasasaktan siya sa katotohanang maraming babae ang nababagay sa lalaki. Hindi maalis sa kanyang isip ang sinabi nang tatay nito na wala siyang karapatan maging nobya ni Alvin dahil isa siyang hampaslupa. Si Alvin ay tahimik lang na nagmaneho sa tabi niya. Nagtatagis ang bagang nito at parang may gustong sabihin. Hindi na nga ito nakatiis at hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. "Babe.. baby listen. Calm down.. don't cry please. I'm sorry, hindi na dapat kita dinala doon." Malambing at mahinahong sabi sa kanya ni Alvin. Pinahid nito ng daliri ang luha sa kanyang mata at sinapo ang kanyang mukha.Tumango-tango lang siya dahil wala siyang masabi. Naninikip ang kanyang dibdib at may bumara sa kanyang lalamunan. "Aayusin ko 'to. Hmm? Just please, stay with me." "Paano ang
ELENA'SPOV--Dumating na ang araw kung saan pupunta na sila sa pamilya ni Alvin. Pagising palang niya sa umaga ay hindi na sya mapakali. Ibinili din sya ng damit ni Alvin para sa araw na ito. Simple lang naman iyon pero siguradong mahal kaya hindi na sya nagtanong. Nagulat din sya ng kaninang tanghali ay may dumating na mga make up at accesories na para sa kanya. Ayaw niya sa mga ganon dahil hindi naman sya mahilig at wala syang alam kung paano iyon gamitin, pero pinagpilitan ni Alvin kaya wala syang nagawa. Kakatapos niya lang maligo at nakaharap na sya ngayon sa salamin, may nakapatong na tuwalya sa ulo.Kaya mo yan gerl! Pagpapalakas niya ng loob sa sarili. Hinalungkat niya ang mga kolorete sa harap at pumili ng kulay. Siguro ay maglalagay lang sya kaunti. Baka magmukha pa syang clown kapag nag full make up sya, mas nakakahiya yon!Pagkatapos niyang makontento sa mukha ay nagbihis na sya ng damit. Thin strap, bodycon dress ang damit na humuhubog sa tamang kurba ng katawan niya
Kasalukuyan siyang nag eencode ng data sa araw na iyon ng may tumawag sa intercom ng binata. "Yes Cathy." Rinig niyang sagot nito sa kabilang linya. Naghintay muna ito ng sagot sa kabilang linya bago ito magsalita ulit. "Okay. Let her in." Seryoso nitong sabi. Noon naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na babae. Ito yung pinsan ni alvin na nakausap niya! "Hello couzin." Masigla at elegante ang pagkakasabi ng babae. Nakipag beso din ito kay Alvin. Dumako ang mata nito sa kanya at nabigla pa ito, ngunit nakabawi rin agad. "What brought you here george?" Bored na sabi ni alvin. "Well I came here because tita Mildred said, that we have dinner with our family next week, family Alvin, so it includes you. " Sabay baling ng tingin nito sa kanya. Yumuko naman sya at nahiya. Nagmukha kasi syang katulong pag katabi ito. "And OMG! Is she your girlfriend? Or what? Nakita ko sya sa condo mo last time. Or is she your employee?" Maarte pa itong itinakip ang kamay sa bibig.