Dalawang araw na ang lumipas mula ng makita niya anng ama. Balik na sa normal ang buhay niya at pumasok na sin siya sa trabaho. Magkasama na naman sioa ni Alvin sa opisina pero dahil busy ito, meeting dito, meeting doon ay palagi siyang mag isa sa loob ng office. Hindi niya alam kung ano ang trabaho niya dito, kung personal assistant ba or taga linis. Wala naman kasi siyang nagagawang trabaho dahil lahat ay ang dalawang sekretarya nito ang gumagawa kaya naglilinis nalang siya. Nag a-arranged nang mga papeles at taga pagpag ng cabinet. Ang productive ng trabaho niya sa totoo lang. Natatawa nalang siya minsan dahil gusto lang ata ni Alvin na isama siya sa opisina kaya ginawa siyang assistant kuno.Ngayon nga ay inaantok na siya dahil tulaley ang beauty niya dito. May hinatid pang pagkain ang secretary ni Alvin para sa kanya courtesy syempre ng amo nito. At dahil nga wala siyang magawa ay nilantakan niya lahat at ibinuhos sa pagkain ang lahat ng frustration."Maam? Gusto niyo pa po?" B
Nanlumo ang katawan ni Elena ng makauwi siya sa condo. Nangiginig parin ang katawan at masakit ang dibdib. Nagngitngit ang kanyang kalooban habang iniisip kung gaano kasama ang tatay ng taong kanyang minahal. Kaya nitong saktan ang pamilya niya sa isang kumpas lang ng kamay nito. Natatakot siya sa maaari nitong gawin. Kaya ba niyang iwan si Alvin at kalimutan ito? Alam niyang hindi. Pero nawalan siya ng choice. Hindi matigil ang mata niya sa pag iyak. Sa oras na iwan niya ang lalaki ay wala na siyang babalikan. Hindi na niya alam ang anong dapat niyang gawin. Ahe was torn between her love for Alvin and her family safety. Hindi niya maaaring ipagpawalang bahala ang banta ni Don Gustavo dahil kapag may nangyaring masama sa pamilya niya ay tiyak na pagsisisihan niya ang lahat. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag dahil tunog iyon ng tunog. Kahit tigmak ang luha sa mata ay pinilt niyang kalmahin ang sarili at sinagot ang tawag ng ina. "Hello nay?" "Hello Elena, Anak.. ku
Kinaumagahan ay mugto ang mata ni Elena ng gumising. Mabuti nalang at late siyang nagising. Wala na siyang kasama sa kama at isang post it note lang ang nakita niyang nakapatong sa bedside table. Si Alvin ang naglagay niyon at may nakasulat na pumasok na ito ng opisina at may inihanda na din daw itong breakfast niya. Bumangon na siya at dumeretso sa banyo para maligo. Kumain na din siya ng agahan pagkatapos ay naglinis ng bahay. Inilibot niya ang tingin sa condo ni Alvin, Tiyak na mamimiss niya ang lahat ng sulok ng bahay na ito. Ang masasayang ala-ala nila ng lalaking labis niyang minahal. Dinampot niya ang kanyang cellphone at tinex ang ama. Sinabi niya kung saan sila magkikita at kung anong oras. Ang totoo ay nagdalawang isip parin siya sa plano niya ngunit wala na siyang naisip na ibang paraan. Alas dos ng hapon ay nasa loob na siya ng coffee shop sa loob ng mall kung saan sila nagkita ng ama noong nakaraan. Kaharap niya ang dayuhan niyang ama na nakatitig lang sa kanya. Wari n
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nang paa niya. Kanina pa siya palakad lakad sa gilid nang kalsada, nag hahanap kasi siya nang trabaho sa Maynila. Halos mag iisang araw na siyang nag aaply sa mga kompanya pero hindi talaga sya natatanggap, kung hindi college graduate ang hanap, ay dapat atleast two years daw sa koliheyo. Eh anong magagawa niya kung high school lang natapos niya? Sa Probinsya kasi siya galing at dalawang linggo na sya sa manila. Kung hindi ba naman siya tanga e naniwala siyang pag aabroad ang aaplayan niya dito, yon kasi ang sabi nang kumuha sa kanya. Ang siste ay pag bibenta pala nang aliw ang magiging trabaho niya dito, buti nalang nakatakas siya doon sa mahaderang babaeng nagdala sa kanya dito. Kaya pala pagdating nila ay binigyan siya agad nang mga sexy at halos kita ang kaluluwa na mga damit. At pinag-practise pa syang maglakad na naka heels, akala niya model ang trabaho niya sa ibang bansa at nagsasanay sila. Model pala talaga! Model nang mga pokpok! Ny
"Elena ikaw muna don kay fafa Alvin marami pa akong huhugasan sa kusina, ayusin mo ha, tatarayan mo na naman yan." Sabi ni ate jelay habang nag seserve ako sa ibang kumakain. Sa ilang araw na pagbalik balik nang lalaki dito ay nalaman namin ang pangalan nang nito. Iyon na nga, siya daw si Alvin. Ewan kung anong karugdong nang Alvin, basta iyon lang ang sinabi nang lalaki. Palagi din itong nagpapansin sa kanya pero binalewala niya. Sa gwapong mukha nito, mukhang maraming babae na ang napaiyak at wala siyang balak na dumagdag. Aminado din siyang may hitsura siya at maraming nanliligaw sa kanya sa probinsya nila pero ni isa ay wala siyang binigyan ng pagkakataon. Ang nasa isip lang niya ay kung paano sila makakaahon sa buhay nila ngayon. Gusto niyang tulungan ang pamilya niya at patikimin ang mga ito ng masaganang buhay. Ayaw niyang mamatay na dukha at manatiling dukha hanggang sa hukay no! Wala na siyang nagawa kundi lumapit sa mesa nang antipatikong lalaki. Isang linggo na itong kuma
ELENA'sPOV--Araw nang linggo at sarado ang Sally's Eatery kaya ibig sabihin ay day off niya ngayong araw. Napagdesisyonan niyang pumunta sa divisoria para bumili nang mga personal na gamit. May kaonting ipon na siya at babawasan nalang niya nang kaonti. Nagbihis siya nang simpleng jeans at pink baby-tee na top, medyo luma ang damit kaya masikip na sa bandang dibdib at kita ang kurba nang kanyang katawan. Bitbit ang kanyang sling bag ay lumabas na siya sa maliit nilang kwarto, umuwi din sa kanila ang kasama niyang si ate Jelay. Naglalakad siya sa gilid nang kalsada at naghihintay nang traysikel nang may rumaragasang motorsiklo at huminto mismo sa harap niya. Kumunot ang kanyang noo nang tanggalin nito ang helmet sa ulo. Nanuot sa ilong niya ang panlalaking pabango nito. Naka black pants at black T-shirt ang suot nito. Mukha itong badboy dahil may kumikinang na peircing sa kaliwang tenga nito.hot yarn? "Hey, wanna give you a ride?" aniya ng lalaki habang may makalaglag panty na ngi
ELENA'S POV--Busy sila nang araw na iyon dahil maraming customer. May building na ginagawa sa tapat kaya halos lahat nang mang-gagawa ay sa kanila kumakain. Improving na talaga tong eatery ni ate sally dahil mas lumaki at gumanda kesa noong bago pa siya namasukan dito apat na buwan na ang nakakaraan. Pinagawan na din sila ni ate sally nang boarding house sa kabilang kanto. Apat na kasi silang nag trabahante dito kaya hindi na kasya sa lumang tulugan nila. Oh diba bongga! May sarili na silang kama at kasama parin niya si ate Jelay sa kwarto. "Uhm, hi Lena magkano ba lahat?" Si Leo ang engineer sa tapat ng pinagawang building. Ni-totall niya lahat nang kinain nang lalaki at ibinalik ang tingin dito. "953 po sir, kasama na doon iyong softdrinks niyo." "Sabi ko naman sayo tawagin mo nalang akong Leo diba." Nahihiya pa itong tumingin sa kanya. Tatlong araw na mula nang makilala niya si Leo, panay hingi nito nang number niya at nagpapa-cute din sa kanya. Matangkad ang lalaki at gwa
ELENA'SPOV--Nahirapan siyang makatulog nang nakaraang gabi kaya late siyang nagising kinabukasan. Kulang nalang ay takbuhin niya ang kanto patungo sa Eatery. Kasalanan ito nang lintik na lalaking yon! Buti nalang ay hindi siya nahalata nang mga katrabaho na nangangalumata siya. Siya muna ang tumayong cashier dahil busy sa kusina si Isang. All around ang drama nila dito, kung sinong available na walang ginagawa ay matik na agad. Kasalukuyan siyang nagbibigay nang sukli sa customer nang mahagip nang kanyang mata ang lalaking papasok sa Eatery nila. Muntik na siyang mahulog sa kina-uupuan nang makilala ang lalaking kakapasok lang. Nagyuko sya nang ulo at kulang nalang ay magtago sa ilalim nang luminga linga si Alvin na parang may hinahanap. Pero huli na dahil nakita na niya itong papalapit sa kanya. Ngumiti pa ito sa kanya na parang ang ganda nang gising nito. Matikas at malinis itong tingnan sa suot na black long sleeve button down na itinupi hanggang siko at black pants. Nakakan