ELENA'S POV--Mag isa si Elena sa condo ni Alvin nang araw na iyon. Masama ang kanyang pakiramdam at feeling niya ay dadatnan siya anumang oras kaya't hindi na muna siya pumasok sa trabaho. Madalas din siyang mahilo at nanlalata. Ilang araw na niyang nararanasan ang ganon at wala siyang ideya kung bakit. Siguro ay dala nang stress sa dami niyang iniisip. Si Alvin ay pumasok na sa opisina nito. Ayaw pa nga sana nitong magtrabaho at ginigiit na samahan siya ngunit tigas ang kanyang pagtanggi. Marami itong obligasyon at hindi pwedeng dahil lang masama ang pakiramdam niya ay hahayaan na nito iyon. Isang oras na ang lumipas mula nang umalis ito at nagdesisyon siyang humiga muna sa sofa at monood nang netflix. Nasa kalagitnaan siya nang panonood nang may narinig siyang may tao sa labas. Tunog nang doorbell ang nagpatayo sa kanya. Napailing pa siya sa apag aakalang si Alvin ang nasa labas at hindi nakatiis kaya't umuwi."Hays! Ang tigas talaga nang ulo nang lalaking 'to. Sabi nang okay la
Naalimpungatan si Elena dahil parang hinehele siya sa hangin. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at ang gwapong mukha ni Alvin ang nabungararan."Hey, I will transfer you to our room. Just sleep baby." Anito sa kanya, habang buhat siya ng lalaki sa matitigas nitong bisig. Napangiti siya at isinandal ang ulo sa dibdib nito. Naamoy niya ang mabango nitong damit at naaadik siyang amuyin iyon. Bahagya nitong pinihit ang seradora ng pinto ng kwarto at itinulak pabukas ang pinto gamit ang isang paa. Inilapag siya nito kama at hinalikan sa noo. Ang kanyang mga braso ay pumaikot sa leeg ni Alvin at diniinan iyon para mas lumapit sa kanya. Nagpantay ang kanilang mukha at sumayad sa kanyang pisngi ang ilong nito. Naamoy niya din ang mabangong hininga ng lalaki. "I love you." Anas nito sa kanya. She felt the butterflies in her stomach everytime she would hear that word from him. Hindi parin siya makapaniwala at kinikilig siya. "I said I love you woman." Inulit nito ang sinabi at wari nag de
Hindi parin mapakali si Elena kahit nakauwi na siya ng bahay. Hindi siya makapaniwalang nakilala niya ang ama sa hindi inaasahang pagkakataon. All this time, akala niya ay patay na or nasa malayong malayong lugar ang ama. Hindi na nga siya umaasa na makikita pa niya ito. Huminga siya ng malalim at hinamig ang sarili. Hinihingal siya dahil kulang nalang ay tumakbo siya doon. Kinuha niya ang calling card na binigay sa kanya ng ama kanina. Titig na titig siya doon na para bang iyon ang sagot sa lahat ng katanungan niya. Gusto niyang tawagan ang mama niya pero nagbago ang kanyang isip. Siguro ay kakausapin na niya ito kapag handa na siyang harapin ang matanda. Hinaplos niya ang tarheta sa kamay at binasa ang nakasulat doon.Dwane Johnson, CEO Kung ganoon ay mayaman ang ama niya. Hindi niya maipagkakailang may isang bahagi ng kanyang puso na makilala ito. Lumaki siyang walang tatay kaya curious siya sa feeling na magkaroon. Hindi nita din maipagkakaila ang similarity nila ng ama. Namana
Dalawang araw na ang lumipas mula ng makita niya anng ama. Balik na sa normal ang buhay niya at pumasok na sin siya sa trabaho. Magkasama na naman sioa ni Alvin sa opisina pero dahil busy ito, meeting dito, meeting doon ay palagi siyang mag isa sa loob ng office. Hindi niya alam kung ano ang trabaho niya dito, kung personal assistant ba or taga linis. Wala naman kasi siyang nagagawang trabaho dahil lahat ay ang dalawang sekretarya nito ang gumagawa kaya naglilinis nalang siya. Nag a-arranged nang mga papeles at taga pagpag ng cabinet. Ang productive ng trabaho niya sa totoo lang. Natatawa nalang siya minsan dahil gusto lang ata ni Alvin na isama siya sa opisina kaya ginawa siyang assistant kuno.Ngayon nga ay inaantok na siya dahil tulaley ang beauty niya dito. May hinatid pang pagkain ang secretary ni Alvin para sa kanya courtesy syempre ng amo nito. At dahil nga wala siyang magawa ay nilantakan niya lahat at ibinuhos sa pagkain ang lahat ng frustration."Maam? Gusto niyo pa po?" B
Nanlumo ang katawan ni Elena ng makauwi siya sa condo. Nangiginig parin ang katawan at masakit ang dibdib. Nagngitngit ang kanyang kalooban habang iniisip kung gaano kasama ang tatay ng taong kanyang minahal. Kaya nitong saktan ang pamilya niya sa isang kumpas lang ng kamay nito. Natatakot siya sa maaari nitong gawin. Kaya ba niyang iwan si Alvin at kalimutan ito? Alam niyang hindi. Pero nawalan siya ng choice. Hindi matigil ang mata niya sa pag iyak. Sa oras na iwan niya ang lalaki ay wala na siyang babalikan. Hindi na niya alam ang anong dapat niyang gawin. Ahe was torn between her love for Alvin and her family safety. Hindi niya maaaring ipagpawalang bahala ang banta ni Don Gustavo dahil kapag may nangyaring masama sa pamilya niya ay tiyak na pagsisisihan niya ang lahat. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag dahil tunog iyon ng tunog. Kahit tigmak ang luha sa mata ay pinilt niyang kalmahin ang sarili at sinagot ang tawag ng ina. "Hello nay?" "Hello Elena, Anak.. ku
Kinaumagahan ay mugto ang mata ni Elena ng gumising. Mabuti nalang at late siyang nagising. Wala na siyang kasama sa kama at isang post it note lang ang nakita niyang nakapatong sa bedside table. Si Alvin ang naglagay niyon at may nakasulat na pumasok na ito ng opisina at may inihanda na din daw itong breakfast niya. Bumangon na siya at dumeretso sa banyo para maligo. Kumain na din siya ng agahan pagkatapos ay naglinis ng bahay. Inilibot niya ang tingin sa condo ni Alvin, Tiyak na mamimiss niya ang lahat ng sulok ng bahay na ito. Ang masasayang ala-ala nila ng lalaking labis niyang minahal. Dinampot niya ang kanyang cellphone at tinex ang ama. Sinabi niya kung saan sila magkikita at kung anong oras. Ang totoo ay nagdalawang isip parin siya sa plano niya ngunit wala na siyang naisip na ibang paraan. Alas dos ng hapon ay nasa loob na siya ng coffee shop sa loob ng mall kung saan sila nagkita ng ama noong nakaraan. Kaharap niya ang dayuhan niyang ama na nakatitig lang sa kanya. Wari n
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nang paa niya. Kanina pa siya palakad lakad sa gilid nang kalsada, nag hahanap kasi siya nang trabaho sa Maynila. Halos mag iisang araw na siyang nag aaply sa mga kompanya pero hindi talaga sya natatanggap, kung hindi college graduate ang hanap, ay dapat atleast two years daw sa koliheyo. Eh anong magagawa niya kung high school lang natapos niya? Sa Probinsya kasi siya galing at dalawang linggo na sya sa manila. Kung hindi ba naman siya tanga e naniwala siyang pag aabroad ang aaplayan niya dito, yon kasi ang sabi nang kumuha sa kanya. Ang siste ay pag bibenta pala nang aliw ang magiging trabaho niya dito, buti nalang nakatakas siya doon sa mahaderang babaeng nagdala sa kanya dito. Kaya pala pagdating nila ay binigyan siya agad nang mga sexy at halos kita ang kaluluwa na mga damit. At pinag-practise pa syang maglakad na naka heels, akala niya model ang trabaho niya sa ibang bansa at nagsasanay sila. Model pala talaga! Model nang mga pokpok! Ny
"Elena ikaw muna don kay fafa Alvin marami pa akong huhugasan sa kusina, ayusin mo ha, tatarayan mo na naman yan." Sabi ni ate jelay habang nag seserve ako sa ibang kumakain. Sa ilang araw na pagbalik balik nang lalaki dito ay nalaman namin ang pangalan nang nito. Iyon na nga, siya daw si Alvin. Ewan kung anong karugdong nang Alvin, basta iyon lang ang sinabi nang lalaki. Palagi din itong nagpapansin sa kanya pero binalewala niya. Sa gwapong mukha nito, mukhang maraming babae na ang napaiyak at wala siyang balak na dumagdag. Aminado din siyang may hitsura siya at maraming nanliligaw sa kanya sa probinsya nila pero ni isa ay wala siyang binigyan ng pagkakataon. Ang nasa isip lang niya ay kung paano sila makakaahon sa buhay nila ngayon. Gusto niyang tulungan ang pamilya niya at patikimin ang mga ito ng masaganang buhay. Ayaw niyang mamatay na dukha at manatiling dukha hanggang sa hukay no! Wala na siyang nagawa kundi lumapit sa mesa nang antipatikong lalaki. Isang linggo na itong kuma