Share

Kabanata 0002

Author: SenyoritaAnji
last update Last Updated: 2024-01-16 19:15:19

Chapter 01

Naalimpungatan si Emory nang maramdaman niyang may kung anong mabigat ang dumagan sa kanyang tiyan. She wanted to open her eyes but she’s too sleepy to do that. Hilong-hilo pa rin siya at kapag nagising siya, alam niyang masusuka lamang siya.

She turned around and hugged her pillow tighter. Mainit ito at medyo matigas. Ang katigasan nito ang nagdadala ng comfort sa kanya at pakiramdam niya ay gusto na niyang manatili sa ganitong pwesto.

But when she felt something fanning against her neck, she stilled. Wala sa sariling naidilat ni Emory ang mga mata at ganoon na lang ang pag-awang ng kanyang labi nang bumungad sa kanya ang mukha ng isang napakagwapong nilalang.

And just like that, memories started flashing inside her head from what happened last night. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at pakiramdam ni Emory ay sasabog na ito. Sasabog na sa matinding kahihiyan!

Sinubukan niyang bumangon ngunit nakayakap ang makisig nitong braso sa kanyang tiyan dahilan para muli siyang mabalik sa pagkakahiga. Mariing kinagat ni Emory ang ibabang labi at sinubukang maingat na inalis ang braso nito sa kanyang tiyan. Napapangiwi pa siya sa tuwing napagtatanto niya kung gaano kabigat ang braso nito.

Ano ba namang kinakain ng lalaking ‘to?

Nang mapagtagumpay na maalis ni Emory ang braso nito sa kanyang tiyan ay maingat siyang bumangon. She’s afraid to wake him up. Wala na siyang mukhang maihaharap sa binata. Kaya nang malaya na siyang makabangon ay isa-isa niyang hinagilap ang kanyang mga damit at sinuot ito.

Nakita niya ang kanyang purse sa ibabaw ng nightstand. Dahan-dahan niya itong inabot at nang mapagtagumpay niyang makuha ang purse ay nagmamadali siyang umalis ng silid. She even forgot to look for her heels from last night. Diretso siyang lumabas ng silid kahit na walang sapin ang mga mata.

Mabuti na lang at alas kwatro pa ng umaga, wala pa siyang masyadong nakakasalubong ngayon. Less embarrassment.

Habang na sa loob ng elevator ay tinawagan niya ang number ng kanyang nakababatang kapatid na si Elijah. Kinakabahan siya habang nag-ri-ring ang phone ng kapatid. Hindi niya alam kung gising na ba ito o kung magigising ba ito.

“Whoever the hell you are, I’ll kill you for disturbing my sleep─”

“It’s Emory,” pakilala niya rito. “Where are you? Can you pick me up?”

“Ate?” sambit nito na para bang nahimasmasan. “Just book an uber! I’m in the middle of my sweet dreaming─”

“Wala akong pera. Naubos ko sa alak kagabi,” pagpuputol niya rito. “I’m gonna share my location sunduin mo ako kaagad.”

Alam niyang tututol pa ito kaya tinapos na niya ang tawag at agad na shinare ang location sa kapatid. Sakto namang nakalabas siya ng elevator kaya naman dumiretso siya sa labas ng hotel at doon hinintay si Elijah.

What did she do last night? Sino ‘yung lalaki sa kama kanina? Shit! Ano bang pumasok sa kokote niya at pumayag siya sa alok nito?

She’s getting mad, and this is not good.

NAGISING SI BEAUMONT sa sunod-sunod na pag-ring ng kanyang phone. Una niyang dinilat ang kanyang kanang mata at inabot ang kanyang phone na nasa ilalim ng unan. Tinignan niya ang caller at nakita ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid.

“What is it?” bungad niya nang maiangat ang tawag.

“Where are you? Nakapag-prepare ka na ba para sa kasal ko mamaya?” tanong nito.

Wala sa sarili siyang napatigin sa pambisig na relo at napagtantong alas nuwebe na pala. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama habang hinihilot ang kanyang sintido. “Anong oras ng kasal?”

“Two,” Brille replied. “I don’t want you to be late, Kuya.”

Hindi pa man siya nakakasagot ay pinatayan na siya nito ng phone. Mahina siyang napailing at humugot ng malalim na hininga. Binaba niya ang phone at napatingin sa kanyang tabi. Kumunot ang kanyang noon ang may mapansin siyang isang hikaw.

Pinulot niya ito at tinignan. Isa-isang nagsibalikan sa kanyang isipan ang mga alaala kagabi. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ng binata at mahinang napailing. This is the very first time that someone sneaked out early in the morning without waking him up and asking for cuddles.

Umalis si Beau sa kama at naglakad na patungong shower. Ngunit agad siyang natigilan nang makita niya ang isang pares ng heels sa lapag. Nilapitan niya ito at tinignan. Umangat ang kilay ni Beau nang mapagtantong ito ang heels na hinubad niya sa dalaga kagabi.

He smirked. Sinadya ba itong iwanan ng dalaga?

He tilted his head and decided to get inside the shower. Mabilis lamang siyang nag-shower dahil dadaanan niya pa ang kanyang susuotin sa kasal ng kanyang kapatid. Isa sa rason kung bakit siya biglang napauwi sa Pinas.

Naunahan pa siya ng kanyang kapatid magpakasal gayong siya naman ang nakakatanda sa kanilang dalawa. But who cares? He’s not planning to get married anyway. Marami pa siyang gustong gawin at alam niyang hadlang lamang ang kasal sa kanyang mga plano sa buhay.

Muling bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari kagabi sa hotel na ito and suddenly, his friend reacted. Wala sa sarili niyang napalunok at mariing pinikit ang mga mata. Everything came all over him. Her body, her scent, her moans.

Shit!

Binilisan niya ang pag-shower dahil baka kung ano pa ang kanyang magawa. After shower, muli niyang sinuot ang damit na kanyang suot kagabi at aalis na sana siya nang makita niyang muli ang pares ng heels sa lapag. Alam ni Beau na kailangan niya itong iwanan dahil wala na rin naman itong silbe sa kanya.

But then weirdly, he found himself picking up the heels and walked out of the room. Pagkapasok niya ng elevator ay may nakasabayan siyang babae na umiiyak. Kumunot ang kanyang noo ngunit hindi siya nagsalita. He’s not nosy enough to poke his nose into someone else’s business.

“Hello, Kimmy?” sambit nito. Mukhang may kausap sa phone.

He’s not nosy but it doesn’t mean he can’t eavesdrop, right?

“N-nakita ko siya, Kim. May kasama siyang ibang babae,” dagdag ng dalaga sa gitna ng kanyang mga hikbi. “I’m breaking up with him. Pagod na akong ipaglaban ang meron kami.”

Good for her.

Isa ito sa rason kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. Ang pagiging dramatic ng mga babae kapag nalaman nilang mayroon pang ibang babae tulad na lang sa kanya. Beaumont doesn't like clingy type of girls, so as sticking to only one girl. In other words, hindi pa siya handang mag-settle down.

Pagkarating niya sa ground floor, agad siyang lumabas at nagtungo sa sasakyan. Sa totoo lang ay hindi niya na maalala kung paano pa siya nakapag-drive kagabi. Nakainom na kasi siya ng alak bago pa man siya pumasok sa bar na ‘yon.

He got inside his car and threw the heels on the front seat. Tinitigan niya ito at napatanong sa sarili… what is he gonna do with her heels? Bakit niya ito dinala in the first place?

Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang he’s not looking forward to meet her again. Alam niyang maliit lamang ang mundo and he wanted to meet her again. Hindi niya ito hahanapin. He will just let Fate bring her to him.

HINILOT NI EMORY ang kanyang sintido at mariing kinagat ang ibabang labi. Hindi siya mapakali sa loob ng sasakyan habang si Elijah ay panay ang hikab habang nagmamaneho. She’s getting anxious at alam niya kung bakit.

“Pwede bang kumalma ka muna? Sinira mo na nga ang tulog ko, sisirain mo pa ang umaga ko,” sambit ng kanyang kapatid.

She turned to her brother. “Are you sure Lolo’s home? A-anong dahilan? Kagabi pa ba siya nandoon?”

Kapag kasi na sa Pinas ang lolo nilang galing pa sa Russia ay siya lagi ang pinag-iinitan ng ulo. Alam naman ni Emory na gusto ng mga itong lalaki ang unang anak ng kanyang mga magulang. Pero ano bang magagawa niya? E sa una siyang lumabas kaysa kay Elijah, e.

“He was looking for you last night,” saad nito. “Nung sinabi ni Mommy na umalis ka for night out…”

“H’wag mo nang tapusin,” sambit niya sa kanyang kapatid. “Bilisan mo na lang magmaneho para makapagbihis pa ako bago mag-breakfast.”

Umismid si Eli. “Saan ka ba kasi galing kagabi? Hindi ka naman nauumagahan sa bar, ah. Don’t tell me you’re sulking because of your stupid ex?”

Emory looked away and didn’t speak. Mariing pinikit ng dalaga ang ibabang labi at humugot ng malalim na hininga. Pinili niya na lang na tumingin sa labas ng bintana at habulin ng tingin ang mga building na kanilang nalalampasan.

Mabilis lamang ang kanilang biyahe. Pagkarating nila sa bahay ay nagmamadali siyang pumasok at papaakyat na sana ng hagdanan nang marinig niya ang pagtikhim ng isang napakapamilyar na tinig.

She stilled and forced a smile. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng tinig at hilaw na napangiti nang makita niya ang kanyang lolo na blankong nakatingin sa kanya.

“G-good morning, Lolo.”

“Change and we need to talk,” malamig nitong tugon.

Wala sa sariling napalunok si Emory at tumango. Agad namang lumisan ang kanyang lolo at mukhang pupunta ito sa mini library ng kanilang bahay. Ramdam ni Emory ang panlalamig ng kanyang mga kamay na nakahawak sa handrail ngayon.

She took a very deep breath and continued walking upstairs. Nang makapasok siya sa loob ng kanyang silid ay para siyang lantang gulay na dumapa sa kanyang kama. Pinikit niya ang kanyang mga mata.

Ano ba itong nangyayari sa kanyang buhay? Bakit pakiramdam niya ay sunod-sunod ang problema na kanyang kinakaharap?

Bumangon siya sa kama at tumingin sa harap ng salamin. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Emory nang makita ang kiss marks sa kanyang leeg. She bit her lower lip. Nakita ba ito ng kanyang lolo kanina?

Shit!

Gusto niya pa sanang matulog ngunit wala na siyang oras pa para roon. Kasal na ni Brille mamaya at gusto niyang pumunta. Is she a masochist? Yes, you can tell. Gusto niya lang makita kung paano tuparin ni Brille ang pangako nito sa kanya sa iba. She wants to hurt herself. Why? For her to be strong enough and move on.

Nagmamadali siyang naligo at nang matapos ay agad siyang nagbihis ng isang squarepants at isang white blouse na iti-nuck in niya sa suot na squarepants. Hindi na siya nag-abala pang mag-blow dry sa kanyang buhok. Diretso na siyang bumaba at nagpunta sa mini library ng kanilang bahay.

To be honest, she’s still having hangovers. Pero alam niyang sa oras na mag-usap sila ng kanyang lolo ay mawawala na lahat ng alak sa kanyang katawan sa labis na kaba at takot. Nahihinuha na niyang siya na naman ang pagbubuntunan nito ng sama ng loob.

At tama nga siya. Nang makapasok siya sa loob ng silid ay parang nawala ang pagkalango niya sa alak. Nakaupo ang kanyang lolo sa sofa at umiinom sa hawak nitong kape. For a moment, nagdadalawang-isip siyang pumasok sa loob ng silid.

She’s scared.

“Have a seat,” sabi nito sa kanya nang dumapo ang paningin nito sa kanya.

Walang imik na sumunod si Emory sa utos ng kanyang lolo at umupo sa bakanteng sofa. She’s afraid to say a word. Mukhang importante ang kanilang magiging usapan ngayon.

“How are you, hija?” tanong nito na siyang ikinagulat niya.

Kinakamusta niya ako?

Ngunit sa kabila ng kanyang gulat, pinilit niya ang sariling maging kalmado. “I’m good, Lolo. How about you po? M-masyado po yata kayong napaaga ng uwi…”

Tama ba ang sinabi niya?

“I’m good too.” Tumango ito sa kanya. “I heard what happened between you and your boyfriend. If I’m not wrong, today’s his wedding day.”

Doon na tuluyang natigilan ang dalaga. She looked at her grandfather and was about to ask him a question when her grandfather spoke again.

“What a pity,” sambit nito. “Good thing second option exists."

Nanunuyo ang kanyang lalamunan at ramdam na ramdam ‘yon ni Emory. “P-po? Anong ibig niyo pong sabihin?”

“I’m talking about your upcoming─”

Naputol ang sasabihin nito nang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang mommy ni Emory. She looked at her mother, confused. Magtatanong pa sana siya nang bumaling sa kanyang lolo ang kanyang ina.

“Dad, please not now.”

Huh?

Lumapit ang kanyang mommy sa kanya at hinawakan siya sa pulso. Her mother dragged her out of the library. For the first time in her life, nakita niya ang kanyang mommy na ganito sa harap ng kanyang lolo.

Pagkalabas nila ng silid ay nagtataka siyang tumingin sa kanyang mommy. “Mom, what’s wrong?”

Bumaling ang kanyang mommy sa kanya at ngumiti. “N-nothing, anak. Don’t mind us. You’re going to attend Brille’s wedding, right? Are you sure kaya mo silang panoorin?”

Mariing kinagat ni Emory ang kanyang ibabang labi. Mukhang iniiba ng kanyang ina ang usapan. “I guess so.”

“Anak…” Hinawakan ng kanyang mommy ang kamay niya. “You don’t have to go if you’re hurting.”

“I don’t want them to pity me, mommy.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Kung hindi ako pupunta, mas lalo nila akong kakaawaan. I want to go there. I want to witness their wedding.”

Hinaplos ng kanyang ina ang kanyang pisngi. “I’m so sorry you have to go through this alone, Cassia.”

Cassia… her second name na once in a blue moon niya lang marinig.

“No worries, Mom. I’m fine.” Tipid niya itong nginitian. “Nga po pala, mommy. What’s that a while ago? Paano nalaman ni Lolo na wala na kami ni Brille? And my upcoming what?”

Sa kanyang tanong ay tila ba’y parang nabahala ang kanyang ina. “W-wala ‘yon, anak. Uhm, let’s go and eat our breakfast?”

What is happening? Why is her mother acting weird?
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Junjun Palabrica
wow na wow
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang sakit na makita mo yong ex-boyfriend na ikakasal sila ng bestfriend mo
goodnovel comment avatar
Connie Lucero
love it more pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0003

    Chapter 02“Saan ka ba kasi nagpupunta kahapon?” tanong ng kapatid sa kanya.Inismiran niya lang ito at bumaling sa counter. Ngumiti sa kanya ang cashier at nilapag sa counter ang kanyang susuotin na damit para sa kasal ng taong nag-iingay sa kanyang tabi. Buong akala niya nga ay nagbago na ito, e.

    Last Updated : 2024-01-16
  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0004

    “Do you take Brille Khaleesi as your lawfully husband? In sickness and in health? For poorer and for richer? And ‘til death do you part?” pagtatanong ng pari sa dalawang ikakasal. She bit her lower lip waited for her reply. “I do,” saad ni Jessica. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niya

    Last Updated : 2024-01-21
  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0005

    “Are you okay about this?” tanong ng kanyang mommy sa hindi niya mabilang na pagkakataon. She forced a smile. “I’m already sure, Mommy.” Today, she’s going to Italy for her wedding. Pakiradam niya ay pupunta lamang siya sa isang pagtitipon sa ibang bansa. Nothing special at all. To be honest, it’s

    Last Updated : 2024-01-23
  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0006

    She looked at herself in the mirror. Hapit na hapit sa kanya ang dress na kanyang suot. It’s not a gown at all. It’s actually a two-inch above the knee white dress. This is not the wedding she dreamed of. Hindi ito ang kasal na pinangarap niya. Not even a veil or a beautiful gown. Just a dress na p

    Last Updated : 2024-01-25
  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0007

    Tahimik lang silang dalawa sa loob ng sasakyan. Beaumont is driving silently, while she’s looking outside the window. Maraming tanong ang umiikot sa isipan niya ngayon at lahat ng ‘yon ay si Beaumont lang ang makakasagot. And now that is Beaumont’s here beside her, pakiramdam siya ay tinatakasan si

    Last Updated : 2024-01-25
  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0008

    “How?” she asked. “Why? What… how did we end up like this? Alam mo ba ‘to bago kilala? Did you purposely come to save me that night? What Brille? Alam niya rin ba ‘to? Is that the reason why he cheated on me? Kasi alam niyang ikakasal ako sa ‘yo?” Ayan na ang mga katanungan nito na alam ni Beau na

    Last Updated : 2024-01-25
  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0009

    But… wala namang mawawala, ‘di ba? Umupo si Beau sa kama at tumitig sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit hindi niya dinala si Emory sa kama when he can just bring her to the hospital. Ngunit hindi ba’t nasabi ni Emory kanina na hindi maganda ang pakiramdam nito? Maybe she just needs rest. Lakas

    Last Updated : 2024-01-25
  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0010

    Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang kanyang pisngi sa labis na kahihiyang kanyang natanggap mula kay Beau. She can’t believe she faced him na may laway sa gilid ng labi! Sinong hindi makakaramdam ng hiya roon. Narinig niya ang paghuni ng ibon mula sa labas ng nakabukas na bintana. She frowned an

    Last Updated : 2024-01-30

Latest chapter

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0268

    That made her smile even more. Unti-unti nang nawawala ang kung ano-anong mga haka-haka sa kanyang isipan. She felt at ease at that. Ngumiti na lamang siya rito at binaling ang tingin sa labas ng bintana.Sobrang dilim sa labas ngunit kahit papano ay maliwanag naman ang kalangitan dahil sa dami ng b

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0267

    There she saw her future husband, waiting for her to be ready. Matalas ang pakiramdam ni Beau, hindi na siya nagulat nang mag-angat ito ng tingin. Ngumiti ito sa kanya at humugot ng malalim na hininga.“Are you ready?” he asked.She nodded her head. “Saan mo ba kasi ako dadalhin?”Matamis itong ngum

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0266

    Pumasok si Beau sa loob ng silid na hindi man lang napapansin ni Emory. A lot of things are running inside her head. Hindi niya alam kung paano patigilin ang lahat ng ito. She wanted this to stop. Ayaw na niyang mag-overthink dahil malaki ang tiwala niya kay Beau. He risked a lot of things for her a

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0265

    That made her chuckle as well. Umismid lamang si Gem at lumipat sa kanyang daddy. Umalis naman si Emory sa pagkakasandal kay Beau at tumingin sa kanyang dalawang pang anak na lalaki. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at isa-isa niya itong niyakap.“Did you have fun?” she asked.Tumango si Blue haba

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0264

    She started browsing through the pictures while Selena is busy roaming her eyes. Hindi niya na lamang ito pinansin at pinagtuonan na lamang ng tingin ang kanyang hawak ngayon.Marami siyang mga napapansing designs na maganda sa paningin. But of course, hindi lang sa kanya ang kasal na ito. It’s her

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0263

    “Do you want some tea? Coffee?”“No need. I’m not here as your guest. I’m here to coordinate with you how to plan out your wedding.”Hindi alam ni Emory kung ano ang kanyang dapat na maramdaman. She was looking at the woman, confused of what she should do next. Nakatitig lamang siya rito na para ban

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0262

    “You wanted this,” he replied and looked at her. “You wanted this and there’s no need to be sorry. You chose him.”“He’s the father of my children.”“And you think he loves you?”“I love him,” she replied in a very low voice. “I… I don’t need him to love me. I love him, and that’s all matters.”Pans

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0261

    Nang ilang hakbang na lang ang layo ay narinig nila itong nagsalita.“I was told you’re coming over.” Lumingon ito sa kanilang pwesto at tinaasan siya ng kilay. “You came here for what? To brag how happy you are right now?”Umiling siya at napalunok. “Brille…”“Have a seat,” saad nito at iminuwestra

  • Running away from the Billionaire   Kabanata 0260

    “Are you sure about this?”Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na siyang tinanong ni Beau tungkol sa bagay na ‘yon. She frowned at him and then smiled. Humilig siya sa balikat ng kanyang katipad at niyakap ito sa beywang.“You’re by my side. I’m always sure, Beau. Alam ko namang hindi mo ak

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status