Hindi na mabilang si Emory kung pang-ilang shot na ang kanyang nainom. Basta ang alam niya ay hatinggabi na at kanina pa nag-ri-ring ang kanyang phone. But who cares, right? Wala nang sisita sa kanya kung bakit hatinggabi na at hindi pa rin siya umuuwi. Wala nang tatawag sa kanya o susundo sa kanya kahit lasing na lasing na siya.
“Of course, I promise.”
“The only woman I want to marry is you, Emory.”
“I love you for the rest of my life.”
“Ikaw lang ang babaeng nakikita kong ihaharap ko sa altar.”
Reminiscing those memories makes her want to cry so hard. How can he be such a liar? How can he say those words without even flinching? How can he act like he was telling the truth?!
“M-ma’am, lasing na po kayo─”
“Ano ba kasi ang rason para magpunta rito?” pagpuputol niya sa bartender na kanina pa siya pinapakialaman. “Alam mo, kayong mga lalaki, ang galing niyo sa larangan ng panloloko!”
Mukhang nagulat ito sa kanyang pang-aakusa ngunit hinayaan lang siya nitong magsalita. Muling tinunga ni Emory ang kanyang hawak na alak at mariing pinikit ang mga mata dahil sa pait nito. Pero ano pa bang mas ipapait ng alak na ‘to sa pait na nararamdaman niya ngayon.
“Hindi naman po siguro lahat ng lalaki sinungaling,” komento ng bartender na mukhang seneryoso ang kanyang sinabi kanina. “Sadyang napunta ka lang po sa lalaking magaling magpaikot ng mga babae.”
That made Emory chuckle. Pabalda niyang nilapag ang hawak niyang baso sa counter at sinamaan ito ng tingin gamit ang mga namumungay niyang mga mata.
“You’re a liar. Lahat ng lalaki ay magkakatulad. Pagalingan na lang kung paano itago ang panloloko niyo,” she said. “Pour me another glass.”
Walang imik na sinunod ng bartender ang kanyang sinabi. Dumukdok naman siya sa mesa at pinikit ang kanyang mga mata. She can feel her world spinning but as long as she still doesn’t pass out, she’s good.
Bukas na araw ang nakatakdang kasal ng kanyang malapit na kaibigang si Jessica at ang ex-boyfriend niyang si Brille, the man who used to promise her forever. She thought this only happens in movies. Hindi niya lubos maintindihan kung paano nagawang matulog ni Brille nang mahimbing habang nagsisinungaling sa kanya.
“Heto na po ang order niyo, Miss.”
Mariing kinagat ni Emory ang kanyang ibabang labi at pinilit ang sariling iangat ang kanyang ulo. She was about to reach the glass when someone reached it first. Wala sa sarili siyang napatingin sa kumuha ng kanyang order at kinunutan ito ng noo.
“Hey,” she called and hiccuped. “T-that’s… that’s mine.”
“I didn’t ask,” he said.
Mas lalong nangunot ang kanyang noo at tinitigan itong mabuti. He’s handsome she can tell even with her little blurry eyes. Magsasalita pa sana siya nang makaramdam siya ng pagkasuka. Agad siyang tumayo at naglakad patungo sa banyo.
She has to pee too.
Pasuray-suray na naglalakad si Emory patungong banyo. May mga nakakabanggaan siya na hindi niya na lang pinapansin. Can’t they just pave the way and let the drunk woman walk to the bathroom in peace?!
“Shit,” she mumbled as soon as she reached the bathroom.
Dumiretso siya sa dulong cubicle at ni-lock ang pinto. Sumuka siya nang sumuka sa bowl at pinikit ang mga mata. Hindi na niya matandaan pa kung paano siya natapos sa pagsusuka dahil ang sunod niyang napansin ay nakaharap na siya sa sink at nakabukas ang faucet sa kanyang harapan.
Nagmumog siya at mariing pinikit ang mga mata. Umiikot pa rin ang kanyang mundo ngunit medyo gumaan na ang kanyang tiyan. She lifted her eyelids and looked at her reflection. Gusto niyang matawa sa kanyang hitsura.
She looked like a complete mess. Magulo ang kanyang buhok at ang kanyang maskara ay unti-unti na ring natatanggal. Kung may nakakakilala lang sa kanya sa bar na ito, paniguradong pagtatawanan siya sa hitsura niya ngayon.
Emory turned off the faucet and heaved a very deep breath. Alam niya sa sarili niyang hindi siya pwedeng maglasing ngayon dahil pupunta pa siya sa kasal ng dalawang importanteng tao bukas. Oh, let me rephrase that─ dalawang taong minsan nang naging importante sa kanya.
Papalabas na sana siya sa comfort room nang may tatlong lalaki ang pumasok sa loob ng comfort room. Sa paraan pa lang ng pagtingin nila sa kanya, alam na agad ni Emory na may masama itong binabalak. Nanindig ang kanyang mga balahibo sa batok ngunit tinatagan niya ang sarili.
“This is a women’s comfort room,” malamig niyang sambit sa mga ito. “Y-you’re not allowed here.”
Shit! Bakit siya nautal?
Kung bakit ba kasi pakiramdam niya ay umiikot na ang kanyang paligid. At kung kagandahang timing nga naman talaga ang usapan. Nagsisimula na namang umikot ang kanyang mundo. Pero sa kabila non, pinilit ni Emory na tumayo nang tuwid.
“Hindi kami tanga, Miss.”
As they took a step toward her, she took a step back. Bumilis ang tibok sa dibdib ni Emory sa pinaghalong kaba at takot. She looked at the three man in front of her and they’re looking at her dangerously. Alam ni Emory na may mangyayaring hindi maganda sa susunod na minuto.
Lahat ng mga cubicle ay nakabukas, ibig sabihin ay walang laman ang mga ‘yon. The lights are dim and she can feel her head spinning. Gusto niyang tumakbo at lampasan ang mga ito ngunit tila ba ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan dala ng takot.
“Mukhang kinakabahan ka na,” saad ng isang lalaki at mahinang natawa. “Chill ka muna.”
Palapit sila nang palapit habang siya ay paatras nang paatras. At sa isa huling pag-atras niya ay ramdam na niya ang malamig na pader sa kanyang likuran. She bit her lower lip hard and that’s when she realized it’s already her dead end.
Ngumisi ang lalaki nang mapansin nitong wala na siyasng maatrasan pa. Mariing kinagat ni Emory ang ibabang labi at taas noong tumingin sa mga ito na para bang hindi siya natatakot sa pwedeng gawin ng mga ito.
“What do you want from me?” she asked.
Kung aakto siyang natatakot sa harap ng mga ito, it will satisfy them. And she doesn’t want that. Bahala na kung ano ang mangyari sa kanya sa gabing ito.
“Matapang ka ah.” Tumawa ang isa na mayroong piercing sa kilay. “H’wag kang mag-alala, Miss. Hindi ka naman masasaktan kung susundin mo lang ang aming gusto.”
Even when drunk, Emory got the courage to pull her hair clip from her hair and pointed the sharp part towards them. “Subukan niyong lumapit.”
That behavior from her made them chuckle. And then suddenly, they burst out laughing. Naiinis si Emory marinig ang mga tawang ‘yon. It’s as if they’re mocking her. It’s as if heaven is mocking her for being in this kind of situation.
Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa hair clip at nakatitig siya sa mga ito. Alam niyang ano mang oras ay mawawalan na ng lakas ang kanyang mga tuhod ngunit pinipilit niya itong panlabanan.
But it seems like she’s too drunk to even move. Isang galaw lang ang ginawa ng isang lalaki at wala na ang kanyang hair clip sa kanyang kamay at ramdam niya ang paghawak nito sa kanyang leeg. Pinikit ni Emory ang mga mata at sinubukan manlaban.
“Let me go!” she screamed.
“Sumigaw ka dahil wala namang makakarinig sa ‘yo.”
“Help!” Ramdam ni Emory ang unti-unting pagkawala ng hangin sa kanya at nahihirapan na siyang huminga.
She’s screaming for help but her tears didn’t even bother to fall. She’s drunk enough to even fight but sober enough to know that this is gonna be her last moment. Nakakatawa sigurong marinig ang balita bukas kapag─
Emory didn’t even finish her monologue. Biglang nawala ang kamay na sumasakal sa kanya at napaluhod siya sa sahig. She can hear their groans but she’s busy coughing and catching her breath. Emory wanted to lift her gaze but her eyes are hurting and her head is spinning.
Sa gitna ng paghahabol ni Emory ng hininga, isang kamay ang lumahad sa kanyang harapan. Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin kahit hilong-hilo na siya. Kumunot ang kanyang noo nang maaninag ang pamilyar na mukha.
“Get up before they wake up,” malamig nitong sambit.
But she just keeps staring at him. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ito ba ang nagligtas sa kanya? Is he her knight in shining armor? A tall and handsome man with clenched jaw? O baka namamalikmata lang siya sa labis na kalasingan?
NANGANGALAY. ‘YAN ang nararamdaman ni Beau habang nakalahad ang kamay sa harap ng dalaga. But this woman is just staring at his hand. Mukhang lasing na ito. Hindi niya maiwasang humugot ng malalim na hininga at mariing kinagat ang ibabang labi.
Mukhang wala itong balak na kunin ang kanyang kamay kaya tumalikod na siya. Nakita niya ang paggalaw ng isang lalaki sa gilid dahilan para umigting ang kanyang panga muli. Hinarap niyang muli ang dalaga at agad itong pinangko sa kanyang makisig na mga braso. Mabilis namang pumalibot ang braso nito sa kanyang leeg na ikinaismid niya.
Yayakap din naman pala.
“Where are you taking me?” mahinang tanong nito sa medyo slurred na boses.
“Out,” bagot niyang sagot. “Why? Do you want to stay there?”
Hindi ito umimik. Sa halip ay mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang leeg na ikinailing ng binata. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang karga-karga ang isang dalaga na ni pangalan ay hindi niya alam.
Speaking of a warm welcome back to the Philippines.
Pagkalabas niya ng bar ay binaba niya ang dalaga sa mismong gitna ng parking lot dahil hindi niya alam kung alin doon ang sasakyan ng dalaga. Or maybe she took a cab on her way here?
“Who are you?” mahinang tanong ng dalaga. “Why do you look like… someone I know?”
“You don’t have to know.” Umismid siya rito. “Where’s your car?”
Umangat ang isang kilay nito. “Really? You think… you think I can still drive?”
Wala sa sariling pinasadahan ng tingin ni Beaumont ang kabuohan ng dalaga at tama nga ito. Hindi pwedeng magmaneho ang dalaga sa ganitong estado dahil paniguradong magiging laman ito ng balita bukas. Reason? Car accident.
Inis na ginulo ni Beaumont ang sariling buhok. “Do you have any friends inside to take you home?”
The mere mention of friends made her still and he saw that. Kumunot ang kanyang noo. Mukhang walang kaibigan ang isang ito.
Umiling ang dalaga sa kanya at nag-angat ng tingin sa mga mata niya. Her blue eyes looked at him sleepily. “T-thank you for saving me a while ago.”
Marunong naman pala magpasalamat ang isang ‘to.
“You should go home,” he said.
“I am Emory,” pakilala nito at nilahad ang kamay. “I hope to repay you with your kindness.”
Tumingin si Beau sa nakalahad na kamay nito na mukhang naghihintay kung kailan niya tatanggapin. Muli niyang tinitigan ang mukha ng dalaga at saka niya lang napagtantong ito ang dalagang inagawan niya ng inumin kanina.
So she was really alone, huh? That explains why she’s just sitting there and arguing with the bartender.
“Malaki ako maningil,” sambit niya at tumitig dito. “You can’t afford my price.”
“May hindi pa ba ako kayang i-afford?” mahinang tanong nito at walang buhay na natawa. “Name your price. Ayokong magkautang na loob sa ibang tao, lalo na sa isang lalaki.”
Ngumisi siya rito. Slowly, this conversation is getting the attention he was not planning to invest from the very start. “Really? How about…”
Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at ramdam niyang nanigas ang buong katawan nito. Beaumont did his best to hide his smirk from appearing on his lips and looked at her dangerously.
“… a night with me?” dugtong niya sa kanyang sasabihin.
Her blue eyes looked at him, it’s as if weighing her decision. Kahit na hindi sabihin ng dalaga, ramdam ni Beaumont na hindi tulad si Emory sa mga babaeng nakakasalubong niya sa bar─
“Am I gonna forget everything if I spend the night with you?” tanong nito. “Maghihilom ba ang sugat sa puso ko kapag pumayag ako?”
She’s hurting. Mababasa ni Beaumont ang lungkot at sakit sa mga mata nito at mukhang alam na niya ang rason kung bakit wala itong kaibigang kasama. It’s pretty obvious that this woman came here all alone to get drunk.
Alam ni Beau na kailangan niyang itigil ang kagaguhan sa kanyang isipan. Emory looks very decent in his eyes. And spending a night with a man like him… he can’t promise to keep her holy after tonight. Lalo na ngayong may impluwensya rin siya ng alak.
“I can’t promise that,” he whispered.
Nanliit ang mga mata ng dalaga habang nakatitig sa kanya. He expected her to say no, but what came out from her mouth made him still.
“Sure,” sambit nito. “I don't know who the fuck you are but sure. I’ll spend the night with you.”