Labag sa kaloobang sumama ako paakyat sa kaniyang penthouse. Sinabi niyang pag-uusapan namin nang mas maayos ang perang kinuha ko. Noon, hindi ko inisip na balang araw sisingilin niya rin ako. O ang mas matindi pa ay ipakulong. Masyado akong naging kampante na hindi niya magagawa iyon. Ngayon, ramdam ko na ang takot na palaging nararamdaman ng mga empleyado niya sa kaniya. Galit siya. Gusto niya akong pagbayarin sa perang kinuha ko.
Tahimik kami habang nasa elevator. Nakatungo lamang ako dahil hindi ko kayang tingnan ang repleksyon niya sa salamin. Naririnig ko ang iyak ni Lili kahit na wala naman siya. Napapikit ako. May sakit ang anak ko at kailangan niya ako ngayon. Ilang beses na akong nagmakaawa kay Caius na ibaba ako sa kotse dahil kailangan ko nang umuwi pero hindi siya huminto. Tinakot pa niya akong tatawag siya ng pulis para ipahuli ako.
Tumuwid ako nang tayo nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Nauna siyang lumabas. Sumunod ako.
Bumagal ang lakad ko habang ginagala ang tingin sa paligid. Ganoon pa rin ang hitsura ng hallway. Gold ang accent ceiling at may warm lights na mas nakakadagdag sa eleganteng hitsura nito. Puti ang dingding na may mga spiral carvings at mga salamin. May carpet sa kahabaan nitong hallway na abstract prints ang design. Mukhang artistic ang may ari nito o baka iyong interior designer.
Napabaling ako kay Caius nang mapansin ang paninitig niya. Saka ko lang napansin ang distansya naming dalawa. Sa bagal kong maglakad, sobrang nahuhuli na ako.
Iniwas ko ang tingin saka naglakad na nang mabilis. Nakakunot ang noo niya, talagang pinapakitang iritado siya. Mahaba naman ang pasensya niya sa akin noon. Siguro... wala na talaga ako sa kaniya ngayon. Hindi ba't dapat ako itong mas nagagalit? Binastos niya ako sa unang pagkikita namin! Pinagbintangan niya ako kahit nahanap na niya ang pakay! Pinahiya niya pa ako sa harap ni Astra!
Natigilan ako nang makarating na sa harapan ng kaniyang pinto. Pumait ang pakiramdam ko. Hindi ko namalayang nandito na pala kami. Kabisado pa rin ng mga paa ko kung nasaan ang unit niya.
Tumabi ako para makadaan siya pero hindi siya gumalaw. Nagkatinginan kami. Blangko ang mukha niya na parang hinihintay niyang ako ang magbukas ng pinto.
"Open the door."
Hindi nga ako nagkamali.
Akward na napatingin ako sa digital door lock. Bakit ako ang magbubukas? Hindi ko naman alam ang passcode niya!
"It's still the same," aniya na parang nabasa ang nasa utak ko.
Natigilan ako sa paghinga habang hindi inaalis ang tingin sa door lock. Tiim-bagang na tiniis ko ang mabilis na kabog ng puso. Nanlabo ang mga mata ko. Pinilit kong huminga nang malalim para pahupain ang nangingilid na luha. Walang kabuhay-buhay na lumapit ako sa door lock para itipa ang '122418'... numero kung kailan naging kami.
Hindi niya pinalitan... bakit?
Nanlamig ako nang tinulak na niya ang pinto pero hindi pa naunang pumasok. Tiningnan niya ako, naghihintay na ako ang mauna sa loob.
Walang kibo na pumasok ako. Nanlambot kaagad ang tuhod ko nang mahanap ang sariling nakatapak sa pamilyar na sahig nitong penthouse niya. Ang hitsura, amoy at pakiramdam nitong bahay niya, iyon pa rin iyon magmula nang tinakasan ko siya habang mahimbing siyang natutulog. Hindi ko kailanman naisip na babalik pa ako rito. Pursigido akong makalayo sa kaniya sa takot na mag-cross ulit ang landas namin. Ngayon... nandito pa rin ako.
Hinarap ko siya. "Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Hindi ako pwedeng magtagal."
"Bakit hindi?" Dumiin ang tingin niya sa akin habang tinatanggal ang butones ng cufflinks niya.
"Marami pa akong... dapat gawin sa bahay. 'Wag na natin sayangin ang oras natin pareho." Tinatagan ko ang sarili.
"I don't have anything to do beyond office hours. Lahat ng oras ko, sinisigurado kong walang nasasayang."
"Kung gano'n, sabihin mo na sa akin kung anong kundisyon mo patungkol sa pera. Sinabi ko nang babayaran ko 'yon. Ano pang gusto mo?"
Umiwas siya ng tingin. Gumalaw ang panga saka lumakad papunta sa malayong kusina. Habang naglalakad siya, niluluwagan niya ang kaniyang kurbata. Naiwan ako dito sa foyer. Pinanood ko lang siyang kumuha ng isang bote ng wine sa bar counter at saka dalawang wine glass. Bumalik siya dito nang dala iyon habang nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang puting polo. Nilapag niya ang mga dala sa center table sa sala. Naupo siya roon.
"I don't like discussing stuffs while standing," suplado niyang isinatinig nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
Pero bakit may inumin pa?
Nilunok ko na ang kaba saka lumakad papalapit sa kaniya. Sa mahigit dalawang taon, hindi nagbago ang furnitures niya. Walang naalis o nadagdag na kagamitan, kahit disenyo.
Maliit ang kilos na umupo ako sa puting leather sofa sa gilid niya. Mahaba itong inuupuan ko habang pang-isahan naman ang kaniya. Nagsalin siya ng mamahaling alak sa parehong baso. Ang kaniya, nilagok na niya.
"Huhulog-hulugan ko ang perang kinuha ko sa 'yo..." Huminga ako nang malalim. "Limang libo muna kada buwan. Sampung libo kapag nakakuha na ako ng isa pang trabaho."
Pagak siyang tumawa. Itinukod niya ang parehong siko sa hita habang pinaglalaruan ang basong wala nang laman. Sa baso lang siya nakatingin.
"If we make a fast calculation, it will take you about three hundred and thirty-three years to fully pay 20 million pesos with just five thousand pesos of monthly installment." natawa siya pero umiling-iling. "That's insane."
Nilunok ko ang kahihiyan. Hindi ko akalaing ganoon katagal ang... Nakalkula niya sa isip lang iyon?
"S-Sinabi kong gagawin ko ring sampung libo."
Tinuwid niya ang likod pagkatapos ay inabot ang alak para magsalin. Parang hindi na lang niya ako tinitingnan para hindi mapahiya nang husto.
"And that will take you about one hundred and sixty-seven years... It takes immortality skill to accomplish that."
Umiwas ako ng tingin. Kinuskos ko na lang ang mga kuko dahil hirap na ako sa pag-iisip. Hanggang sampung libo lang ang kaya ko. May dalawa akong anak na binubuhay-- Si Lili nga pala!
Tumayo ako. "Aalis na ako. Saka na lang tayo mag-usap ulit tungkol diyan. Ahm... Tataasan ko na lang ang monthly." Tinalikuran ko na siya.
"Subukan mong lumabas, hindi ka pa nakakababa sa lobby, naghihintay na ang mga pulis!"
Namilog ang mga mata ko. Hinarap ko siya.
"I-Ipapakulong mo ko?" Hindi ko na naitago ang sakit sa boses.
Nakatayo siya, depinado ang panga. Dalawang hakbang lang ang layo naming dalawa kaya tinitingala ko ngayon ang tangkad niya.
"I'm a businessman, Darcy. Every centavo counts. You stole 20 million pesos out of my bank account like a pro-criminal! What do you want me to do? Let it pass like I'm a hella idiot? Parang pinapaboran ko na rin ang mga magnanakaw kapag ganiyan!"
Dumiin ang pagkakalapat ng labi ko sa isa't isa. Hindi ako sanay makipagsagutan sa kaniya. Hindi naman kasi kami ganito noon. Nakakapanlambot lang na ipinapamukha na niya sa akin na mali ako.
Mali naman talaga ako.
"Bakit mo pa ako ipapahuli? Sinabi ko na ngang babayaran ko, 'di ba?" Namaos na 'ko.
Unti-unti siyang lumabo sa paningin ko. Gusto ko lang namang makauwi na para alagaan si Lili na may sakit! Bakit ayaw pa niya akong pakawalan ngayon?!
"Hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Ano pa bang sasabihin mo? Diretsyuhin mo na 'ko!" Nawawalan na ako ng pasensya.
Dumiin ang titig niya. Nagsalubong nang kaunti ang kilay pero nawala rin.
Nawala ang atensyon ko sa pinag-uusapan namin nang maramdaman ko ang pag-ring ng cell phone sa bulsa. Lumipat ang tingin niya sa cell phone ko nang hugutin ko ito. Natahimik kaming pareho.
Si Argen ang tumatawag.
Umangat ang tingin ko kay Caius na nakabantay sa akin. Bumaba ulit ang mga mata niya sa cell phone ko, pagkatapos sa akin naman.
Dinikit ko ang screen sa dibdib ko saka tumalikod. Lumapit ako sa glass wall na ipinapakita ang syudad ng Metro Manila. Humarap ako kay Caius para mabantayan siya kung sakali mang lalapit.
"Hello." Kinalma ko ang boses.
"Darcy, pauwi ka na ba?"
Rinig ko sa background ang iyak ni Lili. Kahit sa telepono lang, nadi-distinguish ko na ang kaibahan ng boses ng dalawa. Nahihirapan na siguro ang anak ko sa lagnat niya.
"Kumusta siya?" tumagilid ako para maitago kay Caius ang pag-aalala sa mukha ko.
Napalingon ako sa gawi niya nang bigla siyang lumakad papalapit. Naalarma ako.
"Nakaidlip kasi siya at nagising. Hinahanap ka yata. Nasaan ka na ba? Akala ko pauwi ka na? Sunduin na kaya kita, gusto mo?"
Mapanuring mga mata ni Caius ang siyang nagpabilis sa kabog ng puso ko. Idagdag pa na nakatiim-bagang siya kaya pakiramdam ko, makikiusisa siya.
"A-Ah, hindi na..." Hindi na ako makapag-concentrate sa kausap nang nasa harapan ko na si Caius. Hindi naman naka-loud speaker pero nag-aalala ako na baka marinig niya. "May ano lang... pahabol na gagawin dito sa trabaho kaya a-ano... medyo late na ako makakauwi." Huminga ako nang malalim.
Lumakas pa ang iyak ni Lili kaya pinapatahan na siya ni Argen. Jusko, yung anak ko!
"Anong oras ba? Didilim na kasi mamaya kaya mas maganda kung sunduin na lang kita. Ako na bibili ng cool fever ni Lili. Mainit na naman kasi siya ngayon."
Natuptop ko ang bibig. Lumayo ako kay Caius na siyang hindi niya pinalagpas dahil sinundan niya ako.
"Uuwi na ako ngayon. Huwag mo na akong sunduin," mabilis na sinabi ko.
"Oh? Uuwi ka na--"
"Darcy, who's that?" Malaki at malakas na boses ni Caius ang sumapaw sa boses ni Argen.
Laglag ang pangang nilingon ko siya.
Gumalaw ang panga niya at madilim ang mga mata. "Is that Argen on the line? Just tell him you're gonna stay with me tonight." Sinadya niyang lakasan ang boses.
"Darcy? Sino 'yon? Darcy!"
Napakurap-kurap ako.
"A-Ah, ibababa ko na 'to. Pauwi na ako," kausap ko kay Argen.
"Sino 'yon, Darcy? Si Caius ba 'yon? Dar--"
Pinatay ko na ang tawag. Pinandilatan ko si Caius na nakangisi sa harapan ko. Pinaglandas niya ang dila sa ibabang labi.
"Susunduin? And you're that too excited to go home to see him?" Bumaba ang tingin niya sa cell phone ko. "Call him. Let him know that you're with your boyfriend right now."
"Hindi kita boyfriend."Kumunot ang noo niya saka tumalikod. Bumalik siya doon sa couch at nilagok ang alak.Tumiim ang bagang ko. Nakialam siya sa tawag ko kanina. Alam niyang si Argen ang kausap ko kaya ganoon ang asal niya. Dati pa lang, mainit na talaga ang dugo niya kay Argen kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kaibigan ko lang iyon. Ngayon alam na ni Argen na kasama ko siya. Ayaw ko namang isipin niya na may sakit ang anak ko tapos nasa bahay pa ako ni Caius. Ayaw kong mag-isip siya ng marumi kahit na wala naman kaming ginagawang kung ano.You'll sleeping with me tonight.Sinabi pa niya iyon! Talagang mag-iiba ang iniisip ni Argen. Dapat na talaga akong umuwi."Walang break-up na nangyari sa 'ting dalawa."Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Mula sa lamesa, lumipat ang tingin niya sa akin. Tuwid ang pagkakalapat ng kaniyang labi at madilim ang mga mata. Pairap na inalis niya ang tingin sa akin para balingan ang bas
Nakauwi rin ako nang makatulog na si Caius. Hindi ko napansing nahila rin pala ako ng antok noon kaya nakaidlip.Nanumbalik ang tagpo noong iniwan ko siya habang tulog dalawang taon na ang nakararaan. Walang pinagkaiba iyon. Dahan-dahan kong inangat ang binti at braso niyang nagkukulong sa akin para makaalis ako. Wala rin siyang pinagbago, malalim pa rin siya kung matulog.Tahimik na ang bahay nang dumating ako. Patay ang mga ilaw kaya napatalon ako nang biglang sumulpot sa dilim si Argen. Hinula ko, sa pahabang upuan lang siya nahiga dito sa sala. Bukod sa nagulat ako sa presensya niya, natakot din ako sa mga paparating niyang mga tanong. Kinukontra ko sa isipan ang posibilidad na kumprontahin niya ako sa gabing iyon dahil hindi ko pa alam kung anong isasagot. Narinig niya si Caius na kasama ko sa telepono."Si Lili?" tanong ko sa kaniya kahit na alam ko namang nasa kwarto lang para mapigilan ang mga tanong niya.Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, h
Sa sumunod na araw, hinatid ulit ako ni Argen sa trabaho. Kalahati sa sakin ang nahihiya dahil baka nakakaabala ako sa mga gagawin niya pero dahil nagpresinta naman siya, inisip ko na lang na nakatipid ako ng pamasahe.Pakiramdam ko kasi, hinahatid niya lang ako sa pagbabakasakali niyang makikita niya si Caius dito. Alam naman niya kung saan ang Casa de Saros Hotel pero dahil nga nasabi ko sa kaniyang nagkita kami dito, iniisip niyang pumapalagi rito si Caius.Sa buong umaga ko, nakahinga naman ako nang maluwag nang walang Caius akong nakita. Mataas ang posisyon niya sa kumpanya nila kaya nakakapagtaka kung makikita ko siya palagi rito. Natambakan siguro siya ng mga gagawin dahil ilang oras siyang nagsayang ng oras dito kahapon.Naalala ko pa ang naging usapan namin kahapon habang naghihintay kami sa abogado niya."I know you're short in financial. Working as a room attendant won't pay even just the quarter half of your monthly installment. Paano mo mabab
Hindi ako nakatulog dalawang gabi na ang nakakalipas kakaisip sa sinabi ng management. Nahaharap sa financial crisis ang Smith Hotel ngayon kaya kailangan nilang magbawas ng trabahador. Parang ang hirap paniwalaan. Halos isang buwan pa lang nang mag-open hiring sila tapos ngayon proproblemahin pala nila ang pasahod? Bakit biglaan naman yata? Saka bakit sa Casa de Saros Hotel pa? Iyon lang ba ang ka-business partner ng Smith Hotel? Pwede ko kayang sabihin na huwag na lang ako ang ilipat, iba na lang? Kung magtatanong-tanong ako sa mga katrabaho ko kung gusto ba nila sa Casa de Saros at may pumayag, baka pwede kong ilapit sa management? Mataas ang pasahod nila pero hindi ko na gusto pang bumalik doon. Nag-AWOL ako roon kaya baka ma-question ako kung babalik pa ako. Alam kaya ni Caius 'to? May kinalaman kaya siya?Nakapagpaalam na ako sa head housekeeper para maka-absent sa araw na 'to. Pupunta ako sa Derama Casino para sa interview. Nakapagpasa na ako ng CV ko through email noo
Marahan kong binuhat ang malaking braso na dumadagan sa aking tyan. Malalim na ang paghinga ni Caius kaya dahan-dahan akong bumangon. Pumapasok ang liwanag ng bilog na buwan mula sa nakabukas na pinto ng veranda.Tiningnan ko ang mukha niya. Binabantayan ko ang paghinga niya sa bawat paggalaw ko. Kung sakaling magising man siya, makakabalik ulit ako sa paghiga at magkukunwaring tulog.Pigil hininga kong binuhat ang binti niyang nakadantay sa hita ko. Halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa bigat niya. Napabuga ako ng hangin nang maialis ko. Saglit lang na humiwalay sakin ang katawan niya pero nananabik na kaagad ako sa init ng kaniyang balat. Napaghandaan ko na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kalungkot.Huminga ako nang malalim. Mahimbing na ang tulog niya kaya gagamitin ko na rin ang oras na ito para pagmasdan siya.Napangiti ako sa kung gaano siya kaamo kapag tulog. Ang mahahabang pilikmata niya ang siyang nagpapaganda sa nakakatakot niyang mga mata. Maganda ang ma
"Argen, free ka ba ngayon?" bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.Inipit ko muna ang cell phone sa pisngi at balikat para kunin si Lili sa kaniyang kuna. Halos hindi ko na marinig si Argen sa kabilang linya dahil sa iyak ng anak."Si Lili ba 'yan?" tanong ni Argen."Ah, oo. Natamaan ni Coco ng laruan kaya umiiyak."Sinayaw-sayaw ko si Lili para tumahan. Dinapuan ko pa ng h*lik ang namumula niyang noo. Huwag sanang bumukol ito mamaya.Tumawa si Argen. "Bibili ako ng isa pang kuna para hindi mo na sila isama sa iisa... Kailangan mo ba 'ko ngayon?""Huwag ka na bumili. Ayos lang naman."Marami na siyang naibigay sa kambal kaya ayaw ko nang dagdagan pa. Isa pa, ngayon lang naman nangyari ito. Hindi naman gaanong malikot si Coco. Aksidente lang talaga."Ahm, nga pala. Kung wala kang gagawin ngayon baka... pwedeng pabantay ako ng kambal--""Oo naman, Darcy! Iyon lang ba? On the way na ako."Natawa ako."M-Ma... Mam-ma!" Si Coco.Nilapitan ko ang anak nang tumayo sa kuna at tin
"I'm sorry to interrupt you. May naiwang gamit lang. You may proceed cleaning. Don't mind me," tuwid na aniya.Ramdam ko ang pagtusok sa puso ko sa lamig ng kaniyang boses. Hindi ganoon ang pakikitungo niya sa akin noon. Mas lumalim pa ang boses niya na hindi ko na nakilala.Inaasahan ko na rin naman na ganito ang magiging tungo niya sa akin kapag nagkita kami ulit. Hindi ko lang naihanda ang sarili ko. Masakit pala.Lumakad siya papunta sa kama kaya nilapitan ko na lang ang trolley at kumuha ng vacuum doon. Mamaya ko na lang aalisin ang bedsheet sa kama dahil nandoon pa siya.Nanginginig ang kamay na minaniobra ko ang vacuum sa sahig. Mariing ipinikit ko ang mga mata habang nakatalikod sa direksyon niya."Have you seen an earring?"Napalingon ako. Nakatayo siya sa gilid ng kama at blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin."A-Ah. Wala po, s-sir." Pasimpleng kinagat ko ang ibabang labi sa pagkakautal. Ayaw kong mapansin niyang
"Anong pangalan nga ulit ng hotel na pinasukan mo?" tanong ni Sheena nang tawagan ko siya pagkarating ko sa bahay nang araw na iyon."Smith Hotel.""Oh my ghad, bes! Patay ka!" sigaw niya. Sinabi ko sa kaniyang nagkita kami ni Caius sa first day ko sa trabaho.Pumintig naman nang malakas ang dibdib ko sa reaksyon niya. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganyan si Sheena. Pinikit ko nang mariin ang mga mata."Ka-business partner ni Sir Caius 'yang CEO ng Smith Hotel!" pagsasatinig niya sa naisip ko.Kinagat ko ang ibabang labi. Bakit wala man lang akong nabasang article tungkol sa pagiging business partner nila noong nagre-research ako sa company?Pagkatapos ng tawag namin, s-in-earch ko na sa internet ang tungkol sa pagiging business partner ng dalawa. Totoo nga ang sinasabi ni Sheena at ang naiisip ko. May nakita akong article sa isang website na magkasama silang dalawa sa isang ribbon cutting event. Naka-highlights pa sa article ang word

Labag sa kaloobang sumama ako paakyat sa kaniyang penthouse. Sinabi niyang pag-uusapan namin nang mas maayos ang perang kinuha ko. Noon, hindi ko inisip na balang araw sisingilin niya rin ako. O ang mas matindi pa ay ipakulong. Masyado akong naging kampante na hindi niya magagawa iyon. Ngayon, ramdam ko na ang takot na palaging nararamdaman ng mga empleyado niya sa kaniya. Galit siya. Gusto niya akong pagbayarin sa perang kinuha ko.Tahimik kami habang nasa elevator. Nakatungo lamang ako dahil hindi ko kayang tingnan ang repleksyon niya sa salamin. Naririnig ko ang iyak ni Lili kahit na wala naman siya. Napapikit ako. May sakit ang anak ko at kailangan niya ako ngayon. Ilang beses na akong nagmakaawa kay Caius na ibaba ako sa kotse dahil kailangan ko nang umuwi pero hindi siya huminto. Tinakot pa niya akong tatawag siya ng pulis para ipahuli ako.Tumuwid ako nang tayo nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Nauna siyang lumabas. Sumunod ako.