"I'm sorry to interrupt you. May naiwang gamit lang. You may proceed cleaning. Don't mind me," tuwid na aniya.
Ramdam ko ang pagtusok sa puso ko sa lamig ng kaniyang boses. Hindi ganoon ang pakikitungo niya sa akin noon. Mas lumalim pa ang boses niya na hindi ko na nakilala.
Inaasahan ko na rin naman na ganito ang magiging tungo niya sa akin kapag nagkita kami ulit. Hindi ko lang naihanda ang sarili ko. Masakit pala.
Lumakad siya papunta sa kama kaya nilapitan ko na lang ang trolley at kumuha ng vacuum doon. Mamaya ko na lang aalisin ang bedsheet sa kama dahil nandoon pa siya.
Nanginginig ang kamay na minaniobra ko ang vacuum sa sahig. Mariing ipinikit ko ang mga mata habang nakatalikod sa direksyon niya.
"Have you seen an earring?"
Napalingon ako. Nakatayo siya sa gilid ng kama at blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin.
"A-Ah. Wala po, s-sir." Pasimpleng kinagat ko ang ibabang labi sa pagkakautal. Ayaw kong mapansin niyang kinakabahan ako!
Bakit naman hikaw ang hinahanap niya? Sinulyapan ko ang kaniyang tainga. Wala naman siyang hikaw. Nagsusuot na ba siya ngayon?
Panay ang hanap niya sa sahig. Hinila niya ang mga drawers sa nightstand. Ch-in-eck niya rin ang kama. Sa unan, kumot at bedsheet. Tumalikod ulit ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Hirap akong huminga habang iniisip kung bakit hikaw ang hinihanap niya. Siya kaya ang guest dito? Tapos may kasama siyang babae na siyang nakawala ng hikaw? Pinilit kong huminga nang malalim. Alam ko kung anong katayuan niya sa mga babae. Mapaglaro siya. Kahit nga sa opisina niya roon niya ginagawan ang mga babae niya. Pero bakit dito pa siya kumuha ng room? Bakit hindi na lang sa sarili niyang hotel? Higit na mas maganda naman iyon kaysa rito. O baka naman gusto niyang lumayo. Baka taga rito iyong babae kaya siya na itong dumayo. Higit isang oras din ang byahe papunta sa Casa de Saros. Ayaw siguro niyang mapagod iyong babae niya.
Natapos ako sa pagva-vacuum dito sa loob kaya doon naman ako sa balkonahe. Kinuha ko sa trolley ang spray at basahan saka mabilis na lumakad na roon. Nang makalabas, para akong sinampal ng hangin sa katotohang madali lang naman akong palitan. Sino ba naman ako para mahalin niya nang sobra? Kahit nga iyong mga modelo, hindi nga tumatagal sa kaniya, ako pa kaya na housekeeper lang at anak ng tindera ng gulay noon sa palengke?
Saglit lang akong nag-vacuum at nagpunas ng railings. Pagbalik ko ulit sa loob, naghahanap pa rin siya. Naroon na siya sa harap ng tv stand. Ngumiwi ako at tiningnan ang kama. Magulo na iyon dahil sa ginagawa niya.
"A-Ahm... Ako na lang ang maghahanap. Siguradong makikita ko iyon habang naglilinis ako."
Lumingon siya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Lumapit ako sa kama at sinimulang magtanggal ng pillowcase. Rinig ko ang arogante niyang pagbuntong-hininga. Mula sa sulok ng mata ko, nakatingin siya sa akin habang nakapamewang sa panlalaking paraan.
"You found it first, don't you?" may pambibintang ang tono niya.
Parang tumaas naman ang dugo ko roon. Mabilis akong lumingon sa kaniya at hindi na naitago ang pagkunot ng noo. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya. Inaakusahan ba niya akong tinatago iyon?
"Hindi po sir."
Bumaling siya saglit sa ibang direksyon at painsultong natawa. Binalik niya ang tingin sa akin nang nakangisi. Ano ito? Bakit siya ganyan?
"C'mon, I know you. The earring costs a fortune. Astra said it's 24 karat gold. Pwedeng pwede ibenta sa pawnshop iyon kahit isang piraso lang."
Si Astra. Si Astra ang kasama niya rito? Iyong babaeng iyon?
Mas lalong tumindi ang kunot ng noo ko. Napakurap-kurap ako sa harapan niya. Nanginginig ang labi sa nagbabadyang luha pero pilit kong pinigilan ang sarili. Huminga ako nang malalim.
Eh ano kung magkasama nga sila? Sila naman talaga ang dapat sa isa't isa. Ako lang itong pumapagitna sa kanilang dalawa noon.
Huminga ulit ako nang malalim. Ang isiping kaya na niya akong tratuhin nang ganito ngayon, nakakapanliit. Talaga bang pinagbibintangan niya ako? Naiintindihan ko naman na may pinanggalingan ang pagbibintang niya. Kinuhanan ko siya ng pera noon kaya hindi ko siya masisi kung nagbago na ang tingin niya sa akin. Hindi ko lang matanggap. Alam kong arogante at masama ang ugali niya pero ang tratuhin niya ako nang ganito? Ibang-iba sa kung papaano siya noon. Ni hindi niya hinahayaang apihin ako noon pero ngayon, siya na ang gumagawa.
Pinilit kong lunukin ang namumuong bukol sa lalamunan. "H-Hindi ko alam kung nasaan ang hikaw... Kung ganoon pala ang halaga... dapat... iningatan iyon," kinagat ko ang ibabang labi sa binitiwang salita.
"Aksidenteng nahubad sa tainga niya iyon. It doesn't mean she's being careless!" Iritado na siya.
Bumagsak ang tingin ko sa unan na hawak. Hindi ko magawang alisin ang punda nito. Nanginginig ang mga kamay ko.
"Inuna kong nilinis ang banyo. Wala akong nakitang hikaw roon. Hindi ko pa naman nalilinis ang buong kwarto kaya... mahahanap ko pa iyon," napapaos na isinatinig ko. Hindi ko pa sigurado kung narinig ba niya lahat ng sinabi ko sa hina ng boses ko.
Napabaling ako sa kaniya nang pumunta siya sa sofa set. Nakapamewang siyang nakatayo habang ginagalugad ang tingin sa carpet.
"I have an instinct that you already found it. Who knows? Baka pagkatapos nito magre-resign ka na dito. Knowing you. You're really good at it-- steal then runaway."
Tumiim ang bagang ko. Mabilis ko siyang hinarap.
"Edi hanapin mo sa akin!" Ibinuka ko ang mga bisig sa harapan niya. Pati ang palad ko ay ipinakita ko rin na walang hawak. "Kapkapan mo ako nang malaman mong nagkakamali ka ng bintang!" sigaw ko.
Madilim ang mga matang nakatingin siya sa akin. Gumalaw ang kaniyang panga at sa mabilis na paraan, tinawid niya ang distansiya naming dalawa. Tinulak niya ako sa kama. Sumampa siya at ikinulong ako sa pagitan ng nakaluhod niyang tuhod. Pinaibabawan niya ako. Para siyang tigre na galit na galit. Pinagsisisihan ko na tuloy ang ginawang paghahamon sa kaniya.
Agresibo niyang pinasok nang sabay ang dalawang kamay niya sa magkaparehong bulsa ng slacks ko. Nang walang mahanap doon, lumipat naman siya sa bulsa ng blouse ko. Bigo rin siya kaya pinaglandas niya ang dalawang kamay mula sa baywang ko pababa sa balakang. Tumiim ang bagang ko sa ginawa niya. Parang hinulma niya ang hugis ng katawan ko.
"W-Wala nga sa aki--"
"I'm not yet done!"
Lumingon siya sa likod at inabot ang paa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan niya ang binti ko at inalis ang suot na black shoes. Tumiklop ang mga paa ko sa kahihiyan. Inaakala niya bang sa sapatos ko itatago iyon?
Humarap ulit siya sa akin at hinila ang kwelyo ko. Agad kong hinawakan ang palapusuhan niya sa rahas nang kaniyang kilos. Pero dinala lang niya ang mga kamay ko sa aking uluhan at doon pilit na ipinirmi. Gamit ang isang kamay, hinila niya ang kwelyo ko. Nagtalsikan ang butones noon kaya lumantad ang dibdib ko sa harap niya.
"Ano ba! Bitiwan mo 'ko!"
Lumayo na kami sa pagtatalo. Hinuhubaran na niya ako! Anong balak niya?!
Pilit kong tinatanggal ang kamay mula sa hawak niya pero mas hinigpitan pa niya ito. Kita ko kung gaano katigas ang kaniyang panga sa pagkakaigting. Parang wala na siya sa katinuan. Mas dumilim pa ang kaniyang mga mata.
Dinakot niya ang gitnang bahagi ng bra ko at hinila paangat. Nasilip ko ang nagtatayuang hinaharap ko nang gawin niya iyon. Hindi niya iyon nakita pero nang isingit niya ang kamay sa ilalim ng bra ko, napasigaw ako.
"Caius!"
Umiktad ako. Sinipa ang kama para maiangat ang sarili at maialis ang kamay niya sa loob ng bra ko pero sinundan niya lang ako. Umabante siya habang nakaluhod at inupuan na ang puson ko para mapirmi ako mula sa paglilikot. Ginala niya ang kaniyang magaspang na kamay sa ilalim ng dibdib ko. Ramdam kong malapit na niyang tamaan ang sentro kung saan ang pinakasensitibong parte.
"T-Tumigil ka na!" protesta ko.
Mas naging agresibo pa siya. Rinig ko ang bayolenteng paghinga niya. Inalis niya ang kamay sa aking dibdib at parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa sunod niyang ginawa. Umalis siya mula sa pagkakaupo sa aking puson, umatras at bumaba sa kama. Sa mabilis at pwersahang paraan, hinila niya ang slacks ko pababa. Nakawala ang mga kamay ko kaya ang nagawa ko na lang ay ang takpan ang kaselanan ko habang pilit hinihila pataas ang aking pantalon na nasa tuhod ko na. Inalis niya ang kamay ko sa ibabaw ng aking panty at ang kaniya naman ang pumalit doon. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit niyang palad na lumalandas sa patag na parte ng aking pagkababae. Tumatagos ang init niya sa ilalim ng manipis na saplot ko!
Narinig ko ulit ang mahina ngunit mariing mura niya. Sa magaspang na paraan, inikot niya ako padapa sa kama. Napatili ako nang kapitan niya ang buhok ko at idiniin ang mukha sa kama habang ang isang kamay niya ay kinakapkapan ang aking pang-upo. Hinila niya ang buhok ko para maiangat ang mukha. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para maghabol ng hininga. Hindi ko pa natapos punuin ng hangin ang baga, muli niya akong isinubsob sa malambot na kutsyon.
Gumapang ang kamay niya sa gitnang bahagi ng likod ko hanggang sa hook ng aking bra. Pumailalim ang kaniyang kamay roon at kinapa kung anong mayroon doon. Nang wala siyang mahanap, binitiwan na niya ang buhok ko at umalis na sa kama. Agad akong tumihaya at bumangon paupo. Tiim ang bagang na pinanlisikan ko siya ng mata. Nakatayo na siya sa harapan ko, ilang dipa ang layo ng tuhod niya mula sa paanan ng kama. Nanlabo ang rehistro niya sa paningin ko at humapdi ang mga mata. Saka ko lang naramdamang naiiyak pagkatapos ng ginawa niya. Pakiramdam ko, pinahiya niya ako kahit na wala namang ibang nakakita sa amin.
Hindi ko na napigilan nang pumatak ang mga luha. Pinapanood niya ako habang hinihila ko pataas ang hinubo niyang pantalon ko.
"Caius?"
Sabay kaming lumingon sa pinto at nakita si Astra na laglag ang panga, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa aming dalawa. Agad lumakad si Caius papalapit sa kaniya.
"She suddenly undress herself in front of me. She might be hoping I'll get back to her," pagdadahilan niya.
"Anong pangalan nga ulit ng hotel na pinasukan mo?" tanong ni Sheena nang tawagan ko siya pagkarating ko sa bahay nang araw na iyon."Smith Hotel.""Oh my ghad, bes! Patay ka!" sigaw niya. Sinabi ko sa kaniyang nagkita kami ni Caius sa first day ko sa trabaho.Pumintig naman nang malakas ang dibdib ko sa reaksyon niya. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganyan si Sheena. Pinikit ko nang mariin ang mga mata."Ka-business partner ni Sir Caius 'yang CEO ng Smith Hotel!" pagsasatinig niya sa naisip ko.Kinagat ko ang ibabang labi. Bakit wala man lang akong nabasang article tungkol sa pagiging business partner nila noong nagre-research ako sa company?Pagkatapos ng tawag namin, s-in-earch ko na sa internet ang tungkol sa pagiging business partner ng dalawa. Totoo nga ang sinasabi ni Sheena at ang naiisip ko. May nakita akong article sa isang website na magkasama silang dalawa sa isang ribbon cutting event. Naka-highlights pa sa article ang word
Labag sa kaloobang sumama ako paakyat sa kaniyang penthouse. Sinabi niyang pag-uusapan namin nang mas maayos ang perang kinuha ko. Noon, hindi ko inisip na balang araw sisingilin niya rin ako. O ang mas matindi pa ay ipakulong. Masyado akong naging kampante na hindi niya magagawa iyon. Ngayon, ramdam ko na ang takot na palaging nararamdaman ng mga empleyado niya sa kaniya. Galit siya. Gusto niya akong pagbayarin sa perang kinuha ko.Tahimik kami habang nasa elevator. Nakatungo lamang ako dahil hindi ko kayang tingnan ang repleksyon niya sa salamin. Naririnig ko ang iyak ni Lili kahit na wala naman siya. Napapikit ako. May sakit ang anak ko at kailangan niya ako ngayon. Ilang beses na akong nagmakaawa kay Caius na ibaba ako sa kotse dahil kailangan ko nang umuwi pero hindi siya huminto. Tinakot pa niya akong tatawag siya ng pulis para ipahuli ako.Tumuwid ako nang tayo nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Nauna siyang lumabas. Sumunod ako.
"Hindi kita boyfriend."Kumunot ang noo niya saka tumalikod. Bumalik siya doon sa couch at nilagok ang alak.Tumiim ang bagang ko. Nakialam siya sa tawag ko kanina. Alam niyang si Argen ang kausap ko kaya ganoon ang asal niya. Dati pa lang, mainit na talaga ang dugo niya kay Argen kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kaibigan ko lang iyon. Ngayon alam na ni Argen na kasama ko siya. Ayaw ko namang isipin niya na may sakit ang anak ko tapos nasa bahay pa ako ni Caius. Ayaw kong mag-isip siya ng marumi kahit na wala naman kaming ginagawang kung ano.You'll sleeping with me tonight.Sinabi pa niya iyon! Talagang mag-iiba ang iniisip ni Argen. Dapat na talaga akong umuwi."Walang break-up na nangyari sa 'ting dalawa."Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Mula sa lamesa, lumipat ang tingin niya sa akin. Tuwid ang pagkakalapat ng kaniyang labi at madilim ang mga mata. Pairap na inalis niya ang tingin sa akin para balingan ang bas
Nakauwi rin ako nang makatulog na si Caius. Hindi ko napansing nahila rin pala ako ng antok noon kaya nakaidlip.Nanumbalik ang tagpo noong iniwan ko siya habang tulog dalawang taon na ang nakararaan. Walang pinagkaiba iyon. Dahan-dahan kong inangat ang binti at braso niyang nagkukulong sa akin para makaalis ako. Wala rin siyang pinagbago, malalim pa rin siya kung matulog.Tahimik na ang bahay nang dumating ako. Patay ang mga ilaw kaya napatalon ako nang biglang sumulpot sa dilim si Argen. Hinula ko, sa pahabang upuan lang siya nahiga dito sa sala. Bukod sa nagulat ako sa presensya niya, natakot din ako sa mga paparating niyang mga tanong. Kinukontra ko sa isipan ang posibilidad na kumprontahin niya ako sa gabing iyon dahil hindi ko pa alam kung anong isasagot. Narinig niya si Caius na kasama ko sa telepono."Si Lili?" tanong ko sa kaniya kahit na alam ko namang nasa kwarto lang para mapigilan ang mga tanong niya.Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, h
Sa sumunod na araw, hinatid ulit ako ni Argen sa trabaho. Kalahati sa sakin ang nahihiya dahil baka nakakaabala ako sa mga gagawin niya pero dahil nagpresinta naman siya, inisip ko na lang na nakatipid ako ng pamasahe.Pakiramdam ko kasi, hinahatid niya lang ako sa pagbabakasakali niyang makikita niya si Caius dito. Alam naman niya kung saan ang Casa de Saros Hotel pero dahil nga nasabi ko sa kaniyang nagkita kami dito, iniisip niyang pumapalagi rito si Caius.Sa buong umaga ko, nakahinga naman ako nang maluwag nang walang Caius akong nakita. Mataas ang posisyon niya sa kumpanya nila kaya nakakapagtaka kung makikita ko siya palagi rito. Natambakan siguro siya ng mga gagawin dahil ilang oras siyang nagsayang ng oras dito kahapon.Naalala ko pa ang naging usapan namin kahapon habang naghihintay kami sa abogado niya."I know you're short in financial. Working as a room attendant won't pay even just the quarter half of your monthly installment. Paano mo mabab
Hindi ako nakatulog dalawang gabi na ang nakakalipas kakaisip sa sinabi ng management. Nahaharap sa financial crisis ang Smith Hotel ngayon kaya kailangan nilang magbawas ng trabahador. Parang ang hirap paniwalaan. Halos isang buwan pa lang nang mag-open hiring sila tapos ngayon proproblemahin pala nila ang pasahod? Bakit biglaan naman yata? Saka bakit sa Casa de Saros Hotel pa? Iyon lang ba ang ka-business partner ng Smith Hotel? Pwede ko kayang sabihin na huwag na lang ako ang ilipat, iba na lang? Kung magtatanong-tanong ako sa mga katrabaho ko kung gusto ba nila sa Casa de Saros at may pumayag, baka pwede kong ilapit sa management? Mataas ang pasahod nila pero hindi ko na gusto pang bumalik doon. Nag-AWOL ako roon kaya baka ma-question ako kung babalik pa ako. Alam kaya ni Caius 'to? May kinalaman kaya siya?Nakapagpaalam na ako sa head housekeeper para maka-absent sa araw na 'to. Pupunta ako sa Derama Casino para sa interview. Nakapagpasa na ako ng CV ko through email noo
Marahan kong binuhat ang malaking braso na dumadagan sa aking tyan. Malalim na ang paghinga ni Caius kaya dahan-dahan akong bumangon. Pumapasok ang liwanag ng bilog na buwan mula sa nakabukas na pinto ng veranda.Tiningnan ko ang mukha niya. Binabantayan ko ang paghinga niya sa bawat paggalaw ko. Kung sakaling magising man siya, makakabalik ulit ako sa paghiga at magkukunwaring tulog.Pigil hininga kong binuhat ang binti niyang nakadantay sa hita ko. Halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa bigat niya. Napabuga ako ng hangin nang maialis ko. Saglit lang na humiwalay sakin ang katawan niya pero nananabik na kaagad ako sa init ng kaniyang balat. Napaghandaan ko na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kalungkot.Huminga ako nang malalim. Mahimbing na ang tulog niya kaya gagamitin ko na rin ang oras na ito para pagmasdan siya.Napangiti ako sa kung gaano siya kaamo kapag tulog. Ang mahahabang pilikmata niya ang siyang nagpapaganda sa nakakatakot niyang mga mata. Maganda ang ma
"Argen, free ka ba ngayon?" bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.Inipit ko muna ang cell phone sa pisngi at balikat para kunin si Lili sa kaniyang kuna. Halos hindi ko na marinig si Argen sa kabilang linya dahil sa iyak ng anak."Si Lili ba 'yan?" tanong ni Argen."Ah, oo. Natamaan ni Coco ng laruan kaya umiiyak."Sinayaw-sayaw ko si Lili para tumahan. Dinapuan ko pa ng h*lik ang namumula niyang noo. Huwag sanang bumukol ito mamaya.Tumawa si Argen. "Bibili ako ng isa pang kuna para hindi mo na sila isama sa iisa... Kailangan mo ba 'ko ngayon?""Huwag ka na bumili. Ayos lang naman."Marami na siyang naibigay sa kambal kaya ayaw ko nang dagdagan pa. Isa pa, ngayon lang naman nangyari ito. Hindi naman gaanong malikot si Coco. Aksidente lang talaga."Ahm, nga pala. Kung wala kang gagawin ngayon baka... pwedeng pabantay ako ng kambal--""Oo naman, Darcy! Iyon lang ba? On the way na ako."Natawa ako."M-Ma... Mam-ma!" Si Coco.Nilapitan ko ang anak nang tumayo sa kuna at tin

"I'm sorry to interrupt you. May naiwang gamit lang. You may proceed cleaning. Don't mind me," tuwid na aniya.Ramdam ko ang pagtusok sa puso ko sa lamig ng kaniyang boses. Hindi ganoon ang pakikitungo niya sa akin noon. Mas lumalim pa ang boses niya na hindi ko na nakilala.Inaasahan ko na rin naman na ganito ang magiging tungo niya sa akin kapag nagkita kami ulit. Hindi ko lang naihanda ang sarili ko. Masakit pala.Lumakad siya papunta sa kama kaya nilapitan ko na lang ang trolley at kumuha ng vacuum doon. Mamaya ko na lang aalisin ang bedsheet sa kama dahil nandoon pa siya.Nanginginig ang kamay na minaniobra ko ang vacuum sa sahig. Mariing ipinikit ko ang mga mata habang nakatalikod sa direksyon niya."Have you seen an earring?"Napalingon ako. Nakatayo siya sa gilid ng kama at blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin."A-Ah. Wala po, s-sir." Pasimpleng kinagat ko ang ibabang labi sa pagkakautal. Ayaw kong mapansin niyang