Share

Kabanata 3

Author: Pordanabella
last update Huling Na-update: 2022-01-05 14:22:33

"Anong pangalan nga ulit ng hotel na pinasukan mo?" tanong ni Sheena nang tawagan ko siya pagkarating ko sa bahay nang araw na iyon.

"Smith Hotel."

"Oh my ghad, bes! Patay ka!" sigaw niya. Sinabi ko sa kaniyang nagkita kami ni Caius sa first day ko sa trabaho.

Pumintig naman nang malakas ang d****b ko sa reaksyon niya. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganyan si Sheena. Pinikit ko nang mariin ang mga mata.

"Ka-business partner ni Sir Caius 'yang CEO ng Smith Hotel!" pagsasatinig niya sa naisip ko.

Kinagat ko ang ibabang labi. Bakit wala man lang akong nabasang article tungkol sa pagiging business partner nila noong nagre-research ako sa company?

Pagkatapos ng tawag namin, s-in-earch ko na sa internet ang tungkol sa pagiging business partner ng dalawa. Totoo nga ang sinasabi ni Sheena at ang naiisip ko. May nakita akong article sa isang website na magkasama silang dalawa sa isang ribbon cutting event. Naka-highlights pa sa article ang word na: The CEO of Casa De Saros Hotel and CEO of Smith Hotel.

Tapos ko nang patulugin ang kambal sa gabing iyon pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Tumatakbo pa rin sa isapan ko ang nangyari sa araw na iyon. Sobra-sobra akong napahiya. Tinapakan nila ang pagkatao ko. Ininsulto nila akong pareho. Nang sabihin ni Caius kay Astra na kusa akong naghubad sa harapan niya sa pagbabakasakali na balikan niya ako, gusto ko siyang lapitan at sampalin noon.

"Nahanap mo ba ang hikaw ko?" tanong ni Astra.

Mas bumilis lang ang ragasa ng mga luha ko nang makitang dumukot si Caius sa bulsa niya at inabot kay Astra ang isang hikaw na kumikinang sa pagka-gold. Ngumiti si Astra kay Caius. Nakatingin siya sa lalaki habang sinusuot niya ang hikaw sa kaniyang tainga.

Nahanap na pala niya ang hikaw, bakit pa niya hinahanap sa akin? Sinadya niya? Gusto lang talaga niyang gawin sa akin iyon?

Gusto kong pagalitan ang sarili dahil yumuko lang ako noon at inayos ang sarili. Pilit kong pinagdugtong ang blouse para matakpan ang d****b dahil nawala ang dalawang butones noon.

"Nakauwi ka na pala galing US, Darcy? Kailan lang?" parang peke ang tuwa sa boses niya.

Hindi kami magkaibigan. Hindi rin maganda ang tungo namin sa isa't isa noon. Ilang beses na niya akong pinagsalitaan at tinrato ng masama noon kaya hindi ko tinatanggap ang pag-aasta niyang friendly ngayon.

Tumayo ako nang maisuot ko na ang uniform ko. Hahanapin ko iyong dalawang butones na nagtalsikan kanina.

Natawa si Astra nang hindi siya nakakuha ng sagot mula sa akin.

"Let's go," si Caius.

"Gaano ka na katagal dito? Akala ko babalik ka sa Casa De Saros-- Ah, I almost forgot. Nag-AWOL ka nga pala roon."

Tumiim ang bagang ko. Pinulot ko ang isang butones na nakita ko malapit sa nightstand at ang isa naman ay malayo ng kaunti mula sa una kong nakita.

"Let's go, Astra," pilit ni Caius.

"I left a tip on the night stand. 500 pesos lang iyan, pagpasensyahan mo na. Hindi ko kasi kaya ang 20 million."

Napatingin ako sa nightstand at nakita ang kulay dilaw na papel na nakaipit sa paanan ng lampshade. Namilog ang kamao ko. Ramdam ko ang sakit ng dalawang butones na tumatama sa buto ng aking kamay.

Iyon ang huling sinabi niya bago sila umalis. Alam niya ang tungkol sa pera. Sinabi ba ni Caius? Panigurado. Sa sobrang galit niya siguro sa akin, kay Astra siya naglabas ng sama ng loob. Sinabi niya lahat. Paano niya kinuwento iyon? Pinagdiinan ba niya na tama ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin? Na mukha akong pera dahil iyon lang ang habol ko sa kaniya? Hindi ko na mapapabulaanan iyon ngayon lalo na at alam nilang tinakbo ko ang pera ni Caius.

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng pagkikita namin ni Caius. Nagpapasalamat ako na hindi ko na siya nakita pa sa nagdaang araw. Kinakabahan ako sa bawat pagpasok ko. Lagi akong lumilinga-linga sa paligid sa pag-aalalang nasa paligid lang siya. Buti at wala naman.

Nauna na akong lumabas sa staff room. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang first floor. Wala akong kasabay ngayon. Maya-maya, nag-ring ang cell phone ko.

"Hello, ma," sagot ko. 

"Anak, pauwi ka na ba?"

Napatayo ako nang tuwid nang makaramdam ng kaba sa boses niya. 

Kumunot ang noo ko. "Pauwi na po ako. Bakit po?"

"Si Lili kasi nilalagnat. Nandito si Argen ngayon, kagagaling lang namin sa clinic."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nilalagnat po? Anong temperature niya? Hindi naman daw po malala sabi ng doctor?" para akong nahihilo. Ang lakas ng pintig ng puso ko para sa anak.

"Sandali, anak. Huwag kang kabahan. Ayos lang naman si Lili. Napainom na namin ng gamot."

"Si Coco po? Ayos lang po ba? Hindi naman nahawaan?"

"Hindi. Maayos ang lagay ni Coco. Masigla."

"Mainit pa rin po ba si Lili?" Napasapo ako sa noo at hindi mapakali sa kinatatayuan. Tiningnan ko kung nasaang floor na ako. Ang tagal naman!

"Hindi na, bumaba na. Kakatapos lang niyang umiyak, kinakarga siya ni Argen ngayon. Ah, anak. Dumaan ka muna sa botika. Nakalimutan kasing bumili ni Argen ng cool fever patch kanina."

"Sige po. May malapit na pharmacy dito."

Narinig ko ang boses ni Argen sa background.

"Oo, pauwi na raw siya," sagot ni Mama kay Argen.

"Hello, Darcy?" Binigay ni Mama ang cell phone.

"Argen. Salamat sa pagtulong, ha. Naabala ka ba?"

Buy and sell ng mga mamahaling motor ang negosyo niya. Madalas siyang may kausap na kliyente kaya baka naabala pa siya.

"Hindi ah. Basta para sa kambal lagi akong libre," natawa siya. "Heto si Coco. Kanina pa 'to malikot, e. Coco, say hi to mommy."

Rinig ko ang boses ni Coco na nag-iingay. Inilapit siguro ni Argen sa kaniya ang cellphone.

Napangiti ako. "Hi Coco. Si Mommy 'to. Okay ka lang?" kausap ko sa anak kahit na hindi naman makakasagot sa akin.

Gumawa lang siya ng ingay. Pinipilit niyang magsalita kahit na hindi naman nakakabuo. Natawa na lang tuloy kami.

Bumukas ang elevator.

"Pauwi na ako. Hintayin mo ako, ha. I love you," matamis na sinabi ko sa anak.

Paglabas ko ng elevator, nawala ang ngiti ko nang makita si Caius na nasa gilid. Nakasuot ng navy blue suit at mukhang bagong paligo ang hitsura. Mariin ang tingin niya sa akin.

"Ingat ka sa pag-uwi, Darcy," si Argen na ang nasa linya.

Umiwas ako ng tingin kay Caius at binilisan na ang paglalakad.

"Sige, Argen. Bye."

Binaba ko ang cell phone at sinilid sa bag. Tanaw ko na ang exit kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Napasinghap ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Huminto ako para lumingon sa likuran pero umabante na ang may ari ng kamay. Sa tulin ng lakad niya, natangay ako. Kusa na yatang kumilos ang mga paa ko sa paghakbang pasunod kay Caius. 

Ano 'tong iskandalong ginagawa niya? 

"Bitiwan mo 'ko." protesta ko sa mahinahon na paraan. 

Lumingon ako sa paligid. Agaw atensyon kami. Hindi man ako kilala ng mga tao bilang room attendant dito, lalo na ang mga empleyado rito sa ground floor, pero ang makitang hawak ng kilalang CEO ng Casa De Saros ang isang babaeng nakapantalon, simpleng t-shirt, shoulder bag na hindi mamahalin at naka-doll shoes, malaking katanungan ito sa isipan nila!

Tumiim ang bagang ko at yumuko na lang. Hindi kayang saluhin ng mukha ko ang tingin ng mga tao. Kung may makakakita man sa akin na taga-top floor, baka hindi nila ako tatantanan bukas. 

Pilit kong sinasabayan ang lakad ni Caius. Parang tumatakbo na ako sa bilis at laki ng hakbang niya. 

"Sa'n mo ba 'ko dadalhin?"

Hindi ko magawang lakasan ang boses ko para sana malaman niyang nagagalit ako. Nang makalabas kami sa hotel, diretso pa rin ang lakad niya hanggang sa may humintong itim na sasakyan sa malayong harapan namin. Sa logo pa lang na magkapatong na letrang 'R' sa unahan ng kotse, kilala ko na agad kung kanino iyon. Bumaba ang valet parker. Nang makalapit si Caius, kinuha niya ang susi na inaabot nito sa kaniya. Hila-hila pa rin niya ako hanggang sa umikot siya sa kotse at binuksan ang pinto sa shutgun seat. 

"Get inside," matigas na utos niya. 

Umatras ako. "Hindi. Uuwi na ako." 

Tumalim ang tingin niya. "Ihahatid kita." 

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. Hindi pwede! "Hindi na. Sanay ako mag-commute."

Pilit kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya pero hindi niya binitiwan. Hawak ng kanang kamay niya ang gilid ng pinto. Sumulyap siya sa kaliwa at bumuga ng hininga. Nagparte ang kaniyang mga labi. Mas nadepina pa ang kaniyang panga nang abutin ng dila niya ang bagang.

Ganiyan palagi ang ginagawa niya kapag sinusubukan niyang magtimpi. Kilalang-kilala ko siya. 

Binitiwan niya ang pulso ko pero lumipat naman ang kaniyang kamay sa likod ng aking siko. Pumwesto siya sa likod ko para hindi ako makaatras. Niliitan pa niya lalo ang pagkakaawang ng pinto para ipitin ako. 

"Uuwi na ako, Caius. Ano ba!" Tinulak ko ang pinto.

Nagtitinginan ang mga dumadaang tao sa paligid. Mukhang alam na nilang may problema kami dito. 

"I said get inside. We need to talk." Rinig ko ang bayolenteng hininga niya sa likurang tainga ko. 

Kumalabog nang mabilis ang d****b ko. Gusto niyang mag-usap kami. Tungkol saan? Hindi kaya'y nalaman na niya ang tungkol kay Lili at Coco? Paano naman? Hindi ko pa nilalabas ang kambal simula nang makauwi kami.

Akala ko ba galit siya sa akin? Sariwa pa sa isipan ko ang ginawa niya sa akin sa unang pagkikita namin. Galit ako sa kaniya dahil doon. Alam kong galit siya sa akin kaya niya nagawa iyon kaya bakit gusto niya pa akong isakay rito at kausapin? Para saan pa? Kapag nalaman ni Astra na nag-usap kami, hindi ba magagalit iyon sa kaniya? Ayaw kong maging dahilan ng away nila!

"Wala tayong dapat pag-usapan." Malimig na sinabi ko. 

"Balak kong mag-file ng kaso tungkol sa 20 million na kinuha mo sa bank account ko. Kung ayaw mong humimas ng rehas, get inside and we will talk," katakot-takot na sinabi niya. 

Natigilan ako. Parang sinaksak ang puso ko roon. Gusto niya akong ipakulong. Tumiim ang bagang ko. Nagbabadya ang mga luha pero sinikap kong pakalmahin ang sarili. Piniga ko ang palad bago sinampa ang paa papasok sa kotse niya. Wala akong imik na umupo, tuwid ang tingin sa harapan. Sinara niya ang pinto saka malalaki ang hakbang na umikot papunta sa driver seat. Parang dudugo na ang labi ko sa diin nang pagkakakagat ko. 

Mistulang kumulog nang sinarado niya ang pinto nang makaupo na siya rito sa loob.

"Babayaran ko iyon, huwag kang mag-alala," matapang na sinabi ko, hindi siya tinitingnan. 

Pansin ko ang paglingon niya sa akin. Painsulto siyang tumawa nang mahina. 

"Hindi mo 'yon mababayaran nang buo habang nabubuhay ka. Working as a housekeeper won't pay even a million peso debt."

Huminga ako nang malalim. "Hahanap ako ng isa pang trabaho. Mababayaran ko rin iyon!"

Parang tumaas ang dugo ko sa pangmamaliit niya sa akin. May katotohanan naman ang sinabi niya. Kahit ako, hindi ko alam kung papaano ko mababayaran iyon. Duda rin ako kung mababayaran ba iyon kahit triple pa ang maging trabaho ko. 

Umiwas na ako ng tingin. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hindi iyon mabuksan. Naka-lock. Inis na nilingon ko siya. 

"Nasabi ko na nga na babayaran ko iyon! Nangangako ako! Tapos na tayo mag-usap kaya uuwi na 'ko!"

Lumingon siya. "Hindi ko sinabing tapos na tayo mag-usap!" ganting sigaw niya. 

Dumiin ang lapat ng mga labi ko sa pagkakagulat pero agad ding nakabawi. "Ano pa bang pag-uusapan natin? Bilisan mo na! Diretsuhin mo na 'ko!" 

May sakit ang anak mo, walanghiya ka! Kailangan pa ako ni Lili!

Kumunot ang noo niya at nanliit ang mga mata. "You're that too excited to go home?" mahinang tanong niya na mukhang may ibang naiisip.

Tumiim ang bagang ko. Umiwas siya ng tingin at pinaandar ang makina ng sasakyan. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. Nataranta ako.

"A-Anong ginagawa mo? Uuwi na ako! Hindi ako sasama sa 'yo!"

"Hindi ka uuwi." Matigas na sinabi niya bago pinaharurot ang kotse paalis.

Kaugnay na kabanata

  • Runaway From The CEO   Kabanata 4.1

    Labag sa kaloobang sumama ako paakyat sa kaniyang penthouse. Sinabi niyang pag-uusapan namin nang mas maayos ang perang kinuha ko. Noon, hindi ko inisip na balang araw sisingilin niya rin ako. O ang mas matindi pa ay ipakulong. Masyado akong naging kampante na hindi niya magagawa iyon. Ngayon, ramdam ko na ang takot na palaging nararamdaman ng mga empleyado niya sa kaniya. Galit siya. Gusto niya akong pagbayarin sa perang kinuha ko.Tahimik kami habang nasa elevator. Nakatungo lamang ako dahil hindi ko kayang tingnan ang repleksyon niya sa salamin. Naririnig ko ang iyak ni Lili kahit na wala naman siya. Napapikit ako. May sakit ang anak ko at kailangan niya ako ngayon. Ilang beses na akong nagmakaawa kay Caius na ibaba ako sa kotse dahil kailangan ko nang umuwi pero hindi siya huminto. Tinakot pa niya akong tatawag siya ng pulis para ipahuli ako.Tumuwid ako nang tayo nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Nauna siyang lumabas. Sumunod ako.

    Huling Na-update : 2022-01-06
  • Runaway From The CEO   Kabanata 4.2

    "Hindi kita boyfriend."Kumunot ang noo niya saka tumalikod. Bumalik siya doon sa couch at nilagok ang alak.Tumiim ang bagang ko. Nakialam siya sa tawag ko kanina. Alam niyang si Argen ang kausap ko kaya ganoon ang asal niya. Dati pa lang, mainit na talaga ang dugo niya kay Argen kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kaibigan ko lang iyon. Ngayon alam na ni Argen na kasama ko siya. Ayaw ko namang isipin niya na may sakit ang anak ko tapos nasa bahay pa ako ni Caius. Ayaw kong mag-isip siya ng marumi kahit na wala naman kaming ginagawang kung ano.You'll sleeping with me tonight.Sinabi pa niya iyon! Talagang mag-iiba ang iniisip ni Argen. Dapat na talaga akong umuwi."Walang break-up na nangyari sa 'ting dalawa."Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Mula sa lamesa, lumipat ang tingin niya sa akin. Tuwid ang pagkakalapat ng kaniyang labi at madilim ang mga mata. Pairap na inalis niya ang tingin sa akin para balingan ang bas

    Huling Na-update : 2022-01-07
  • Runaway From The CEO   Kabanata 5

    Nakauwi rin ako nang makatulog na si Caius. Hindi ko napansing nahila rin pala ako ng antok noon kaya nakaidlip.Nanumbalik ang tagpo noong iniwan ko siya habang tulog dalawang taon na ang nakararaan. Walang pinagkaiba iyon. Dahan-dahan kong inangat ang binti at braso niyang nagkukulong sa akin para makaalis ako. Wala rin siyang pinagbago, malalim pa rin siya kung matulog.Tahimik na ang bahay nang dumating ako. Patay ang mga ilaw kaya napatalon ako nang biglang sumulpot sa dilim si Argen. Hinula ko, sa pahabang upuan lang siya nahiga dito sa sala. Bukod sa nagulat ako sa presensya niya, natakot din ako sa mga paparating niyang mga tanong. Kinukontra ko sa isipan ang posibilidad na kumprontahin niya ako sa gabing iyon dahil hindi ko pa alam kung anong isasagot. Narinig niya si Caius na kasama ko sa telepono."Si Lili?" tanong ko sa kaniya kahit na alam ko namang nasa kwarto lang para mapigilan ang mga tanong niya.Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, h

    Huling Na-update : 2022-01-08
  • Runaway From The CEO   Kabanata 6

    Sa sumunod na araw, hinatid ulit ako ni Argen sa trabaho. Kalahati sa sakin ang nahihiya dahil baka nakakaabala ako sa mga gagawin niya pero dahil nagpresinta naman siya, inisip ko na lang na nakatipid ako ng pamasahe.Pakiramdam ko kasi, hinahatid niya lang ako sa pagbabakasakali niyang makikita niya si Caius dito. Alam naman niya kung saan ang Casa de Saros Hotel pero dahil nga nasabi ko sa kaniyang nagkita kami dito, iniisip niyang pumapalagi rito si Caius.Sa buong umaga ko, nakahinga naman ako nang maluwag nang walang Caius akong nakita. Mataas ang posisyon niya sa kumpanya nila kaya nakakapagtaka kung makikita ko siya palagi rito. Natambakan siguro siya ng mga gagawin dahil ilang oras siyang nagsayang ng oras dito kahapon.Naalala ko pa ang naging usapan namin kahapon habang naghihintay kami sa abogado niya."I know you're short in financial. Working as a room attendant won't pay even just the quarter half of your monthly installment. Paano mo mabab

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • Runaway From The CEO   Kabanata 7

    Hindi ako nakatulog dalawang gabi na ang nakakalipas kakaisip sa sinabi ng management. Nahaharap sa financial crisis ang Smith Hotel ngayon kaya kailangan nilang magbawas ng trabahador. Parang ang hirap paniwalaan. Halos isang buwan pa lang nang mag-open hiring sila tapos ngayon proproblemahin pala nila ang pasahod? Bakit biglaan naman yata? Saka bakit sa Casa de Saros Hotel pa? Iyon lang ba ang ka-business partner ng Smith Hotel? Pwede ko kayang sabihin na huwag na lang ako ang ilipat, iba na lang? Kung magtatanong-tanong ako sa mga katrabaho ko kung gusto ba nila sa Casa de Saros at may pumayag, baka pwede kong ilapit sa management? Mataas ang pasahod nila pero hindi ko na gusto pang bumalik doon. Nag-AWOL ako roon kaya baka ma-question ako kung babalik pa ako. Alam kaya ni Caius 'to? May kinalaman kaya siya?Nakapagpaalam na ako sa head housekeeper para maka-absent sa araw na 'to. Pupunta ako sa Derama Casino para sa interview. Nakapagpasa na ako ng CV ko through email noo

    Huling Na-update : 2022-01-31
  • Runaway From The CEO   Simula

    Marahan kong binuhat ang malaking braso na dumadagan sa aking tyan. Malalim na ang paghinga ni Caius kaya dahan-dahan akong bumangon. Pumapasok ang liwanag ng bilog na buwan mula sa nakabukas na pinto ng veranda.Tiningnan ko ang mukha niya. Binabantayan ko ang paghinga niya sa bawat paggalaw ko. Kung sakaling magising man siya, makakabalik ulit ako sa paghiga at magkukunwaring tulog.Pigil hininga kong binuhat ang binti niyang nakadantay sa hita ko. Halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa bigat niya. Napabuga ako ng hangin nang maialis ko. Saglit lang na humiwalay sakin ang katawan niya pero nananabik na kaagad ako sa init ng kaniyang balat. Napaghandaan ko na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kalungkot.Huminga ako nang malalim. Mahimbing na ang tulog niya kaya gagamitin ko na rin ang oras na ito para pagmasdan siya.Napangiti ako sa kung gaano siya kaamo kapag tulog. Ang mahahabang pilikmata niya ang siyang nagpapaganda sa nakakatakot niyang mga mata. Maganda ang ma

    Huling Na-update : 2022-01-05
  • Runaway From The CEO   Kabanata 1

    "Argen, free ka ba ngayon?" bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.Inipit ko muna ang cell phone sa pisngi at balikat para kunin si Lili sa kaniyang kuna. Halos hindi ko na marinig si Argen sa kabilang linya dahil sa iyak ng anak."Si Lili ba 'yan?" tanong ni Argen."Ah, oo. Natamaan ni Coco ng laruan kaya umiiyak."Sinayaw-sayaw ko si Lili para tumahan. Dinapuan ko pa ng h*lik ang namumula niyang noo. Huwag sanang bumukol ito mamaya.Tumawa si Argen. "Bibili ako ng isa pang kuna para hindi mo na sila isama sa iisa... Kailangan mo ba 'ko ngayon?""Huwag ka na bumili. Ayos lang naman."Marami na siyang naibigay sa kambal kaya ayaw ko nang dagdagan pa. Isa pa, ngayon lang naman nangyari ito. Hindi naman gaanong malikot si Coco. Aksidente lang talaga."Ahm, nga pala. Kung wala kang gagawin ngayon baka... pwedeng pabantay ako ng kambal--""Oo naman, Darcy! Iyon lang ba? On the way na ako."Natawa ako."M-Ma... Mam-ma!" Si Coco.Nilapitan ko ang anak nang tumayo sa kuna at tin

    Huling Na-update : 2022-01-05
  • Runaway From The CEO   Kabanata 2

    "I'm sorry to interrupt you. May naiwang gamit lang. You may proceed cleaning. Don't mind me," tuwid na aniya.Ramdam ko ang pagtusok sa puso ko sa lamig ng kaniyang boses. Hindi ganoon ang pakikitungo niya sa akin noon. Mas lumalim pa ang boses niya na hindi ko na nakilala.Inaasahan ko na rin naman na ganito ang magiging tungo niya sa akin kapag nagkita kami ulit. Hindi ko lang naihanda ang sarili ko. Masakit pala.Lumakad siya papunta sa kama kaya nilapitan ko na lang ang trolley at kumuha ng vacuum doon. Mamaya ko na lang aalisin ang bedsheet sa kama dahil nandoon pa siya.Nanginginig ang kamay na minaniobra ko ang vacuum sa sahig. Mariing ipinikit ko ang mga mata habang nakatalikod sa direksyon niya."Have you seen an earring?"Napalingon ako. Nakatayo siya sa gilid ng kama at blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin."A-Ah. Wala po, s-sir." Pasimpleng kinagat ko ang ibabang labi sa pagkakautal. Ayaw kong mapansin niyang

    Huling Na-update : 2022-01-05

Pinakabagong kabanata

  • Runaway From The CEO   Kabanata 3

    "Anong pangalan nga ulit ng hotel na pinasukan mo?" tanong ni Sheena nang tawagan ko siya pagkarating ko sa bahay nang araw na iyon."Smith Hotel.""Oh my ghad, bes! Patay ka!" sigaw niya. Sinabi ko sa kaniyang nagkita kami ni Caius sa first day ko sa trabaho.Pumintig naman nang malakas ang dibdib ko sa reaksyon niya. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganyan si Sheena. Pinikit ko nang mariin ang mga mata."Ka-business partner ni Sir Caius 'yang CEO ng Smith Hotel!" pagsasatinig niya sa naisip ko.Kinagat ko ang ibabang labi. Bakit wala man lang akong nabasang article tungkol sa pagiging business partner nila noong nagre-research ako sa company?Pagkatapos ng tawag namin, s-in-earch ko na sa internet ang tungkol sa pagiging business partner ng dalawa. Totoo nga ang sinasabi ni Sheena at ang naiisip ko. May nakita akong article sa isang website na magkasama silang dalawa sa isang ribbon cutting event. Naka-highlights pa sa article ang word

  • Runaway From The CEO   Kabanata 2

    "I'm sorry to interrupt you. May naiwang gamit lang. You may proceed cleaning. Don't mind me," tuwid na aniya.Ramdam ko ang pagtusok sa puso ko sa lamig ng kaniyang boses. Hindi ganoon ang pakikitungo niya sa akin noon. Mas lumalim pa ang boses niya na hindi ko na nakilala.Inaasahan ko na rin naman na ganito ang magiging tungo niya sa akin kapag nagkita kami ulit. Hindi ko lang naihanda ang sarili ko. Masakit pala.Lumakad siya papunta sa kama kaya nilapitan ko na lang ang trolley at kumuha ng vacuum doon. Mamaya ko na lang aalisin ang bedsheet sa kama dahil nandoon pa siya.Nanginginig ang kamay na minaniobra ko ang vacuum sa sahig. Mariing ipinikit ko ang mga mata habang nakatalikod sa direksyon niya."Have you seen an earring?"Napalingon ako. Nakatayo siya sa gilid ng kama at blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin."A-Ah. Wala po, s-sir." Pasimpleng kinagat ko ang ibabang labi sa pagkakautal. Ayaw kong mapansin niyang

  • Runaway From The CEO   Kabanata 1

    "Argen, free ka ba ngayon?" bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.Inipit ko muna ang cell phone sa pisngi at balikat para kunin si Lili sa kaniyang kuna. Halos hindi ko na marinig si Argen sa kabilang linya dahil sa iyak ng anak."Si Lili ba 'yan?" tanong ni Argen."Ah, oo. Natamaan ni Coco ng laruan kaya umiiyak."Sinayaw-sayaw ko si Lili para tumahan. Dinapuan ko pa ng h*lik ang namumula niyang noo. Huwag sanang bumukol ito mamaya.Tumawa si Argen. "Bibili ako ng isa pang kuna para hindi mo na sila isama sa iisa... Kailangan mo ba 'ko ngayon?""Huwag ka na bumili. Ayos lang naman."Marami na siyang naibigay sa kambal kaya ayaw ko nang dagdagan pa. Isa pa, ngayon lang naman nangyari ito. Hindi naman gaanong malikot si Coco. Aksidente lang talaga."Ahm, nga pala. Kung wala kang gagawin ngayon baka... pwedeng pabantay ako ng kambal--""Oo naman, Darcy! Iyon lang ba? On the way na ako."Natawa ako."M-Ma... Mam-ma!" Si Coco.Nilapitan ko ang anak nang tumayo sa kuna at tin

  • Runaway From The CEO   Simula

    Marahan kong binuhat ang malaking braso na dumadagan sa aking tyan. Malalim na ang paghinga ni Caius kaya dahan-dahan akong bumangon. Pumapasok ang liwanag ng bilog na buwan mula sa nakabukas na pinto ng veranda.Tiningnan ko ang mukha niya. Binabantayan ko ang paghinga niya sa bawat paggalaw ko. Kung sakaling magising man siya, makakabalik ulit ako sa paghiga at magkukunwaring tulog.Pigil hininga kong binuhat ang binti niyang nakadantay sa hita ko. Halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa bigat niya. Napabuga ako ng hangin nang maialis ko. Saglit lang na humiwalay sakin ang katawan niya pero nananabik na kaagad ako sa init ng kaniyang balat. Napaghandaan ko na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kalungkot.Huminga ako nang malalim. Mahimbing na ang tulog niya kaya gagamitin ko na rin ang oras na ito para pagmasdan siya.Napangiti ako sa kung gaano siya kaamo kapag tulog. Ang mahahabang pilikmata niya ang siyang nagpapaganda sa nakakatakot niyang mga mata. Maganda ang ma

DMCA.com Protection Status