"Argen, free ka ba ngayon?" bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.
Inipit ko muna ang cell phone sa pisngi at balikat para kunin si Lili sa kaniyang kuna. Halos hindi ko na marinig si Argen sa kabilang linya dahil sa iyak ng anak.
"Si Lili ba 'yan?" tanong ni Argen.
"Ah, oo. Natamaan ni Coco ng laruan kaya umiiyak."
Sinayaw-sayaw ko si Lili para tumahan. Dinapuan ko pa ng h*lik ang namumula niyang noo. Huwag sanang bumukol ito mamaya.
Tumawa si Argen. "Bibili ako ng isa pang kuna para hindi mo na sila isama sa iisa... Kailangan mo ba 'ko ngayon?"
"Huwag ka na bumili. Ayos lang naman."
Marami na siyang naibigay sa kambal kaya ayaw ko nang dagdagan pa. Isa pa, ngayon lang naman nangyari ito. Hindi naman gaanong malikot si Coco. Aksidente lang talaga.
"Ahm, nga pala. Kung wala kang gagawin ngayon baka... pwedeng pabantay ako ng kambal--"
"Oo naman, Darcy! Iyon lang ba? On the way na ako."
Natawa ako.
"M-Ma... Mam-ma!" Si Coco.
Nilapitan ko ang anak nang tumayo sa kuna at tinataas ang dalawang kamay para magpakarga. Nakasandal ang dibdib niya sa harang para mapanatili ang sariling nakatayo. Nilingon ko si Mama na nasa kwarto. Nakabukas lang ang pinto noon at kitang-kita na dito si Mama na nakahiga sa kama. Mabilis akong pumasok roon para ipahawak muna sa kaniya si Lili. Iyak kaagad ni Coco ang umingay sa sala.
"Wait lang, Coco." marahang sigaw ko sa anak na naiwan doon. "Argen, hintayin na lang kita dito."
"Oh sige. Papunta na ako diyan."
Binaba ko ang cell phone at sinandal si Lili sa tagiliran ni Mama. Agad siyang kinulong nito sa braso para hindi masubsob.
"Bakit, anak?" Umahon nang kaunti si Mama.
"Pahawak po muna."
Tumahan si Lili sa pag-iyak at nag-thumb suck na lamang. Binalikan ko si Coco sa sala na nakaupo na sa kuna at kinukuskos ang mga paa sa sapin.
"Coco."
Humina ang iyak niya nang marinig ako. Tumahan din siya pagkakuha ko. Pinugpog ko ng halik ang kaniyang matambok na pisngi kahit pa puno ng luha iyon. Pakiramdam ko seloso ito kapag si Lili ang kinakarga ko at hindi siya. Napailing na lang ako habang nangingiti.
Kinuha ko ang teether niya sa maliit na ref sa kusina at binigay sa kaniya. Pumasok ako sa kwarto ni Mama. Nilapag ko rin si Coco sa tabi ni Lili.
"Wait lang, Ma. Titimpla ako ng gatas."
Tumango lang si Mama at nilaro na ang kamay ni Lili. Pumunta ako sa kusina. Mabilis akong nagtimpla sa tig-iisang bote. Pagkatapos, kumuha naman ako ng lampin at extrang damit nila sa kwarto ko. Nilagay ko iyon sa upuan sa sala para madaling mahanap ni Argen mamaya. Nag-ayos na rin ako sa sarili para sa pagpasok. First day ko ngayon sa trabaho.
"Si Argen ba iyong tumawag? Bakit, anak?" tanong ni Mama nang bumalik na ako sa kwarto niya.
"Pinapapunta ko po dito."
Kumunot ang kaniyang noo. "Bakit naman inabala mo pa iyong tao? Kaya ko namang bantayan ang mga apo ko."
Bumuntong-hininga ako. "Ma, sabi niyo po masakit ang ulo niyo. Saka hindi mo pa pwedeng buhatin si Coco kapag gustong magpakarga."
Rinig ko ang bayolenteng paglabas ng hangin sa kaniyang ilong. "Mawawala rin naman ito maya-maya. Anong oras pupunta rito si Argen? Hindi ako nakapagluto. Baka nagugutom iyon."
"Hayaan niyo na po. Kakain naman siguro iyon bago umalis."
Kalaunan, dumating na rin ang hinihintay ko. Mukhang dumaan pa siya sa drive thru dahil sa bitbit niyang paperbag na may logo ng kilalang fastfood.
"Nasaan ang kambal?" nangingiting tanong niya pagkabukas ko pa lang ng pinto.
"Nasa kwarto ni Mama. Kukunin ko."
Nilapag niya sa lamesa ang mga pinamili at naupo na sa mahabang upuan na nasa sala.
Maliit lang itong nabili kong bahay pero mas maayos ito kaysa sa dating tinitirahan namin ni Mama. Bungalow at may sukat na 50 square meter. Dalawa ang kwarto at may nakahiwalay na kusina pero ang dining table ay katabi lang ng sala. Maganda rin na nasa gilid ito ng kalsada para easy access. Kung sakaling kailangan ko ng ambulasya para kay Mama, madali lang siyang maisasakay roon.
Naglatag ako ng mat sa harapan ni Argen at nilagay roon ang mga laruan ng kambal.
"Aalis ka ba?" sinuyod niya ng tingin ang ayos ko.
"Oo. Papasok na ako sa trabaho."
"Kahapon ka lang nag-apply, ah. Ang bilis naman."
"Oo nga, e. Maganda na rin ang ganoon," sagot ko habang papunta sa kwarto ni Mama.
Nilabas ko si Coco na siya namang pag-aliwalas ng mukha ni Argen. Tumayo siya at kinuha na ang inaanak niya sa bisig ko.
"Hello, baby Coco!" aniya sa bata.
Sunod kong nilabas si Lili. Nilapag ko lang siya sa mat dahil hawak pa ni Argen ang isa. Lumipat si Argen sa mat. Nilaro niya si Lili habang kandong niya si Coco. Maya-maya pa, lumabas si Mama mula sa kwarto.
"Kumain ka kaya muna." suhestyon ni Argen pagkatapos niyang batiin ng good morning si Mama.
Sinilip ko ang paper bag na dala niya. Nang may nakitang Mango Pie roon, iyon na lang ang kinuha ko. Pinakita ko iyon sa kaniya.
"Ito na lang. Kakainin ko 'to habang nasa byahe." Sinukbit ko na ang bag sa balikat.
"Hatid na kita?"
Umiling ako. "Huwag na. Ayos lang." Tiningnan ko si Mama. "Ma, alis na po ako."
Pareho silang nagbilin na mag-ingat ako. Hinalikan ko muna ang kambal bago umalis.
"'Yong ninong wala rin bang goodbye kiss?" mahinang tanong ni Argen habang natatawa.
Natawa na lang din ako sa naging biro niya. Paglabas ko ng bahay, napatingin ako sa motor niyang naka-park sa gilid. Tumaas ang kilay ko nang mapansing bago iyon.
Halos isang oras din nang makarating ako sa Smith Hotel. Mabilis ang lakad ko kahit pa namamangha sa kabuohang hitsura ng bagong pagtatrabahuhan ko. Sa agency kasi ako nag-apply kahapon kaya hindi ko ito nakita. Halatang bigating hotel ito ngunit hindi mangangalahati sa ganda at engrade ng Casa de Saros. 5-star hotel iyon at talagang kilalang hotel pagdating sa mga mayayaman. Ito, 4-star lamang pero hindi ko pa rin kayang i-book ang pinakamurang kwarto rito.
Under training pa lang naman ako ngayon pero may bilang na ito sa sweldo. Ngayon, ginagala kami ng Head Housekeeper sa 20th floor kung saan kami naka-assign. Lima kaming bago rito.
"Dahil nasa top floor kayo, mga mamahalin na ang mga rooms dito kaya dapat doblehin ang paglilinis at sundin ang standard ng hotel," pagbibigay alam ni Mrs. Garcia
Marami pa siyang sinabi na tinandaan ko. Iniisip ko kung bakit dito sa top floor ako nilagay. Pang-apat na hotel ko na itong pinasukan. Hindi naman sa bini-bring down ko ang sarili sa kung anong kaya kong gawin para sa trabaho. Malaking puntos siguro sa kanila na galing ako sa Casa de Saros Hotel. Malaki ang tiwala nila sa akin kahit pa 1 year lang naman akong nagsilbi roon.
Pagkatapos ng lunch break, pumasok ako sa staff room. Nag-angat ng tingin sa akin ang Head Housekeeper. "Check out na ng guest sa Presidential suite. Kakalabas niya lang. Pakilinis na. Solo ka muna kasi hindi pa bumabalik 'yong iba. May lilinisin ding room 'yang si Ms. Mendoza," aniya.
Tatlo lang kaming nandito. Abala na ang iba dahil maraming nagchi-check out ngayon. Nagkatinginan kami ni Ms. Mendoza at nginitian ako. Sabay pa kaming kumuha ng trolley na naglalaman ng cleaning materials para pumunta na sa designated rooms namin.
"Ako nga pala si Rylie." Naglahad siya ng kamay paglabas namin sa staff room. Kasabayan ko siya sa pag-apply kahapon. Natandaan ko ang mukha niya.
Tinanggap ko iyon. "Ako naman si Darcy."
Tumango siya at nahihiyang ngumiti. "Napansin na kita kahapon pero nahihiya akong kausapin ka. Akala ko kasi mataray ka. Ganoon kasi ang impression ko sa mga magaganda."
Natawa ako. Nagkakwentuhan kami habang naglalakad sa hallway. Siya na ang unang nagpaalam dahil pumasok na siya sa room na naka-assign sa kaniya. Ako naman, pumasok na ako sa suite na sinasabi ng head. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Maayos naman ito na parang hindi nagamit.
Gaya ng paraan namin kung paano maglinis, inuna ko ang banyo. Almost 5 minutes lang ang ginugol ko sa CR para malinis. Pagkatapos kong magtanggal ng gloves, lumabas na ako para ang kama naman ang susunod kong aayusin. Nang biglang bumukas ang pinto...
"The guest left--"
Natigilan siya nang magkatinginan kami. Kumabog nang malakas at mabilis ang puso ko ngayong nandito siya sa harapan ko. Humigpit ang hawak ko sa gloves. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ako makahinga. Parang gusto ko na lang matunaw o maglaho sa harapan niya. Hindi ko inaasahan ito at sa ganitong sitwasyon pa talaga kami muling nagkita. Nakakahiya. Nakasuot siya ng suit at maayos ang hitsura samantalang ako... nakasuot ng hotel maid uniform, may hawak na gloves panlinis ng toilet at pawisan pa.
Nanliit ako sa kinatatayuan. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya kaya binalingan ko na lang ang kama.
Pagkatapos ng higit dalawang taon, nagbago na ang hitsura niya. Parang mas tumangkad at lumaki pa ang katawan. Mayroon na siyang kaunting balbas. Umitim ng kaunti rin ang kanyang balat pero mas dumagdag iyon sa kaguwapuhan niya. Dalawang taon na ang nagdaan pero aminado akong siya pa rin. Akala ko, wala na akong mararamdaman pa sa kaniya kapag nagkita kami ulit. Hindi ko na makilala ang paraan ng pagtitig niya kaya alam kong hindi na siya ang dating Caledon Aurelius Melgarejo na minahal ko... ang ama nina Lili at Coco.
"I'm sorry to interrupt you. May naiwang gamit lang. You may proceed cleaning. Don't mind me," tuwid na aniya.Ramdam ko ang pagtusok sa puso ko sa lamig ng kaniyang boses. Hindi ganoon ang pakikitungo niya sa akin noon. Mas lumalim pa ang boses niya na hindi ko na nakilala.Inaasahan ko na rin naman na ganito ang magiging tungo niya sa akin kapag nagkita kami ulit. Hindi ko lang naihanda ang sarili ko. Masakit pala.Lumakad siya papunta sa kama kaya nilapitan ko na lang ang trolley at kumuha ng vacuum doon. Mamaya ko na lang aalisin ang bedsheet sa kama dahil nandoon pa siya.Nanginginig ang kamay na minaniobra ko ang vacuum sa sahig. Mariing ipinikit ko ang mga mata habang nakatalikod sa direksyon niya."Have you seen an earring?"Napalingon ako. Nakatayo siya sa gilid ng kama at blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin."A-Ah. Wala po, s-sir." Pasimpleng kinagat ko ang ibabang labi sa pagkakautal. Ayaw kong mapansin niyang
"Anong pangalan nga ulit ng hotel na pinasukan mo?" tanong ni Sheena nang tawagan ko siya pagkarating ko sa bahay nang araw na iyon."Smith Hotel.""Oh my ghad, bes! Patay ka!" sigaw niya. Sinabi ko sa kaniyang nagkita kami ni Caius sa first day ko sa trabaho.Pumintig naman nang malakas ang dibdib ko sa reaksyon niya. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganyan si Sheena. Pinikit ko nang mariin ang mga mata."Ka-business partner ni Sir Caius 'yang CEO ng Smith Hotel!" pagsasatinig niya sa naisip ko.Kinagat ko ang ibabang labi. Bakit wala man lang akong nabasang article tungkol sa pagiging business partner nila noong nagre-research ako sa company?Pagkatapos ng tawag namin, s-in-earch ko na sa internet ang tungkol sa pagiging business partner ng dalawa. Totoo nga ang sinasabi ni Sheena at ang naiisip ko. May nakita akong article sa isang website na magkasama silang dalawa sa isang ribbon cutting event. Naka-highlights pa sa article ang word
Labag sa kaloobang sumama ako paakyat sa kaniyang penthouse. Sinabi niyang pag-uusapan namin nang mas maayos ang perang kinuha ko. Noon, hindi ko inisip na balang araw sisingilin niya rin ako. O ang mas matindi pa ay ipakulong. Masyado akong naging kampante na hindi niya magagawa iyon. Ngayon, ramdam ko na ang takot na palaging nararamdaman ng mga empleyado niya sa kaniya. Galit siya. Gusto niya akong pagbayarin sa perang kinuha ko.Tahimik kami habang nasa elevator. Nakatungo lamang ako dahil hindi ko kayang tingnan ang repleksyon niya sa salamin. Naririnig ko ang iyak ni Lili kahit na wala naman siya. Napapikit ako. May sakit ang anak ko at kailangan niya ako ngayon. Ilang beses na akong nagmakaawa kay Caius na ibaba ako sa kotse dahil kailangan ko nang umuwi pero hindi siya huminto. Tinakot pa niya akong tatawag siya ng pulis para ipahuli ako.Tumuwid ako nang tayo nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Nauna siyang lumabas. Sumunod ako.
"Hindi kita boyfriend."Kumunot ang noo niya saka tumalikod. Bumalik siya doon sa couch at nilagok ang alak.Tumiim ang bagang ko. Nakialam siya sa tawag ko kanina. Alam niyang si Argen ang kausap ko kaya ganoon ang asal niya. Dati pa lang, mainit na talaga ang dugo niya kay Argen kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kaibigan ko lang iyon. Ngayon alam na ni Argen na kasama ko siya. Ayaw ko namang isipin niya na may sakit ang anak ko tapos nasa bahay pa ako ni Caius. Ayaw kong mag-isip siya ng marumi kahit na wala naman kaming ginagawang kung ano.You'll sleeping with me tonight.Sinabi pa niya iyon! Talagang mag-iiba ang iniisip ni Argen. Dapat na talaga akong umuwi."Walang break-up na nangyari sa 'ting dalawa."Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Mula sa lamesa, lumipat ang tingin niya sa akin. Tuwid ang pagkakalapat ng kaniyang labi at madilim ang mga mata. Pairap na inalis niya ang tingin sa akin para balingan ang bas
Nakauwi rin ako nang makatulog na si Caius. Hindi ko napansing nahila rin pala ako ng antok noon kaya nakaidlip.Nanumbalik ang tagpo noong iniwan ko siya habang tulog dalawang taon na ang nakararaan. Walang pinagkaiba iyon. Dahan-dahan kong inangat ang binti at braso niyang nagkukulong sa akin para makaalis ako. Wala rin siyang pinagbago, malalim pa rin siya kung matulog.Tahimik na ang bahay nang dumating ako. Patay ang mga ilaw kaya napatalon ako nang biglang sumulpot sa dilim si Argen. Hinula ko, sa pahabang upuan lang siya nahiga dito sa sala. Bukod sa nagulat ako sa presensya niya, natakot din ako sa mga paparating niyang mga tanong. Kinukontra ko sa isipan ang posibilidad na kumprontahin niya ako sa gabing iyon dahil hindi ko pa alam kung anong isasagot. Narinig niya si Caius na kasama ko sa telepono."Si Lili?" tanong ko sa kaniya kahit na alam ko namang nasa kwarto lang para mapigilan ang mga tanong niya.Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, h
Sa sumunod na araw, hinatid ulit ako ni Argen sa trabaho. Kalahati sa sakin ang nahihiya dahil baka nakakaabala ako sa mga gagawin niya pero dahil nagpresinta naman siya, inisip ko na lang na nakatipid ako ng pamasahe.Pakiramdam ko kasi, hinahatid niya lang ako sa pagbabakasakali niyang makikita niya si Caius dito. Alam naman niya kung saan ang Casa de Saros Hotel pero dahil nga nasabi ko sa kaniyang nagkita kami dito, iniisip niyang pumapalagi rito si Caius.Sa buong umaga ko, nakahinga naman ako nang maluwag nang walang Caius akong nakita. Mataas ang posisyon niya sa kumpanya nila kaya nakakapagtaka kung makikita ko siya palagi rito. Natambakan siguro siya ng mga gagawin dahil ilang oras siyang nagsayang ng oras dito kahapon.Naalala ko pa ang naging usapan namin kahapon habang naghihintay kami sa abogado niya."I know you're short in financial. Working as a room attendant won't pay even just the quarter half of your monthly installment. Paano mo mabab
Hindi ako nakatulog dalawang gabi na ang nakakalipas kakaisip sa sinabi ng management. Nahaharap sa financial crisis ang Smith Hotel ngayon kaya kailangan nilang magbawas ng trabahador. Parang ang hirap paniwalaan. Halos isang buwan pa lang nang mag-open hiring sila tapos ngayon proproblemahin pala nila ang pasahod? Bakit biglaan naman yata? Saka bakit sa Casa de Saros Hotel pa? Iyon lang ba ang ka-business partner ng Smith Hotel? Pwede ko kayang sabihin na huwag na lang ako ang ilipat, iba na lang? Kung magtatanong-tanong ako sa mga katrabaho ko kung gusto ba nila sa Casa de Saros at may pumayag, baka pwede kong ilapit sa management? Mataas ang pasahod nila pero hindi ko na gusto pang bumalik doon. Nag-AWOL ako roon kaya baka ma-question ako kung babalik pa ako. Alam kaya ni Caius 'to? May kinalaman kaya siya?Nakapagpaalam na ako sa head housekeeper para maka-absent sa araw na 'to. Pupunta ako sa Derama Casino para sa interview. Nakapagpasa na ako ng CV ko through email noo
Marahan kong binuhat ang malaking braso na dumadagan sa aking tyan. Malalim na ang paghinga ni Caius kaya dahan-dahan akong bumangon. Pumapasok ang liwanag ng bilog na buwan mula sa nakabukas na pinto ng veranda.Tiningnan ko ang mukha niya. Binabantayan ko ang paghinga niya sa bawat paggalaw ko. Kung sakaling magising man siya, makakabalik ulit ako sa paghiga at magkukunwaring tulog.Pigil hininga kong binuhat ang binti niyang nakadantay sa hita ko. Halos pumutok ang ugat ko sa leeg dahil sa bigat niya. Napabuga ako ng hangin nang maialis ko. Saglit lang na humiwalay sakin ang katawan niya pero nananabik na kaagad ako sa init ng kaniyang balat. Napaghandaan ko na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kalungkot.Huminga ako nang malalim. Mahimbing na ang tulog niya kaya gagamitin ko na rin ang oras na ito para pagmasdan siya.Napangiti ako sa kung gaano siya kaamo kapag tulog. Ang mahahabang pilikmata niya ang siyang nagpapaganda sa nakakatakot niyang mga mata. Maganda ang ma

"Argen, free ka ba ngayon?" bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.Inipit ko muna ang cell phone sa pisngi at balikat para kunin si Lili sa kaniyang kuna. Halos hindi ko na marinig si Argen sa kabilang linya dahil sa iyak ng anak."Si Lili ba 'yan?" tanong ni Argen."Ah, oo. Natamaan ni Coco ng laruan kaya umiiyak."Sinayaw-sayaw ko si Lili para tumahan. Dinapuan ko pa ng h*lik ang namumula niyang noo. Huwag sanang bumukol ito mamaya.Tumawa si Argen. "Bibili ako ng isa pang kuna para hindi mo na sila isama sa iisa... Kailangan mo ba 'ko ngayon?""Huwag ka na bumili. Ayos lang naman."Marami na siyang naibigay sa kambal kaya ayaw ko nang dagdagan pa. Isa pa, ngayon lang naman nangyari ito. Hindi naman gaanong malikot si Coco. Aksidente lang talaga."Ahm, nga pala. Kung wala kang gagawin ngayon baka... pwedeng pabantay ako ng kambal--""Oo naman, Darcy! Iyon lang ba? On the way na ako."Natawa ako."M-Ma... Mam-ma!" Si Coco.Nilapitan ko ang anak nang tumayo sa kuna at tin