Share

Chapter 27

Gustong tumakbo ni Jillian papalayo pagkakita kay Madison pero huli na ang lahat. Nasa harap na niya ito at hawak-hawak agad ang braso niya nang mahigpit.

"It's really you! Alam mo bang ipinahanap kita sa mga tauhan ko sa lahat ng sulok ng England? Ngunit nandito ka lang pala!" bulalas nito na may kasama pang pagyugyog sa kanya.

Medyo nakaramdam siya ng inis sa sinabi nito. Hindi niya tuloy mapigilang alalahanin ang ginawang pag-iwan ng mga ito sa kanya sa bansang iyon. Paano na lang kung hindi siya sinama ni Paxton pauwi? Eh di naging palaboy siya doon? Ngunit tapos na iyon. Ang importante ay nandito na siya.

"Salamat sa lahat, Madison. Excuse me pero kailangan ko nang umuwi," pag-iiwas niya dito.

Ayaw ni Jillian na madawit pa sa babae. Tapos na ang kasunduan nila at dapat ay lumayo na siya dito. Ngunit mapilit talaga ang babae at agad siyang pinigilan sa pag-alis. Nakangisi na ito ngayon na parang naghahamon ng away. Mabuti na lang at hindi nito kasama ang kaibigan ngayon.

"Iniiwasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status