"Ano bang gusto mong pag-usapan natin at sinadya mo pa talaga ako dito sa bahay?"Umayos ng upo si Hendrix upang makausap at ibigay ang kanyang buong atensyon sa anak."Dad.." Humugot ng malalim na hininga si Paxton. "Pinilit mo akong magpakasal kay Jillian at pinagbigyan kita. Kaya sana ay ako naman ang pagbigyan mo ngayon. Gusto ko nang tapusin ang walang kwenta naming pagsasama. I want to marry the woman I truly love. And that's Lily."Matagal na tinititigan ni Hendrix ang anak. Umaasa si Paxton na pakikinggan ng ama ang kanyang hiling ngunit ganun na lang ang pagkabigo na naramdaman niya nang umiling ito."I'm sorry, son, but I can't give you that. Lily is no good for you and—""And you think that Jillian is the right one for me?" pagpuputol ni Paxton sa sinasabi ng ama sa matinding sama ng loob."Dad, hindi ko siya mahal! At kahit kailan ay hindi ko siya matututunan na mahalin! Si Lily lang ang tinitibok ng puso ko. Wala ng iba!"Hindi pinalampas ni Hendrix ang pagtataas ng boses
Isang ex-navy si Joseph. Aussie ito pero ayon na rin sa pagkakakilal nila dito ay naka-base na ngayon ang lalaki sa Espanya. Byudo ito at ang nakakalungkot pa doon ay wala itong naging anak ni isa sa yumaong asawa.Lahat ng pagdududa na naramdaman ni Jillian dito ay biglang nawala nang makilala nila ito nang mabuti. Sobrang bait ni Joseph at palatawa. Kahit na may edad na ito ng kaunti ay matikas pa rin ang tindig at pangangatawan. Hindi siya bulag. Kitang-kita ni Jillian ang pagmamahal na nararamdaman ng dalawa para sa isa't-isa. Kaya hindi na niya hinadlangan ang pagmamahalan ng dalawa. Kasalukuyan na ring inaayos ng mga ito ang mga papeles na kakailanganin ng mga ito palipad sa Espanya kung saan nakatira si Joseph.Oo, gusto ng lalaki na kunin at doon na sila tumirang lahat. Sobrang bilis ng mga pangyayari pero may tiwala si Jillian. Sasama rin ang kuya Ruben niya. Siya lang ang matitira dito. Ito na sana ang pagkakataon niya na makatakas Kay Paxton at sa sitwasyon na kinalalagyan
Umuwi ng araw na iyon si Jillian na naguguluhan. Madami sana siyang gustong tanungin Kay Lance pero halatang umiiwas ito. Ang dami nitong mga palusot tuwing susubukan niyang magtanong ng mga bagay tungkol sa pinsan nito.Nahihiwagaan tuloy siya. Bakit ayaw nitong sagutin ang mga tanong niya? Ano bang meron sa pinsan nito?"Saan ka nanggaling?" iyon ang bumungad kay Jillian pagkauwi niya. Naabutan niya si Paxton na nakasandal sa pintuan na para bang inaabangan talaga ang pag-uwi niya."Ahh. Nanggaling ako sa bahay. May inasikaso lang ako doon," sagot niya sa malumanay na boses. Hangga't maaari ay ayaw niyang makipag-away dito. Ginabi na nga siya ng uwi dahil dumaan pa siya sa bahay nila upang siguraduhin na maayos ang lahat ng mga gamit na naiwan at walang makakapasok sa loob. Doon niya naramdaman ang paninibago. Sobrang tahimik ng kanilang bahay. Inatake siya ng matinding kalungkutan nang tuluyang mag-sink in sa kanya na nasa ibang bansa na ang kanyang mama at kuya Ruben. Naisip tul
Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal
Mahinang napadaing si Jillian nang magising kinabukasan. Sobrang sakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Madami ring mga pantal sa kanyang balat at ang iba ay nangingitim pa. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang nasa pagitan ng hita niya talaga ang pinakamalala ang natamo. Kaunting galaw lang ay nananakit na.Paano naman kasi eh parang mabangis na halimaw si Paxton kagabi. Kulang na lang ay lapain siya ng buhay. Ganitong-ganito rin ang mga pangyayari noong nagising siya sa club noon. Ang pinagkaiba lang ay wala si Paxton sa tabi niya ngayon.Napabuntong hininga si Jillian at napapangiwi na pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya pumayag sa gusto nitong mangyari kagabi. Dahil ba natukso rin siya at gustong maramdaman ulit iyon? Kung noon ay wala siyang alaala noong unang gabi nila, ngayon naman ay halos naka-record sa kanyang isipan ang bawat eksena na nangyari kagabi.Gustong tumili ni Jillian. Ano na lang ang mukhang ihaharap niy
"Where did you go all day all night yesterday? Halos ipahalughog na kita pero ni anino mo ay hindi man lang makita!"Gaya ng sinabi ni Lance ay nakalabas na nga si Jillian ng hospital kinabukasan. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ito ang uuwian niya. Buong akala ng dalaga ay wala si Paxton sa bahay pero heto at naabutan niyang galit na galit at nagbubuga ng apoy. Hindi tuloy niya alam ang gagawin at kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng mga nangyari kahapon. Bakit ba kasi ito nandito ngayon eh kadalasan ay sa hospital ito naglalagi? At ipinahanap daw siya nito? Baka nabingi lang siya."Damn it! Kinakausap kita! Tinatanong ko kung saan ka nagpunta kahapon! Answer me!" sigaw nito na kulang na lang ay sakalin siya sa matinding inis."M-May nangyari kasi sa bahay at kailangan kong puntahan—""And what? Nakalimutan mo nang umuwi at doon ka na natulog? Dito na ang bahay mo—"Natigilan si Paxton sa kakadaldal nang mahagip ng kanyang paningin ang malaking benda sa braso ng dalaga. Ku
"W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo
Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi