"Paxton, I can't believe this! Talagang sinunod mo ang sinabi ng daddy mo? Bakit mo ako pinapauwi? Ano? You'll just gonna let that woman in your house again after she stole my necklace? You know what? I should sue her for stealing!" walang tigil na salita ni Lily.Nasa loob sila ng kanyang sasakyan dahil hinatid niya ito pauwi. Kanina pa ito naghihimutok dahil hindi matanggap na ito pa ang napaalis sa huli.Mariiin na hinilot ni Paxton ang kanyang sintido. Sa totoo lang ay sumasakit ang ulo niya sa mga pangyayari. Sobra rin siyang naiinis sa kanyang ama. Gabing-gabi na nga. Ano ba ang naisip nito at nagpunta pa sa kanyang bahay? At ang eksenang iyon pa ang naabutan nito.Ano ba ang meron sa babaeng iyon at ganun na lang ang pagkagusto ng kanyang ama dito? Hindi naman maganda iyon. Parang lalaki pa kumilos na akala mo ay siga o tambay sa kalsada. Walang etiquette.Malakas na hinampas ni Lily ang braso niya sanhi upang mapatingin siya dito."Nakikinig ka ba, Paxton? Ang sabi ko ay idede
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi namamalayan ni Jillian na mag-iisang buwan na pala siyang nagtatrabaho sa kompanya ni Paxton. At sa loob ng isang buwan na iyon ay halos walang mintis ang pagdalaw ni Lily dito.Araw-araw ay may dala itong lunch box para kay Paxton. Kung minsan pa ay may naririnig silang mga halinghing galing sa opisina nito. Noong una ay grabe ang pagkagimbal nila noon na mga naka-assign sa floor na iyon ngunit hindi naglaon ay nasanay din sila. "Sweldo na," nangingiti na wika ni Faye habang nakapila sa ATM upang mag-withdraw. Sobrang saya rin ni Jillian dahil ito ang unang sweldo niya. Ililibre niya ang kanyang mama at kuya Ruben niya. Ang ipinagtataka lang niya kanina ay ang payslip na natanggap niya. Alam niya kung magkano ang sweldo nila ayon na rin sa kontrata na kanyang pinirmahan at ang nakita niya kanina na sweldo ay mas malaki sa inaasahan. Baka nagkaroon lang ng glitch? Ipinagsawalang bahala na lang ni Jillian iyon."Naku, anak. Ang dami naman nitong
Gustong tumakbo ni Jillian papalayo pagkakita kay Madison pero huli na ang lahat. Nasa harap na niya ito at hawak-hawak agad ang braso niya nang mahigpit."It's really you! Alam mo bang ipinahanap kita sa mga tauhan ko sa lahat ng sulok ng England? Ngunit nandito ka lang pala!" bulalas nito na may kasama pang pagyugyog sa kanya.Medyo nakaramdam siya ng inis sa sinabi nito. Hindi niya tuloy mapigilang alalahanin ang ginawang pag-iwan ng mga ito sa kanya sa bansang iyon. Paano na lang kung hindi siya sinama ni Paxton pauwi? Eh di naging palaboy siya doon? Ngunit tapos na iyon. Ang importante ay nandito na siya."Salamat sa lahat, Madison. Excuse me pero kailangan ko nang umuwi," pag-iiwas niya dito.Ayaw ni Jillian na madawit pa sa babae. Tapos na ang kasunduan nila at dapat ay lumayo na siya dito. Ngunit mapilit talaga ang babae at agad siyang pinigilan sa pag-alis. Nakangisi na ito ngayon na parang naghahamon ng away. Mabuti na lang at hindi nito kasama ang kaibigan ngayon."Iniiwasa
"What did you do this time? Hindi ba sinabi ko ay umiwas ka sa gulo at asikasuhin mo ang relasyon ninyo ni Paxton? Ngunit heto at nagba-bar ka. Nakipagbasag-ulo ka pa!"Naririndi na tinakpan ni Lily ang kanyang tenga sa mga sunod-sunod na sermon ng kanyang ama. Umuwi siya para magpahinga at kalmahin ang sarili pero ito ang aabutan niya."Nakikinig ka ba?" napipirwisyo na singhal ni Jaime sa anak."Nakikinig ako, Dad! At kahit hindi ako makinig ay saulo ko na ang linya mo at kung ano ang susunod mong sasabihin. I'm doing everything to get him back, okay?""Then anong ginagawa mo doon sa bar? Dapat ay nasa bahay ka ng lalaking iyon at sinusuyo. Ask him to file a divorce! Kung mahal ka talaga niya ay gagawin niya ang hinihingi mo!"Napaungol sa matinding iritasyon si Lily dahil sa ama. Sa tingin ba nito ay wala siyang ginagawa? Madami! She even resorted on having a child pero ayaw pa rin ni Paxton! This is frustrating her so much! Ipatumba na lang kaya niya ang Jillian na iyon?"Uulitin
"Ano bang gusto mong pag-usapan natin at sinadya mo pa talaga ako dito sa bahay?"Umayos ng upo si Hendrix upang makausap at ibigay ang kanyang buong atensyon sa anak."Dad.." Humugot ng malalim na hininga si Paxton. "Pinilit mo akong magpakasal kay Jillian at pinagbigyan kita. Kaya sana ay ako naman ang pagbigyan mo ngayon. Gusto ko nang tapusin ang walang kwenta naming pagsasama. I want to marry the woman I truly love. And that's Lily."Matagal na tinititigan ni Hendrix ang anak. Umaasa si Paxton na pakikinggan ng ama ang kanyang hiling ngunit ganun na lang ang pagkabigo na naramdaman niya nang umiling ito."I'm sorry, son, but I can't give you that. Lily is no good for you and—""And you think that Jillian is the right one for me?" pagpuputol ni Paxton sa sinasabi ng ama sa matinding sama ng loob."Dad, hindi ko siya mahal! At kahit kailan ay hindi ko siya matututunan na mahalin! Si Lily lang ang tinitibok ng puso ko. Wala ng iba!"Hindi pinalampas ni Hendrix ang pagtataas ng boses
Isang ex-navy si Joseph. Aussie ito pero ayon na rin sa pagkakakilal nila dito ay naka-base na ngayon ang lalaki sa Espanya. Byudo ito at ang nakakalungkot pa doon ay wala itong naging anak ni isa sa yumaong asawa.Lahat ng pagdududa na naramdaman ni Jillian dito ay biglang nawala nang makilala nila ito nang mabuti. Sobrang bait ni Joseph at palatawa. Kahit na may edad na ito ng kaunti ay matikas pa rin ang tindig at pangangatawan. Hindi siya bulag. Kitang-kita ni Jillian ang pagmamahal na nararamdaman ng dalawa para sa isa't-isa. Kaya hindi na niya hinadlangan ang pagmamahalan ng dalawa. Kasalukuyan na ring inaayos ng mga ito ang mga papeles na kakailanganin ng mga ito palipad sa Espanya kung saan nakatira si Joseph.Oo, gusto ng lalaki na kunin at doon na sila tumirang lahat. Sobrang bilis ng mga pangyayari pero may tiwala si Jillian. Sasama rin ang kuya Ruben niya. Siya lang ang matitira dito. Ito na sana ang pagkakataon niya na makatakas Kay Paxton at sa sitwasyon na kinalalagyan
Umuwi ng araw na iyon si Jillian na naguguluhan. Madami sana siyang gustong tanungin Kay Lance pero halatang umiiwas ito. Ang dami nitong mga palusot tuwing susubukan niyang magtanong ng mga bagay tungkol sa pinsan nito.Nahihiwagaan tuloy siya. Bakit ayaw nitong sagutin ang mga tanong niya? Ano bang meron sa pinsan nito?"Saan ka nanggaling?" iyon ang bumungad kay Jillian pagkauwi niya. Naabutan niya si Paxton na nakasandal sa pintuan na para bang inaabangan talaga ang pag-uwi niya."Ahh. Nanggaling ako sa bahay. May inasikaso lang ako doon," sagot niya sa malumanay na boses. Hangga't maaari ay ayaw niyang makipag-away dito. Ginabi na nga siya ng uwi dahil dumaan pa siya sa bahay nila upang siguraduhin na maayos ang lahat ng mga gamit na naiwan at walang makakapasok sa loob. Doon niya naramdaman ang paninibago. Sobrang tahimik ng kanilang bahay. Inatake siya ng matinding kalungkutan nang tuluyang mag-sink in sa kanya na nasa ibang bansa na ang kanyang mama at kuya Ruben. Naisip tul
Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal