-Rain’s Point of View-
Nakaupo ako sa nakasarang toilet bowl. Ang tingin at konsentrasyon ko ay nasa PT na hawak. Pangatlong subok ko na sa haping ito at pareho lang lahat ang resulta. Positive. Positive lahat ang lumabas sa PT. Hindi ko na napigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Kahit paulit ulit kong gawin iyon ay iisa pa din ang resulta.“Buntis nga talaga ako,” humagulgol na ako ng tuluyan. Ano na lang ang gagawin ko ngayon? Nag-aaral pa lang ako. Ano ang sasabihin ko kay daddy kapag nakarating sa kanya ang balita? He’ll be disappointed in me, that’s for sure.Lagi niyang sinasabi sa akin na mag aaral akong mabuti na siya namang ginagawa ko. Kaya lang, dahil sa katangahan ko, nangyayari ngayon sa akin ito. I can't believe it. Dahil sa pagpapabaya ko, masisira ang pangarap ni daddy na makapagtapos ako ng kolehiyo, masisira ang kinabukasan ko. Higit sa lahat bakit sadinamirami ng lalaki sa party na iyon, si Harve pa? Bakit ang taong kinasusuklaman at worst enemy ko pa ang nakakuha ng aking virginity? And now, dinadala ko ang anak niya, ang bunga ng isang gabing pagnanasa. Tang'na!Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak sa loob ng bathroom. I didn't expect it to be this way. Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng main door ng condo. Si Chloe na marahil iyon, baka hindi pumasok ang professor niya para sa kanyang huling klase sa hapon.Isa ako sa mga nakatanggap ng scholarship kaya nakapasok ako sa university, at dahil wala na kaming bahay dito sa manila, nakikitira nalang ako sa condo ni Chloe. Siya lang ang pinakamalapit kong pinsan sa side ni Mommy dahil lahat sila ay matapobre. Nang magsimula kaming bumulusok pababa, hindi na kami nagkaroon ng papel sa mga kadugo ni Mommy. Iniotsapwera na nila kami na tila ba hindi nila kami kadugo at wala kaming nai-ambag sa buhay nila nang mga panahong marami pa kaming pera.*Knock… Knock…*“Hey, Rain…" narinig kong tawag ni Chloe sa akin mula sa labas ng pinto ng cr. "Kailan mo ba balak pumasok? Wanted ka na sa school. Ang daming naghahanap sa 'yo, alam mo ba iyon? At alam mo rin bang hinarang ako kanina ni Jordan, "yong kaibigan ni halimaw? Kinailangan ko pang magsinungaling sa kanilang dalawa para lang tantanan nila ako. Ano ba kasi ang nangyayari? I don't know, but I definitely feel that something is off between you and halimaw.”Napabuga ako nang malakas na hangin. Hindi ko sinabi kay Chloe ang nangyari sa akin sa birthday party ni Chesa. Hindi rin naman niya ako kinulet dahil hindi naman ugali ni Chloe ang makialam sa buhay ko. Pero mukhang masyado ko na siyang pinag-aalala ngayon kaya hindi na niya natiis at kinausap na ako.Tumayo ako sa toilet bowl. Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto ng bathroom. Nagulat siya nang makita ang hitsura ko at mas ikinagulat nito ang hawak kong tatlong PT na may dalawang pulang linya.“Oh, my God, Rain! Buntis ka?” Hindi makapaniwalang bulalas niya na ikinatango ko. Humikbi ako dahil parang ang hirap tanggapin angn nangyayari sa akin, “Hollysh*t! H’wag mong sabihin na kaya ka hinahanap ni Harve—" she paused then look at me, disbelieving. "You two had s*x?”Pinamulahan ako ng pisngi sa tanong niya, at hindi ko alam kung bakit. I mean, galit ako sa sarili ko dahil nagpabaya ako, pero inaamin kung nag- enjoy naman ako sa company ni Harve ng gabing iyon. O baka na-enjoy at nag-init ako dahil sa espirito ng alak na nainom ko ng gabing iyon.Tama! We had s*x because I was drunk.“Teka nga lang, akala ko ba galit ka sa lalaking iyon? So' bakit? Paano nangyari yon?” Naguguluhang tanong ni Chloe na agad kong sinagot.“I was drunk. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin at nagawa kong yayain at, mag-initiate ng s*x sa lalakeng iyon."“Girl, demonyo talaga ang kalibugan. At ano to? Ikaw mismo ang nag-initiate? As in pati first move?" Nahihiya man pero tumango ako. "Wow! Just wow, rain! I never knew, that you were that wild. Ano? Malaki ba? Nasarapan ka ba? Pinatirik ba niya mga mata mo?""S-shut up, Chloe." Pagpapatigil ko dito dahil ayokong maalala ang nangyari nang gabing iyon. "Hindi na mahalaga kung nasarapan ba ako o pinatirik ba niya ang mata ko. The problem here is that I am pregnant and I don't want Harve to know that." Bumalik na naman ang frustration ko.“And why is that? He has to know, Rain. Kayong dalawa ang bumuo sa batang nasa sinapupunan mo and yet gusto mong i-exclude ang ama niyan? Baka nakakalimutan mong hindi mabubuo ang batang iyan kung walang Harve na gumalaw sa 'yo, girl!"Tama naman siya, ayoko lang ng gulo.“Kilala ko si Harve, Chloe. Alam ko na kung saan hahantong kapag sinabi ko sa kanya ang pinagbubuntis ko. He is known to be a playboy in our universitry, right? Malamang sa malamang, hindi ko pa nababanggit sa kanya ang tungkol sa baby ay ipagtabuyan na niya ako." Ayaw ko mang maging negative, pero "yon ang katotohanan. Sa personality ni Harve; he is not the guy who wants responsibility. Ang alam lang niya ay ang makipaglandian at makipag-make out session sa kahit na kaninong babae na magustuhan niya.“So, ano na ang plano mo? Ipalaglag mo ang bata?"“Wait, what? No freaking way!" Mabilis kong tanggi. "I would never do that to my baby. Hindi ko man gusto ang tatay niya, never na sumagi sa isip ko ang ipalaglag siya. Hinding-hindi ko siya idadamay sa kasalanan ng tatay niya."“Duh…” Chloe rolled her eyes. “May nalalaman ka pang ganyan, eh si Harve nga wala naman siyang kinalaman sa ginawa ng magulang niya sa magulang mo pero dinamay mo."“I-ibang usapan naman iyan.” I stated the fact. Hindi naman dahil doon iyon kaya galit na galit ako sa kanya. His insulting words and how he bullied me.“Whatever, Rain. So, ang plano mo ay hihinto ka sa pag-aaral para ipagbuntis iyang anak mo? May iba ka pa bang plano bukod d’yan?”Nagbaba ako ng tingin sa hawak na PT at nahihirapang sumagot. “U-uwi na muna ako ng probinsya. Kakausapin ko si tiya Mara, baka doon muna ako sa farm niya.”“Paano si tito? Sasabihin mo ba sa kanya?”Tumango ako. “Alam kong magagalit si daddy, pero mas mabuti nang ipaalam ko sa kanya ang nangyayari kaysa sa iba pa niya malaman."“Okay, how about Harve?”Nag-angat ako ng tingin kay Chloe. “Ito ang ipapakiusap ko sa 'yo, Chloe. Huwag na huwag mo sanang ipaalam kay Harve ang tungkol sa pagbubuntis ko kahit na anong mangyari. Ayaw kong matunton niya ako."“You know what? That’s sound so unfair to him, you know? He needs to know the truth. Kakailanganin mo din ng suporta lalo na sa pinansiyal na aspeto. Mayaman si Harve at hindi naman siguro niya ipagkakait iyon sa magiging anak niya."Sunod-sunod akong umiling. “Kaya kong buhayin ang anak ko. Hindi na niya kailangan pang malaman ito. Tska, hindi na rin naman kami magkikita kapag nbakauwi na ako ng probinsiya."“So unfair, Rain, but fine. Do whatever you want. Buhay mo naman iyan at you have the right to decide. Ang gagawin ko lang naman ay ititikom ko ang aking bibig, right?" Naniniguradong tanong niya na ikinatango ko. "I can do that for you. Basta ipangako mo sa akin na magiging okay ka, na magiging maayos kayo ng babay mo dahil kapag nalaman kong nahirapan ka--- ako mismo ang magsasabi kay Harve ang katotohanan. After all, kaya ka naman noiyang panindigan at ang baby mo, ikaw lang ang umaayaw."Tipid akong ngumiti kay Chloe. Alam kung napaka-selfish nitong favor na hinihingi ko sa kanya. Ayaw ko lang na masaktan ang baby ko oras na ipaalam ko kay Harve ang dinadala ko at ipagtabuyan niya kami. Mas mabuti nang akuin ko nalang ang buong responsibilidad kesa mabigo ko ang baby sa sinapupunan ko. It's all my fault, kung hindi ko nilagok nang nilagok ang alak na binigay sa akin--- hindi ako malalasing at hindi ko siya susundan sa ikalawang palapag ng bahay.Nang gabing iyon ay tumawag ako kay daddy. Gaya ng inaashan ko ay hindi ito natuwa at nagalit siya sa ibinalita ko. He cried at sinisi niya ang kanyang sarili. Nakailang ulit pa niyang itinanong sa akin kung saan ba siya nagkulang. Iyak lang ang tanging naisasagot ko. He did his part as a father, nasa akin ang problema. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humingi ng sorry kay daddy. Basta ang alam ko ay habambuhay kong ihihingi iyon ng tawad sa kanya.Nang mahimasmasan ay nagkasundo kami ni daddy na doon muna ako sa farm ni tiya Mara, gaya ng una kong naging balak. Dadalaw dalawin na lang daw niya ako kapag wala silang schedule sa pangingisda. Oo, pagkatapos mawala ang lahat sa amin ay naging mangingisda si daddy, katulad ng kapatid niya. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga nakapagtapos ng high school si daddy. Nagkapera lang siya nang mapangasawa niya si mommy na mula sa may kayang pamilya. Binigyan sila ni lolo ng puhunan at iyon ang pinalago nilang mag-asawa. Ang kaso, nang magsimulang magkasakit si mommy ay unti-unti nang bumabagsak ang kabuhayan namin hanggang sa tuluyan nang nawala sa amin ang lahat-lahat pati ang ang bahay namin. Hindi na din kami nakabawi pa dahil diretso ang gamutan ni mommy hanggang sa hindi na din kinaya ng katawan niya at binawian na ito ng buhay. Until now, marami pa rin kaming utang na binabayaran.-Harve’s Point of View- “What are you planning to do with your life!” Galit na sigaw ni daddy at pinagbabato sa akin ang kung ano mang mahawakan niya. “You’re the CEO of our company, but you’re acting like your not. Tama bang gawin mong motel ang opisina mo, Harve?” Tinatamad na nagkamot ako ng ulo. “Sino na namang matabil ang dila ang nagsumbong sa 'yo?” “At pinapalabas mo pang kasalanan ng impormante ko? Seriously! Kailan ka ba magtatanda at titino? Dinudungisan mo ang magandang pangalan ng pamilya natin na pilit kong itinayo.” Binato na naman niya ako, this time ang box nang mamahalin niyang fountain pen. “Tsk! Iyan lang ba ang mahalaga sa inyo?” “Lang? Huwag mong nila-lang ang magandang pangalan na mayroon ang pamilya natin. I worked my ass out 24/7 to build our name, at nilalang mo lang? Palibhasa ay na i-spoiled ka masyado ng mommy mo at nakukuha mo ang lahat ng kahit na anong gustuhin mo sa isang pitik lang ng daliri. Kaya hindi mo magawang pahalagahan ang pinaghirapan kon
-Rain's point of view - "Ma'am Raine, saan po natin ilalagay ang mga bagong dating nating stocks?"Napalingon ako kay Rhea; isa sa mga matagal ko ng empleyada dito sa botique. We are all busy at kanya kanya muna kami ng mga duties. Marami kasing dumating na bago naming stocks, bukod pa sa mga disenyong pinatahi ko. Yes, gaya ng mommy ko, nakahiligan ko na ding magdisenyo ng mga damit. Tila iyon ang iniwan niyang pamana sa akin. And I always miss her, lalo na kapag nagdidisenyo ako. "Sa tingin niyo?" Tumingin ako kay Rhea at kay Hera. I always asked for their suggestions para sa ikagaganda ng botique. I treat them as a family. "Will it be okay kung ililipat natin ang mga damit na nasa malapit sa counter at doon natin ilagay ang mga new stocks? Para mas madali nilang mapapansin? Or do you have any suggestions?""Huwag na lang po doon, ma'am Rain." Agad na sagot ni Hera at tumingin sa paligid, naghahanap ng puwesto para sa mga bagong stocks. "Kung i-usog na lang po natin ng konti ang
-Harve's point of view-Nakaupo ako sa gilid at nakatitig sa kanilang tatlo. Kausap nito ang babaeng kasama ng kambal kanina. Tila binibilinan nito iyon. Gusto ko silang lapitan at tanungin kung sino ang ama nila. Pero natatakot ako, natatakot akong malaman na may nagmamay ari na sa babaeng matagal ko ng minamahal.After all these years, kaya ako nagkakaganito ay dahil hinihintay ko siyang bumalik. At ngayong nagkita na kaming muli--- hindi ko hahayaang makawala pa siya. Hindi din ako nakapigil, lumapit ako sa kanila. Gusto kong malaman ang kanina pa bumabagabag sa aking isipan. "Hi," nakangiting bati ko at lumuhod sa dalawang bata. "I'm your tito Harve." "Tito? Pero sabi ni mommy, si Lolo Daddy lang ang family namin, and Tita Mara, and Tita Chloe, too. Hindi ka naman niya po nabanggit sa amin." The boy in the left said. Bibong bibo ang pananalita nito, while the other one is silent. Tumingin ako kay Rain na nakatayo at nakahawak sa balikat ng bata. " Baka nakalimutan lang ng mom
-Rain's point of view- "Wow! This is ridiculous!" Napairap ako sa kawalan. Sino ba naman ang hindi kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos, e, may nangungulit at nang-iinis sa akin. Okay na 'yong limang taon na tahimik ang buhay ko. Nahanap ko ang katahimikan sa limang taon na' yon. But now, jusko! Parang sasabog ang ulo ko sa inis. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. At mas okay pa noon na binubully niya ako. Doon sanay na sanay ako, hindi tulad ngayon na may pabulaklak pa ang loko na parang nanliligaw. Sa apat na araw niyang pabalik-balik dito sa botique ay may dala itong kung ano-anong panuhol. Napapadyak ako ng aking mga paa. "Bakit ba ayaw niya akong tantanan?" Kinakausap ko na ang sarili ko halos hindi kona maihakbang ang aking mga paa palapit sa botique. Paano ba naman... nakatayo na naman si Harve sa may pinto ng botique at halatang hinihintay ako. Todo ngiti ito habang nakahawak ng bungkos ng pula at puting rosas. May pizza pa itong dala sa kabilang kamay. Kahit araw
-Harve's point of view-Malakas na tawa ang isinagot nito sa isinigaw ko. Para akong sinaksak ng ilang milyong kutsilyo sa reaksiyon niya.I mean every word I said. Lalo na ang inaalok kong kasal sa kanya. Kung hindi siya umalis noon ay kaya kong panagutan ang nangyari sa amin. Ngayon pa kayang alam ko na may anak na kaming dalawa--- hinding hindi ako papayag na hindi ko siya pakasalan."Nice joke, save it to others, Harve, total babaero ka naman." tumatawa pa ding saad niya at tuluyan na itong lumabas ng botique. Hinabol ko siya. I have to do something. Nang maabutan ko siya ay binuhat ko ito na parang sako. She didn't expect that. "Ibaba mo ako!" Sigaw nito at pinaghahampas ang aking likuran. "Bitawan mo ako, Harve! Bita--- aaahhh!" Ang lakas ng sigaw niya. Akala niya ay bibitawan ko na siya bigla. Narindi na kasi ako kakasigaw niya kaya ginawa ko iyon. "Stop screaming and moving, Rain. Walang panama ang lakas mo sa lakas ko. Isa pang galaw at sigaw mo... bibitawan talaga kita.
-Rain’s point of view-Simula ng tanggihan ko siya, walang araw na hindi siya nagpupunta dito gaya ng ginagawa niya. Akala ko naman, pagkatapos ko siyang tanggihan ay titigil na ito. Mas lumalala lang pala ang pangungulit niya.In everyday basis, kung anu-anong pakulo ang ginagawa niya. At ngayon, hindi ko na talaga makayanan. Nang una, pinuno niya ng bulaklak ang botique. Pangalawa, that same day--- nagpadala siya ng ilang kartong chocolates. Pangatlo, kinabukasan niya---- nag organisa ito ng parang fiesta sa harapan ng botique. May mga kabataang tumugtog ng drum and lires tapos may mga sumasayaw din. Jusko! Hindi ko kinakaya. At ngayon, ito na naman. He's buying all our clothes in my botique. Siyempre, ayaw kong pumayag sa ginagawa niya. Bakit? Maisusuot ba niya ang mga damit na bibilhin niya dito?Geez! Harve is getting in to my nerves. Asan ba kasi mga magulang nito at ng matalian siya. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanya. Bakit hindi na lang kasi ito maglaho sa paningin ko
-Harve's point of view-"Oh, d*mn! Look who's here." Jordan cheered and even clapped his hand. "F*ck you." I cursed at him but, he just laugh at me. "Buti hindi ka hinarang ng security at hindi pinaoasok?" "Why the hell will that security stop me? CEO ako ng kompanya---" he stop and correct me. "May I correct you, Mr Valentino. You are the ex CEO of you own company." Pinagdiinan pa nito ang salitang ex. "Hindi mo ba nabalitaan na pati pagpasok mo dito sa kompanya ay prohibited na din? At ang akala ko... alam mo na kaya hindi ka nanggugulo at naghahasik ng lagim dito sa akin these past few days." "Who the hell did..." hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil alam na alam ko na kung sino ang gumawa. "But the guard let me in without questioning me. So, I guess that doesn't matter for now." Nagkibit balikat na lang ako. "Baka bago ang security personel na iyon. If Tito knows about you being here at nakalagpas ka ng entrance. Naku, kawawang security--- masesermonan mga 'yan, for su
-Rain's point of view-Mas pinili kong huwag munang pumasok ngayong araw. Naglalambing kasi ang dalawa na ipagluto ko sila ng paborito nilang pagkain at mamasyal sa mall. Hindi ko sila matanggihan dahil alam kong ang dami ko ng atraso sa kanila. Masyado akong naging busy sa botique."Mommy..." tawag ni Eros sa akin. Maliban sa akin ay si Dad lang ang nakaka-identify kung sino ang sino sa kanilang dalawa. Madalas nga nilang lokohin ang mga kasamahan ko sa botique. They are both identical in any way. Even when they speak, hindi mo malalaman kung sino si Eros at Nero sa kanilang dalawa. "Someone po is knocking at the door." Napalingon ako sa kanya at pinakinggan ang sinasabi nitong kumakatok.Tama ito, masyado lang sigurong okupado ang utak ko kaya hindi ko narinig. Maliit lang naman kasi ang bahay na inookupahan naming tatlo. Chloe offered us her condo, but I refused. Ayoko namang makipagsiksikan pa kami ng mga anak ko doon. And actually, we've been here, renting this place for almost
HARVE HINDI ko alam kung ano pa ba dapat ang gagawin ko. lalo na sa mga nalaman. Kahit anong kalma anv gawin ko y nananaig ang galit. That assh*le is trully a f*cking bastard. Kung pwede lang na ako na mismo ang kumitil ng buhay niya ay ginawa ko na. But I am not God, to get his f*cking useless life. "F*ck, f*ck, f*ck!" sunod-sunod kong mura ng ibigay ni Carlo sa akin ang envelope na naglalaman kung sino nga ba ang kalaban ko. "Al these years...." "May nasagap din ako mula sa mga source ko, na nagbooked daw siya ng plane tickets." Napatingin ako sa kausap dahil sa sinabi niya. "And they are leaving the country in about a week or two." "They?" kunot-noong tanong ko. "Yes, he's with your wife. And he changed the identity of your wife. Gumamit siya ng ibang pangalan para makaalis sila ng bansa," he explained. Napakuyom ako ng aking kamao sa galit. He's taking away Rain from us. I blow a loud breathe to calm myself down at para na din makapag isip ako nang tama. "What should
-Rain's point of view- STARING at Jeronel, I know that he really changed. Ang dating maamo nitong mukha ay napalitan na ng seryoso at nakakatakot na awra. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko dahil sa nakikita. Jeronel changed and it hurts me. Hindi dapat niya hinahayaan ang sariling mabulag ng pagmamahal niya para sa akin.Akala ko ay tanggap na niya iyon---na hanggang kapatid at kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya... nagkamali pala ako. He has his plans on getting what he wants. Lalo na ang makuha ako. Sobrang nagtiwala ako sa kanya, to the point na iniiwan ko pa sa kanya ang mga bata at inilapit ko din siya kay tatay.And knowing na lahat pala ng mga nangyari ay naka-ayon sa plano niya, pati ang pagkakakilala naming dalawa. He planned all of that.Naalala ko ang araw na nagkakilala kami. It was a very traumatic one for me. And yeah, lingid din sa kaalaman ko na kilala niya pala ako at nag aral kami sa iisang paaralan way back in high school. And I was r
NAPAKABIGAT ng pakiramdam ko ngayong araw. I don't know why, but I feel odd. Hindi ko mapangalanan ang kabang nadarama. Kaba na may takot. I never felt like this before. Ngayon lang."Hey, are you okay?" I was back on my own reverie when Jordan asked me. Agad akong umiling. "I'm feeling a bit weird and I don't know why." sagot ko."Weird?" He chuckled. Akala siguro nito ay nagbibiro ako. "You never felt that not until just now." Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatigil nito sa pagtawa at agad na tumikhim."So, ahmm... how weird?" he asked, making his self serious. Kahit na alam kong natatawa ito sa loob loob niya.I sighed."I don't know, I can't name it. Feeling ko parang may hindi magandang mangyayari." Napatayo ako sa aking kinauupuan at naglakad papunta sa glass panel. Pinakatitigan ko ang mga naglalakihan at nagtatayugang mga gusali sa aking harapan. "What do you mean by that?" Naging seryoso na ang boses nito.Nagkibit balikat ako, "hindi ko din alam, Jordan. Hindi ko maintin
Muli akong napapikit dahil sa kadiliman ng paligid. Hindi ko alam kung bakit nakapatay ang ilaw. Hindi ko naman iyon pinatay kanina."Brownout ba?" nakapikit pa ring tanong ko sa aking sarili. "Ha---" napatigil ako sa pagtawag sana kay Harve nang maalala kong hindi pwedeng mawalan ng kuryente ang hospital na kinaroroonan ni tatay. Dahan-dahan akong nagmulat at ibinaba ang paa sa matigas na kamang kinahihigaan ko. Sa kama palang ay nagtataka na ako. Wala namang matigas na higaan sa hospital dahil isa itong private room.Nag umpisa na akong kabahan dahil sa mga pumapasok na masamang senaryo sa aking isipan. Dahan dahan akong naglalakad habang kinakapa ang paligid. Nagbabakasakaling makapa ko ang switch ng ilaw.And I was scared, when I accidentally kicked something on the floor. At mas lalo akong natakot nang onti-onting nagfa-flashback ang lahat sa aking isipan. The man with that stinky handkerchief. Agad akong napaatras kahit na sobrang dilim pa ang paligid. At iisa lang ang gusto ko
-Rain's point of view-Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa mga araw na dumadaan ay malapit na akong mawalan ng pag asa. Malapit ng manalo ang pagsuko sa aking sistema dahil sa araw araw na binigay ng Diyos--- nagiging komplikado ang lagay ng aking ama.Tinatanggihan na nito ang mga gamot na dapat ay pinasok sa katawan niya. Ayaw na rin nitong magpadialysis. Pinaparamdam nito sa akin na ginagawa niya lang na lumaban dahil sa akin, kahit na suko na ang katawan nito. Ang pinakamasakit sa akin ay ang marinig mula sa bibig ni tatay na napapagod na siya at gusto na niyang makasama ang nanay. That pains me a lot. Tila sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Ang sakit isipin na gusto ng magpahinga ni tatay at ako lang ang pumipigil sa kagustuhan nitong makasama ang nanay.I'm scared.Takot akong maiwanang muli. Takot akong maranasan ang mawalan ng taong importante sa puso ko. Takong akong maranasang muli ang sakit nang mawalan ng minamahal.Nang mawala si nanay ay gumuho na ang kalaha
-Harve's point of view-Pabagsak akong umupo sa sofa ng bahay. Nakakabingi ang katahimikan ng bahay. Dad and I, had an argument again and again. Nakakasawa at nakakapagod ang magpaliwanag sa kanila ni mom. Kahit anong paliwanag ang gawin mo--- maniniwala lang sila sa gusto nilang paniwalaan. Even if all the evidence are infront of them. I sighed a multiply times. I need air to breathe. Hanggang kailan ba sila magbubulagbulagan?Matatanda na sila and yet, they are acting lang teenagers or a kid that are hard to please. Sasabog na ata utak ko sa kakaisip ng kung ano ang dapat kong gawin sa mga magulang ko.Hindi nila makuha ang gusto kong iparating kahit na paulit-ulit kong ipoint out sa kanila.And for now... I wanted peace of mind. Malayo sa kanila at malayo sa mapanghusga nilang mga mata. Malungkot ako napangiti. Until now, ganoon pa din ang ugali nila. Sala sa lamig at sala sa init. Mabango ka kapag nagawa mo ng tama ang pinapagawa nila. At stupido ka kapag hindi. Just like tha
Lalapitan ko sana si tatay ng bigla itong magpaalam na may sasaglitin lang sa kumpare nito. Ang bilis niyang magtsinelas. Pinipigilan ko siya dahil may pag-uusapan kami, pero saglit lang daw at nagmamadali ng umalis.Umiiwas si tatay sa akin simula pa kaninang pagdating namin. I'm sure of it. Ayaw niyang magkasarilinan kaming dalawa. Alam ko na alam nito ang pag-uusapan namin kaya ganoon nalang siya umakto."Why is it hard for you to tell me, tatay?" tanong ko sa papalayong pigura niya. "Hindi ko pa kayang sundan niyo si mama. Hindi ko pa kaya. Gagawin ko ang lahat para manatili kayo sa tabi namin..." nangangakong bigkas ko at tumingin sa kisame para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.I am frustrated by the way tatay confirmed everything. Mas nangingibabaw na ang katotohanang may sakit nga ito, ayaw lang tanggapin ng puso ko at lalong ayaw kong maniwala.Alam niyang nalaman ko na ang lahat. Base on his moves--- halatang sinadya nitong ipagsabi ang karamdaman. I kno
-Rain's point of view-Nakatanaw ako sa papalubog na araw sa kalangitan. Hindi ko mai-paliwanag ang nadarama ko. Harve is lying. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito para magsinungaling sa akin.Hindi niya kami ihahatid dito kina tatay ng ganoon-ganoon na lang. He has his reasons, yes, but I know something is off. Lalo na nang marinig ko siyang kausap si Jordan sa phone niya. And Harve is talking about some kind of evidence and proof."Something is not right..." mahinang bigkas ko at napaisip.I know Harve, when he's lying. Kaninang umaga--- sigurado akong nagsisinungaling siya. Malito ang kanyang mga mata at hindi makatitig ng diretso. Iniiwasan din nitong magkasarilinan kami. Hindi rin alam ni Harve na nakausap ko si tatay kahapon. Wala naman itong nabanggit tungkol sa pabor na sinasabi niya. Yun pa lang ay nagsisinungaling na siya. I tried searching for his phone. Tinignan ko kung anong mahahanap ko. But I found nothing, but sweet messages for me. Walang kalaman laman ang p
-Harve's point of view-Napakunot ang aking noo sa gustong tumbukin ni Jordan."Why didn't you tell me?" sermon nito. Nasa presinto kami at magkaharap na nakaupo. Siya ang tinawagan ko para puntahan si Rain sa sinabing hospital. "Gago!" mura ko, kung katabi ko lang siguro ito at nabatukan ko na siya. "Ano naman ang tingin mo sa akin? Adik? Baka gusto mong iplastic din kita at gawing pulbura?""Eto naman, hindi mabiro. Pero seryoso--- kaibigan mo ako at pwede mong sabihin sa akin ang lahat. Hindi kita huhusgahan." Sinamaan ko siya ng tingin. "Those are not mine. Remember, galling ako ng condo mo. And you know me too well, Jordan. Someone framed me up. Sigurado ako dun." "Actually, yan din ang iniisip ko kanina pa. Base na din sa biglang tawag na natanggap mo--- tapos wala naman pala doon ang asawa mo at nasa bahay niyo. I think alam ng nag frame up sa 'yo ang lahat ng kilos mo.""And to think na sinabi sa akin ng mga pulis na may nagtip sa kanila tungkol sa akin. And to the fact n