Share

Rewrite Our Destiny
Rewrite Our Destiny
Author: Haneibuns

Chapter 1

Author: Haneibuns
last update Huling Na-update: 2022-01-31 22:25:39

"Thank you po sa pagpunta," nakangiting pagpapasalamat ni Kelly sa kapatid ng kaniyang ina habang nasa pintuan sila ng kanilang bahay.

Kumaway pa muna ang tita at mga pinsan niya bago sila tuluyang lumabas.

"Balik na tayo doon. Hindi ka pa kumakain eh," sabi ni Niana, ang best friend ni Kelly.

Inayos naman ni Kelly ang kaniyang wedding gown. Hinawakan niya sa bandang gitna at itinaas upang makapaglakad siya nang maayos.

"Hindi ako nagugutom, Niana. Gusto kong uminom."

Natawa naman ang kaibigan niya sa kaniya.

"Ano 'yan? Maglalasing ka sa araw ng kasal mo? Baka mamaya eh isa isang magpapaalam ang mga bisita mo, tapos ikaw ay pumipikit pikit na sa kalasingan," sambit ni Niana, saka siya lumapit para tulungan ang kaibigan sa kaniyang gown.

"Kaya na nina Mama at kuya 'yon. Tsaka nandoon naman ang pamilya ni Ashburn. Ano pang gagawin ko do'n?"

"Bakit? Sino ba ang ikinasal? Hindi ba ikaw? Bumalik na tayo doon! Malamang eh maraming magpapapicture sa bagong kasal. Isa na ako do'n. Ang ganda ng awra mo ngayon, 'te!"

Wala namang magawa si Kelly kaya napabuntong hininga na lang siya.

Nagtungo sila sa side ng bagong bahay nina Kelly at ng kaniyang asawa, kung saan naroon ang garden at pool na tinakpan ng glass upang gawing stage at dance floor. Malawak ang garden, kasyang kasya ang dalawang-daang katao na kanilang bisita sa kanilang kasal.

Nang makabalik sina Kelly ay agad siyang naupo sa tabi ng kaniyang Mama imbes na sa tabi ng kaniyang asawa.

"Bakit dito ka naupo? Pumunta ka doon kay Ashburn," utos ng kaniyang ina.

"May graham cake ba tayo, Mama?"

Natawa naman ang kaniyang kuya nang tanungin iyon ni Kelly.

"Ano ka ba naman, Kelly. Graham cake talaga ang hinahanap mo? Samantalang may pagkalaki laking cake sa tabi niyo ng asawa mo," natatawang sambit ni Klint na kaniyang kuya.

Sinimangutan naman siya ni Kelly.

"Eh mas gusto ko nga 'yong gawa ni Mama na graham cake, hindi kasi masyadong matamis."

Inayos naman ng kaniyang ina ang kaniyang gown na naaapakan na niya.

"Kelly, oh. Kinuhanan kita ng beer," wika ni Niana at saka inilagay sa lamesa ang isang beer na nagyeyelo pa.

"Bakit mo paiinumin si Kelly? Kasal niya 'to, hindi birthday para tumagay kayo!" Saway ng Mama ni Kelly.

"Alisin mo nga 'yan, Niana. Kung anu-ano ang tinuturo mo sa kapatid ko!" Sambit naman ni Klint.

Napahawak naman si Niana sa kaniyang dibdib na animo'y gulat na gulat.

"Bakit ako? Si Kelly kaya nag-request niyan!" Sagot naman niya.

"Kahit na! Alisin mo 'yan!" Saway ni Klint.

Wala namang nagawa si Niana kundi ilagay na lamang ang beer sa ilalim ng mesa.

Lumapit naman ang asawa ng kapatid ni Ashburn na si Sofia sa kanila kaya napatingin silang apat sa kaniya.

"Kelly, hinahanap ka nila doon. Mag-picture daw kayo ni Ashburn," sambit niya.

"Balik lang ako doon, Mama," paalam pa muna ni Kelly sa kaniyang ina, saka siya sumunod kay Sofia papunta sa stage.

Tumingin lang si Ashburn sa kabuuan ni Kelly saka tumingin sa cameraman sa harap nila.

‘Nagpakasal talaga ako sa yelo.’

Napapangiwing isip ni Kelly.

Umupo siya sa tabi ni Ashburn at hindi man lang naglapit ang kanilang mga katawan para mag-picture.

"Closer, please!" Wika ng cameraman.

"Ikaw ang lumapit," utos ni Ashburn sa kaniya. Nang marinig ni Kelly ang malalim na boses ng kaniyang asawa ay napalingon siya, saka kumunot ang kaniyang noo.

Hindi naman nakinig si Kelly at tumingin siya sa harap, saka patuloy lang siyang ngumingiti sa camera.

Narinig niyang nagbuntong hininga si Ashburn, at naramdaman niyang lumapit ito sa kaniya.

Nagulat pa siya nang akbayan siya ni Ashburn. Nagpanggap na lamang siyang tuwang tuwa dahil maraming nakatingin.

Nang matapos silang mag-picture ay lumayo agad si Kelly kay Ashburn, at agad na pumunta sa puwesto nina Niana.

Abala naman ang kaniyang ina at kapatid sa pag-uusap kaya hindi nila napansin si Kelly.

"Alam mo, hindi kayo halatang mag-asawa. Imagine, sabi ni Father kanina eh 'you may now kiss the bride', tapos sa pisngi ka hinalikan?" Sabi ni Niana.

Napatingin naman sa kaniya si Kelly.

"Halata ba kanina?" Tanong niya, saka siya nagsubo ng na-slice na apple.

"Hindi naman masyado. Mabilis kasi eh. Napalingon ka naman sa kaniya kaya hindi masyadong halata," sagot ni Niana sa kaniya.

Tumango tango naman si Kelly sa kaniya.

Unti unti namang nag-alisan ang ilang mga bisita, kaya naman ay hindi na ulit nakaupo si Kelly dahil maraming nagpapa-picture sa kaniya.

"Mama, gusto ko nang matulog," sambit ni Kelly nang kaunti na lang ang bisita.

"Pero hindi pa tapos ang celebration ng kasal niyo, anak."

Bumuntong hininga naman siya.

"Wala akong ganang mag-celebrate, Mama. Pagod na ako, at gusto ko nang magpahinga," wika niya habang nakahawak sa kanang balikat ng kaniyang ina.

Napakamot naman ng ulo ang kaniyang ina, na parang wala na siyang magagawa.

"Oh, sige. Kami na lang ang bahala dito. Magpahinga ka na, dahil simula bukas ay iba na ang buhay mo."

Niyakap pa muna niya si Kelly.

"Niana, sumabay ka na lang kina Mama pauwi," sabi niya at saka inayos ang kaniyang gown.

"Sige. Congrats ulit!" Bati ni Niana. Ngunit hindi man lang ngumiti at nagpasalamat si Kelly, tumango lamang siya sa kaniya.

Bago siya pumasok sa loob ng kanilang bahay ay tinanggal muna niya ang kaniyang heels, saka niya binitbit gamit ang kanang kamay at hawak naman ng kaliwang kamay ang laylayan ng kaniyang gown upang mas mabilis siyang makapaglakad.

"Ang haba naman ng hagdanan na 'to. Mas lalo akong papayat sa pag-akyat at pagbaba pa lang dito," sambit niya sa kaniyang sarili habang paakyat sa mahabang spiral staircase.

Binilisan niya ang pag-akyat nang marinig niya ang boses ni Ashburn at ang Mommy nito.

Agad siyang pumasok sa pinakadulong kuwarto, katapat ng master's bedroom.

‘Hinding hindi ako tatabing matulog sa taong hindi ko kilala.’

Sabi niya sa kaniyang sarili at saka pumasok sa guestroom.

Nandoon na ang kaniyang mga gamit dahil sinabi na niya sa kaniyang ina na ayaw niyang makasama sa iisang kuwarto si Ashburn.

Agad siyang naligo kahit alas onse na nang gabi at dinig na dinig pa rin niya ang tugtog sa garden.

Habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok sa harap ng salamin ay hindi niya napigilan ang kaniyang pagluha.

"Kung hindi ka lang nawala, Papa, eh 'di sana hindi ako nagpakasal."

Pinunasan niya ang kaniyang luha habang inaalala ang mukha ng kaniyang ama nang atakihin siya sa puso na sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Napilitan siyang magpakasal sa isang milyonaryong anak ng mga Montemayor sa bayan ng San Fernando sa La Union dahil sa utang na loob ng pamilya Montemayor sa pamilya niya.

Last year ay iniligtas ng Papa ni Kelly ang daddy ni Ashburn sa isang holdapan. Muntik nang masaksak ang daddy ni Ashburn, mabuti na lamang ay nandoon ang Papa ni Kelly upang iligtas siya sa kapahamakan.

Sa kasamaang palad ay patay na ang ama ni Kelly dahil inatake ito sa puso. Nauna siyang nagpaopera ng kaniyang puso dahil sa obesity, halos isang milyon ang kanilang nagastos. Ang perang iyon ay kanila pang inutang. Kaya noong namatay siya ay nakipagkasundo ang daddy ni Ashburn na si Ashton sa pamilya ni Kelly na sila na mag-aahon sa kanila sa kahirapan dahil naging responsibilidad na sila ng pamilya Montemayor.

Kinailangan lamang magpakasal ni Kelly upang mapaniwala ang mga tao na ikinasal sila dahil sa pagmamahal, hindi dahil may utang na loob lamang sila. Walang nagawa si Ashburn dahil sa kanilang dalawang magkapatid ay siya na lamang ang walang asawa.

Labis na hindi nagustuhan ni Kelly nang malaman iyon, ngunit wala siyang magawa dahil kailangan din naman nila ng pera.

Ini-lock pa muna ni Kelly ang pintuan sa kaniyang kuwarto bago magtungo sa kaniyang higaan.

Inayos niya ang daster niyang hapit na hapit sa magandang hugis na katawan.

"Bahala na kung ano'ng mangyari bukas," sambit niya sa kaniyang sarili, at saka ipinikit ang mga mata.

Nagising siya nang mag-aalas sais na ng umaga.

Agad niyang kinuha ang cellphone niyang nasa lamesa sa tabi ng kaniyang kama at saka tinawagan ang number ni Niana.

Habang nag-riring ang kabilang linya ay tumayo muna siya at tinignan ang sarili niya sa salamin.

"Hello?"

Namamaos pa ang boses ni Niana sa kabilang linya.

"Kagigising mo lang?" Tanong naman ni Kelly habang sinusuklayan ang mahaba at unat niyang buhok.

Umubo pa muna si Niana bago sumagot.

"Oo. Tsaka masakit ang ulo ko. Uminom kasi ako kagabi bago kami umuwi nina tita."

"Magbihis ka na dahil may pupuntahan tayo," utos ni Kelly sa kaniya.

Narinig naman niya ang pagdaing ni Niana sa kabilang linya.

"Saan naman tayo pupunta? Ang aga aga pa, Kelly!" Pagmamaktol niya.

Bumuntong hininga naman si Kelly.

"Maghahanap tayo ng trabaho."

Inilayo niya ang tainga niya sa kaniyang cellphone nang marinig niyang mahulog ang cellphone ni Niana sa sahig.

"Akala ko ba hindi pa ngayon? Biglaan ka naman yatang nagyayaya. Kakatapos lang ng kasal mo, 'te!"

Napaupo ulit si Kelly sa edge ng kaniyang higaan.

"Last year pa sana tayo naghanap. Kaso nga eh may nangyari kay Papa. Magdadalawang taon na tayong graduate sa college, pero wala pa tayong experience," sabi ni Kelly.

"Teka nga! Bakit ba nagmamadali ka? Eh wala naman na kayong utang. Tsaka kahit hindi ka na nga magtrabaho. Kung ako lang din ang makakapag-asawa ng lalakeng may malaking kumpanya at maraming mga ari-arian, hindi na ako magtatrabaho," natatawang sabi naman ni Niana.

"Ayokong umasa lang sa gurang na 'yon 'no. Balak kong bayaran sa kaniya ang binayaran niyang utang namin. Kung tutuusin ay hindi naman mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi sila nagpumilit na tumulong sa amin. Ang gulo kasi ng mga nangyari. Hindi ko maintindihan bakit kailangan ko pang ikasal sa gurang na 'yon!" Inis na sambit niya.

Natawa naman si Niana sa kabilang linya.

"Bakit ba gurang ang tawag mo sa kaniya?"

Natatawang tanong ni Niana.

"Gurang naman na talaga siya. Para sa akin, matanda na ang 27 years old, kumpara sa katulad kong 22 lang."

"Ang bastos mo! Limang taon lang naman ang agwat niyo! Hindi naman siya mukhang matanda. Ang pogi kaya ng asawa mo! Tutal mag-asawa na kayo, baka naman puwede mong tignan kung ilan ang abs niya!"

Inilayo ulit ni Kelly ang cellphone sa kaniyang tainga dahil sa ingay ni Niana.

"Ayoko nga! Baka lagnatin pa ako. Pinaglihi yata 'yon sa yelo eh. Kung titignan mo, hindi mo malalaman ang emosyon niya. Gano'n talaga kapag matanda na, nagiging moody na. Nakakaloka ang gurang na 'yon."

Bumuntong hininga pa siya matapos sabihin iyon.

"Sige na. Kakain muna ako. Kumain ka na rin. Sabayan mo ang asawa mong kumain. Pero okay din na ikaw ang almusal niya!"

"Nakakadiri ka, Niana!"

"Mahilig ka pa naman sa itlog! Hindi ba mahilig kang kumain ng itlog sa breakfast?"

Halos mamatay na sa kakatawa si Niana sa kaniya.

"Tumigil ka nga, Niana! Basagin ko pa itlog niya eh!"

Mas lalong natawa si Niana sa sinabi niyang iyon.

"Ang sama mo!" Sambit ni Niana.

"Sige na, bababa na ako. Magkita na lang tayo mamaya. I-tetext kita," wika niya, at saka pinatay ang tawag habang tumatawa pa rin si Niana.

Nag-ayos pa muna siya ng kaniyang sarili bago bumaba.

Iniwasan niyang gumawa ng ingay habang bumababa sa hagdanan.

"Baka magising ang yelong dragon," sabi niya sa kaniyang sarili.

Napatigil siya nang makarating siya sa kusina. Inusisa niya ang kabuuan ng kusina. Kumpleto ang gamit, at sobrang luwag sa loob.

Agad siyang lumapit sa refrigerator upang tignan ang laman.

Dahil sa hindi siya katangkaran ay nagmimistulang duwende siya sa laki ng ref.

"Wow!"

Namangha siya nang makitang kumpleto ang laman ng refrigerator.

Agad siyang naglabas ng dalawang itlog, isang supot ng hotdog, at isang supot ng tocino.

"Tignan natin kung hindi ka makikipaghiwalay sa'kin," natatawang sambit niya, saka siya pumunta sa stove para magluto.

Iniluto muna niya ang isang itlog at dalawang pirasong hotdog.

Agad siyang kumain nang maluto niya iyon.

Natatawa pa siya nang isunod niyang iluto ang para sa kaniyang asawa.

Sinigurado niyang sunog ang mga niluto niya para kay Ashburn.

"Pagtiyagaan mo na lang, Mr. Montemayor!" Sabi niya at humalakhak nang malakas.

Inayos niya pa sa lamesa ang niluto niya para makita iyon ng kaniyang asawa.

Napalingon siya sa may pintuan nang marinig niya ang yabag ni Ashburn.

Umalis naman agad siya sa kusina habang papasok ang kaniyang asawa.

Hindi man lang sila nagpansinan nang magsalubong sila sa loob.

Nagmadali siyang nagtago sa labas ng pintuan, saka siya sumilip kung ano ang magiging reaksyon ni Ashburn sa kaniyang inihandang almusal.

Pinipigilan niya ang pagtawa habang lumalapit ang asawa sa lamesa.

Kaugnay na kabanata

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 2

    Kumunot ang noo ni Ashburn nang makita niya ang sunog na itlog, hotdog, at tocino sa lamesa."Pinaglihi ba siya sa uling? I thought, graduate siya ng Hospitality Management? She can't even fry," sambit niya. Dinig na dinig naman iyon ni Kelly sa may pintuan."Disgusting," dagdag niya pa, saka kinuha iyon at itinapon sa basurahan.Kumuha siya ng mug, at saka nagtimpla na lamang ng kape.Nagmadali namang naglakad paalis si Kelly nang masaksihan niya ang reaskyon ni Ashburn sa kaniyang ginawa.Agad siyang naligo at nagbihis para sa kanilang pupuntahan.Sinigurado

    Huling Na-update : 2022-01-31
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 3

    Napahawak pa siya sa kaniyang kanang paa, saka siya napaupo sa hagdanan."Hindi mo puwedeng kontrolin ang pagmamahal. Kaya huwag mo akong utusan," inis na sambit niya kay Ashburn."What are you saying? Ang sabi ko, magpanggap ka na parang mahal mo ako, kahit hindi."Humakbang palapit si Ashburn sa kaniya at tinignan pa siyang maigi.‘Hindi man lang ako patayuin ng gurang na 'to.’Agad naman siyang tumayo kahit masakit ang kanang paa niya."Kahit na. Ayokong magpanggap na mahal ko ang isang tao, lalo na kung ikaw," sagot ni Kelly.

    Huling Na-update : 2022-01-31
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 4

    “Akala mo tahimik, pero may itinatagong kamanyakan ang gurang na 'yon! Makapagsabing lansones lang daw. Tsk! Pasalamat siya, hindi ko pa nakikita ang lahat sa kaniya. Nakakainis talaga!"Maagang pagmamaktol ni Kelly sa kaniyang kuwarto habang itinatali ang kaniyang buhok."Kung nandito lang si Papa, hindi niya ako hahayaang bastusin ni gurang," dagdag niya pa nang matapos niyang ayusin ang kaniyang sarili sa harap ng salamin.Nagmadali siyang bumaba upang hindi makasabay ang kaniyang asawa.Pagkalabas niya ng kanilang bahay ay biglang umambon kaya inilabas niya ang kaniyang payong.&n

    Huling Na-update : 2022-02-16
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 5

    Agad pumasok si Kelly nang buksan ni Ashburn ang pintuan."Kanina ka pa?" Tanong ni Ashburn sa kaniya. Napalingon naman siya habang nakayakap sa sarili at nanginginig na sa lamig."Mga thirty minutes na. Naiwan ko kasi sa kuwarto 'yong susi ko," sagot niya.Tumutulo na sa sahig ang tubig galing sa kaniyang katawan at nakatingin lang si Ashburn sa kaniya."Tapos ang tagal mo pang magbukas. Hindi mo ba ako naririnig kanina?" Iritadong tanong ni Kelly. Umiling naman si Ashburn.Bumuntong hininga siya at dali-daling umakyat patungo sa kaniyang

    Huling Na-update : 2022-02-21
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 6

    Naestatwa si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at ilang beses pa siyang napalunok."Ashburn! Your wife's home!" Sigaw ng lalaking may katangkaran at blond ang buhok. Nakangiti ito kay Kelly na parang kilalang kilala niya ito. Kaya kahit nag-aalangan ay napangiti na lang din si Kelly."How's work?" Tanong naman ng isang lalakeng may hawak ng isang beer. Kahit nakaupo siya ay halatang matangkad siya. Agaw pansin ang kaniyang nunal sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata."A-Ah, okay naman po. Sorry, hindi kasi sinabi ni A-Ashburn na may bisita siya," alanganing sagot niya.Napahawak siya nang mahigpit sa kaniyang backpack na inilag

    Huling Na-update : 2022-02-23
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 7

    Matapos ang isang linggo sa trabaho ni Kelly ay dumating ang araw na magiging acting supervisor muna siya habang wala ang kanilang Dining Supervisor. Kaya alas singko pa lang ng umaga ay gising na siya.Habang nasa kusina siya at nagluluto ng kaniyang almusal ay tinawagan niya si Niana."Ang aga aga naman, Kelly," namamaos pang sagot ni Niana sa tawag."Baka nakakalimutan mo, 'te, alas syete tayo ngayon. Kasabay natin ang mga taga-kitchen para maihanda ang menu. Wala tayong kasama ngayon, puro mga backup," paalala niya habang nagpriprito ng itlog.Narinig niya naman sa kabilang linya si Niana na nagbuntong hininga.

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 8

    Nakaramdam ng pagkauhaw si Kelly nang madaling araw kaya inayos niya ang kaniyang sarili bago bumaba."Baka mamaya eh nandoon na naman si gurang," sambit niya saka inayos ang kaniyang white na daster.Wala ulit siyang suot na bra ngunit naka-nipple tape na siya para hindi masyadong nakakahiya.Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan dahil mahaba ito at walang ilaw sa hagdanan. Tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob.Nang makarating siya sa kusina ay kinapa niya ang switch ng ilaw doon at saka binuksan.A

    Huling Na-update : 2022-03-02
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 9

    Habang tinitignan ni Kelly ang kaniyang mukha sa maliit niyang salamin ay bigla siyang inakbayan ni Niana na kadarating pa lang."Kumusta ang day off mo?" Tanong ni Niana saka binitawan si Kelly at binuksan ang kaniyang locker.Napalingon pa muna si Kelly sa kaniya."Maayos naman. Ikaw? Natulog ka na naman siguro maghapon," wika ni Kelly.Lumabi naman si Niana sa kaniya."Ano pa nga ba? Nag-beauty rest ako syempre."Natawa naman si Kelly sa kaniya.

    Huling Na-update : 2022-03-03

Pinakabagong kabanata

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 48

    Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 47

    "A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 46

    Hindi nakaimik si Kelly at naramdamang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kaliwang mata.Bigla siyang humarap sa kaniyang asawa na ikinagulat naman ni Ashburn. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya kitang-kita ni Ashburn ang pagluha ni Kelly. Sinamaan ni Kelly ng tingin ang kaniyang asawa."A-Alam mo, mahilig kang umiwas sa mga bagay ano? Kapag alam mong may nasasaktan ka na ay tatalikod ka na agad. Ang pamilya mo ang may gustong ikasal tayo, tapos ngayong nahihirapan ka na sa'kin, bibitaw ka na agad? Napakatalino mo pero wala kang paninindigan," sambit niya saka tumalikod ulit at nagpigil ng iyak ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha."I'm always hurting you," mahinang wika ni Ashburn at niyakap si Kelly sa kaniyang likuran. Patuloy naman siya sa pagpahid ng kaniyang luha.‘Kaya ka bumibitaw dahil hindi mo alam kung paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.’Alam niyang hindi pa siya handa para iwan ng kaniyang asawa.Kinabukasan, tahi

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 45

    Nang maibaba ni Kelly ang tawag ay natulala siya at biglang namawis ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks."Ano, 'te, okay na?" Tanong ni Niana at saka lumapit sa kaniya."S-Sasakay na lang ako ng traysikel pauwi. B-Busy raw kasi si Ashburn eh," pagpapalusot niya. Tumango tango naman si Niana.Iniabot naman niya ang cellphone niya kay Niana."Ipasa mo na lang 'yong mga pictures mo," sambit niy. Ngumuso naman si Niana."Ano ba 'yan, mas magaling kang mag-edit kaysa sa'kin eh," wika naman niya saka kinuha ang cellphone ni Kelly.Napakunot naman ng noo si Kelly at inalala kung may iba pa bang babaeng binabanggit si Ashburn. Napailing na lang siya nang wala siyang maalala.Nang makauwi siya ay hindi pa rin siya mapakali at tinawagan ulit ang kaniyang asawa habang naghihintay siya sa sala.Napakagat siya sa kaniyang labi nang hindi pa rin sumasagot si Ashburn sa kaniyang mga tawag.Napaupo siya sa sofa at nanlumo nang hindi man lang niya nakausap ang ka

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 44

    Kinabukasan ay maagang nagising si Kelly ngunit wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa.Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka tumagilid at humarap sa puwesto ni Ashburn kagabi.Mas lalo siyang naguluhan sa iniasta ni Ashburn kagabi."Mas marupok pa yata ako sa kahoy," wika niya saka hinaplos ang higaan kung saan nakapuwesto ang kaniyang asawa kagabi.Napatingin muna siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Naalala niyang mag-seserve sila nang alas syete ng umaga tuwing weekend kaya nag-inat siya at lumabas na sa kaniyang kuwarto.

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 43

    Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang ilang segundo na ay hindi pa sumagot ang kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lang siya at umiwas ng tingin."I don't have any plans para balikan siya," sagot ni Ashburn.Natawa naman si Kelly saka siya napailing. Nakatingin lang sa kaniya ang asawa at tumayo ito saglit upang kumuha ng maiinom nila.Nang mailapag niya ang tubig ni Kelly sa harapan nito ay bumaling si Kelly sa kaniya."How well do you know your ex?" Tanong niya.

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 42

    Nagmadaling lumapit ang isang server na lalake kina Niana nang makita nitong natumba si Kelly."Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito kay Niana."May lagnat kasi siya. Ayaw niyang umuwi," kabadong sagot ni Niana habang hawak ang nakahandusay na katawan ni Kelly. Hindi naman siya mapakali habang nakahawak sa kaniyang kaibigan.Nagsilapitan naman ang ibang mga servers ngunit nang mapansin nilang tumitingin din ang mga guests ay pinakalma muna nila ang mga ito at sinabing ayos lang si Kelly.Bubuhatin na sana ng server si Kelly ngunit may tumakbong lalakeng nakaitim at naka-facemask papalapit sa kanila.

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 41

    Napatigil si Kelly sa kaniyang nakita at napasulyap sa kaniyang asawa na seryoso lamang sa kaniyang upuan habang abala sa pagkain.Nanlabo ang kaniyang paningin, ngunit bago pa siya tuluyang matumba ay dahan-dahan na siyang umalis doon habang hawak pa rin ang mga regalo.Bigla siyang napaupo sa sahig nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nag-uunahang pumatak ang kaniyang mga luha.Pinunasan niya ang kaniyang basa nang mukha ngunit hindi tumigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Napatungo na lang siya sa kaniyang tuhhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak."Bakit s-sa'yo pa?" Tanong ni

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 40

    Nang makauwi si Kelly ay wala na naman siyang ganang humarap sa kaniyang asawa dahil naiisip na naman niya ang sinabi sa kaniya ni Niana na baka may anak si Belinda at Ashburn.Habang kumakain ay nakatulala siya habang ngumunguya.'Kung sakaling totoo 'yon, at kapag nagkataon na nabuhay ang anak nila ay parang ako pa ang sumira ng kanilang pamilya. Pero kung totoo 'yon, hindi na sana niya ako pinakasalan.'"Good evening!"Napalingon naman si Kelly kay Ashburn nang pumasok ito sa kusina. Napaiwas agad siya ng tingin nang lumalakad na ito papalapit sa kaniya.

DMCA.com Protection Status