Naestatwa si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at ilang beses pa siyang napalunok.
"Ashburn! Your wife's home!" Sigaw ng lalaking may katangkaran at blond ang buhok. Nakangiti ito kay Kelly na parang kilalang kilala niya ito. Kaya kahit nag-aalangan ay napangiti na lang din si Kelly.
"How's work?" Tanong naman ng isang lalakeng may hawak ng isang beer. Kahit nakaupo siya ay halatang matangkad siya. Agaw pansin ang kaniyang nunal sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata.
"A-Ah, okay naman po. Sorry, hindi kasi sinabi ni A-Ashburn na may bisita siya," alanganing sagot niya.
Napahawak siya nang mahigpit sa kaniyang backpack na inilagay niya sa kaniyang harapan.
Napatingin siya nang lumabas si Ashburn mula sa kanilang kusina at may hawak na mga baso at ice
bucket.
"Dito na kami uminom kasi mahangin sa garden," kalmadong sabi ni Ashburn saka inilapag ang mga dala sa lamesang maliit.
"You should join us," aya ng lalakeng blond ang buhok.
"This is Ausbert," pakilala ni Ashburn sa blond ang buhok, saka niya hinawakan ito sa balikat.
Kumaway naman sa kaniya si Ausbert.
"And this is Liam," sabi ni Ashburn sabay turo sa lalakeng may nunal.
Tumayo naman ito at inilahad ang kamay sa harapan ni Kelly.
Nagulat naman si Kelly ngunit nakipag-shake hands naman siya.
"She's Kelly," sambit ni Ashburn.
"Nice to meet you," wika naman ni Ausbert.
"N-Nice to meet you din po," alanganing sagot ni Kelly.
‘Ang guguwapo naman! Mga artista ba 'to?’
Kahit kinakabahan ay hindi maitago ni Kelly ang kilig sa harapan ng mga guwapong kaibigan ng kaniyang asawa.
"Come and join us," aya ulit ni Ausbert.
"No. Magbibihis muna siya. Galing siya sa work, she needs to rest first. Tapos bababa siya mamaya," sambit ni Ashburn.
Napatingin naman sa kaniya si Kelly.
"H-Ha?" Nauutal na tanong ni Kelly.
"Yes. Bababa ka mamaya," seryosong sagot ni Ashburn sa kaniya at deretso itong nakatingin sa kaniya.
"Okay. Magbibihis muna ako. E-Excuse me po," paalam niya kina Ashburn at nagmamadali siyang umakyat sa kaniyang kuwarto.
Pagkapasok niya sa kuwarto niya ay agad siyang naupo sa kaniyang kama.
"Bakit ngayon pa sila pumunta? Kung kailan ang haggard ko!" Sambit niya saka siya napahawak sa kaniyang ulo.
"Hindi puwedeng losyang ako tignan. Mayaman si Ashburn at mataas ang standards nila, kaya dapat malinis ako tignan," dagdag niya pa saka siya tumayo at kumuha ng maayos niyang damit sa cabinet.
Fitted sky blue shirt na v-neck at dark blue na shorts ang kinuha niya.
Agad siyang nag-half bath saka nag-ayos ng kaniyang sarili. Nag-messy bun lang siya ngunit maayos siyang tignan.
Tinignan pa muna niya ang itsura niya sa salamin habang inaayos ang damit. Kitang kita ang kurba ng kaniyang katawan.
Dahan dahan siyang bumaba sa hagdan at pumuslit sa kusina.
Inopen niya ang refrigerator kung ano ang maaari niyang lutuin para sa mga bisita ni Ashburn.
Tinignan niya kung may mga seafoods na puwede niyang lutuin. Tahong ang kaniyang inilabas at agad na nilinisan.
Naglabas din siya ng kakailanganin at tatlong malalaking sibuyas.
Dahil kumpleto sila sa mga gamit at ingredients ay mabilis niyang nahanap ang kaniyang kakailanganin.
Nang matapos siyang maghanda ay inilagay na niya sa oven ang tahong. Bumaling naman siya sa mga sibuyas at isa isang tinadtad nang pabilog.
Uminom pa muna siya ng tubig bago ituloy ang ginagawa sa sibuyas.
Naglabas siya ng frying pan at nagpainit ng mantika.
Nang marinig niyang tumunog ang oven ay agad niya iyong binuksan saka inilagay muna sa countertop. Naghanap naman siya ng magandang platter at doon inilagay ang niluto niyang mussels.
Bumalik siya sa kaniyang ipinapainit na mantika saka naglagay ng sibuyas na may harina at mga pampalasa.
Pinahinaan muna niya ang apoy upang hindi masunog.
Huminga pa siya saka kinuha ang niluto niyang tahong saka nagtungo sa sala kung saan naroon sina Ashburn.
"Hello po. Umiinom po kasi kayo kaya nagdala ako ng pulutan," nahihiyang sambit ni Kelly.
Napalingon naman sa kaniya ang tatlong lalake.
Inilapag naman niya ang niluto niya sa harapan nila.
"Wow! Thank you! Mukhang masarap," sabi ni Ausbert saka kumuha ng isa.
Tumikim din si Liam at nag-thumbs up pa siya kay Kelly. Nakangiti lang si Kelly sa kanila.
"Where did that come from?" Tanong naman ni Ashburn sa kaniya. Napalingon naman si Kelly sa kaniya.
"Niluto ko," sagot ni Kelly.
Hindi naman makapaniwala si Ashburn sa kaniya.
"You should try it, Ashburn. Ang sarap ng baked tahong," sambit ni Liam.
Nagdalawang-isip naman si Ashburn ngunit kumuha pa rin siya para hindi mapahiya si Kelly.
Nakatingin naman si Kelly sa kaniya habang nginunguya iyon.
"Ano'ng lasa?" Tanong ni Kelly. Napalingon sa kaniya si Ashburn at saka lumunok.
"Masarap," sagot niya lang.
Lumabi naman si Kelly sa kaniya.
"I didn't know na magaling magluto ang napangasawa mo, Ashburn. Busog na busog ka siguro," wika ni Ausbert.
"A-Ah, yeah," parang nahihiyang sagot ni Ashburn saka umiwas sa tingin ni Kelly.
"Excuse me po, may niluluto pa po kasi ako doon," paalam ni Kelly sa kaniya.
"Nice. Thank you, Kelly!" Pagpapasalamat ni Liam sa kaniya. Ngumiti naman siya.
Agad siyang bumalik sa kusina at itinuloy ang pagluluto.
"Ay!" Gulat niyang sambit nang paglingon niya upang kunin ang strainer ay nandoon na sa tabi niya si Ashburn.
"Bakit ba sa tuwing sumusulpot ka eh hindi ko napapansin?" Inis na wika ni Kelly at saka nilagpasan si Ashburn.
Bumalik siya upang hanguin ang niluluto niya at inilagay sa strainer.
Nakatingin naman si Ashburn sa kaniya at nakapamewang.
"Ano? Manunuod ka po ba?" Tanong ni Kelly.
"I thought, you don't know how to cook. I mean 'yong mga ganiyan," sabi ni Ashburn.
Natawa naman si Kelly habang inilalagay ang sibuyas sa pan.
"Tsk! Alam ko pong magluto. Ayaw lang kitang ipagluto, baka hanap hanapin mo," pang aasar niya.
"Joke lang! Ayaw po talaga kitang ipagluto," dagdag niya pa habang nakapamewang din kay Ashburn.
"Ouch!" Napahawak siya sa kaniyang noo nang pitikin iyon ni Ashburn. Sinamaan niya ito ng tingin.
"You should also cook for me. Baka nakakalimutan mong nasa bahay kita?" Kalmadong wika ni Ashburn sa kaniya. Nag-make face naman siya.
"Correction, bahay natin," sagot naman ni Kelly sa kaniya.
"You're right, it's our house. And it's responsibility of every wife to cook for their husband," sabi naman ni Ashburn sa kaniya.
"Gagawin mo pa akong katulong. Matuto ka kasing magluto. Ang yaman yaman mo tapos hindi mo alam magluto," wika ni Kelly saka hinalo halo ang kaniyang niluluto.
"Honestly, I really don't know you can cook. Bakit mo kasi sinunog ang breakfast ko after nating ikasal?" Tanong naman nito kay Kelly. Napalingon naman siya at saktong nagsubo naman ng isang onion ring si Ashburn.
"Sinadya ko po talaga 'yon. Hindi ka kasi mabait sa'kin," sagot niya.
Napatingin naman si Ashburn sa kaniya habang ngumunguya.
"Graduate ako ng Hospitality Management kaya alam ko. Syempre napag-aralan naming magluto," dagdag pa ni Kelly.
Si Ashburn naman ay naglakad patungo sa mga hanging cabinet at may kung ano'ng kinuha doon.
"It's better with dipping sauce," sambit niya saka naglagay ng sauce sa isang maliit na bowl.
"Huwag mong ubusin. Para sa mga poging kaibigan mo ang mga 'yan," saway naman ni Kelly kay Ashburn nang makita niya itong subo nang subo ng onion rings.
"Whatever. Magluto ka na lang nang marami. And also, huwag kang magsusuot ng maikli kapag may ibang tao. Hindi ka na teenager," paalala ni Ashburn sa kaniya.
Hinango naman ni Kelly ang kaniyang huling niluto at inilagay sa countertop.
"Bakit? Eh wala naman akong masyadong peklat. Minsan lang akong magsuot ng shorts," sambit naman ni Kelly.
"I don't like that kind of style. Mga bata lang ang nagsusuot ng ganiyan, and you're not a kid anymore. You're married," saway pa rin ni Ashburn sa kaniya.
Lumabi naman si Kelly sa kaniya.
"Go change your shorts, wear something long," dagdag pa niya.
"Ayoko nga! Ano'ng susuotin ko? Pajama? Presentable naman akong—ay sh*ta!"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang buhusan ni Ashburn ng kaunting tubig ang shorts niya. Napatunganga siya at nakanganga pa siya dahil sa gulat.
"Now, you have a reason to change. Go change," utos ni Ashburn.
Inilagay ni Ashburn sa tray ang niluto ni Kelly at binuhat.
"I know you're comfortable with that, but I'm not. Bumaba ka rin agad, they wanna talk to you," wika ni Ashburn saka lumabas sa kusina hawak ang tray.
Nang makalabas si Ashburn ay napatingin si Kelly sa kaniyang shorts.
"Ugh! Kainis talaga 'yong gurang na 'yon!" Inis niyang sambit.
"Kung makapag-utos parang tatay ko," dagdag niya pa.
Nang maramdaman niya ang lamig mula sa tubig sa kaniyang shorts at nadagdagan pa ang lamig dahil sa aircon, agad siyang umakyat sa kaniyang kuwarto nang hindi napapansin nina Ashburn.
Naghanap na lang siya ng wide leg pants at nagsuot ng sandals na may heels.
"Ang hirap pala maging asawa ng mayaman. Dapat lagi akong magmukhang mabango," sabi niya saka siya nagbuntong hininga.
Naglagay siya ulit ng pulbo sa kaniyang mukha saka inayos ang pagkakatali ng kaniyang buhok at itinali nang mataas.
Nakangiti siyang bumaba kahit hindi pa nakatingin sa kaniya ang mga bisita niya.
Si Ashburn ang unang tumingin sa kaniya kaya nagbago ang ngiti niya at sinamaan niya nang tingin ang kaniyang asawa.
"There you are," sambit ni Ausbert kaya napangiti ulit siya.
Apat ang sofa doon pero pinili niyang umupo sa tabi ni Ashburn. Para na rin maniwala silang mahal nila ang isa't isa.
"So, paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Liam saka siya uminom ng beer.
"Wala pa akong naikukuwento sa kanila," pasimpleng bulong ni Ashburn sa kaniya.
Napangisi naman si Kelly saka kumuha ng isang onion ring at kinain.
"Nagkakilala po kami sa isang book shop. Naghahanap po ako dati ng libro, and 'yong nakita kong gusto ko ay nasa pinakamataas na shelf," panimula ni Kelly.
Nakatingin lang sa kaniya ang mga kaibigan ni Ashburn, habang ang kaniyang asawa ay nagtatakang nakatingin sa kaniya. Iniisip kung ano ang gagawin niyang kuwento.
"Then Ashburn came at tinulungan ka?" Tanong ni Ausbert habang nakadekwatrong nakaupo at may hawak na beer sa kaniyang kanang kamay.
Tumango naman si Kelly at ngumiti, nagpapanggap na kinikilig.
"Tinulungan niya po akong makuha 'yong libro. Nag-thank you ako sa kaniya, tapos pagtalikod ko, bigla niya akong hinatak at iniharap sa kaniya. Nagulat po talaga ako that time," pagpapatuloy niya ng kaniyang pekeng kuwento.
Nagpigil ng tawa si Kelly nang mapalingon si Ashburn sa kaniya at nakakunot ang kaniyang noo.
"Wow! Wild pala ang nag-iisang Ashburn," komento ni Liam saka sila natawang dalawa ni Ausbert.
"What did he say?" Tanong ni Ausbert sa kaniya.
Kunwaring tumingin pa si Kelly kay Ashburn saka ibinalik ulit ang tingin sa dalawang lalake.
"He said that the surroundings lit up when he saw me and he did not want to miss meeting me. So sweet," sagot ni Kelly at lumingon ulit kay Ashburn.
Nakakunot pa rin ang noo ni Ashburn. Pasimple niyang inilagay ang kamay niya sa likod ni Kelly at bahagyang kinurot.
Tinabig ni Kelly ang kamay ni Ashburn gamit ang kaniyang kaliwang kamay.
"Naks! Saan ka natuto ng mga ganoong banat, Ashburn? You're so corny, bro," natatawang sambit ni Ausbert.
"You're so silent, tapos may itinatago ka palang wild side," dagdag naman ni Liam.
Nagbuntong hininga naman si Ashburn saka kumain ng onion rings.
"You're still remember that moment? I mean noong nakita mo si Kelly?" Tanong ni Ausbert. Napatingin naman sa kaniya si Ashburn.
"Y-Yeah. I will not forget about that," sagot naman ni Ashburn. Pasimple siyang tumingin kay Kelly na nagpipigil naman ng tawa.
"Alam mo, Kelly, napakabait niyan ni Ashburn. Kahit tahimik 'yan, bawat salita niyan, hindi mo makakalimutan," sambit naman ni Liam.
Tumango naman si Kelly.
‘Hindi ko talaga makakalimutan na tinawag niya akong ignorant at lansones!’
"Alagaan mo siya nang maayos, kahit napaka-bossy niya," wika naman ni Ausbert.
"Opo. Pero hindi na siya ang boss ngayon," natatawang sagot ni Kelly. Nagtawanan naman sila maliban kay Ashburn na seryosong nakatingin kay Kelly.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam muna si Kelly saka iniwan ang magkakaibigan.
Tumambay siya sa isang sala nila sa second floor at doon humilata habang nag-cecellphone.
"Umuwi na sila," sambit ni Ashburn.
Napaupo naman si Kelly nang marinig niya ang boses ni Ashburn at diretso itong nakatingin sa kaniya.
"Okay."
"Why did you say that?" Tanong ni Ashburn saka umupo sa sofa sa harap ni Kelly.
"Ang alin?"
"About sa nag-meet tayo sa book shop," wika ni Ashburn. Bahagyang natawa naman si Kelly.
"You know, hindi ako nagpupunta sa mga book shop dahil may library ako sa dati naming bahay, and marami kaming mall," dagdag ni Ashburn.
Napakamot naman ng ulo si Kelly.
"Eh ano'ng magagawa ko? Nasabi ko na po. Tsaka ayaw mo no'n? Parang fairy tale 'yong sinabi ko kahit hindi naman totoo," natatawang sagot naman ni Kelly.
"Hindi ako gano'ng klaseng lalake na manghahatak na lang basta-basta at magsasabi ng cheesy lines," sabi naman ni Ashburn.
"Kunwari nga lang 'yon. Affected ka masyado? Alam ko namang hindi ka gano'n. Tsk. Baka nga hindi ka pa nakahawak ng babae," sambit naman ni Kelly.
"What did you say?"
Napatigil si Kelly dahil sa seryosong tingin ni Ashburn sa kaniya. Unti-unti siyang napatayo sa kinauupuan at naghandang umalis.
"Nagbibiro lang ako. Baka nga m-marami ka nang nahawakang babae dahil mayaman ka," alanganing sagot niya.
"Come here," utos sa kaniya ni Ashburn.
Napalunok naman siya.
"W-Why?" Tanong ni Kelly at napahawak sa kaniyang sarili.
Sinenyasan naman siya ni Ashburn na lumapit.
Dahan-dahan namang lumapit si Kelly, ngunit nang malapit na siya kay Ashburn ay nilagpasan niya ito at tumakbo.
"Stubborn."
Matapos ang isang linggo sa trabaho ni Kelly ay dumating ang araw na magiging acting supervisor muna siya habang wala ang kanilang Dining Supervisor. Kaya alas singko pa lang ng umaga ay gising na siya.Habang nasa kusina siya at nagluluto ng kaniyang almusal ay tinawagan niya si Niana."Ang aga aga naman, Kelly," namamaos pang sagot ni Niana sa tawag."Baka nakakalimutan mo, 'te, alas syete tayo ngayon. Kasabay natin ang mga taga-kitchen para maihanda ang menu. Wala tayong kasama ngayon, puro mga backup," paalala niya habang nagpriprito ng itlog.Narinig niya naman sa kabilang linya si Niana na nagbuntong hininga.
Nakaramdam ng pagkauhaw si Kelly nang madaling araw kaya inayos niya ang kaniyang sarili bago bumaba."Baka mamaya eh nandoon na naman si gurang," sambit niya saka inayos ang kaniyang white na daster.Wala ulit siyang suot na bra ngunit naka-nipple tape na siya para hindi masyadong nakakahiya.Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan dahil mahaba ito at walang ilaw sa hagdanan. Tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob.Nang makarating siya sa kusina ay kinapa niya ang switch ng ilaw doon at saka binuksan.A
Habang tinitignan ni Kelly ang kaniyang mukha sa maliit niyang salamin ay bigla siyang inakbayan ni Niana na kadarating pa lang."Kumusta ang day off mo?" Tanong ni Niana saka binitawan si Kelly at binuksan ang kaniyang locker.Napalingon pa muna si Kelly sa kaniya."Maayos naman. Ikaw? Natulog ka na naman siguro maghapon," wika ni Kelly.Lumabi naman si Niana sa kaniya."Ano pa nga ba? Nag-beauty rest ako syempre."Natawa naman si Kelly sa kaniya.
Kinaumagahan ay maagang nagluto ng almusal si Kelly, at saktong kakagising lang ni Ashburn nang patapos na siya.Agad namang naupo si Ashburn sa dining area matapos siyang magtimpla ng kaniyang kape.Kumuha ng dalawang plato si Kelly at inilapag ang isa sa harapan ni Ashburn, saka nilagyan ng spoon and fork.Hindi na lang siya nagsalita dahil naaalala niya ang sinabi ng kaniyang asawa kagabi at baka mawalan pa siya ng pasensya sa pagiging isip-bata ni Kelly.Sabay silang kumain at walang nagsasalita sa kanilang dalawa.Napabalikwas si Kelly
"Paano ka uuwi niyan? Wala pa namang traysikel," tanong ni Niana habang nakahawak sa braso ni Kelly.Si Kelly naman ay nakakuyom na ang dalawang kamay at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kabilang kalsada na pinagparadahan kanina ni Ashburn."Bwisit talaga 'yon eh! Maglalakad na lang ako," sagot ni Kelly."Baka naman may nasabi ka sa kaniya kanina kaya ka iniwan?" Sambit ni Niana. Napalingon lang siya kay Niana ngunit hindi siya sumagot.Biglang may mabilis na sasakyan ang pumarada sa kanilang harapan at saka sila napatingin doon."Oh,
"Excuse me? May order ako," pag-uulit ni Ashburn.Bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso."Kelly, he's calling you," sambit naman ni Kiel. Bumalik sa reyalidad si Kelly at saka lumapit kay Ashburn.Inilabas niya ang ballpen at order pad niya sa humarap kay Ashburn."W-What's your order, Sir?" Tanong ni Kelly habang pinipigilan ang panginginig ng kaniyang kamay dahil iniisip niya pa rin ang tanong ni Kiel sa kaniya.Umorder naman si Ashburn ng kape."Bawa
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kelly kay Liam at Ausbert habang naghihintay ng sagot.Sabay naman ang dalawa na uminom ng kanilang beer kaya napainom na rin si Kelly ng tubig dahil sa kabang nararamdaman.‘Mali yata ako ng pinasok na buhay.’Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay habang inilalapag ang baso sa lamesa."Si Belinda. Belinda Calama, she's a fashion designer. 6 years silang naging magkarelasyon ni Ashburn," sagot ni Liam sa kaniya habang nakatingin ito sa kaniya."Okay lang naman sa'yo, right? He's your husband now, h
"Hoy! Kanina pa kita tinatawag! Nakikinig ka ba?" Sambit ni Niana saka niyugyog ang balikat ni Kelly dahil nakatunganga lang ito sa kaniya habang nasa locker sila.Napakamot ng ulo si Kelly at saka siya bumuntong hininga."Ano?" Tanong ulit sa kaniya ni Niana.Napatingin lang sa kaniya si Kelly at isinara muna ang locker niya bago humarap ulit sa kaniyang kaibigan."May nagawa akong mali kay A-Ashburn," malumanay na sabi niya at nakakunot pa ang kaniyang noo."Hala ka. Ano'ng ginawa mo?" Nag-aalalang tanong ni Niana sa kaniya.
Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal
"A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l
Hindi nakaimik si Kelly at naramdamang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kaliwang mata.Bigla siyang humarap sa kaniyang asawa na ikinagulat naman ni Ashburn. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya kitang-kita ni Ashburn ang pagluha ni Kelly. Sinamaan ni Kelly ng tingin ang kaniyang asawa."A-Alam mo, mahilig kang umiwas sa mga bagay ano? Kapag alam mong may nasasaktan ka na ay tatalikod ka na agad. Ang pamilya mo ang may gustong ikasal tayo, tapos ngayong nahihirapan ka na sa'kin, bibitaw ka na agad? Napakatalino mo pero wala kang paninindigan," sambit niya saka tumalikod ulit at nagpigil ng iyak ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha."I'm always hurting you," mahinang wika ni Ashburn at niyakap si Kelly sa kaniyang likuran. Patuloy naman siya sa pagpahid ng kaniyang luha.‘Kaya ka bumibitaw dahil hindi mo alam kung paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.’Alam niyang hindi pa siya handa para iwan ng kaniyang asawa.Kinabukasan, tahi
Nang maibaba ni Kelly ang tawag ay natulala siya at biglang namawis ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks."Ano, 'te, okay na?" Tanong ni Niana at saka lumapit sa kaniya."S-Sasakay na lang ako ng traysikel pauwi. B-Busy raw kasi si Ashburn eh," pagpapalusot niya. Tumango tango naman si Niana.Iniabot naman niya ang cellphone niya kay Niana."Ipasa mo na lang 'yong mga pictures mo," sambit niy. Ngumuso naman si Niana."Ano ba 'yan, mas magaling kang mag-edit kaysa sa'kin eh," wika naman niya saka kinuha ang cellphone ni Kelly.Napakunot naman ng noo si Kelly at inalala kung may iba pa bang babaeng binabanggit si Ashburn. Napailing na lang siya nang wala siyang maalala.Nang makauwi siya ay hindi pa rin siya mapakali at tinawagan ulit ang kaniyang asawa habang naghihintay siya sa sala.Napakagat siya sa kaniyang labi nang hindi pa rin sumasagot si Ashburn sa kaniyang mga tawag.Napaupo siya sa sofa at nanlumo nang hindi man lang niya nakausap ang ka
Kinabukasan ay maagang nagising si Kelly ngunit wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa.Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka tumagilid at humarap sa puwesto ni Ashburn kagabi.Mas lalo siyang naguluhan sa iniasta ni Ashburn kagabi."Mas marupok pa yata ako sa kahoy," wika niya saka hinaplos ang higaan kung saan nakapuwesto ang kaniyang asawa kagabi.Napatingin muna siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Naalala niyang mag-seserve sila nang alas syete ng umaga tuwing weekend kaya nag-inat siya at lumabas na sa kaniyang kuwarto.
Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang ilang segundo na ay hindi pa sumagot ang kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lang siya at umiwas ng tingin."I don't have any plans para balikan siya," sagot ni Ashburn.Natawa naman si Kelly saka siya napailing. Nakatingin lang sa kaniya ang asawa at tumayo ito saglit upang kumuha ng maiinom nila.Nang mailapag niya ang tubig ni Kelly sa harapan nito ay bumaling si Kelly sa kaniya."How well do you know your ex?" Tanong niya.
Nagmadaling lumapit ang isang server na lalake kina Niana nang makita nitong natumba si Kelly."Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito kay Niana."May lagnat kasi siya. Ayaw niyang umuwi," kabadong sagot ni Niana habang hawak ang nakahandusay na katawan ni Kelly. Hindi naman siya mapakali habang nakahawak sa kaniyang kaibigan.Nagsilapitan naman ang ibang mga servers ngunit nang mapansin nilang tumitingin din ang mga guests ay pinakalma muna nila ang mga ito at sinabing ayos lang si Kelly.Bubuhatin na sana ng server si Kelly ngunit may tumakbong lalakeng nakaitim at naka-facemask papalapit sa kanila.
Napatigil si Kelly sa kaniyang nakita at napasulyap sa kaniyang asawa na seryoso lamang sa kaniyang upuan habang abala sa pagkain.Nanlabo ang kaniyang paningin, ngunit bago pa siya tuluyang matumba ay dahan-dahan na siyang umalis doon habang hawak pa rin ang mga regalo.Bigla siyang napaupo sa sahig nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nag-uunahang pumatak ang kaniyang mga luha.Pinunasan niya ang kaniyang basa nang mukha ngunit hindi tumigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Napatungo na lang siya sa kaniyang tuhhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak."Bakit s-sa'yo pa?" Tanong ni
Nang makauwi si Kelly ay wala na naman siyang ganang humarap sa kaniyang asawa dahil naiisip na naman niya ang sinabi sa kaniya ni Niana na baka may anak si Belinda at Ashburn.Habang kumakain ay nakatulala siya habang ngumunguya.'Kung sakaling totoo 'yon, at kapag nagkataon na nabuhay ang anak nila ay parang ako pa ang sumira ng kanilang pamilya. Pero kung totoo 'yon, hindi na sana niya ako pinakasalan.'"Good evening!"Napalingon naman si Kelly kay Ashburn nang pumasok ito sa kusina. Napaiwas agad siya ng tingin nang lumalakad na ito papalapit sa kaniya.