Habang tinitignan ni Kelly ang kaniyang mukha sa maliit niyang salamin ay bigla siyang inakbayan ni Niana na kadarating pa lang.
"Kumusta ang day off mo?" Tanong ni Niana saka binitawan si Kelly at binuksan ang kaniyang locker.
Napalingon pa muna si Kelly sa kaniya.
"Maayos naman. Ikaw? Natulog ka na naman siguro maghapon," wika ni Kelly.
Lumabi naman si Niana sa kaniya.
"Ano pa nga ba? Nag-beauty rest ako syempre."
Natawa naman si Kelly sa kaniya.
"Ay, alam mo ba, may mini ref na ako!" Masayang sambit ni Kelly at hinawakan pa ang magkabilang balikat ni Niana.
Napapalakpak naman si Niana dahil natutuwa siya sa munting kaligayahan ng kaniyang kaibigan.
"Wow! Binigay ni Sir Ashburn?" Tanong ni Niana.
Umiling naman si Kelly.
"Regalo ng isang relative niya noong kinasal kami," sagot niya saka niya ibinalik ang salamin niya sa kaniyang bag at isinara ang kaniyang locker.
"Sosyal! Iba talaga kapag mayaman 'no? Sa atin eh sapat na ang mga baso, plato, kutsara, tsaka mga pitsel. Okay na sa atin ang mga 'yon," natatawang sambit ni Niana habang inaayos ang bag niya sa kaniyang locker.
"Sa mga hotel ko lang 'yon nakikita. Sa sobrang ignorante ko nga eh mula pagtulog hanggang paggising ko, tinitignan ko 'yon," Sabi ni Kelly saka siya tumawa at napatakip sa kaniyang bibig.
"I'm happy for you, Kelly. Ngayon ka lang ulit naging masaya nang ganiyan sa isang bagay," nakangiting wika ni Niana sa kaniya.
Napatigil naman si Kelly sa pagtawa at ngumiti sa kaniyang kaibigan.
"Kapag galing ka kasi sa mahirap na buhay, natututo kang maka-appreciate sa mga bagay na ibinibigay sa'yo. Mahal man o mura," sabi niya.
"True ka diyan!" Sambit naman ni Niana at itinuro pa siya na parang tumpak na tumpak ang kaniyang sinabi.
"Aysus! Pumunta na tayo sa dining area, tutulong pa tayo sa mga nagbabalik nating mga kasama," aya ni Kelly sa kaniya.
Naghawak-kamay naman sila habang papalabas sa locker area nila.
"Ako na ang mag-bus out sa table 5, Sir," sabi ni Kelly sa isang waiter na matagal na doon.
"Maghati na lang tayo. Mahaba 'yong table eh, baka hindi mo kayaning ilagay sa tray mo lahat," sambit naman ng waiter. Ngumiti na lang siya saka tumango.
Abala naman siya sa pag-aayos ng table nang lumapit si Niana sa kaniya.
"Nasa office na raw ni Sir 'yong uniforms natin," bulong niya kay Kelly.
"After na lang nating mag-time out na kunin," sagot niya naman. Tumango lang si Niana sa kaniya at saka pinunasan ang lamesang kaharap ni Kelly.
Nang matapos silang mag-lunch ay pumuwesto muna sila sa harap ng counter dahil walang guests.
Nakaramdam ng pangangalay si Kelly sa kakatayo kaya itinapak tapak niya ang kaniyang dalawang paa. Hinaplos niya pa ang kanang paa niya sa ibaba ng kaniyang tuhod. Napadaing naman siya nang sumakit ang bukol na namuo doon.
"Masakit 'yang paa mo?" Tanong sa kaniya ni Niana habang nakatingin ito sa kaniyang paa.
Lumingon naman si Kelly sa kaniya saka umayos ng tayo.
"Kapag nahahawakan lang," sagot niya.
Kumunot naman ang noo ni Niana sa kaniya.
"Bakit?"
Napabuntong hininga naman siya at kinagat ang kaniyang labi bago sumagot.
"Natisod ako sa hagdanan."
"Ang tanga mo, 'te!" Pigil-tawang sambit ni Niana. Sinamaan niya naman ito ng tingin.
"Hinabol kasi ako ni Ashburn eh," wika ni Kelly.
Hinampas naman siya ni Niana na ikinagulat niya kaya napahawak siya sa kanang braso niya.
"Ano ba! Inaano kita?" Inis na tanong ni Kelly sa kaniya. Tumawa naman si Niana na mas lalong ikinainis ni Kelly.
"Naks! May habulan nang nangyayari! Yiee! Nagpahabol ka naman?" Pang-aasar nito sa kaniya.
"Tsk. Akala ko may gagawin siya sa'kin eh," sagot niya naman.
"Mamaya eh attracted na siya sayo," sabi ni Niana at sinundot pa ang tagiliran ni Kelly.
Itinulak naman siya ni Kelly kaya napatawa ulit siya sa ginawa ni Kelly.
"Tangek! Ni hindi nga niya ako pinatayo noong natumba ako," wika niya at pinagkrus pa ang kaniyang mga braso.
"Buti nga sa'yo. Ang sama mo sa kaniya eh."
Lumabi naman si Kelly habang tawang-tawa si Niana sa kaniya.
"Ako na nga ang natisod, ako pa ang masama?"
Hindi naman siya sinagot ni Niana at patuloy lang na tumatawa.
"Kunin na natin 'yong uniform," sambit ni Kelly habang tinatanggal ang tali ng kaniyang buhok sa harap ng kanilang locker.
"Wait lang," sabi naman ni Niana habang naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha.
"Naglalagay ka pa ng ganiyan eh si Sir lang naman ang nandoon," natatawang kantsaw ni Kelly sa kaniya.
"Kahit na, kailangan pa ring fresh. Let's go!"
Nauna pang naglakad si Niana papunta sa opisina ni Kiel at sumunod naman si Kelly sa kaniya.
Kumatok pa muna si Kelly bago binuksan ang pintuan. Pagkabukas nila ay agad na bumungad sa kanila ang nakapolong itim na si Kiel.
Napatingin ito sa kanila saka niya ibinaba ang kaniyang cellphone.
"Kukunin niyo na ang mga uniforms niyo?" Tanong nito sa kanila.
"Opo," sagot naman ni Niana.
"Here," sambit ni Kiel at iniabot sa kanila ang dalawang paper bag na agad naman nilang kinuha.
"Nagpatahi na rin kami ng slacks para kumpleto na," dagdag niya.
"Thank you po," pagpapasalamat ni Kelly. Ngumiti lang ito sa kanila.
"Mauna na po kami," paalam naman ni Niana at kumaway pa kay Kiel. Kumaway din ito sa kanila at saka ngumiti.
"Mas bagay na siguro sa atin ang naka-uniform," wika ni Niana saka inilabas ang pantaas ma uniform nila habang nakatayo sila sa gilid ng restaurant.
"Mamaya mo na isukat," sabi naman ni Kelly.
"I know. Titignan ko lang," sagot naman ni Niana. Itinaas niya ang hawak niyang uniform na kulay sage na may logo ng restaurant sa left side. May lagayan naman ng ballpen sa itaas na bahagi ng kaliwang sleeve nito, at may isang bulsa sa kanang bahagi ng harap nito, lagayan ng order pad.
"Okay naman ang kulay," komento ni Kelly. Agad naman iyong ibinalik ni Niana sa paper bag.
"Labhan na natin agad para magamit bukas," sabi ni Niana. Tumango naman si Kelly sa kaniya saka niya inayos buhok niyang inililipad papunta sa kaniyang mukha.
"Mauna na akong umuwi," paalam ni Kelly at saka pumara ng traysikel.
"Sige. Parating naman na raw si kuya," sagot ni Niana.
"Mag-ingat kayo," wika ni Kelly.
"Ikaw din."
Nauna nang umalis si Kelly doon at naiwang naghihintay naman si Niana sa gilid ng restaurant.
Nang makarating siya ay hindi niya napansin ang isang nakaparadang sasakyan sa kanilang garahe dahil tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa kanilang bahay.
"Kelly's home."
Napalingon agad si Kelly matapos isara ang pintuan.
Nandoong nakaupo ang parents ni Ashburn sa sofa nila. Deretso silang nakatingin sa kaniya, habang siya ay napalunok pa ng ilang beses.
Parehong nakadamit ng kulay asul ang mag-asawang Montemayor. Professional pa rin sila tignan kahit naka-casual lang sila.
‘Aatakihin yata ako sa gulat sa mga bisita ni Ashburn. Ang gaganda pa ng mga suot, habang napaka-jologs ko tignan.’
Napahigpit ang hawak niya sa paper bag.
"H-Hello po. Good evening po," alanganing sambit niya dahil maggagabi na.
"Ashburn told us na may trabaho ka raw," wika ng Daddy ni Ashburn na si Ashton. Mas lalong kinabahan si Kelly dahil sa lalim ng boses nito.
"A-Ah, yes po," sagot niya.
"Come and join us here, hija," aya naman ng Mommy ni Ashburn na si Lucilda.
Hindi naman agad nakapag-react si Kelly at naestatwa na sa kaniyang kinatatayuan.
Ngunit agad siyang lumapit sa kanila nang senyasan siya ni Lucilda na maupo.
Naupo naman siya sa isang bakanteng sofa sa harap nila.
"You're home," agad namang napatingala si Kelly kay Ashburn na kababalik lang mula sa kitchen at may dalang dalawang tsaa para sa mga magulang.
Umusog naman si Kelly nang maupo si Ashburn sa tabi niya.
"Bakit ka nagtrabaho, hija? Hindi ba maayos naman ang usapan natin na kahit hindi ka na magtrabaho? May pagkukulang pa ba kami?" Emosyonal na tanong ni Lucilda.
‘Kasing OA pala ni Ashburn ang Mommy niya.’
Nakuha niya pang mag-isip ng mga ganoong bagay kahit mabilis ang tibok ng kaniyang puso.
Sasagot na sana siya ngunit naunang nagsalita si Ashburn sa kaniya.
"She told me, Mom, that she wanted to pay off their debt to us, even though I said no need to," diretsong sabi ni Ashburn kaya napalingon siya sa kaniya.
Mas lalo siyang kinabahan nang ibalik niya ang tingin niya sa in-laws niya ay seryoso na silang nakatingin sa kaniya.
"Hindi mo na kailangang magtrabaho, anak. We promised your father that we would help you. Hanggang ngayon, tinatanaw ko pa ring utang na loob ang buhay ko sa kaniya," kalmado ngunit malakas na sambit ni Ashton kay Kelly.
"S-Sorry po. Gusto ko po kasing mabayaran kahit kaunti lang 'yong utang namin sa inyo," kabadong sagot ni Kelly.
"Hindi namin itinuturing na utang iyon, hija. Tulong 'yon dahil tinulungan niya rin si Ashton," sabi naman ni Lucilda.
"Gusto ko rin po kasing magtrabaho para may silbi po 'yong inaral ko," nahihiyang sambit ni Kelly ngunit nakaya niya pa ring ngumiti.
"Okay, kung 'yan ang makakapagpanatag ng loob mo, hija," nakangiting wika naman ni Ashton.
"Kung nagtatrabaho ka, Kelly, hinahatid ka ba ni Ashburn?" Tanong ni Lucilda.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Ashburn.
"H-Hindi po. Nagtatraysikel po ako papasok at pauwi galing sa trabaho," sagot niya.
Napatingin naman siya kay Ashton nang magbuntong hininga ito.
"Very ungentlemanly, Ashburn. You need to take your wife to her work. It's okay even if you're late to the office, as long as you can just take her to her work. Don’t let Kelly ride alone in passenger cars," maawtoridad na sabi ni Ashton.
Napalunok naman si Kelly dahil sa narinig.
"Y-Yes, Dad," sagot naman ni Ashburn.
"Huwag mo rin siyang papahirapan dito, Ashburn. Hindi siya empleyado mo, she's your wife," dagdag naman ng Mommy niya.
"But she was stubborn, it was hard for her to reprimand," depensa naman ni Ashburn sa kalmadong salita.
"Napaka—"
Hindi naituloy ni Kelly ang sasabihin dahil nahiya siya.
‘Kailangan ko rin bang mag-english?’
Napailing na lang siya sa kaniyang sarili.
"You need long patience, Ashburn. Remember, she is younger than you, and you are older than her," paalala naman ni Ashton.
Doon namang hindi napigilang matawa ni Kelly. Natigilan lang siya nang mapansin niyang pinagtitinginan na siya ng tatlo.
"Ehem. S-Sorry po," paghingi niya ng paumanhin.
‘Gurang naman kasi talaga siya.’
"She was no longer a kid, but she still behaves like one," sambit naman ni Ashburn. Lumabi naman si Kelly.
"Enough, Ashburn," saway naman ng Mommy niya.
Napabuntong hininga na lang si Ashburn.
Nang matapos silang mag-usap ay agad ding umalis ang mga in-laws ni Kelly.
"Huwag ka nang magluto, nag-order na ako ng dinner," sambit ni Ashburn nang makita niyang binuksan ni Kelly ang refrigerator.
"Okay."
Umupo naman silang dalawa sa maliit nilang dining area. Tumayo lang si Ashburn nang dumating na ang order niya.
"Takot ka sa Daddy mo 'no?" Pang-aasar ni Kelly sa kaniya habang ina-unpack nila ang mga inorder ni Ashburn.
"Why should I?"
"Aysus! Halata naman kanina," natatawang sabi ni Kelly.
"And you, napakaisip-bata mo pa rin. You need to behave when my family's here," wika ng kaniyang asawa.
"Yes po, kuya," pang-aasar niya pa. Napatigil naman siya nang sinamaan siya ng tingin ni Ashburn.
Sabay silang kumain at hindi pa rin nawala ang pang-aasar ni Kelly kay Ashburn.
"You know what, bagay talaga sa'yo ang pangalang ‘browny’. You know why?" Maarteng sambit ni Kelly.
Walang-ganang tumingin namansa kaniya si Ashburn saka uminom.
"Para kang aso, nagiging mabait kapag nandiyan na ang amo mo," natatawang pagpapatuloy niya.
"So childish. Ganiyan ka ba kapag kumakain ka?" Kalmado pa ring saway ni Ashburn.
"Aysus! Pikon! Wag your tail nga, browny!" Natatawang pang-aasar niya pa.
Napailing na lang si Ashburn sa kaniya.
"Kung aso ka, old ka na siguro. Mabuti hindi ka naging aso 'no? Chihuahua ka siguro or rottweiler, 'yong mga palabang aso," natatawang dagdag niya pa.
Hindi naman nakapagtimpi si Ashburn at inilapag ang kutsara at tinidor niya sa kaniyang plato at seryosong nakatingin kay Kelly.
"If I were just a dog, kinagat na kita ngayon," wika ni Ashburn na ikinatigil ng pagtawa ni Kelly.
Napatingin lang siya sa mga mata ni Ashburn at napalunok siya nang dalawang beses.
Kinaumagahan ay maagang nagluto ng almusal si Kelly, at saktong kakagising lang ni Ashburn nang patapos na siya.Agad namang naupo si Ashburn sa dining area matapos siyang magtimpla ng kaniyang kape.Kumuha ng dalawang plato si Kelly at inilapag ang isa sa harapan ni Ashburn, saka nilagyan ng spoon and fork.Hindi na lang siya nagsalita dahil naaalala niya ang sinabi ng kaniyang asawa kagabi at baka mawalan pa siya ng pasensya sa pagiging isip-bata ni Kelly.Sabay silang kumain at walang nagsasalita sa kanilang dalawa.Napabalikwas si Kelly
"Paano ka uuwi niyan? Wala pa namang traysikel," tanong ni Niana habang nakahawak sa braso ni Kelly.Si Kelly naman ay nakakuyom na ang dalawang kamay at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kabilang kalsada na pinagparadahan kanina ni Ashburn."Bwisit talaga 'yon eh! Maglalakad na lang ako," sagot ni Kelly."Baka naman may nasabi ka sa kaniya kanina kaya ka iniwan?" Sambit ni Niana. Napalingon lang siya kay Niana ngunit hindi siya sumagot.Biglang may mabilis na sasakyan ang pumarada sa kanilang harapan at saka sila napatingin doon."Oh,
"Excuse me? May order ako," pag-uulit ni Ashburn.Bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso."Kelly, he's calling you," sambit naman ni Kiel. Bumalik sa reyalidad si Kelly at saka lumapit kay Ashburn.Inilabas niya ang ballpen at order pad niya sa humarap kay Ashburn."W-What's your order, Sir?" Tanong ni Kelly habang pinipigilan ang panginginig ng kaniyang kamay dahil iniisip niya pa rin ang tanong ni Kiel sa kaniya.Umorder naman si Ashburn ng kape."Bawa
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kelly kay Liam at Ausbert habang naghihintay ng sagot.Sabay naman ang dalawa na uminom ng kanilang beer kaya napainom na rin si Kelly ng tubig dahil sa kabang nararamdaman.‘Mali yata ako ng pinasok na buhay.’Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay habang inilalapag ang baso sa lamesa."Si Belinda. Belinda Calama, she's a fashion designer. 6 years silang naging magkarelasyon ni Ashburn," sagot ni Liam sa kaniya habang nakatingin ito sa kaniya."Okay lang naman sa'yo, right? He's your husband now, h
"Hoy! Kanina pa kita tinatawag! Nakikinig ka ba?" Sambit ni Niana saka niyugyog ang balikat ni Kelly dahil nakatunganga lang ito sa kaniya habang nasa locker sila.Napakamot ng ulo si Kelly at saka siya bumuntong hininga."Ano?" Tanong ulit sa kaniya ni Niana.Napatingin lang sa kaniya si Kelly at isinara muna ang locker niya bago humarap ulit sa kaniyang kaibigan."May nagawa akong mali kay A-Ashburn," malumanay na sabi niya at nakakunot pa ang kaniyang noo."Hala ka. Ano'ng ginawa mo?" Nag-aalalang tanong ni Niana sa kaniya.
‘Mamamatay na yata ako.’Hindi pa rin makagalaw si Kelly at napakagat siya sa kaniyang labi dahil nakakabisado na niya ang mukha ni Ashburn.Matangos ang ilong, makakapal na kilay, makapal at curly na pilik-mata, light brown na mga mata, at manipis na labi.Napalunok ulit siya nang mapatitig siya sa mga labi ng kaniyang asawa.Ibinaling na lamang niya ang kaniyang paningin sa mga mata ni Ashburn at mas lalo siyang nakaramdam ng kakaiba.Kahit malamig ay nararamdaman niyang namamawis ang kaniyang mga palad kaya dahan-dahan niya i
Nasa harapan ni Ashburn ang isang matangkad na babae, maputi at halatang mayaman dahil sa kaniyang suot.Nakasuot ito ng puting coat at ganoon din ang kulay ng kaniyang trouser. Kapansin-pansin din ang hikaw niyang pabilog na silver at gano'n din ang kaniyang kuwintas na kapag tinatamaan ng ilaw ay mas lalong kumikinang. Nababagay ang kaniyang mga alahas sa buhok niyang messy updo.Hindi naman agad nakapagsalita si Kelly dahil sa gulat at inoobserbahan niya ang babae.Light pink ang eyeshadow niya na parang kinagat lamang ng langgam at kinamot, mayroon din siyang makapal na false eyelashes, matangos ang ilong, at maliit lamang ang bibig ngunit makapal ang pulang lipstick nito.
Nang makalapit si Kelly ay agad siyang ngumiti kahit alanganin, saka siya naglabas ng order pad at ballpen."Hello, Sir!" Masayang bati niya.Mas lalong napangiti naman ang lalake sa pagbati sa kaniya ni Kelly."I remember you. Batch kita 'di ba? Kumusta ka na?" Tanong ng lalake sa kaniya.Napalunok naman si Kelly at pilit na inaalala ang pangalan ng kaharap niya ngunit nabigo siya nang hindi niya man lang maalala ni first letter ng pangalan ng lalake."Ah. O-Oo. Okay naman ako," alanganing sagot ni Kelly habang nakangiti.
Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal
"A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l
Hindi nakaimik si Kelly at naramdamang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kaliwang mata.Bigla siyang humarap sa kaniyang asawa na ikinagulat naman ni Ashburn. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya kitang-kita ni Ashburn ang pagluha ni Kelly. Sinamaan ni Kelly ng tingin ang kaniyang asawa."A-Alam mo, mahilig kang umiwas sa mga bagay ano? Kapag alam mong may nasasaktan ka na ay tatalikod ka na agad. Ang pamilya mo ang may gustong ikasal tayo, tapos ngayong nahihirapan ka na sa'kin, bibitaw ka na agad? Napakatalino mo pero wala kang paninindigan," sambit niya saka tumalikod ulit at nagpigil ng iyak ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha."I'm always hurting you," mahinang wika ni Ashburn at niyakap si Kelly sa kaniyang likuran. Patuloy naman siya sa pagpahid ng kaniyang luha.‘Kaya ka bumibitaw dahil hindi mo alam kung paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.’Alam niyang hindi pa siya handa para iwan ng kaniyang asawa.Kinabukasan, tahi
Nang maibaba ni Kelly ang tawag ay natulala siya at biglang namawis ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks."Ano, 'te, okay na?" Tanong ni Niana at saka lumapit sa kaniya."S-Sasakay na lang ako ng traysikel pauwi. B-Busy raw kasi si Ashburn eh," pagpapalusot niya. Tumango tango naman si Niana.Iniabot naman niya ang cellphone niya kay Niana."Ipasa mo na lang 'yong mga pictures mo," sambit niy. Ngumuso naman si Niana."Ano ba 'yan, mas magaling kang mag-edit kaysa sa'kin eh," wika naman niya saka kinuha ang cellphone ni Kelly.Napakunot naman ng noo si Kelly at inalala kung may iba pa bang babaeng binabanggit si Ashburn. Napailing na lang siya nang wala siyang maalala.Nang makauwi siya ay hindi pa rin siya mapakali at tinawagan ulit ang kaniyang asawa habang naghihintay siya sa sala.Napakagat siya sa kaniyang labi nang hindi pa rin sumasagot si Ashburn sa kaniyang mga tawag.Napaupo siya sa sofa at nanlumo nang hindi man lang niya nakausap ang ka
Kinabukasan ay maagang nagising si Kelly ngunit wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa.Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka tumagilid at humarap sa puwesto ni Ashburn kagabi.Mas lalo siyang naguluhan sa iniasta ni Ashburn kagabi."Mas marupok pa yata ako sa kahoy," wika niya saka hinaplos ang higaan kung saan nakapuwesto ang kaniyang asawa kagabi.Napatingin muna siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Naalala niyang mag-seserve sila nang alas syete ng umaga tuwing weekend kaya nag-inat siya at lumabas na sa kaniyang kuwarto.
Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang ilang segundo na ay hindi pa sumagot ang kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lang siya at umiwas ng tingin."I don't have any plans para balikan siya," sagot ni Ashburn.Natawa naman si Kelly saka siya napailing. Nakatingin lang sa kaniya ang asawa at tumayo ito saglit upang kumuha ng maiinom nila.Nang mailapag niya ang tubig ni Kelly sa harapan nito ay bumaling si Kelly sa kaniya."How well do you know your ex?" Tanong niya.
Nagmadaling lumapit ang isang server na lalake kina Niana nang makita nitong natumba si Kelly."Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito kay Niana."May lagnat kasi siya. Ayaw niyang umuwi," kabadong sagot ni Niana habang hawak ang nakahandusay na katawan ni Kelly. Hindi naman siya mapakali habang nakahawak sa kaniyang kaibigan.Nagsilapitan naman ang ibang mga servers ngunit nang mapansin nilang tumitingin din ang mga guests ay pinakalma muna nila ang mga ito at sinabing ayos lang si Kelly.Bubuhatin na sana ng server si Kelly ngunit may tumakbong lalakeng nakaitim at naka-facemask papalapit sa kanila.
Napatigil si Kelly sa kaniyang nakita at napasulyap sa kaniyang asawa na seryoso lamang sa kaniyang upuan habang abala sa pagkain.Nanlabo ang kaniyang paningin, ngunit bago pa siya tuluyang matumba ay dahan-dahan na siyang umalis doon habang hawak pa rin ang mga regalo.Bigla siyang napaupo sa sahig nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nag-uunahang pumatak ang kaniyang mga luha.Pinunasan niya ang kaniyang basa nang mukha ngunit hindi tumigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Napatungo na lang siya sa kaniyang tuhhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak."Bakit s-sa'yo pa?" Tanong ni
Nang makauwi si Kelly ay wala na naman siyang ganang humarap sa kaniyang asawa dahil naiisip na naman niya ang sinabi sa kaniya ni Niana na baka may anak si Belinda at Ashburn.Habang kumakain ay nakatulala siya habang ngumunguya.'Kung sakaling totoo 'yon, at kapag nagkataon na nabuhay ang anak nila ay parang ako pa ang sumira ng kanilang pamilya. Pero kung totoo 'yon, hindi na sana niya ako pinakasalan.'"Good evening!"Napalingon naman si Kelly kay Ashburn nang pumasok ito sa kusina. Napaiwas agad siya ng tingin nang lumalakad na ito papalapit sa kaniya.