Agad pumasok si Kelly nang buksan ni Ashburn ang pintuan.
"Kanina ka pa?" Tanong ni Ashburn sa kaniya. Napalingon naman siya habang nakayakap sa sarili at nanginginig na sa lamig.
"Mga thirty minutes na. Naiwan ko kasi sa kuwarto 'yong susi ko," sagot niya.
Tumutulo na sa sahig ang tubig galing sa kaniyang katawan at nakatingin lang si Ashburn sa kaniya.
"Tapos ang tagal mo pang magbukas. Hindi mo ba ako naririnig kanina?" Iritadong tanong ni Kelly. Umiling naman si Ashburn.
Bumuntong hininga siya at dali-daling umakyat patungo sa kaniyang kuwarto.
Nang matapos siyang magbihis ay agad siyang bumaba upang magluto ng kaniyang kakainin.
Nagsuot pa siya ng jacket dahil malamig sa loob ng bahay nila.
"Nasa North Pole ba ako?" Sambit niya habang naghahanap ng instant noodles sa mga cabinet.
"Ang lamig! Lalagnatin ako nito," dagdag niya pa.
"Ano'ng hinahanap mo?"
Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Ashburn kaya napalingon siya sa kaniya.
"Cup noodles," maikling sagot niya.
"Nasa pinakadulong cabinet," turo ni Ashburn sa mga hanging cabinet.
Pumunta naman doon si Kelly, saka sumampa at binuksan ang cabinet.
"Ang dami naman kasing lagayan. Walong cabinet doors? Ano na lang ang laman ng mga 'yan?" Tanong ni Kelly saka kumuha ng isang cup noodles.
"Food."
Agad namang bumaba si Kelly, at saka nagbukas ng mga base cabinets.
"And what are you looking for again?" Tanong ulit ni Ashburn.
"Kettle. Magpapainit ako ng tubig para sa cup noodles," sagot niya.
"Ignorant. Hindi mo ba alam na may hot water ang dispenser natin?"
Napalingon naman siya sa kaniyang asawa.
"Maka-ignorant naman 'tong yelo na 'to. Tsk! Browny!" Inis niyang sambit at nagtungo sa water dispenser.
"Mas maputi nga ako sa'yo eh," sagot naman ni Kelly.
"Maitim naman ang budhi," bulong ni Kelly habang nagsasalin ng tubig sa kaniyang cup noodles.
"Ay!" Gulat niyang sambit nang paglingon niya ay nandoon na si Ashburn.
"Huwag ka ngang bumubulong bulong," sabi ni Ashburn.
Nilagpasan lang siya ni Kelly at nagpunta sa lamesa. Sumunod naman si Ashburn sa kaniya.
"Huwag ka ngang sunod nang sunod," panggagaya niya sa tono ng pananalita ni Ashburn. Sinamaan naman siya ng tingin ng kaniyang asawa.
Nagsimula naman siyang kumain.
"May ginawa akong sandwich. Akala ko kasi kulang ang isang sandwich for me, pero I'm full na," sambit ni Ashburn at iniusog niya ang isang platito na may nakalagay na sandwich.
Napatingin naman si Kelly.
"Ano'ng palaman niyan?" Tanong niya.
"Peanut butter."
"Ayoko niyan," sagot niya.
"Why? Hindi kita lalasunin," wika ni Ashburn. Napatingin naman sa kaniya si Kelly.
"Mabubusog na ako dito. Ubusin mo na lang 'yan para hindi sayang," sagot niya.
Walang emosyong kinuha ni Ashburn ang sandwich at kinagatan.
"Sanay ka na?" Tanong ni Ashburn sa kaniya.
Napatingin ulit sa kaniya si Kelly ngunit nakatingin lang siya sa kinakain niyang sandwich.
"Saan?" Tanong pabalik ni Kelly habang kumakain.
"Being a Montemayor," sagot ni Ashburn.
"Hindi. Hindi pa. At hindi ko alam kung matatanggap ko. Pero wala naman akong magagawa," sabi niya saka siya nagbuntong hininga.
"Eh, ikaw? Sanay ka na na may asawa?" Tanong niya rin kay Ashburn na hindi pa rin nakatingin sa kaniya.
"Not yet. Hindi ako sanay na may sinasaway at pinapaalalahanan about things," sagot niya.
Hindi naman nakasagot si Kelly kaya itinuloy na lang niya ang pag-ubos sa kaniyang kinakaing noodles.
"Akala ko, ikakasal ako sa taong mahal ko at mahal ako," wika ni Kelly nang matapos siyang kumain. Doon napatingin si Ashburn sa kaniya.
"Pero wala eh, ikinasal ako sa hindi ko kilala. Sa isang mayaman at istriktong lalake," dagdag niya pa saka siya tumayo at itinapon ang cup sa basurahan.
Uminom pa muna siya ng gamot saka iniwan si Ashburn na nakatulala sa kaniyang sandwich.
Kinabukasan ay maaga ulit na nag-ayos si Kelly. Sakto namang hindi umuulan kaya nakalabas agad siya ng kanilang bahay.
"Okay ka lang?" Tanong ni Niana kay Kelly habang nagpupunas sila ng mga tables. Napatingin naman sa kaniya si Kelly.
"Oo. Medyo masakit lang ang ulo ko. Nabasa ako ng ulan kahapon eh," sagot niya.
"Bakit? Hindi ba may payong ka naman?" Nakakunot noong tanong ni Niana.
Tumango naman si Kelly sa kaniya.
"May payong nga, naka-lock naman ang mga pintuan sa bahay. Naiwan ko pa 'yong susi sa loob."
"Eh, pinagbuksan ka ni Sir Ashburn?"
Bumuntong hininga pa si Kelly at suminghot muna dahil sinisipon siya.
"Oo. Pero ang tagal. Diyos ko! Basang-basa na ako sa labas, tapos siya parang nanigurado pa kung ako 'yon. Bingi-bingihan ang peg niya kahapon. Kaya ang ending, mas lumala ang sipon ko."
Natawa naman si Niana sa kaniya.
"Iba din talaga si Sir Ashburn 'no? 'Yong ugali niya, pang mayaman talaga. Ayaw nilang inuutusan sila. Well, hindi naman lahat, pero maraming gano'n," sambit ni Niana.
"Pang mayaman talaga ang ugali niya. Confident tapos istrikto. Mukhang kapag nagkamali ka ay mapapa-face the wall ka," natatawang wika ni Kelly.
"Ano 'yon? Pang-bata?" Natatawang sambit naman ni Niana.
"Bata pa naman ako," wika ni Kelly saka siya ngumiti at lumabas ang kaniyang dalawang dimple sa magkabilang gilid ng kaniyang pisngi.
"Bata ka ba? Eh may asawa ka na, baliw," pambabasag naman ni Niana.
"Oo nga pala, may asawa akong gurang," sagot niya.
Hinampas naman siya ni Niana sa braso.
"Baka may makarinig sa'yo at makarating kay Sir Ashburn," saway ni Niana sa kaniya.
Naglakad naman sila papunta sa refrigerator upang mag-refill ng mga soft drinks.
"Wala naman masyadong nakakaalam na ikinasal na ako. Imposibleng mamukhaan ako ng mga taong umattend sa kasal namin, sobrang kapal ng make-up ko no'n eh," sabi ni Kelly habang naglalagay ng mga soft drinks sa refrigerator.
"Sa bagay. Mga mayayaman naman kasi ang mga bisita niyo. Oo nga pala, marami rin silang regalo sa inyo?" Tanong ni Niana.
"May ibinigay sila sa amin ni Ashburn na mamahaling mga bags and shoes sa, mga appliances, and pera. Naghati kami ni Ashburn sa pera, pero mas marami yata sa akin. Baka barya nga lang 'yon sa kaniya eh," sagot niya.
"Wow! Ang bongga talaga ng mga mayayaman. Eh bakit hindi mo ginagamit ang mga bag at sapatos na ibinigay nila?"
Napalingon naman sa kaniya si Kelly.
"Ayokong gamitin. Baka hindi babagay sa akin ang mga gamit ng mga mayayaman. Sanay na ako sa simple lang. Aanhin ko naman ang mga magagandang sapatos? Magiging Cinderella ba ako kapag sinuot ko?"
Napapailing pa niyang sagot.
"Oo, 'te! Nakapangasawa ka naman ng guwapo at mayaman," sambit ni Niana.
"Hindi ko naman pinangarap 'yon."
Ipinagpatuloy nila ang pag-rerefill habang ang iba ay nakapuwesto na sa dining area.
"Kelly, huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko," alanganing wika ni Niana. Napalingon naman sa kaniya si Kelly.
"Nabalitaan na kaya ni V-Vern—"
"Bumalik na tayo sa dining area," pamumutol ni Kelly sa itatanong ni Niana, saka siya naunang naglakad.
Napakagat-labi naman si Niana bago sumunod kay Kelly.
Sakto namang may mga guests na pumasok nang makabalik sila sa dining area.
"Kelly?"
Napalingon si Kelly sa isang guest nang tawagin siya. Napangiti naman agad si Kelly nang mamukhaan niya ito.
"Hindi ba batch kita?" Tanong ng babaeng guest.
"Oo nga. Naaalala kita. Tourism 'yong course mo dati 'di ba?" Sabi ni Kelly.
"It's nice to see you here. Kumusta ka na?"
"Okay naman ako. Kasama ko rin si Niana dito. Saan ka pala nagtatrabaho, Ria?" Tanong niya sa babae.
"Sa isang travel agency. Oo nga pala, kumusta na kayo ni Vern? Nakasabayan ko siyang mag-apply dati sa travel agency. Unfortunately, hindi siya nakuha. Sayang nga eh," sagot ni Ria.
Biglang nagbago naman ang mukha ni Kelly ngunit pinilit niya pa ring ngumiti.
"W-We're friends."
Tumango naman si Ria at mukhang naintindihan ang ibig sabihin ni Kelly.
"Tapos na akong kumain. Thank you nga pala, ang sarap ng food dito," nakangiting sambit ni Ria.
"Thank you din," pagpapasalamat ni Kelly.
Kumaway pa muna si Ria sa kaniya bago lumabas sa restaurant.
Pumuwesto ulit si Kelly sa harap ng counter upang mabantayan ang mga guests.
"Si Ria 'yon 'di ba?" Tanong ni Niana sa kaniya nang makalapit siya kay Kelly.
Tumango naman si Kelly habang nakatingin sa mga guests.
"Ano'ng sabi? Tinanong mo kung saan siya nagtatrabaho?"
"Sa isang travel agency daw. Nakasabayan pa daw niyang mag-apply si V-Vern," mahinang sabi ni Kelly.
"T-Talaga? Kumusta raw si Vern?" Tanong ulit ni Niana.
"Hindi ko alam. Hindi ko na tinanong," sagot ni Kelly sa kaniya.
Tumango tango naman si Niana saka tumingin sa mga guests sa dining area.
"Sana lang kung magkikita man kayo ay maging maayos ang pag-uusap niyo," wika ni Niana.
Napabuntong hininga naman si Kelly nang marinig niya 'yon.
"Walang pag-uusap na magaganap," sagot ni Kelly habang seryosong nakatingin sa mga guests.
Napalingon naman sa kaniya si Niana saka kumunot ang kaniyang noo.
"Bakit? Hindi mo man lang ba siya kakausapin?" Tanong ni Niana.
"Kung gusto mo, ikaw na lang kumausap sa kaniya," sagot ni Kelly. Hinampas naman siya ni Niana sa braso.
"Bakit ako, baliw?"
Natawa naman si Kelly ngunit halatang peke.
"Mukhang miss na miss mo eh," wika ni Kelly.
"Siraulo ka talaga," sabi ni Niana.
Hindi naman umimik si Kelly.
"Kanina pa ako nagugutom," reklamo ni Niana nang makaupo sila sa staff's canteen.
Napatingin naman si Kelly sa kaniyang wrist watch at nakitang mag-aalas dos na ng tanghali.
"Madami kasing guests. Tapos ang nakakainis, hindi pa tumutulong 'yong iba. Namimili yata ng guest," sabi ni Kelly saka siya nagsubo ng pagkain niya.
"Ay, oo! Narinig ko kanina 'yong isa. Ang sabi niya, tinitignan niya raw kung mukhang mayaman 'yong papasok, tapos kung oo, siya raw ang mag-aassist," wika naman ni Kelly.
"Oh, tignan mo, mga maduga talaga," komento naman ni Kelly.
Ngumuya pa muna si Niana bago ituloy ang sasabihin.
"Nakita mo rin ba 'yong tip box sa may counter? Hindi ba walang laman? Feeling ko ibinubulsa lang ng mga ibang waitress and waiter dito," sabi ni Niana.
"Eh 'di gawin din natin. Tayo naman ang naghihirap mag-serve," wika naman ni Kelly.
Tumango tango naman si Niana sa kaniya.
"Nakakakain ka ba nang maayos sa bahay niyo?" Tanong ni Niana habang kumakain sila.
"Oo. Kaniya kaniyang luto kami ni Asburn. Ang daming pagkain sa bahay, hindi ko alam kung mauubos namin 'yon," sagot ni Kelly.
"Syempre mayaman kayo, ano pa nga ba?" Sambit naman ni Niana.
"Si Ashburn lang ang mayaman," wika ni Kelly.
Lumabi naman si Niana sa kaniya habang uminom naman ng tubig si Kelly.
"Kayong dalawa. Syempre mag-asawa na kayo, kaya lahat ng sa kaniya ay iyo na rin, at ang lahat ng iyo ay sa kaniya na rin. Share kayo ng mga properties," sabi ni Niana.
"Wala naman akong mai-sheshare sa kaniya," natatawang sambit ni Kelly.
"Mayroon kaya," nagtaas-baba pa ng kilay si Niana.
"Ano naman?"
"Sarili mo," natatawang sagot ni Niana. Inambaan naman siya ng suntok ni Kelly kaya napatakip siya sa kaniyang mukha.
"Habang tumatagal, hindi ko nagugustuhan 'yang bibig mo," sabi ni Kelly. Kunwaring i-zinipper naman ni Niana ang bibig niya.
"Pero paano nga kung gusto kang—"
"Tigilan mo nga 'yan, Niana! Kababae mong tao, ang dumi mo magsalita," kunot-noong wika ni Kelly.
"Napakaano naman nito. Paano nga kung gusto kang i-kiss ni Sir Ashburn? Kapag nalasing siya ganern?" Tanong ni Niana.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Kelly.
"Hindi ko ma-imagine. Ayaw nga akong lapitan no'n eh, i-kikiss pa kaya?" Sambit ni Kelly.
"Malay mo lang. Malasing siya tapos bigla kang lapain," natatawang sabi ni Niana.
"Ano siya? Buwaya?" Natatawa ring wika ni Kelly.
"Gusto mo naman?" Pang-aasar ni Niana sa kaniya.
"Hindi ah! Hahalik ako sa gurang?"
"Ang sama mo talaga!" Komento ni Niana.
"Kumain na tayo, baka marami na namang guests," sabi ni Kelly.
Tinapos na muna nila ang kanilang kinakain bago lumabas.
"Mauuna na kami ni kuya. May pupuntahan pa kasi kami," sabi ni Niana habang papalapit sila sa traysikel nina Niana.
"Sige. Mag-ingat kayo. Magkita na lang tayo bukas," sagot naman ni Kelly.
"Sige. Ikaw din."
"Oo nga pala, Niana," pahabol ni Kelly. Napalingon naman sa kaniya si Niana.
"Gusto mo ng foods? Kukuha ako sa bahay. Hindi naman namin 'yon mauubos," sabi niya.
"Baliw. Paano kayo ni Ashburn?" Tanong ni Niana.
"Madami naman 'yon. Tsaka kaya naman niyang bumili," sagot ni Kelly.
"Baka buong grocery store pa ang bilhin niya," natatawang dagdag ni Niana.
"True ka diyan. Sige na, uuwi na rin ako," paalam ni Kelly.
Kumaway pa muna siya bago sumakay sa pinara niyang traysikel.
Nang makauwi siya ay may dalawang nakaparadang sasakyan sa garahe nila.
"May bagong sasakyan si gurang? Ang yaman talaga," mahinang sambit niya sa kaniyang sarili.
Agad naman siyang pumasok sa loob nang mabuksan niya ang pintuan.
"She's home."
Napalingon siya agad sa nagsalita, at laking gulat niya nang may mga kasama si Ashburn.
Naestatwa si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at ilang beses pa siyang napalunok."Ashburn! Your wife's home!" Sigaw ng lalaking may katangkaran at blond ang buhok. Nakangiti ito kay Kelly na parang kilalang kilala niya ito. Kaya kahit nag-aalangan ay napangiti na lang din si Kelly."How's work?" Tanong naman ng isang lalakeng may hawak ng isang beer. Kahit nakaupo siya ay halatang matangkad siya. Agaw pansin ang kaniyang nunal sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata."A-Ah, okay naman po. Sorry, hindi kasi sinabi ni A-Ashburn na may bisita siya," alanganing sagot niya.Napahawak siya nang mahigpit sa kaniyang backpack na inilag
Matapos ang isang linggo sa trabaho ni Kelly ay dumating ang araw na magiging acting supervisor muna siya habang wala ang kanilang Dining Supervisor. Kaya alas singko pa lang ng umaga ay gising na siya.Habang nasa kusina siya at nagluluto ng kaniyang almusal ay tinawagan niya si Niana."Ang aga aga naman, Kelly," namamaos pang sagot ni Niana sa tawag."Baka nakakalimutan mo, 'te, alas syete tayo ngayon. Kasabay natin ang mga taga-kitchen para maihanda ang menu. Wala tayong kasama ngayon, puro mga backup," paalala niya habang nagpriprito ng itlog.Narinig niya naman sa kabilang linya si Niana na nagbuntong hininga.
Nakaramdam ng pagkauhaw si Kelly nang madaling araw kaya inayos niya ang kaniyang sarili bago bumaba."Baka mamaya eh nandoon na naman si gurang," sambit niya saka inayos ang kaniyang white na daster.Wala ulit siyang suot na bra ngunit naka-nipple tape na siya para hindi masyadong nakakahiya.Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan dahil mahaba ito at walang ilaw sa hagdanan. Tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob.Nang makarating siya sa kusina ay kinapa niya ang switch ng ilaw doon at saka binuksan.A
Habang tinitignan ni Kelly ang kaniyang mukha sa maliit niyang salamin ay bigla siyang inakbayan ni Niana na kadarating pa lang."Kumusta ang day off mo?" Tanong ni Niana saka binitawan si Kelly at binuksan ang kaniyang locker.Napalingon pa muna si Kelly sa kaniya."Maayos naman. Ikaw? Natulog ka na naman siguro maghapon," wika ni Kelly.Lumabi naman si Niana sa kaniya."Ano pa nga ba? Nag-beauty rest ako syempre."Natawa naman si Kelly sa kaniya.
Kinaumagahan ay maagang nagluto ng almusal si Kelly, at saktong kakagising lang ni Ashburn nang patapos na siya.Agad namang naupo si Ashburn sa dining area matapos siyang magtimpla ng kaniyang kape.Kumuha ng dalawang plato si Kelly at inilapag ang isa sa harapan ni Ashburn, saka nilagyan ng spoon and fork.Hindi na lang siya nagsalita dahil naaalala niya ang sinabi ng kaniyang asawa kagabi at baka mawalan pa siya ng pasensya sa pagiging isip-bata ni Kelly.Sabay silang kumain at walang nagsasalita sa kanilang dalawa.Napabalikwas si Kelly
"Paano ka uuwi niyan? Wala pa namang traysikel," tanong ni Niana habang nakahawak sa braso ni Kelly.Si Kelly naman ay nakakuyom na ang dalawang kamay at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kabilang kalsada na pinagparadahan kanina ni Ashburn."Bwisit talaga 'yon eh! Maglalakad na lang ako," sagot ni Kelly."Baka naman may nasabi ka sa kaniya kanina kaya ka iniwan?" Sambit ni Niana. Napalingon lang siya kay Niana ngunit hindi siya sumagot.Biglang may mabilis na sasakyan ang pumarada sa kanilang harapan at saka sila napatingin doon."Oh,
"Excuse me? May order ako," pag-uulit ni Ashburn.Bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso."Kelly, he's calling you," sambit naman ni Kiel. Bumalik sa reyalidad si Kelly at saka lumapit kay Ashburn.Inilabas niya ang ballpen at order pad niya sa humarap kay Ashburn."W-What's your order, Sir?" Tanong ni Kelly habang pinipigilan ang panginginig ng kaniyang kamay dahil iniisip niya pa rin ang tanong ni Kiel sa kaniya.Umorder naman si Ashburn ng kape."Bawa
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kelly kay Liam at Ausbert habang naghihintay ng sagot.Sabay naman ang dalawa na uminom ng kanilang beer kaya napainom na rin si Kelly ng tubig dahil sa kabang nararamdaman.‘Mali yata ako ng pinasok na buhay.’Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay habang inilalapag ang baso sa lamesa."Si Belinda. Belinda Calama, she's a fashion designer. 6 years silang naging magkarelasyon ni Ashburn," sagot ni Liam sa kaniya habang nakatingin ito sa kaniya."Okay lang naman sa'yo, right? He's your husband now, h
Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal
"A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l
Hindi nakaimik si Kelly at naramdamang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kaliwang mata.Bigla siyang humarap sa kaniyang asawa na ikinagulat naman ni Ashburn. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya kitang-kita ni Ashburn ang pagluha ni Kelly. Sinamaan ni Kelly ng tingin ang kaniyang asawa."A-Alam mo, mahilig kang umiwas sa mga bagay ano? Kapag alam mong may nasasaktan ka na ay tatalikod ka na agad. Ang pamilya mo ang may gustong ikasal tayo, tapos ngayong nahihirapan ka na sa'kin, bibitaw ka na agad? Napakatalino mo pero wala kang paninindigan," sambit niya saka tumalikod ulit at nagpigil ng iyak ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha."I'm always hurting you," mahinang wika ni Ashburn at niyakap si Kelly sa kaniyang likuran. Patuloy naman siya sa pagpahid ng kaniyang luha.‘Kaya ka bumibitaw dahil hindi mo alam kung paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.’Alam niyang hindi pa siya handa para iwan ng kaniyang asawa.Kinabukasan, tahi
Nang maibaba ni Kelly ang tawag ay natulala siya at biglang namawis ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks."Ano, 'te, okay na?" Tanong ni Niana at saka lumapit sa kaniya."S-Sasakay na lang ako ng traysikel pauwi. B-Busy raw kasi si Ashburn eh," pagpapalusot niya. Tumango tango naman si Niana.Iniabot naman niya ang cellphone niya kay Niana."Ipasa mo na lang 'yong mga pictures mo," sambit niy. Ngumuso naman si Niana."Ano ba 'yan, mas magaling kang mag-edit kaysa sa'kin eh," wika naman niya saka kinuha ang cellphone ni Kelly.Napakunot naman ng noo si Kelly at inalala kung may iba pa bang babaeng binabanggit si Ashburn. Napailing na lang siya nang wala siyang maalala.Nang makauwi siya ay hindi pa rin siya mapakali at tinawagan ulit ang kaniyang asawa habang naghihintay siya sa sala.Napakagat siya sa kaniyang labi nang hindi pa rin sumasagot si Ashburn sa kaniyang mga tawag.Napaupo siya sa sofa at nanlumo nang hindi man lang niya nakausap ang ka
Kinabukasan ay maagang nagising si Kelly ngunit wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa.Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka tumagilid at humarap sa puwesto ni Ashburn kagabi.Mas lalo siyang naguluhan sa iniasta ni Ashburn kagabi."Mas marupok pa yata ako sa kahoy," wika niya saka hinaplos ang higaan kung saan nakapuwesto ang kaniyang asawa kagabi.Napatingin muna siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Naalala niyang mag-seserve sila nang alas syete ng umaga tuwing weekend kaya nag-inat siya at lumabas na sa kaniyang kuwarto.
Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang ilang segundo na ay hindi pa sumagot ang kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lang siya at umiwas ng tingin."I don't have any plans para balikan siya," sagot ni Ashburn.Natawa naman si Kelly saka siya napailing. Nakatingin lang sa kaniya ang asawa at tumayo ito saglit upang kumuha ng maiinom nila.Nang mailapag niya ang tubig ni Kelly sa harapan nito ay bumaling si Kelly sa kaniya."How well do you know your ex?" Tanong niya.
Nagmadaling lumapit ang isang server na lalake kina Niana nang makita nitong natumba si Kelly."Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito kay Niana."May lagnat kasi siya. Ayaw niyang umuwi," kabadong sagot ni Niana habang hawak ang nakahandusay na katawan ni Kelly. Hindi naman siya mapakali habang nakahawak sa kaniyang kaibigan.Nagsilapitan naman ang ibang mga servers ngunit nang mapansin nilang tumitingin din ang mga guests ay pinakalma muna nila ang mga ito at sinabing ayos lang si Kelly.Bubuhatin na sana ng server si Kelly ngunit may tumakbong lalakeng nakaitim at naka-facemask papalapit sa kanila.
Napatigil si Kelly sa kaniyang nakita at napasulyap sa kaniyang asawa na seryoso lamang sa kaniyang upuan habang abala sa pagkain.Nanlabo ang kaniyang paningin, ngunit bago pa siya tuluyang matumba ay dahan-dahan na siyang umalis doon habang hawak pa rin ang mga regalo.Bigla siyang napaupo sa sahig nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nag-uunahang pumatak ang kaniyang mga luha.Pinunasan niya ang kaniyang basa nang mukha ngunit hindi tumigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Napatungo na lang siya sa kaniyang tuhhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak."Bakit s-sa'yo pa?" Tanong ni
Nang makauwi si Kelly ay wala na naman siyang ganang humarap sa kaniyang asawa dahil naiisip na naman niya ang sinabi sa kaniya ni Niana na baka may anak si Belinda at Ashburn.Habang kumakain ay nakatulala siya habang ngumunguya.'Kung sakaling totoo 'yon, at kapag nagkataon na nabuhay ang anak nila ay parang ako pa ang sumira ng kanilang pamilya. Pero kung totoo 'yon, hindi na sana niya ako pinakasalan.'"Good evening!"Napalingon naman si Kelly kay Ashburn nang pumasok ito sa kusina. Napaiwas agad siya ng tingin nang lumalakad na ito papalapit sa kaniya.