Share

Chapter 4

Author: Haneibuns
last update Huling Na-update: 2022-02-16 07:13:17

“Akala mo tahimik, pero may itinatagong kamanyakan ang gurang na 'yon! Makapagsabing lansones lang daw. Tsk! Pasalamat siya, hindi ko pa nakikita ang lahat sa kaniya. Nakakainis talaga!"

Maagang pagmamaktol ni Kelly sa kaniyang kuwarto habang itinatali ang kaniyang buhok.

"Kung nandito lang si Papa, hindi niya ako hahayaang bastusin ni gurang," dagdag niya pa nang matapos niyang ayusin ang kaniyang sarili sa harap ng salamin.

Nagmadali siyang bumaba upang hindi makasabay ang kaniyang asawa.

Pagkalabas niya ng kanilang bahay ay biglang umambon kaya inilabas niya ang kaniyang payong.

"Huwag mong lakasan, please."

Binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makalabas siya sa subdivision at agad na pumara ng traysikel.

"Ang lamig sa labas 'no?" Tanong ni Niana sa kaniya habang nag-aayos sila ng baso sa bawat lamesa.

Napatingin naman si Kelly sa labas.

"Umambon kanina eh. Mukhang uulan mamaya. Pero sana hindi," sagot naman niya kay Niana.

"Oo nga pala, hinahanap ka ni Sir Kiel kaninang nag-aayos ka sa loob," sambit ni Niana. Inayos pa muna ni Kelly ang mga baso saka tumingin kay Niana.

"Sir Kiel? Bakit daw?"

"Hindi ko alam, 'te. Baka may itatanong lang," sagot naman ni Niana sa kaniya.

Biglang dumagsa ang mga tao sa restaurant no'ng alas diyes na ng umaga, kaya naging abala silang dalawa.

"Table 6, order," sambit ni Kelly sa loob ng kitchen saka sinabi ang order nila.

"After nating mag-lunch, puwede kang pumunta sa office ni Sir Kiel," sabi ni Niana sa kaniya nang makabalik sila sa dining area.

"Sige. Ano naman kaya ang tatanungin niya sa akin? Nasa resume naman natin lahat ng mga information about sa atin," wika niya.

"Oo nga eh. Kasama naman du'n ang number mo."

Napalingon naman si Kelly sa kaniya.

"Aanhin naman niya ang number ko, baliw?"

Tanong niya saka kumunot ang kaniyang noo.

"Malay mo eh crush ka pala niya," natatawang sagot ni Niana.

Inambaan naman siya ng suntok ni Kelly kaya napatakip sa mukha si Niana.

"Siraulo ka ba? May asawa na nga ako."

Nginitian naman siya ni Niana.

"Yiee! So, tanggap mo na na Montemayor ka?"

Tanong niya at nagtaas-baba pa siya ng kilay.

Hindi naman sumagot si Kelly, saka tumingin lang sa mga guests sa dining area.

"Pupunta ka na kay Sir?" Tanong ni Niana nang tumayo si Kelly matapos nilang mag-lunch.

"Oo, baka marami na namang guests mamaya," sagot ni Kelly. Tumango tango naman si Niana sa kaniya.

"Ingat. Baka bigla kang lapain—"

Hindi natapos ni Niana ang sasabihin nang ambaan siya ni Kelly ng suntok.

Nag-peace sign naman siya agad kay Kelly.

Inayos pa muna ni Kelly ang sarili bago umalis sa harapan ni Niana.

"Good afternoon, Sir. Hinahanap niyo raw po ako?" Tanong agad ni Kelly nang makapasok siya sa opisina ng kanilang boss.

"Ah, yes. By next week kasi ay may pupuntahan ang ibang mga waiter. May catering service sila, and I want you to be the dining supervisor habang wala sila. Dahil ang supervisor ay sasama sa kanila. Nagtawag na kami ng mga backup waitress and waiter," sagot ni Kiel saka ipinatong ang magkahawak niyang kamay sa lamesa.

Napalunok naman si Kelly nang marinig iyon.

"S-Sir, ilang araw pa lang po kasi ako dito. Hindi ko pa po masyadong kabisado ang lahat dito. Baka makasira po ako sa operation ng restaurant," alanganing sabi ni Kelly habang pinipigilan ang pagnginig ng kaniyang mga kamay.

"I know, pero tinanong ko na ang mga kasama niyo sa dining area, at ikaw ang sinabi nilang puwedeng maging supervisor habang wala sila. Kaya naman ng limang tao na mag-serve sa mga guests dahil hindi naman masyadong malaki ang restaurant," wika ni Kiel.

Napakagat naman si Kelly sa loob ng kaniyang bibig.

"Kaya mo 'yan. Kasama mo naman si Niana. And nakita ko sa resume niyo na you're willing to work under pressure," dagdag pa ni Kiel.

‘Sabi ko na nga ba, sana hindi na lang namin nilagay 'yong ‘willing to work under pressure’. Hindi naman kasi totoo! Pampaganda lang ng resume.’

Kinakausap na ni Kelly ang kaniyang sarili dahil hindi na alam ang kaniyang sasabihin.

"Bukas, puwede na kayong magpasukat for your uniform."

"Thank you po, Sir. Mauna na po ako," paalam ni Kelly. Tumango naman si Kiel sa kaniya.

Nang maisara niya ang pintuan ng office ni Kiel ay napakamot siya ng kaniyang ulo.

"Oh, ano'ng sabi?" Tanong agad ni Niana sa kaniya nang makabalik sila sa puwesto nila sa dining area.

"Magiging supervisor daw ako next week habang wala ang mga ibang kasama natin. Kainis talaga. Sana hindi na lang natin nilagay 'yong ‘willing to work under pressure’, alam kong gagamitin nila sa'tin 'yon eh," sagot niya saka siya nagbuntong hininga.

"Eh 'yon naman ang mga nilalagay kasi kahit hindi naman true. Pampabongga lang," natatawang wika ni Niana.

"Bukas din daw ay puwede na tayong magpasukat para sa uniform natin," dagdag niya pa.

"Ayos 'yan, para hindi na tayo magmukhang On-the-job trainees," sambit naman ni Niana.

"Mag-ingat ka ha? Mukhang lumalakas na ang ulan eh," paalala ni Niana kay Kelly habang papasok si Kelly sa pinara nilang traysikel, habang ang kuya naman niya ay hinihintay siya.

"Kayo rin," sabi naman ni Kelly.

"Pasensya na, hindi ka namin maiihahatid sa ngayon. Alam mo naman kung gaano kalayo sa bahay," wika ni Niana habang nakayuko siya at kinakausap si Kelly sa loob.

"Ayos lang. Sige na, baka gabihin din kayo sa daan. Mag-ingat kayo," paalam ni Kelly sa kanila.

Kumaway pa muna si Niana saka siya pumasok sa traysikel nila.

Tumatakbong nakapayong at yakap-yakap ni Kelly ang sarili habang papasok sa bahay nilang mag-asawa nang makauwi siya.

Agad siyang kumuha ng towel sa CR sa gilid ng kanilang sala, saka siya tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto habang pinupunasan ang sarili.

"Ano ba naman kasing klaseng traysikel 'yon, wala man lang cover! Nabasa tuloy ako," inis niyang sabi.

Pumasok siya sa banyo upang mag-half bath dahil nabasa siya ng ulan.

Pagkatapos niyang maligo ay kumuha siya ng tissue upang punasan ang kaniyang ilong.

"Mukhang sisipunin pa ako," sabi niya sa kaniyang sarili habang sinusuklay ang kaniyang buhok.

Nang matapos siyang mag-ayos ay agad siyang bumaba.

Biglang tumunog ang kaniyang tiyan habang siya ay pababa sa hagdanan kaya napahawak siya doon.

"Tsk! Gutom na ako. Kailangan ko nang magluto pero tinatamad ako," sambit niya saka siya napakamot sa kaniyang ulo.

Nagkatinginan sila ni Ashburn nang madatnan niya itong nagtatadtad ng sibuyas. Agad naman siyang umiwas ng tingin at pumunta siya sa refrigerator saka naglabas ng itlog.

Sumisinghot singhot pa siya nang inilapag niya ang itlog sa lamesa. Bumalik ulit siya sa refrigerator para kumuha ng repolyo, carrots, at onion leaks.

Agad naman niyang hinugasan ang mga gulay saka tumabi kay Ashburn.

"Excuse me, kukuha ako ng chopping board," sambit niya saka siya suminghot.

Lumayo naman agad si Ashburn sa kaniya.

"Are you sick?" Tanong ni Ashburn sa kaniya. Napalingon naman si Kelly sa kaniya na may hawak na chopping board at kutsilyo. Nakakunot ang noo ng asawa niya sa kaniya.

‘Mukhang concerned din ang gurang na 'to.’

"Hindi. May sipon lang, nabasa ako kaninang pauwi ako," sagot niya saka siya pumunta malapit sa sink dahil dalawa ang sink nila ngunit may kaunting espasyo sa pagitan nila.

"Keep your distance from me, lest I become infected. Ayokong magkasakit," sambit ni Ashburn habang inilalagay ang mga ginamit niya sa sink.

Napalingon naman sa kaniya si Kelly at sinamaan siya ng tingin.

"Kakaiba talaga ang mga mayayaman," bulong niya.

Nagsimula siyang magtadtad ng kaniyang lulutuin, habang si Ashburn naman ay nagluluto ng sinigang na hipon.

"Oo nga pala, magluto ka lang ng kaya mo. Huwag kang magsasayang ng pagkain. Don't waste any food," paalala ni Ashburn.

Natawa naman nang mahina si Kelly nang maalala niya ang ginawa niya.

Nang matapos magtadtad si Kelly ay kumuha siya ng noodles sa cabinet.

"What are you cooking?" Tanong ni Ashburn ngunit nagkibit-balikat lang siya.

Habang pinapakuluan ni Ashburn ang kaniyang niluluto ay nakapamewang siyang nakatingin kay Kelly na nagluluto.

Huling nilagay ni Kelly sa kaniyang niluluto ang nilaga niyang itlog.

"Bakit?" Taas-kilay na tanong ni Kelly nang mapalingon siya kay Ashburn na nasa kaniyang tabi.

"Nothing," sagot ni Ashburn.

Ngunit bahagyang natawa si Kelly nang makita niyang lumunok si Ashburn.

Napailing na lang siya saka tumingin sa kaniyang niluluto.

Tumabi naman si Ashburn sa kaniya at tinignan niya rin ang kaniyang niluluto. Kumuha siya ng kutsara at naglagay ng sabaw.

Pinagkrus naman ni Kelly ang kaniyang mga braso at tumingin kay Ashburn.

Nang matikman ni Ashburn ang kaniyang niluluto ay agad siyang nagtungo sa lababo at iniluwa doon, saka siya uminom ng tubig.

Natawa naman si Kelly sa kaniya.

"Masarap?" Natatawang tanong niya.

"It's salty," sagot ng kaniyang asawa. Mas lalong lumakas ang tawa ni Kelly kaya sinamaan siya ng tingin ni Ashburn.

Binuksan ni Kelly ang niluluto ni Ashburn at nakita niyang sinigang iyon. Kinuha niya ang sandok at hinalo iyon.

"Magsisigang ka ba o magsisira rin ng pagkain? Overcooked na lahat, pati 'yong hipon mo hiwalay na ang ulo," pigil-tawa niyang wika.

"I don't know how to cook," wika ni Ashburn ngunit kalmado pa rin siya.

Dinagdagan ni Kelly ng tubig ang sinigang at dinagdagan ng pampaasim.

"Ang yaman mo tapos hindi mo alam magluto. Tsk! Nag-asawa ka pa?" Pang-aasar ni Kelly sa kaniya saka pinatay ang apoy sa niluluto niyang noodles at sinigang.

"Bakit hindi ka na lang kumuha ng katulong mo?" Dagdag pa niya.

"Ayoko nang may umaasikaso sa'kin," sagot ni Ashburn.

"Kaya ka siguro tumandang binata," sabi naman ni Kelly saka tumango tango.

"Is it done already?" Tanong ng kaniyang asawa saka itinuro ang sinigang. Tumango naman si Kelly.

Kinuha naman ni Kelly ang niluto niyang noodles at nagsimulang kumain.

Natatawa naman siya habang nakatingin kay Ashburn na kumakain at sarap na sarap sa pagsubo.

"Baka gusto mong tikman 'tong niluto ko," sambit niya at iniusog ang bowl kay Ashburn.

"No, thanks."

Nang matapos kumain si Kelly agad niyang hinugasan ang pinagkainan niya.

Nagtago siya sa labas ng pintuan saka pinagmasdan si Ashburn.

Nagpigil siya ng tawa nang makita niyang kumuha ng soup bowl si Ashburn at inilagay doon ang natirang niluto ni Kelly at kinain.

"Tsk. Nag-inarte pa ang gurang," bulong ni Kelly saka siya umakyat papunta sa kaniyang kuwarto.

Bago siya natulog ay uminom muna siya ng gamot.

Kinabukasan ay nadatnan niyang nag-aayos na rin sa baba si Ashburn. Napatingin naman ito sa kaniya.

"You're going to work?" Tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya bilang pagtugon.

"Umuulan," walang emosyong dagdag ni Ashburn.

Itinaas naman ni Kelly ang hawak niyang payong para makita ng kaniyang asawa.

"May payong ako," sambit niya.

"Ihahatid na lang kita," prisinta ni Ashburn. Napalingon naman sa gulat si Kelly, ngunit umiwas ng tingin si Ashburn.

"Baka ano pang sabihin ng mga makakakita sa'yo. Nagtatraysikel ka while I'm riding my car," dagdag niya.

Tumango tango naman si Kelly.

Pumunta naman sila sa garahe upang mag-ayos.

"Paano 'to buksan?" Tanong ni Kelly nang makita ang kotse ni Ashburn.

"Sa harap ka, para hindi ako magmukhang driver mo," sabi ni Ashburn.

Lumabi naman si Kelly sa kaniya.

"Ang gara naman ng sasakyan mo. Matte black pa ang kulay," pagpupuri ni Kelly habang tinitignan ang sasakyan.

"This is Rolls-Royce Phantom."

"Eh 'di nakakahiya naman kung magasgasan ko 'yan," sambit ni Kelly.

"Sasakay ka lang, magagasgasan mo na? Are you a tiger?" Pang-aasar naman sa kaniya ni Ashburn.

"Hindi. Pero nangangalmot ako!" Sagot ni Kelly at tinalikuran si Ashburn saka pumasok sa sasakyan pumasok na rin si Ashburn at may pinindot upang magsara ang dalawang pintuan ng sasakyan.

May pinindot si Ashburn na remote na maliit at bumukas ang kanilang malaking gate.

"Wow! Hindi ko alam na naggaganyan ang gate natin," namamanghang sambit ni Kelly.

"Ignorant."

Napalingon naman siya kay Ashburn at sinamaan niya ng tingin.

Busy naman si Ashburn na nagmamaneho at pinindot ulit ang remote saka nagsara ang gate.

"Ang lamig. Hinaan mo naman ang aircon," sabi ni Kelly.

"Ako naman ang maiinitan niyan," sagot naman ni Ashburn.

Niyakap na lang ni Kelly ang sarili habang magmamaneho si Ashburn.

Itinuro niya sa kaniyang asawa kung nasaan ang restaurant na kaniyang pinagtatrabahuhan.

"Babayaran na lang kita ng pang-gas mo," sambit ni Kelly saka binuksan ang kaniyang bag nang makarating sila sa gilid ng restaurant.

"No need," sagot naman ni Ashburn.

Tinanggal naman ni Kelly ang seatbelt niya.

"Dito ka pala nagtatrabaho?" Tanong ni Ashburn saka tumingin sa harap ng restaurant.

"Sige na. Umalis ka na. Baka may gagawin ka pa. Thank you nga pala," pagpapasalamat niya saka siya bumaba.

Hindi na niya nilingon si Ashburn at pumasok na siya agad.

"Mabuti may traysikel sa subdivision kahit maulan?" Tanong ni Niana kay Kelly habang nag-aayos sila sa bawat lamesa.

"Hinatid ako ni Ashburn," sagot ni Kelly.

Nagulat pa siya nang hampasin siya ni Niana sa braso.

"Aray ko! Ano ba?" Mahinang wika niya.

"Hinatid ka ni Sir Ashburn? OMG! Nagkasundo na ba kayo?" Tanong ni Niana at nanlaki pa ang kaniyang mga mata.

"Hindi. Iniisip niya lang na baka kung ano pang isipin ng mga parents niya kapag nalaman nilang nagtatraysikel ako, tsaka hindi pa nila alam na nagtatrabaho ako," sagot naman niya saka lumipat sa kabilang table.

"Sa bagay. Ang pangit namang tignan kasi kapag nagtraysikel ka tapos siya eh may magarang sasakyan," sabi ni Niana.

"May mga guests," sambit ni Kelly nang makita niyang may pumasok na mga guests.

Naging abala naman sila sa pagseserve

buong maghapon kaya hindi na sila nakapagkuwentuhan.

Bago sila mag-out ay nagpasukat muna sila sa office para sa kanilang uniform.

"Susunduin ka?" Tanong ni Niana habang nagpapalit sila ng damit sa CR.

"Hindi. Minsan niya lang siguro ako ihahatid, hindi ako susunduin. 'Yon pa?"

"Aysus! Hindi bale, baka lumambot din kayo sa isa't isa," sabi ni Niana at nagtaas-baba pa ng kilay.

Nang lumabas sila ay nandoon na ang kuya ni Niana at may isang traysikel na rin ang naghihintay.

"Nagtawag na ako para may masakyan si Kelly," sabi ni Niño.

"Thank you, kuya!" Pagpapasalamat ni Kelly.

"Mauna na kami ha? Mag-ingat ka!" Sabi ni Niana at kumaway pa kay Kelly bago pumasok sa traysikel nila.

"Sige. Kayo rin," paalam niya at pumasok na rin siya sa loob.

Nang makarating siya bahay nila ay hindi niya mahanap ang susi sa pintuan. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ngunit ayaw magbukas dahil wala siyang susi.

"Naiwan ko yata kagabi sa side table," sambit niya sa kaniyang sarili.

Inilabas niya ang kaniyang cellphone upang tawagan si Ashburn.

"Malas! Ngayon pa na-lowbatt!" Inis niyang sabi saka ibinalik ang cellphone niya sa bag niya.

Umikot siya sa kanilang malawak na bahay ngunit naka-lock ang lahat ng pintuan.

Bumalik ulit siya sa gate saka pinindot nang maraming beses ang doorbell.

Tumakbo ulit siya sa pintuan nila ngunit hindi pa rin binubuksan ni Ashburn.

"Kuya Ashburn!"

Sigaw niya saka niyakap ang sarili dahil lumalakas ang ulan at hangin.

"Kuya Ashburn! Buksan mo 'to!" Sigaw niya ulit at kinalampag ang pintuan.

"Napakabingi talaga!" Inis niyang sabi at mas hinigpitan ang hawak sa payong.

Napalingon siya nang bumukas ang pintuan.

Kaugnay na kabanata

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 5

    Agad pumasok si Kelly nang buksan ni Ashburn ang pintuan."Kanina ka pa?" Tanong ni Ashburn sa kaniya. Napalingon naman siya habang nakayakap sa sarili at nanginginig na sa lamig."Mga thirty minutes na. Naiwan ko kasi sa kuwarto 'yong susi ko," sagot niya.Tumutulo na sa sahig ang tubig galing sa kaniyang katawan at nakatingin lang si Ashburn sa kaniya."Tapos ang tagal mo pang magbukas. Hindi mo ba ako naririnig kanina?" Iritadong tanong ni Kelly. Umiling naman si Ashburn.Bumuntong hininga siya at dali-daling umakyat patungo sa kaniyang

    Huling Na-update : 2022-02-21
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 6

    Naestatwa si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at ilang beses pa siyang napalunok."Ashburn! Your wife's home!" Sigaw ng lalaking may katangkaran at blond ang buhok. Nakangiti ito kay Kelly na parang kilalang kilala niya ito. Kaya kahit nag-aalangan ay napangiti na lang din si Kelly."How's work?" Tanong naman ng isang lalakeng may hawak ng isang beer. Kahit nakaupo siya ay halatang matangkad siya. Agaw pansin ang kaniyang nunal sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata."A-Ah, okay naman po. Sorry, hindi kasi sinabi ni A-Ashburn na may bisita siya," alanganing sagot niya.Napahawak siya nang mahigpit sa kaniyang backpack na inilag

    Huling Na-update : 2022-02-23
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 7

    Matapos ang isang linggo sa trabaho ni Kelly ay dumating ang araw na magiging acting supervisor muna siya habang wala ang kanilang Dining Supervisor. Kaya alas singko pa lang ng umaga ay gising na siya.Habang nasa kusina siya at nagluluto ng kaniyang almusal ay tinawagan niya si Niana."Ang aga aga naman, Kelly," namamaos pang sagot ni Niana sa tawag."Baka nakakalimutan mo, 'te, alas syete tayo ngayon. Kasabay natin ang mga taga-kitchen para maihanda ang menu. Wala tayong kasama ngayon, puro mga backup," paalala niya habang nagpriprito ng itlog.Narinig niya naman sa kabilang linya si Niana na nagbuntong hininga.

    Huling Na-update : 2022-03-01
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 8

    Nakaramdam ng pagkauhaw si Kelly nang madaling araw kaya inayos niya ang kaniyang sarili bago bumaba."Baka mamaya eh nandoon na naman si gurang," sambit niya saka inayos ang kaniyang white na daster.Wala ulit siyang suot na bra ngunit naka-nipple tape na siya para hindi masyadong nakakahiya.Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan dahil mahaba ito at walang ilaw sa hagdanan. Tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob.Nang makarating siya sa kusina ay kinapa niya ang switch ng ilaw doon at saka binuksan.A

    Huling Na-update : 2022-03-02
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 9

    Habang tinitignan ni Kelly ang kaniyang mukha sa maliit niyang salamin ay bigla siyang inakbayan ni Niana na kadarating pa lang."Kumusta ang day off mo?" Tanong ni Niana saka binitawan si Kelly at binuksan ang kaniyang locker.Napalingon pa muna si Kelly sa kaniya."Maayos naman. Ikaw? Natulog ka na naman siguro maghapon," wika ni Kelly.Lumabi naman si Niana sa kaniya."Ano pa nga ba? Nag-beauty rest ako syempre."Natawa naman si Kelly sa kaniya.

    Huling Na-update : 2022-03-03
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 10

    Kinaumagahan ay maagang nagluto ng almusal si Kelly, at saktong kakagising lang ni Ashburn nang patapos na siya.Agad namang naupo si Ashburn sa dining area matapos siyang magtimpla ng kaniyang kape.Kumuha ng dalawang plato si Kelly at inilapag ang isa sa harapan ni Ashburn, saka nilagyan ng spoon and fork.Hindi na lang siya nagsalita dahil naaalala niya ang sinabi ng kaniyang asawa kagabi at baka mawalan pa siya ng pasensya sa pagiging isip-bata ni Kelly.Sabay silang kumain at walang nagsasalita sa kanilang dalawa.Napabalikwas si Kelly

    Huling Na-update : 2022-03-04
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 11

    "Paano ka uuwi niyan? Wala pa namang traysikel," tanong ni Niana habang nakahawak sa braso ni Kelly.Si Kelly naman ay nakakuyom na ang dalawang kamay at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kabilang kalsada na pinagparadahan kanina ni Ashburn."Bwisit talaga 'yon eh! Maglalakad na lang ako," sagot ni Kelly."Baka naman may nasabi ka sa kaniya kanina kaya ka iniwan?" Sambit ni Niana. Napalingon lang siya kay Niana ngunit hindi siya sumagot.Biglang may mabilis na sasakyan ang pumarada sa kanilang harapan at saka sila napatingin doon."Oh,

    Huling Na-update : 2022-03-05
  • Rewrite Our Destiny   Chapter 12

    "Excuse me? May order ako," pag-uulit ni Ashburn.Bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso."Kelly, he's calling you," sambit naman ni Kiel. Bumalik sa reyalidad si Kelly at saka lumapit kay Ashburn.Inilabas niya ang ballpen at order pad niya sa humarap kay Ashburn."W-What's your order, Sir?" Tanong ni Kelly habang pinipigilan ang panginginig ng kaniyang kamay dahil iniisip niya pa rin ang tanong ni Kiel sa kaniya.Umorder naman si Ashburn ng kape."Bawa

    Huling Na-update : 2022-03-06

Pinakabagong kabanata

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 48

    Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 47

    "A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 46

    Hindi nakaimik si Kelly at naramdamang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kaliwang mata.Bigla siyang humarap sa kaniyang asawa na ikinagulat naman ni Ashburn. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya kitang-kita ni Ashburn ang pagluha ni Kelly. Sinamaan ni Kelly ng tingin ang kaniyang asawa."A-Alam mo, mahilig kang umiwas sa mga bagay ano? Kapag alam mong may nasasaktan ka na ay tatalikod ka na agad. Ang pamilya mo ang may gustong ikasal tayo, tapos ngayong nahihirapan ka na sa'kin, bibitaw ka na agad? Napakatalino mo pero wala kang paninindigan," sambit niya saka tumalikod ulit at nagpigil ng iyak ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha."I'm always hurting you," mahinang wika ni Ashburn at niyakap si Kelly sa kaniyang likuran. Patuloy naman siya sa pagpahid ng kaniyang luha.‘Kaya ka bumibitaw dahil hindi mo alam kung paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.’Alam niyang hindi pa siya handa para iwan ng kaniyang asawa.Kinabukasan, tahi

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 45

    Nang maibaba ni Kelly ang tawag ay natulala siya at biglang namawis ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks."Ano, 'te, okay na?" Tanong ni Niana at saka lumapit sa kaniya."S-Sasakay na lang ako ng traysikel pauwi. B-Busy raw kasi si Ashburn eh," pagpapalusot niya. Tumango tango naman si Niana.Iniabot naman niya ang cellphone niya kay Niana."Ipasa mo na lang 'yong mga pictures mo," sambit niy. Ngumuso naman si Niana."Ano ba 'yan, mas magaling kang mag-edit kaysa sa'kin eh," wika naman niya saka kinuha ang cellphone ni Kelly.Napakunot naman ng noo si Kelly at inalala kung may iba pa bang babaeng binabanggit si Ashburn. Napailing na lang siya nang wala siyang maalala.Nang makauwi siya ay hindi pa rin siya mapakali at tinawagan ulit ang kaniyang asawa habang naghihintay siya sa sala.Napakagat siya sa kaniyang labi nang hindi pa rin sumasagot si Ashburn sa kaniyang mga tawag.Napaupo siya sa sofa at nanlumo nang hindi man lang niya nakausap ang ka

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 44

    Kinabukasan ay maagang nagising si Kelly ngunit wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa.Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka tumagilid at humarap sa puwesto ni Ashburn kagabi.Mas lalo siyang naguluhan sa iniasta ni Ashburn kagabi."Mas marupok pa yata ako sa kahoy," wika niya saka hinaplos ang higaan kung saan nakapuwesto ang kaniyang asawa kagabi.Napatingin muna siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Naalala niyang mag-seserve sila nang alas syete ng umaga tuwing weekend kaya nag-inat siya at lumabas na sa kaniyang kuwarto.

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 43

    Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang ilang segundo na ay hindi pa sumagot ang kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lang siya at umiwas ng tingin."I don't have any plans para balikan siya," sagot ni Ashburn.Natawa naman si Kelly saka siya napailing. Nakatingin lang sa kaniya ang asawa at tumayo ito saglit upang kumuha ng maiinom nila.Nang mailapag niya ang tubig ni Kelly sa harapan nito ay bumaling si Kelly sa kaniya."How well do you know your ex?" Tanong niya.

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 42

    Nagmadaling lumapit ang isang server na lalake kina Niana nang makita nitong natumba si Kelly."Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito kay Niana."May lagnat kasi siya. Ayaw niyang umuwi," kabadong sagot ni Niana habang hawak ang nakahandusay na katawan ni Kelly. Hindi naman siya mapakali habang nakahawak sa kaniyang kaibigan.Nagsilapitan naman ang ibang mga servers ngunit nang mapansin nilang tumitingin din ang mga guests ay pinakalma muna nila ang mga ito at sinabing ayos lang si Kelly.Bubuhatin na sana ng server si Kelly ngunit may tumakbong lalakeng nakaitim at naka-facemask papalapit sa kanila.

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 41

    Napatigil si Kelly sa kaniyang nakita at napasulyap sa kaniyang asawa na seryoso lamang sa kaniyang upuan habang abala sa pagkain.Nanlabo ang kaniyang paningin, ngunit bago pa siya tuluyang matumba ay dahan-dahan na siyang umalis doon habang hawak pa rin ang mga regalo.Bigla siyang napaupo sa sahig nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nag-uunahang pumatak ang kaniyang mga luha.Pinunasan niya ang kaniyang basa nang mukha ngunit hindi tumigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Napatungo na lang siya sa kaniyang tuhhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak."Bakit s-sa'yo pa?" Tanong ni

  • Rewrite Our Destiny   Chapter 40

    Nang makauwi si Kelly ay wala na naman siyang ganang humarap sa kaniyang asawa dahil naiisip na naman niya ang sinabi sa kaniya ni Niana na baka may anak si Belinda at Ashburn.Habang kumakain ay nakatulala siya habang ngumunguya.'Kung sakaling totoo 'yon, at kapag nagkataon na nabuhay ang anak nila ay parang ako pa ang sumira ng kanilang pamilya. Pero kung totoo 'yon, hindi na sana niya ako pinakasalan.'"Good evening!"Napalingon naman si Kelly kay Ashburn nang pumasok ito sa kusina. Napaiwas agad siya ng tingin nang lumalakad na ito papalapit sa kaniya.

DMCA.com Protection Status